1 Malas na Umaga

'Next time talaga, ayoko na mag-commute.'

Nainis talaga si René (pronounced as ruh-nae).

​Inabutan siya ng rush hour sa Metrorail Transit o MRT.

Sobrang daming tao.

Nagtulakan pa ang mga ito sa pagpasok sa bagon.

​Prinoblema pa niya tuloy paano makakalabas ng cart.

"Excuse me... excuse me..." aniya sa mga nadadaanan dahil malapit na siya sa bababaang istasyon.

​She squeezed herself into the tightest spaces she had seen.

Kailangan niyang makalapit sa pinto pero parang ayaw magsitabi ng mga tao.

"Bahala na.' Aniya nang huminto ang tren at nagbukas ang pinto.

​She was struggling as she walked out.

​Daig pa niya ang isang basketball player na lumusot sa defensive wall ng sandamukal na kalaban na matinding nangguwardiya ng ring.

She stood five feet and seven inches tall and with her high heeled shoes, she was towering over everyone else there.

Dinaan niya sa laki at hinawi sila.

'Ayaw niyong magsitabi ha.'

Napabuntunghininga tuloy siya paglabas.

Tagaktak din ang pawis.

Pinunasan niya iyon at naisipang tumabi muna.

​She wanted to regain her composure.

​Muntik na niyang nabangga ang isang babaeng parating na tumatawa at hindi nakatingin sa dinadaanan.

Napaharap siya dito.

Ito naman ay nakaiwas.

​Kaso biglang may dumakma sa dibdib niya.

​Napatingin siya sa malaking kamay na sigurado siyang mula sa isang lalaki.

It was broad and thick but with long and smooth slender fingers.

And the complexion was darker than hers.

​Napatulala na siya nang napansin saan ito nakalagay.

She felt his warm well developed palm was holding her left breast as if in a cup.

Clasping it.

​Ramdam niya iyon kahit naka-bra sa ilalim ng kanyang puting blusang yari sa seda.

Namula siya dahil sigurado siyang naramdaman din iyon ng lalaki.

Agad nitong inalis at binawi ang kamay nito.

​Nagawa niyang tingnan ang lalaki.

Nagulat siya sa itsura nito.

He looked decent.

Pormal tingnan at tinatantya niyang may taas itong mga anim na talampakan at isang pulgada.

And he could actually be considered quite handsome in his light blue long sleeves shirt and tie.

​'Looks could be deceiving', naisip niya.

​Napatitig din ito sa kanya.

Tumabi dito ang babaeng malanding humalakhak kanina na muntik na niyang makabangga.

Humawak ito sa braso ng lalaki at guilty siyang tiningnan.

'Naghaharutan siguro itong dalawang ito.'

Naisip niyang iyong babae talaga ang gustong abutin ng lalaki pero siya ay nadamay.

​Tiningnan niya ng masama ang dalawa.

Sa sobrang inis niya ay hindi siya nakapagsalita.

Ayaw din niyang makakuha ng atensyon ng mga tao doon.

They were in a public place.

​But she could feel the heat emanating from her face, her heavy breathing and her pounding heart.

Gusto niyang sabunutan ang malanding babae at sampalin ang boyfriend nitong manyakis.

But she was way better than that.

"Sa uli-uli, magkaroon naman kayo ng delikadesa sa mga ganitong lugar."

She deduced the two were in a relationship.

'Why else would they act that way?'

And she also knew she was better than them.

'Mga walang hiya kayo. Mga Bastos! Magkakahiwalay din kayo.'

​ Gusto niyang matawa sa huli niyang naisip kaya agad siyang tumalikod at iniwan na ang dalawa.

Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang mga itong magsalita.

Alam niyang magpapalusot sila.

​'Judgemental ka na naman.'

Suway niya din sa sarili. Dahil maganda at guwapo ang dalawa, malamang walang laman ang mga sasabihin din.

Tipikal na maliit, maputi, sexy at pa-cute ang babae.

All dolled up in her dress, heels and full make up.

Dagdag pa ang colored o highlighted at rebonded na buhok saka red polished nails nito sa mga kamay na humahawak sa luxury bag na dala.

Kumikinang din ang sandamakmak na mga alahas sa katawan.

​'Di siya natakot mag-commute?'

​Samantalang iyong lalaki ay mukhang banidoso.

Makisig.

Malinis tingnan sa brush up nitong buhok.

Deep set ang mga matang kulay brown na pinarisan ng matangos na ilong at maninipis na mapupulang mga labi.

'Weird pair.'

Halos hanggang dibdib lang ata ng lalaki ang babae kahit matataas ang takong ng mga sapatos.

​"Miss, ikaw ang biglang sumulpot sa harap ko."

Nagulat pa si René nang katabi na niya ang lalaki.

​Napatingala siya bahagya dahil hanggang ilong lang siya nito.

But he smelled good and clean.

​Kaso pinagbibintangnan pa siya?

​'I'm at fault? The nerve!'

Hindi niya napigilang titigan ulit ito ng masama.

Huminga siya ng malalim.

Ayaw niyang masira ng tuluyan ang umaga niya kaya ibinalik niya ang atensyon sa pagbaba ng hagdan.

Mamaya mahulog siya.

​"Hindi ko sinasadya, okay?"

​Nagulat ulit siya.

'Is he following me?'

​Napatingin siya sa likod nito.

Andoon din ang babae.

​"I didn't mean to..."

"Just Stop."

Ayaw na din niyang maabala.

Parang pinarating niya ditong wala na siyang paki.

Binilisan niya ang paglalakad.

Inisip niyang lulubayan din siya ng mga ito.

​"Sinusundan niyo ba ako?"

Hindi na niya natiis sabihin.

Nakailang bloke na siya mula sa istasyon pero nasa likuran pa din niya ang dalawa.

"Hindi ah." Aning babae.

"Feeling ka naman, Miss."

Natawa ang lalaki.

That's it!

Nagpantig na ang tenga niya.

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ang dalawa.

"Look! Sinubukan kong huwag magalit, huwag kayong patulan. Anong problema mo? Ni hindi nga kayo humingi ng dispensa. I guess bastos ka talaga. "

Naramdaman niyang namula siya sa inis sa lalaki.

"Edi sorry na."

Nangungutya pa din ang mga mata ng lalaki.

Napasimangot siya dahil wala talagang asal ito.

'Sabi na nga ba, panlabas na anyo lang ang may substance sa mga ito.'

Pumikit siya sandali at pagkatapos ay ngumiti saka tiningnan ang dalawa ng kaaya-aya.

Parang nagulat pa ang dalawa nang makitang biglang umaliwalas ang mukha niya.

"I just realized, I will not downgrade myself by stooping to your level. " aniya.

Napakunut-noo ang lalaki sa sinabi niya.

René was looking down at them.

"Have a nice day." She said.

Para siyang flight attendant o Miss Congeniality.

Saka niya tinalikuran ang dalawa at mabilis na naglakad.

Hindi na niya binigyan ng tsansa ang lalaking makapagsalita ulit.

'Hindi na talaga ako mag-cocommute... ever!'

Napatingin siya sa relo.

Malapit na siyang mahuli sa appointment.

Kaya nga siya nag-MRT para iwasan ang traffic sa daan.

Hindi na siya lumingon ulit.

Malamang malayo na siya sa dalawa.

'Surely, that woman's four inch heels will slow her boyfriend.'

avataravatar