4 Chapter 4

Kinaumagahan sa school.Hindi siya pumasok. Labis akong nag alala. Nang hindi ko na matiis ,tinawagan ko siya. Ama niya ang sumagot, isinugod siya sa hospital. Dali dali akong nagligpit ng gamit ko pauwi hindi ko na hinintay ang last period ko.Mabilis akong pumunta ng hospital, labis ng kaba ang aking mararamdaman.

 Nadatnan ko siyang nakahiga. Napabuntong -hinga ako.Atlast okey siya,!! ngumiti siya sa akin

" Okey ka lang ba?" tanung niya, imbis na ako ang magtanong sa kanya." Yeah! Ikaw?" tumango ito habang nakangiti sa akin.

May pumasok na doctor. Hinarap ito ng ama niya. Lumingon ako. Laking gulat ko ang mommy ko.

" Mom!" tawag ko sa kanya."

Oh! Hijo ba't nandito ka? gulat niya.

Dinalaw mo si Miss Gomez" tanong nito sa akin.

Tumango lamang ako.

Labis akong natuwa, dahil mommy ko ang doctor niya.

"Oh, sige, magkita nalang tayo sa bahay" sambit niya. Tumingin ito sa ama ni Atiya.

" Anton, sa labas nalang tayo mag usap"sabi nito sabay tingin sa aming dalawa .

Tumango si Anton.

Nahiwagaan ako, bakit hindi pormal magsalita ang mommy nito sa kliyente niya. Bumaling ako kay Atiya.

"Okey ka lang ba?" tanong ko ulit.

"Yup, wag kang mag alala," sabi nito na pilit inaabot ang bibliya sa kabilang mesa. Kinuha ko ito at inabot sa kanya.

"Mom, mo pala si Doctora Jane?, " natatawang sabi nito. 

"Yeah, single parents si mom,kaya pag magkasama  kami hindi halatang anak niya ako."

"Yeah, mukhang dalaga pa siya, at mabait… matagal ko na siyang doctor, simula pa nong elementary pa ako," kwento nito sa akin.

" Hindi ko alam yon ah, pag sa bahay kasi, pangbahay lang talaga ang gawain niya, kaya wala akong alam sa trabaho niya." 

Ngumiti ito.

"Gusto ko ng matulog, dito ka lang ha," wika nito sakin at tuluyan na itong pumikit. 

Ilang minuto akong nakatitig sa mukha niya, kahit natutulog siya nakikita ko sa mukha niya na nahihirapn siya.Bigla kong hinaplos ang kanyang buhok para agad siyang makatulog ngunit bigla niyang hinawakan ang  kamay ko.

"Don't! makakalbo ako niyan sa ginagawa mo." Nakangiting wika nito habang pumipikit.

Tumingin ako sa buhok niya, ngayon ko lang napansin na  maninipis na pala ito, at lumalagas. Natigilan ako, hinawakan niya kamay ko.Maya-maya pumikit narin ako. At unti unti na akong nakatulog.

avataravatar
Next chapter