webnovel

chapter 2 premonisyon

di mawaglit sa isip ni arnie ang nakitang kakaibang ilaw, hanggang bago matulog ay laman ng isip nya ang nakita

kinaumagahan habang kumakain ng almusal kasabay ng mga kapatid at mga magulang nabanggit ni Arnie ang kakaibang ilaw na nakita kagabi

Arnie : inay itay ano kaya yung nakita kong ilaw kagabi sa bubong ng bahay ni lola iya? kakaiba at napakaganda !!!

palipat lipat ng pwesto sa bubong ng bahay at papalit palit din ang kulay!!!

kaya lang...bakit ako lang nakakita sila jinie di nila nakita!

Betty : naku Arnie mano bang kalimutan mo na yang ilaw ilaw na yan baka kung ano pa yan!!!

tatay peter: oo nga naman Arnie kalimutan mo na yan, at wag kana rin namimintana sa itaas pag gabi baka mamaligno kapa mahirap na!!!

rosanne:tatay ,ano po yung maligno? ate arnie pag nakita mo ulit yung ilaw ha?!?

Betty : tigilan nyo na nga ang usapan na yan, kumakain kayo ng almusal eh,oh arnie maaga kayo magsalang ng sinaing, iluluto ko na ang babauning ulam natin sa talon na ginataang langka, loida himayin mo na rin ang daing na pansahog pagkahugas mo ng pinag kainan

loida: opo inay

arnie: sige po inay, magsasaing na ako pagkatapos ko magwalis ng mga tuyong dahon sa silangan ng bahay

.

.

.

.

ate arnieeee bumaba kana daw!!!! lalakad na daw tayo! andito na rin ang mga kabarkada mo nagdala rin sila ng pandagdag na ulam

tawag kay arnie ng kapatid na si Jr

Arnie : oo andyan na !!! kukunin ko lang sa aparador ang twalya!!!

...

.....

.....

sa ilog, nakaupo si Arnie sa ilalim ng umaagos na tubig ng talon ,ng agawin ang kanyang pansin ng paglabusaw ng tubig

splash....

huh???? sino kaya ang tumalon??? nagulat na tanong ni Arnie sa sarili

maya maya pa ay nakita ni Arnie ang ulo ng kapitbahay na katiwala sa piggery na si marlon, habang paikot ikot ito sa tubig at kumakawag na para bang asong nalulunod 😬😬😬

arnieeee sagipin mo si marlon!!! nalulunod sya!!! sigaw ng mga kaibigan nya sa taas ng talon

nah??? nagloloko lang yan!!! bakit sya tumalon kung di marunong lumangoy??? sabay na pagtutol at tanong ni Arnie.

tinulak namin... sagot ng mga kaibigan nya

maya maya ay muling kumalabusaw ang tubig, nakita ni Arnie si dado na lumalangoy palapit sa nalulunod

dado: ikaw kapit akin balikat!!! pautal na sabi ni dado kay marlon. pero hindi ito tumugon sa sinabi ni dado

pinagmasdan ni arnie si marlon na nooy unti unti ng lumulubog at puro puti ng mata ang makikita sa tubig

dali daling lumangoy si arnie patungo kay marlon at dado at hinila ang una sa kwelyo ng suot nitong kamiseta

ayan!!! bakit ka kasi tumayo sa may gilid ng talon at sinabi mong marunong kang lumangoy?!? yan tuloy!!! natulak ka sa tubig

.

.

.

kinagabihan maagang nakatulog si arnie dahil sa pagod sa pagtalon at paglangoy sa ilog idagdag pa ang mahabang lakarin papunta sa talon at pauwi ng bahay....

.

.

kinabukasan.....

inay, papunta na po ba kayo ni itay sa kubo sa ilaya?

Betty : oo anak, hindi ko na kayo ginising ni loida kanina para sumabay sa almusal at mahimbing pa rin pati ang tulog ng kapatid mong si rosanne ,gusto mo rin bang sumama?pahabol na tanong ni betty sa anak

opo inay, pero susunod na lang po kami mamaya ni loida at rosanne mag aalmusal pa po kami at maliligo pa ako, maya maya ko na lang gigisingin ang dalawa pagkatapos ko magwalis sa silangan...

.

.

.

abaaa? ate arnie! saan ba ang lakad mo at bisting bisti ka? kuntodo pulbos at bestidang puti kapa? sa ilaya lang tayo pupunta gubat don mapupuno lang ng kulutan ang bestida mo. gulat na sabi ni loida sa ate arnie nya

Arnie: ( ngumiti habang nagsusuklay ng buhok nakaharap sa salamin)

inggit ka lang loida, maganda ba? makikipag date ako sa prinsipe, pabirong sabi ni arnie sa kapatid....

Next chapter