3 Renzo Alfonso - War

[TEXT MESSAGES]

Renzo: alam mo ba nawawala Bluetooth earphones ko.

Renzo: Max, gising ka na?

Renzo: babe, ano oras ka babangon?

Renzo: Max, dinidedma mo na naman ako?

Nagtext siya before eight AM. Binasa ko lang pero hindi ko nireplyan.

Renzo: alam mo ba nawawala Bluetooth earphones ko.

Nagtext na naman siya sa akin after thirty minutes. After lunch na ngayon, kaya nag reply na ako. Matagal tagal ko na rin siyang pinaghintay. Gano'n lang naman lagi kapag hindi importante ang mga sinisend niya text.

Makulit si Renzo. Sa sobrang kulit niya, siya na rin ang nagsisimula ng away sa aming dalawa. Maliliit na bagay lang ang pinag-aawayan namin. Una, kung bakit hindi siya pwedeng pumunta sa bahay. Pangalawa, bakit ayaw ko pa siyang ipakilala kay Papa. Pangatlo, bakit ang tagal kong mag reply.

Maxine: share mo lang?

Renzo: share ko pero sayo lang. nasaan ka?

Maxine: nasa Mars. Hindi na ako babalik sa Earth. Ayaw kitang makita.

Renzo: pwede ako pumunta sa inyo?

Maxine: gusto mo masaksak ng tatay ko?

Renzo: pakilala na ako sa kanya. Dala ako ng cake at ng pizza, gusto mo ba ng saging?

Maxine: sira na ba ulo mo, Renzo?

Renzo: bakit kasi hindi pa natin pwede ipaalam na tayo na? bawal ka pa rin ba mag boyfriend? Max, di ka naman na bata. May first kiss ka na. :P

[END OF TEXT MESSAGES]

First kiss siya dyan! Hindi ko nireplyan 'yong text niya. Manigas siya sa paghihintay ng reply ko. Ready na ako para umalis at bumili ng regalo para sa kanya.

Boyfriend ko si Renzo. Nakilala ko siya no'ng college. University Fair noon tapos sinet-up ako ng mga kaklase ko ng blind date sa Econ students. Wala akong kilala sa mga taga Economics Department pero tumuloy pa rin ako.

Ang sabi nila, hindi makakarating 'yong lalaki na nauna nilang pinili. Matapos ang sampung minuto na paghihintay ko kung sisipot ba ang date ko noon, nagpakita si Renzo. Hindi niya pinaalam sa akin na second option lang siya ng deparment niya. Sinabi niya na wala siyang girlfriend kaya walang magagalit kung makikipagkilala siya sa akin.

Kumain lang kaming dalawa noon. Tapos hindi na kami ulit nagkita pagkatapos ng Fair. Siguro mga apat na buwan ang lumipas, sa birthday ng pinsan kong si Dominique, nagkita ulit kami.

May mga kasama siya noon. Nag guest sila para tumugtog. May banda pala sila. Tumutugtog na raw sila sa school, pero hindi ko siya napapansin. Hindi ko na dapat siya makakausap pero nakita niya ako, nilapitan, at nakipagkilala ulit. Doon nagsimula ang lahat. Doon kami nag exchange numbers. Lagi siyang nagtetext, nangungulit, at tumatawag. Sinasama niya ako kapag may mga live performance sila.

Schoolmates kami kaya hindi naging mahirap ang pagkikita namin sa university. Hindi siya nanligaw kahit isang taon na kaming magkakilala. Nakakasama siya sa amin kung minsan kapag may vacant ako, pero hindi ako sumasama sa mga kaibigan niya. Lahat kasi sila lalaki, ang kilala ko lang si Enzo, 'yong manliligaw ni Dominique. Pero hindi klaro sa kanila kung ano ang namamagitan sa amin ni Renzo.

Nanligaw si Renzo after two years na magkakilala kami. Ito 'yong matatawag ko na seryosong panliligaw kasi hindi na siya nakikipagkita sa ibang babae. Wala na rin siyang dini-date mula sa ibang department. Simple lang naman kung paano kami nauwi sa pagiging magkaibigan hanggang sa ligawan. Tinanong niya ako pagkatapos nilang tumugtog. Sinabi niya na kung may balak ba siyang lagpasan 'yong pagkakaibigan namin, papayag daw ba ako. Hindi na raw niya kasi ako nakikita na tropa lang, kasama sa pagkain sa labas, niyayaya na manood ng sine. Iba na raw 'yong nararamdaman niya.

Sumugal ako kahit hindi pa dapat. Sinubukan ko kahit bawal akong magkaroon ng boyfriend. Graduting kami sa college no'ng sinagot ko si Renzo. Dalawang taon na rin 'yong relasyon namin na hindi pa rin alam ng tatay ko.

Kilala ako ng mga magulang at kapatid niya. Lagi niya akong iniimbita sa kanila kapag may okasyon. Siya ang hindi ko maisama sa bahay at maipakilala kay Papa. Wala akong nanay na ipapakilala kay Renzo, hindi ko rin kasi kilala kung sino ang nanay ko.

Strict si Papa pagdating sa pakikipag relasyon. Para sa kanya kasi, sa edad ko na 'to hindi pa seryoso ang mga lalaki. Iiwan lang daw nila kaming mga babae kapag nakuha na 'yong gusto nila sa amin. Kailangan ko raw siyang paniwalaan dahil pare-pareho lang silang mag-isip.

Pero sa palagay ko hindi gano'n ang totoong rason ni Papa kaya pinagbabawalan niya akong pumasok sa isang relasyon. Takot siya na mangyari sa akin ang nangyari sa kanya. Takot siya na umuwi akong umiiyak dahil iniwan din ako gaya niya.

"Oh, saan ang punta mo at nakabihis ka?" tanong ni Papa.

"Pa, may bibilhin lang ako sa mall. Babalik po ako siguro bago mag alas singko para sumimba kasama niyo."

Tuwing Sabado ang araw ng pagsimba namin. May ilang oras pa ako para bumili ng regalo at bumalik ng tama sa oras.

"Hindi mo isasama si Marcus?"

"May ginagawa raw si Kuya. Bibilhan ko na lang siya ng pasalubong."

Kumukuha ng pera si Papa sa wallet, tiningnan niya ako nang mabuti bago iabot sa akin ang isang libong piso. "May bibilhin o makikipag date?"

"Pa naman! Tamang hinala ka dyan."

"May karapatan akong maghinala, Maxine."

"May bibilhin nga lang po ako."

"Oh siya, sige. Umalis ka na at baka abutan ka pa nang malakas na ulan. Mag-ingat ha."

Lumabas ako ng bahay na nag riring ang phone. Tumatawag ang makulit na nilalang na si Renzo.

"Ano kailangan mo?"

"Pwede tayong magkita ngayon?"

"Nahanap mo ba 'yong Bluetooth earphones mo?"

"Hindi pa nga. Baka naiwan ko sa bahay ni Joaquin nung isang araw."

"Okay," sabi ko. "Hindi ako pwedeng lumabas ngayon. May gagawin ako."

Narinig ko na nagbuntong hininga siya. "Wala pa naman kaming band practice ngayon. Sayang, nakaligo na ako."

"Hindi 'yan sayang, mabango ka na."

"Samahan na lang kita," pagpilit niya.

"Hindi pwede, Renzo. Bawal ka ro'n."

"Ano ba 'yan. Kanino ka makikipagkita?"

"Sa lalaki ko. Okay na?"

"Okay, tawag na lang ako sa'yo mamaya. Ingat, Max."

"Kahit 'wag ka na tumawag. Okay lang, Renzo."

Tinawanan niya lang ang sinabi ko. Iniinis ko siya, hindi naman siya naaasar. Kapag ako ang naiinis sa kanya, lahat kaya niyang gawin para mabwiset ang araw ko.

Ganito kaming mag-usap. Hindi kami sweet sa isa't-isa. Hindi nga ako nagsasabi ng 'I love you', 'kumain ka na ba?', 'miss na miss na kita'. Walang maririnig si Renzo na ganyan mula sa akin. Renzo nga lang ang tawag ko sa kanya. Kung minsan kapag hindi niya ako tinatawag na Maxine o Max, maririnig mo sa bibig niya 'yong salitang 'babe'. Gano'n ang pangalan ko sa phone niya.

Naalibadbadran ako. Para akong naging baboy. Babe, yuck.

Hindi na nga ako kagandahan, ang arte ko pa, 'di ba? Walang magagawa si Renzo, ako pinili niya.

Papunta ako ngayon sa bilihan ng musical instruments. Matagal ko 'tong pinag-ipunan. Malapit na siyang maka-graduate sa Master's Degree na kinukuha niya. Kahit kasi ganyan kaloka si Renzo, seryoso siyang mag-aral. After ng Bachelor's Degree, nag take agad siya ng panibagong course para sa Master's naman. Kung wala siyang banda, baka sa abroad pa siya nag-aral dahil may nag offer ng scholarship sa kanya.

At dahil malapit na ang graduation niya, reregaluhan ko siya ng bagong gitara. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Nakikita ko lang sa band practice nila 'yong mga gitara na ginagamit niya. Ang sabi nila Joaquin, bass guitar ang gusto ni Renzo. Pero nandito ako sa bilihan ng acoustic guitar. Marunong din naman siyang tumugtog ng kahit anong gitara, ang sa akin lang ay pareho parehong gitara lang 'yon.

"Miss, kunin niyo po ba 'to?" tanong ng sales lady sa akin.

"Pwede 'yong puti?"

"I-check ko lang po kung meron kaming stock."

Naghintay ako.

Puti lahat ng ginagamit niyang gitara. Puti 'yong bass at electric guitar niya, kaya nag desisyon ako na puting acoustic guitar na rin ang bilhin para sa kanya. Hindi ako sigurado kung magugustuhan 'to ni Renzo, pero bibilhin ko pa rin.

Nabili ko 'yong gitara at nag request na kung pwede ipa-deliver sa address nina Renzo. Next Saturday 'yong graduation niya pero hindi kami magkikita dahil birthday ni Papa. May pina-reserve raw siyang resort sa Batangas kaya Friday night ay pupunta na kami roon. Nasabi ko na rin sa kanya 'yon, kaya naman Thursday pa lang ay magkikita na kami.

Binilhan ko na rin siya ng Bluetooth earphones. Sigurado akong hindi na niya mahahanap 'yong nawawalang earphones, tatlong beses na niyang sinasabi na nakakaiwan siya ng earphones kina Joaquin pero hindi naman niya nakukuha muli. Pinag-isa ko na lang 'yong package at ni-request na kung pwede mai-deliver agad o bukas.

Sinamahan ko na rin ng note na 'Congratulations, Renzo Alfonso!'

Nakakaproud ang lahat ng achievements niya. Hindi ako magsasawa na sumuporta sa kanya.

Umuwi ako ng mas maaga sa nasabing oras. Pwede pa ako makapagpahinga bago kami sumimba.

"Nasaan pinamili mo?" tanong ni Papa sa akin. Tinabihan niya ako sa upuan, nandito kami sa sala.

Nakita ko si Marcus na lumabas galing sa kwarto niya. Tiningnan niya ako saglit tapos nag derecho sa kusina.

"May tiningnan lang ako, Pa. Baka sa susunod ko na lang bilhin," palusot ko.

"Kulang pera mo? Sana nagsabi ka."

"Ay, hindi naman. Sa susunod na lang po talaga," sabi ko.

Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na may text si Marcus sa akin. Tingnan mo 'tong si Kuya, magkalapit na kami sa isa't isa tinext pa rin ako.

"Pa, puntahan ko lang si Kuya Marcus."

"Ay, oo. Kanina ka pa hinahanap niyan sa akin."

Naabutan ko siyang kumakain sa kusina. Malamig na pagkain ang nasa mesa.

"Ba't 'di mo initin 'yan?"

"Nagtext si Renzo, gusto niyang pumunta ngayon dito."

Tinabihan ko siya sa lamesa. Sinubukan ko rin tikman 'yong malamig na pasta.

"Bakit daw?"

"Gusto niya lang."

"Ano sabi mo?"

"I-text ka."

Sinilip ko kung may text galing kay Renzo, wala naman. "Hindi 'yon pupunta. Takot na lang nun kay Papa."

Kumakain si Marcus nang tingnan niya ako. "Ikaw lang naman 'yong takot kay Papa. Hindi magagalit 'yon kung ipapakilala mo si Renzo."

Nakilala ni Marcus si Renzo sa school. Pinuntahan niya ako para dalhin 'yong naiwan kong mga papel sa defense namin. Naabutan niya na kasama ko si Renzo sa may cafeteria, lunch time noon. Dalawa lang kami sa table, tinabihan ako ni Marcus, tapos tinanong niya si Renzo kung boyfriend ko ba siya.

Hindi ko rin alam sa kapatid ko kung bakit gano'n agad ang naisip niya. Itong si pabibong Renzo, sumagot naman ng oo. Mula noon wala nang sinabi si Marcus sa akin, hindi niya sinabi na magsusumbong siya kay Papa. Wala rin akong narinig na ayaw niya kay Renzo o kung galit siya sa akin. Naging magkaibigan silang dalawa pagkatapos ng araw ng 'yon.

"Tingin mo hindi nga siya magagalit?"

"Walang mangyayari kung 'di mo susubukan. Hindi ko alam mararamdaman ni Papa kapag pinatagal mo pa 'yan."

"Okay," sagot ko kahit wala akong naisip na ideya. Hindi ko pa rin sigurado kung papupuntahin ko ba siya sa bahay.

"Okay saan?"

"Wala. Gusto ko lang magsabi ng okay. Akyat lang ako sa kwarto."

Natapos ang araw na 'yon na hindi nagparamdam si Renzo sa akin. Nakapagsimba na kami at nakabalik sa bahay pero wala siyang text o tawag. Hindi ko rin alam kung natanggap na ba niya 'yong regalo ko. Nakarating kaya sa bahay nila?

Nakahiga pa rin ako sa kama. Anong oras ba dapat ako bumangon para pumasok sa trabaho? Linggo nga pala ngayon. Hindi ko pa sinisilip kung may mga text at tawag ba ako na hindi nasagot kagabi hanggang kaninang umaga.

May kumatok sa pinto ng kwarto. "Bakit?" tanong ko. Pumasok si Marcus.

"Wala ka bang balak bumangon para maligo?"

"Mamaya na siguro. May pupuntahan ba tayo?"

Umiling siya. "May bisita ka sa baba."

Nanlaki 'yong mata ko sa narinig. Bumangon kaagad ako. "Sino? Si Dominique ba?"

"Tingnan mo na lang. Nando'n pa naman sa gate, 'di pa nakikita ni Papa. May ilang minuto ka pa para ipagtabuyan siya."

"Shit," sambit ko. Mukhang kilala ko na kung sino ang maagang bisita ko.

Dali-dali akong bumaba sa kwarto. Wala akong nakita na Papa sa sala ko sa kusina, maging sa paglabas ko. Nakalimutan ko na rin na magsuklay.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko agad kay Renzo nang pagbuksan ko siya ng gate.

Ang aga niya para mambulabog. Ang aga niyang naka-porma sa araw ng Linggo. Sinalubong niya ako ng ngiti.

"Good morning, Max," bati niya.

"Bakit ka nga nandito?"

"Gusto ko lang mag thank you," sagot niya.

"Para saan?"

"Dumating kagabi 'yong regalo mo. Bakit pati Bluetooth earphones binilhan mo ako?"

"Wala akong regalo sa'yo, assuming ka."

"Talaga? Sino pala si Maxine Gonzales? Pangalan mo 'yong nakalagay sa sender. Kinilig ako, Max."

Ngiting-ngiti naman siya ngayon sa tuwa. "Last na 'yon. Graduation, birthday pati Christmas gift ko na sa'yo."

"Okay. May anniversary gift pa naman. Willing to wait ako."

"Sira ka. Umuwi ka na kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan."

Nakatayo pa rin siya sa labas ng bahay namin. Napansin ko rin na naka-park sa gilid 'yong sasakyan niya. "Renzo, mag-usap tayo pero hindi ngayon. Hindi ko nasabihan si Papa na may darating akong bisita. Mas hindi ko sinabi na boyfriend ko 'yong darating."

"Edi ako na magsasabi sa kanya. Nandyan ba si Tito?"

Tumango ako.

"Maxine, may bisita ka raw sabi ni Marcus. Bakit hindi mo papasukin?"

Narinig ko na ang boses ni Papa, mukhang naglalakad siya papalapit sa amin. Nang makarating si Papa sa tapat ng gate, nakita ko ang hawak niyang walis tambo.

"Oh, sino 'yang kausap mo?" tanong niya. Hindi naman masama ang pinta ng mukha niya. Kinikilatis niya lang si Renzo.

"Bisita ko, Pa."

Nakangiting bumati si Renzo sa kanya. Nilapitan siya ni Papa, may hawak pa rin na tambo sa isang kamay.

"Sino ka at bakit ka nandito?" tanong niya kay Renzo. Hindi ko lang nagustuhan 'yong tono ng pananalita niya. Para siyang pulis na handing arestuhin si Renzo.

Nagkatinginan kami bago siya makasagot. "Renzo Alfonso Tan po, tito. Boyfriend ni Maxine."

Gusto ko na agad maglaho sa harap ni Papa. Kung pwede lang na huwag na muna akong huminga at makarinig, nagawa ko na. Naghihintay din si Renzo sa sagot ni Papa. Hawak niya lang 'yong tambo, nakatingin sa kamay ni Renzo na naghihintay na kunin ni Papa para makipagkamay siya rito.

"Boyfriend ni Maxine?" tanong ulit ni Papa.

"Yes, Sir. Boyfriend po ni Maxine."

Tiningnan ako ni Papa bago siya makipagkamay kay Renzo. "Alagaan mo 'yang anak ko," sabi niya.

Nagulat ako sa narinig. Hindi ako mapaniwala na gano'n lang ang sasabihin ni Papa.

"Hindi niyo po ba ako hahampasin ng walis? Wala po ba kayong kutsilyo na isasaksak sa akin?" tanong ni Renzo sa kanya.

"Aba, sayang ang walis ko kung ihahampas ko sa'yo. Bago ito. At mapurol lahat ng kutsilyo sa kusina namin. Gawan mo nga ng paraan kung marunong ka."

"Bigyan ko na lang po siguro kayo. Kailan po ba birthday niyo?"

Tiningnan ako saglit ni Papa, ngumiti ako sa kanya. "Nagkakape ka ba? Pumasok tayo sa loob at mag kwentuhan," tanong niya kay Renzo bago maunang pumasok sa bahay.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Akala ko nakakatakot Papa mo. Bakit parang paborito niya na agad ako?"

"Wow ha. Isa ka lang naman na boyfriend ko."

"Hindi siya nagalit?"

"Parang hindi naman."

"Ibig sabihin ba nito, okay na tayo? Legal na tayo sa Papa mo? Pwede na akong pumunta sa inyo kapag gusto ko? Pwede na kitang ihatid at sundo kapag may oras ako?"

Bakas sa mukha niya ang saya.

"Samahan mo muna siya magkape para malaman mo."

Pinigilan ako ni Renzo na bumalik sa bahay. "Teka, tulungan mo muna ako."

"Ano gagawin ko?"

"Pinagdala kasi ako ni Daddy ng pandesal. Tapos si Mama naman pinagbake ka ng blueberry cake. Sabi ko kasi aakyat ako ng ligaw sa Papa mo."

"Sira ka. Buti 'di mo naisip dalhin kusina niya rito sa bahay."

"Kinabahan kaya ako sa Papa mo. Akala ko katapusan ko na."

Nagtawanan kaming dalawa. Tinulungan ko siya na dalhin sa bahay 'yong mga boxes ng sweet goods at pandesal na bigay ng daddy niya. Pati si Papa nagulat nang makakita ng pandesal sa lamesa.

"Hindi mo na ako aawayin ngayon ah. Wala ka ng dahilan para 'di ako papuntahin dito sa inyo. Nakakuha na ako ng gate pass."

"Saya mo dyan ah. Pamilya ka?" pang-aasar ko sa kanya.

Nagbubulungan kami sa isang sulok habang tinutulungan niya akong maghain sa kusina.

"Maxine Gonzales Tan, pwede na, 'no? Gandang pakinggan. Gawan kaya kita ng kanta?"

"Tigilan mo 'ko, Renzo. Hindi ka marunong magsulat ng kanta."

"Edi mag ta-try ako para sa'yo."

"Oy, mamaya na kayo maglambingan. Lalamig na raw ang kape sabi ni Papa."

Sumingit si Kuya Marcus sa usapan na may bitbit na mga kutsara. Nagtinginan kami ni Renzo tapos sumunod na rin sa kanya.

Isang gitara na regalo para sa graduation ni Renzo.

Isang approval galing sa Papa ko,

Ito ang kwento na mayroon ako.

~

avataravatar
Next chapter