1 Chapter 1 ***inspired by a walk to remember movie***

SHORT STORY

After 5 years!!!

June 30, ito ang araw na hindi ko makalimutan sa tanang buhay ko, kahit gaano man ako ka busy. Walang palyang dalaw sa puntod ng aking matalik na kaibigan,kahit sa ikling sandali naming pinagsamahan ay hinding- hindi ko siya nakakalimutan,dahil sa kanya natutunan kong ituwid ang aking landas, naging malaking puwang sa buhay ko ang pagwala niya. Hindi ko maiwasang malungkot o maalala ang aming pinagsamahan habang ako'y nakatitig sa kanyang puntod.May hapding bumabalot sa aking puso.Napapikit ako habang sinasariwa ko ang aming pinagsamahan.

Ilang taon na ang nakakalipas...

OUR LADY OF FATIMA SCHOOL.Bagong transfer ako sa paaralang ito. First day of school. Hindi ko alam ang mararamdamn ko,na eexcite na natatakot, na eexcite ako dahil , bagong mundo naman ang mapasukan ko, at natatakot dahil, wala akong kaalam alam, wala man lang kakilala, paano ko sila pakikisamahan.Ito ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan habang binabaybay ko ang pasilyo. Hindi ako mahilig makihalubilo sa marami, mas gugustuhin ko pang mapag isa, kaya nasanay na akong mag isa, pero ngayon, naghahanap ako ng makakasama dahil siguro sawa na rin akong mapag isa. Habang naglalakad ako, upang hanapin kong saan ang aking magiging room, nakita ko sa unahan ang isang grupo,nakapabilog ito wari'y nagtatawan, naintriga ako.Nilapitan ko sila at sakto namang nag ring ang bell,hudyat na magsipasukan kami sa aming magiging classroom. Nakita ko ang isang babae,nakayuko, pilit na pinupulot ang mga kalat na pahina ng isang maliit na aklat, tinulungan ko ito, nakita kong punit punit na Bibliya sa sahig,

" Maraming salamat" saad ng babaeng payat na nakayuko, pagkatapos kong inabot sa kanya ang nakakalat na pahina.

" Okey kalang?" may pag alalang tanong ko sa kanya

Tumango lamang ito. At tumalikod.Sinundan ko siya ,dahil papunta na rin ako sa magiging classroom ko . Ngunit bago pa ako nakapasok nauna na siyang pumasok. Labis akong natuwa,magkaklase kami.

Break time.

Naglalakad ako upang maghanap ng mapwestuhan. Nakita ko ang isang bench sa dulo.Andun siya.Abala ito sa pagbabasa ng aklat.Napansin ko ring hindi siya mahilig makihalubilo sa marami.Kaya nilapitan ko ito.

" Hi" bati ko sa kanya. Napukaw ang kanyang pansin, tumingin siya sa akin.

Hello" masiglang bati niya sa akin."

Agad akong umupo sa harap niya.

"Im Dale de Guzman. " pakilala ko.

"I know, nasabi mo na kanina." Nakangiting sabi niya, natawa ako.

" I'm Atiya Gomez" sambit niya.at nagpatuloy ito sa pagbabasa.

Tinititigan ko siya. Napansin kong tahimik siya, lagi itong umiiwas sa marami,wala rin itong kahit na isang kaibigan, sanay rin itong mapag isa.tiningnan ko ang mukha niya. Maputi ito, round face, with big eyes, maganda ang hugis ng ilong nito, lalo na ang labi niya, pero, pag tinitingnan ko ang mata niya, mababasa ko sa mukha nito ang lungkot.

"Anung binabasa mo.? Curious na tanong ko.

Pinakita niya sa akin. Bibliya. Tiningnan ko siya uli na may bahid ng pagtataka. Nagkasalubong ang aming paningin. . Agad siyang nagsalita.

" Yeah, naniniwala ako sa biblya. " Alam kong maraming tao ang hindi makaintindi sa akin, pero okey lang yon." Malungkot na sabi niya.

Hindi naman ako relihiyoso pero may takot parin ako sa Diyos. Napatango nalang ako dahil wala akong masabi,dahil aaminin ko, pati rin ako hindi ko siya naintindihan.

avataravatar
Next chapter