1 Prologo

Isang araw ay nagising ang kamalayan ni Hiraya at natagpuan niya ang sarili na nakaupo sa tabi ng isang bintana.

Maliban sa kanyang pangalan ay wala siyang ibang alam patungkol sa kanyang pagkatao. Patuloy lamang ang kanyang kamalayan sa pagoobserba, pakikinig at pagtatanong.

Lumipas ang panahon at di nagtagal ay naigagalaw na ni Hiraya ang kanyang katawan ayon sa kanyang kagustuhan.

Hanggang sa dumating ang isang araw na narinig ni Hiraya ang isang tunog.

FLASH!

Muling nawala ang kontrol ni Hiraya sa katawan niya bago niya narinig ang isa pang tunog.

[Ehem]

Simula noon ay tuwing maririnig ni Hiraya ang tunog na flash ay mawawala sa kontrol niya ang kanyang katawan.

May mga pangyayaring sunod sunod na lalatag at pagkatapos nito ay babalik muli ang kanyang kontrol.

Lumipas ang marami pang oras at panahon.

Natuto si Hiraya na; kumain, magsalita, mag-isip na malalim, tumambling, tumalon, tumakbo, suntukin ang ibang pang 'tao', manood ng T.V., gumamit ng phone, umihi at tumae sa bowl, magjakol... at iba pang mga bagay bagay.

Maraming natutunan si Hiraya pero sa lahat ng mga iyon ay pinakapaburito niya ang magbabad sa Online Games.

"Mother fucker! I'll kill every last piece of you bitches and turn you bitch asses into exp!"

-

Isang araw may napansin siyang kakaiba.

May mga 'tao' ring nagkakaroon ng 'malay' gaya niya.

Inobserbahan niya ito at napatunayang tama ang hinala niya kaya naman nilapitan niya ito at kinausap.

Hindi nagtagal ay kagaya ni Hiraya, nakontrol din ni Sinag ang kanyang katawan.

Hanggang sa dumating ang Flash!

Nakalimutan ni Sinag ang lahat ng bagay. Pati ang pangalan ni Hiraya. Di nagtagal ay hindi na muling nakita ni Hiraya si Sinag.

Naulit ito nang ilang beses pa. Hanggang sa nawala na ang interes ni Hiraya. Tinapon niya ang lahat ng mga ala-ala niya sa mga taong nagkamalay at pinili na lamang na maging mag-isa, mainis at manggalaiti sa mga bida at kontra bida na nililikha ng Sumulat.

avataravatar
Next chapter