2 Chapter 2

Araw ng linggo,

 Pumunta ako ng church sa isang village kung saan ako nakatira.Bagong lipat kami doon dahil sa kagustuhan ni Mommy, isang siya doktora na espesyalita sa dugo (hemologist),malapit lang dito sa village na ito ang hospital na kanyang pinagtatrabahuhan kaya dito naming napiling  manirahan. Hindi ko alam nainganyo rin akong magsimba na dati hindi ko ginagawa.Nakita ko si Atiya sa  sa unahan. Mataimtim itong nanalangin.Bigla akong nalungkot dahil wala man lang nakaintindi sa kanya, sa eskwelahan pinagtatawan siya ng marami dahil sa sobrang relihiyosa niya. Pagkatapos ng misa hinabol ko siya sa labas.

 " Hi!" bati ko sa kanya na hinihingal ako.

" Dale , ikaw pala dito ka rin ba nakatira.?" Tanung niya sa akin. 

"Yeah, kakalipat lang namin ng mom ko dito, 2 months ago."sambit ko dahil.

Patuloy kami sa paglalakad, nayani ang kahimikan sa pagitan namin. Saglit siyang huminto, huminto rin ako

" Hanggang dito lang ako." Sabi niya.

Tumigin ako sa paligid bahay na pala. Ilang bahay lang ang pagitan nito sa amin. Tumingin ako sa unahan, limang bahay lang ang pagitan nito

." Ganun ba,? Sige magkita nalang tayo sa school bukas.' Pahayag ko.

"Sige, mag ingat ka." Sabi niya, 

"Bye" sabi ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Lumingon ako, nakita ko siyang papasok na sa malaking bahay.

" Sino yon?" salubong ni Anton kay Atiya."

Nagmano ito bago sumagot." Bagong kaklase ko po.Bagong lipat sa village na ito. Ikinulong ni Anton ang palad nito sa pisngi ni Atiya at mataman na tinititigan.

"Anak hindi mo na kailangan ng kaibigan, nahihirapan ka lang." pag alalang wika ng ama.

"I know dad" yumakap si Atiya sa ama.

Hindi niya maiwasang pigilang ang kanyang luha. Nahihirapan na rin siya, ilang araw lang ang buhay nito. Pero hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa harap ng kanyang ama, dahil alam niyang higit na masasaktan ang kanyang ama. Sa loob ng maraming taon, dalawa lang sila ng ama nito namuhay, hindi niya ginagisnan ang kanyang ina,namatay itong habang pinanganak siya. Tapos ngayon, mawawala rin siya. Naawa siya sa ama nito buong buhay nito ibinubuhos ang atensyon nito sa kanya. Pero kalaunan tinanggap rin niyang mawawala na siya, kaya itingil na niya ang paggagamot at chemotheraphy. May cancer siya sa dugo. Leukemia. May taning na ang buhay niya. Mahigpit niyang niyakap ang ama nito.

avataravatar
Next chapter