1 The Whetheria Kingdom

Ang Whetheria Kingdom ay pinamumunuan ng isang hari at reyna. Sa lugar na ito ay may pinaka malaking palasyo na nakatayo, iyon ang tahanan ng isang royalty family, ang Vinsmoke. Malawak ang sakop ng Whetheria. Mayroon pa itong mga ruta kung saan matatagpuan ang mabababang uri ng tao na siyang sumasamba sa hari at reyna. Gayunpaman, ang Whetheria Kingdom ang pinaka mayaman sa langis, tubig at ginto. Ito ang mga yaman na iniingatan ng mga nakatira sa lugar lalo na sa hari at reyna. Kung gaano nila ito iniingatan, gano'n din ang pag-iingat nila sa nag-iisang anak na si Lunox.

Pero para sa prinsesa, may kulang sa pagkatao n'ya na hindi n'ya mapagtanto kung ano iyon.

Alam ng mga tao sa Whetheria kingdom na nasa kan'ya na ang lahat. Hindi na 'yun kailangan pang sabihin dahil kitang-kita nila ang lahat sa prinsesa. Ganda, talino, yaman, kagandahang-loob. Pero para sa kan'ya... alam n'ya sa sarili n'ya na may gusto siyang gawin pero hindi n'ya ito maisip kung ano.

Suot ang kulay rosas at mahabang bistida ay patuloy na naglalakad ang mahal na prinsesa sa kanilang malaking palasyo. Tumigil lang ito nang makarating sa malaking gate ng lugar. "Wala ang mga bantay," mahinang sabi nito sa sarili. Nagda-dalawang isip man ay inabot nito ang kandado at tuluyang binuksan.

Pagtapak na pagtapak palang n'ya sa kulay berde at malalambot na damo sa labas ay wala nang paglagyan ang tuwa n'ya. "Sa sarap!" Bulalas nito habang nagtatatalon sa tuwa.

"Ate Lunox!" Isang batang babae ang mabilis na tumakbo sa kan'ya. May dala itong mga bulaklak, malamang ay itinitida n'ya.

Sinalubong ng ngiti ni Lunox ang batang babae, "Clara, mabuti't nakita ulit kita!"

Humagikgik ang bata na parang nahihiya, "Nagbabakasali akong makita kita, ate. Pero..." Kumunot ang noo nito at napatingin sa malaking palasyo ng prinsesa. "Bakit ka nakalabas? Ibig sabihin ba nito ay pinayagan ka ng mahal na hari?!"

Yumuko at pinantayan ng prinsesa ang bata, saka ito mataman tinignan sa mata. Nilagay n'ya ang hintuturo sa tapat ng labi at ngumiti, "H'wag ka nalang maingay. Gusto kong lumibot sa buong Whetheria. Ipasyal mo ako?"

Dahil doon ay nanlaki ang mata ng bata. Ngayon n'ya lang narinig na manghingi ng pabor ang prinsesa at sa isang kagaya pa n'ya. Alam kasi nito ang kundisyon na maaaring mangyari kung sakaling sasangayunan n'ya ito.

Sa huli ay agad na nakabawi ang bata at nagbaba ng tingin. "Kung alam n'yo lang kung gaano ko ka-gusto, mahal na prinsesa."

"Hmp," Umayos ng tayo si Lunox at namewang sa harap kaya naman nagulat ang bata. Iniisip n'ya na baka nagtatampo ito, "Sabi ko ate ang itawag mo sa 'kin, nalimutan mo na naman."

"Pa-Pasensya na..."

"Halika na," Hinatak ni Lunox ang bata pero nakakailang hakbang palang sila nang may malakas na kumalabog hindi kalayuan sa lugar nila.

Parehas silang huminto at nagulat. Napatingin sila sa pinanggalingan nito at nakita nila ang mataas na itim na usok kasabay ng sigawan ng mga tao.

"A-Ano 'yon?"

"Kailangan ko nang umalis, ate!" Bumitaw ang bata sa kamay nito at tumakbo paalis pero kaagad siyang napigilan ni Lunox.

"Sasama ako," Determinadong usal nito.

"A-Ano po?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Sa isip n'ya ay hindi maaari. Alam n'ya ang posibleng mangyari kung papayagan n'ya ito.

"Gusto kong malaman ang nangyayari at gusto ko tumu--- Ahh!"

Mabilis na naputol ang sasabihin nito nang marahas siyang hatakin ng ama sa kabilang braso. Gulat ang parehas na rumehistro sa mukha ng prinsesa at ng bata.

Tila kinabahan at parang tinatambol ang dibdib ni Lunox nang makita ang pagdilim ng mukha ng kan'yang mahal na ama. Ayaw na ayaw n'ya kapag ganito ang awra ng hari dahil isa lang ang ibig sabihin nito...

"A-Ama..."

"Hindi ko akalain na magagawa mo akong takasan... Lunox." Malalim na litanya ng ama sa kanya.

Hanggang sa nagsidatingan ang iba pang kasama ng hari. Ang mga kawal na siyang taga bantay at protekta na palasyo.

"Mahal na hari, muli na naman silang sumugod dito. Marami ding napahamak sa ginawa nilang pagpapasabog sa simabahan." Balita ng isang kawal.

Nanlaki ang mata ni Lunox sa narinig. "Sumugod?" Tanong n'ya sa sariling isip.

"Pupuntahan natin sila. Ihanda ang mga panangga," Maotoridad na uto ng hari. Samantalang muli n'yang tinignan ng madilim ang anak na prinsesa. "Alam mo na ang kapalit sa ginawa mo, mahal kong prinsesa."

"A-Ayoko! Ayoko!" Nagpupumiglas si Lunox nang kapitan siya ng mga kawal. Dadalhin ito sa pinaka tuktok ng palasyo. Doon ay may silid kung saan may apat na sulok lamang at wala pa sa kalahati ng kan'yang kuwarto. Tanging normal na higaan, maliit na banyo, at bintana lang ang makikita.

Iyon ang iniiwasan ni Lunox. Pangatlong beses n'ya nang nagtangka na lumabas para mamasyal. Hindi n'ya pa kasi ito nalilibot sa loob ng labing-walong taon n'yang pagkabuhay.

Kung sakali na lalabas siya, sinisiguro ng hari at reyna na sa loob lang siya ng karwahe kasama ang apat na kawal, at ang kan'yang tagapag-alaga na si Elena.

Hindi siya pwedeng makisalimuha sa iba, hindi siya pwedeng mag-kwento tungkol sa personal n'yang buhay, hindi siya pwedeng makipag kaibigan sa labas. Dahil iyon ang pinagbabawal ng ama.

Tinuturing nilang kayamanan si Lunox. Dahil ilang beses na may nagtangkang kunin siya at ilayo sa lugar. Ang mga taong gumagawa no'n ay ang mga tao mula sa isang isla. May layo ito mula sa Whetheria Kingdom pero hindi na nila iniisip iyon kung si Lunox ang kapalit.

Malaking halaga ang makukuha nila kapag napasakamay nila ang prinsesa.

Kaya naman gano'n na lamang ang higpit nila sa anak. Gano'n ka-importante at kahalaga si Lunox. Kaya n'yang hilingin ang mga bagay in an instant pero hindi ang maging malaya.

Wala nang nagawa si Lunox nang tuluyan siyang papasukin sa loob ng palasyo. Kahit pa umiyak siya ng dugo o magwala, hindi siya papanigan nino man sa loob ng palasyo.

Binagsak n'ya ang sarili sa maliit na kama ng silid na pinaruonan n'ya. "Nandito na naman tayo..." Sabi nito sa sarili. Samantalang hinawakan naman ni Elena ang kan'yang balikat. "Tatlong araw lang 'to, mahal na prinsesa. Hindi ito magtatagal." Pampalubag loob na aniya.

"Magpapahinga na muna ako," Saad n'ya sa kasama na sinangayunan naman nito.

Nang makalabas si Elena, doon siya humiga at napatitig sa bintana.

"Kung kaya ko lang makatakas dito..." Sabi nito sa kan'yang isip. Pero kaagad 'yun napalitan ng pag-aalala, "Ano kaya ang pagsugod na nangyari? Bakit parang bawal ko malaman lahat ng nangyayari sa labas?"

Alam naman n'ya na siya palagi ang puntirya. Pero hindi n'ya maiwasang isipin kung bakit hindi binubuksan ng kan'yang ama at ina ang tungkol sa mga taong ito. Sa tuwing may nagaganap na gulo, palagi nalang siyang sapilitan na pinapapasok sa kan'yang kuwarto kasama si Elena. Lalabas lang kapag naayos na ang kung anong mayro'n sa labas.

"Nakakapagod 'yung ganito," Ika n'ya sa isip.

Gayunpaman, patuloy siyang tumitig sa bintana hanggang sa maramdaman n'ya ang pagbigat ng kan'yang mata.

avataravatar