webnovel

Prologue

Nakakatakot. Hindi ko man lang maintindihan ang mga simpleng patakaran sa eskwelahang ito. Sahalip na lapis at papel hawak nami'y espada at kunai. Mga shuriken na hihiwa sa 'yo pag ika'y lampa. At higit sa lahat ang caste system ng paaralan na kahit sinong mag-aaral ay maaagrabyado.

Napasinghap ang lalake habang naglalakad sa path way. Hirap na dinadala ang walong espadang kakatalas. Ang kanang kamay naman nito'y may dalang limang kunai at may nakasabit na mga karayom sa uniporme nito.

Inutusan siya ng head teacher of combat para dalhin ito sa kanilang klase. Apat na building pa ang lalakarin niya pero kinukulangan na siya ng hininga. Sa isip nito'y malalagot siya kapag may nakakita sa kanya.

Paano ba naman, ang paaralang puro sementado at may napakatayog na mga pader, na pinasukan niya ay hindi normal at napakadelikado. Pero wala siyang magawa. Anak siya ng mga assassin. Ibig sabihin isa rin siyang assassin.

Lahat ng estudyante sa paaralan ay may will. May kanya-kanya silang dahilan para lumaban at para narin makalabas sa paaralan. Sa kasamaang pad may iba na sumuko at kinitil ang buhay.

They are training them. Not an ordinary training that will let you have 8 hours of sleep, will let you eat good foods and everything that is connected with 'right treatment'. This is torture.

Kahit ganoon paman, may mga estudyante paring todo kung kumayod at parang sisiw lang sa kanila ang lahat. They believe that they are born for this. They are called "Blood Chosen" ang pangalawa sa pinakamataas na ranggo ng paaralan. Sila ay may peklat sa kaliwang palapulsuhan na nagsisimbolong kasama sila sa BC.

Ang pinakamataas naman sa caste ay ang mga head. Ang normal na paaralan ay may mga guro pero dito may mga professional assassin para magturo sa kanila. Sila ay mga skilled, may ibang kilala na sa buong mundo dahil sa galing nito sa bakbakan.

At ang huling bubuo sa tatsulok ay ang "Fallen". Pinagsama sama ang mga unwilled, hindi malakas, hindi magaling at financially poor students. Kapag kabilang ka sa sistemang ito ay pwede kang utusan ng mga nakakataas sa 'yo.

At isa iyon sa ayaw ng mga lalake. He is, without a doubt, unwilled. May dalawang lebel ang fallen, ang fallen na kaya lamang utusan ng nasa taas ng tatsulok at ang fallen na kayang utusan ng dalawang nakakalamang sa kanya. Kabilang ang lalake sa fallen na kaya lamang utusan ng mga nasa pinakatuktok. At ayaw niyang maging katulad ng isang lebel ng fallen, gagawin siyang alaga.

Hindi ganito ang sistema nila noon, pantay lahat ng ranggo sa paaralan. Pero lahat ng ito'y nagbago matapos ang nangyari dalawampung taon ang nakakaraan.

Nasa gitna ng paglalakad ang lalake nang may marinig siyang hagikhik. Akala niya isa itong BC na pagtatawanan siya kaso mali, isa itong bagong muka na ngayon niya lang nakita sa buong Academy. Transferee? Sa isip nito.

"Mukhang pagod ka na ah. You're unmotivated. One of the fallen"

Ani ng babae na parang tinutukso ito.

"It's none of your business Ms.Transferee. kung pumasok ka sa paaralang 'to para manukso at magsaya nako mali ka ng pinasukan. Kung ako sa 'yo umalis ka na, maliligtas mo pa ang sarili mo"

"Ako aalis? Hmmm....no. May dapat akong gawin sa lugar na ito. Let's just say...unrequited connection? Well, see ya. Mukang nahihirpan ka sa binubuhat mo. Goodluck sa pag-akyat"

Sa isang kisapmata nawala sa paningin ng lalake ang babae. She has the speed to vanish and show herself like a mushroom but most importantly she have a will.

—_—

-AlasEos🎩