6 Chapter 6

a waiting day ...

HER BIRTHDAY.

Umaga palang andun na ako sa bahay nila. Araw ng linggo at syempre yong pinakahihintay kong araw. Her birthday. sasamahan ko si Tito Anton sa grocery for her birthday.

Sa Mall

VEGATABLES AND FRUIT SECTION.

"Tito ito po." suhestyon ko sa kanya. Inabot ko sa kanya ang isang bundle ng peckles.

"Thanks, "Thank you pala. I owe you a lot, thank you for taking care of my daughter.And being nice to her."

" Wala po yon Tito, sa katunayan ako ang magpapasalamat sa kanya dahil sa kanya, ganito ako ngayon, maraming bagay akong natutunan sa kanya.At labis na ipinagsalamat ko yon, ang laki na ng pinagbago ko simula ng makilala ko siya." masayang sambit ko sa kanya.

Minasdan ko siya.Napabuntung hininga lamang ito .Alam kong mabigat para sa kanya. At higit na masasaktan siya.

Atiya's House

"Wow,ang dami naman nitong hinanda niyo." Bungad ni Atiya,sa hapagkainan.

"Happy Birthday anak" maluhang luha na bati ni Anton sa anak sabay yakap.

" Thank you so much dad for everything,for making me happy " umiiyak na sambit niya.

Saglit binalingan ako at si mommy. Lumapit siya sa akin. At niyakap niya ako.

"Thank you for everything, for making my day special.I never forget this day. Sana wag mo rin kalimutan  ang araw na ito.Ito na ang pinakamasayang birthday ko at nakilala  kita.Thank you so much Dale" bulong nito sa akin habang kayakap niya ako. Napalunok ako, ayaw kong yung mga pinagsasabi niya na parang nagpapaalam.

"Sshh... Don't say that. I owe you a lot, ng dahil sayo nakilala ko ang sarili ko. Ano ka ba, it's your birthday dapat masaya tayo hindi yung nag iiyakan tayo na parang nagpapa  alam ka na" .. Napaluha ako sa huli kong sinabi. Ayoko na parang nagpapaalam siya.

Tumatawa siya ng pilit. Nagpasalamat at nag thank you rin siya kay mommy.Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang saya niya. Pinagsaluhan namin ang mga hinanda namin para sa kanya. Pagkatapos naming kumain. Umupo kaming lahat sa sala. As usual kwentuhan at tawanan.Maya maya napansin kong wala na siya sa tabi ko. Nakita ko siya sa veranda na nakaupo .Saglit akong nagpaalam kina mommy at Tito Anthon at pinuntahan ko siya.

" Okey ka lang ba.?" pukaw ko sa kanya na malalim ang iniisip habang nakatanaw sa malayo.

" Yup" masigla niyang sabi pero iba ang nababasa ko sa mga mata niya. Na parang iiyak.

I smiled and gently hug her.

"Malulungkot ka rin ba pag nawala na ako?" tanong sa akin habang kayakap ko siya. Nabigla  ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon, pinahalata.

"Of course naman,alam mo naman everyday tayong magkasama, mamimis  kita sobra. " madamdaming sabi ko. Pilit kong ngumiti sa kanya.

"Basta you promise me, pag wala na ako, lagi mong dadalawin ang puntod ko ha. Kasi gusto ko tuwing birthday ko masaya ako, at hindi ko yun magagawa pag wala ka at hindi kita kasama " at humarap ito sa akin. Kinakilabutan ako sa mga pinagsasabi niya.

"Ano ba, wag mo ngang sabihin yan" tanging nasabi ko nalang.

She smiled. "Promise me"

" Yes, pangako lagi kitang dadalawin. "

Yumakap ulit sa akin wariy nagpapalambing " I love you Dale" maya maya na sabi nito. Naramdaman ko ang init sa dibdib ko, umiiyak ba ito.

Hinawakan   ko ang balikat niya at iniharap sa akin ang mukhang niya. Umiiyak nga ito.

" T thank you Atiya, alam mo namang ikaw ang bestfriend ko, Mahal din kita." Hindi ko mawari pero kinakabahan ako.

Napangiti siya ng sobrang saya na humarap sa akin. Na parang wala ng bukas ang mga ngiti niya.Hindi ko ring maiwasang napangiti.

"Silly!" Sabi ko sa kanya at nagtawanan kami pareho.

Bigla siyang napatahimik, " Hmm,.. Medyo inaantok ako, pwede dito ka muna.Samahan mo ako"

"Oo naman" . Sagot ko.

Sumandal siya sa dibdib ko, at pumikit. Nakatanaw ako sa malayo ng bigla itong nagsalita, " Please... Tell dad.. That I love him very much, and Thank you to let me live in this world." Sabi nito habang nakapikit.

Hindi ko namalayan tumutulo na ang luha ko. Natatakot ako.Halos dumurog ang puso ko sa mga pinagsasabi niya.

" Of course, I will tell" hinalikan ko siya sa noo.

" Thanks" mahinang sabi nito.

Hindi ko alam kung  ilang   minuto kami doon. Naramdaman kong nangawit na ako.At palalim na ang gabi. Bahagyan ko siya tinapik.

" Atiya... wake up.." Mahinang sabi habang inaayos  ang  pagkaupo ko. Naramdaman kong hindi siya sumasagot.

Kaya tinapik ko ang balikat niya. " Shh... Wake up..."

Biglang nahulog ang kamay niya at hinawakan  ko ito. May kung anung bara sa lalamunan ko at napalunok ako. Kusang  nagsilabasan ang mga luha sa mga mata ko.Walang boses ang lumalabas sa lalamunan ko ng gusto kung sumigaw.

Napaiyak na ako. Wala na siya.....

"Atiya, wake up don't leave me please, you're being unfair " malakas na sabi ko habang niyuyugyog siya. Dahilan naman at lumapit sakin sina mommy at Tito Anthon.Hindi na sila nagsalita, binuhat ni Tito Anthon si Atiya papasok  habang tumutulo ang luha nito.

Niyakap ako ni mom, napahagulgol ako Hindi rin niya maiwasang napaluha sa nakita niya.

"Calm down, Dale, Tara na at pumasok na tayo."inakay ako ni mom at sumunod sa kwarto ni Atiya kung saan doon  dinala ni Tito Anthon si Atiya.Nakita kong tahimik na napaluha si Tito Anthon habang yakap yakap ang katawan ni Atiya.

avataravatar
Next chapter