>Sheloah's POV<
Tiningnan ko ang orasan at napansin ko na 6:24PM na ng gabi. Tiningnan ko si Veon na patuloy paring nagmamaneho.
"Pagod ka na ba," tanong ko and he looked at me from the corner of his eye.
"Medyo lang. Malapit naman na tayo sa Pangasinan, eh. Pagkarating natin doon, magpapahinga ako. Hanap lang ng place kung saan pwede tayong lahat magpahinga," sagot ni Veon sa tanong ko and I nodded at him slowly.
"Saan pa nga ba tayo magpapahinga? Naitanong mo na ba sa tito mo," dagdag tanong ni Veon at kinuha ko cellphone ko.
"Hindi pa," sagot ko sa tanong niya at hinanap ko yung contact ko kay Sir Erick. Alam ko kasi na nagmamaneho si tito kaya yung tatawagin ko na lang ay si Sir Erick.
I dialed Sir Erick's number at tinanggap niya yung call after 5 seconds. "Hello," bati ni Sir Erick sa amin.
"Sir… pakitanong po kay tito kung saan tayo magpapahinga," favor ko kay Sir Erick at narinig ko na tinanong niya si tito pero 'di ko narinig sagot ni tito.
"Sa 7-11 daw, Sheloah," sagot ni Sir Erick sa akin and I looked outside the window.
"Malapit na po ba tayo," tanong ko at binuksan ko yung bintana ko.
Since nasa probinsya na kasi kami, mainit na. Malamig kasi sa amin since taga Baguio kaming lahat.
"We will reach our destination within 3 to 5 minutes," sagot ni Sir Erick sa tanong ko at binaba ko yung call. Tiningnan ko si Veon.
"Malapit na tayo sa 7-11. Doon daw tayo magpapahinga. In 3-5 minutes time, makakarating na tayo doon," sabi ko sa kanya and he nodded at me as he drove.
"Sa wakas! Nakakapagod din kaya mag maneho, 'no," sabi niya at nginitian ko siya. "Pag may extra time, tuturuan kita," sabi pa niya sa akin at lumaki yung dalawa kong mata.
"Ano? Do you even know what you are saying," tanong ko and I looked at him in shock. "Baka masira pa kotse mo tapos ako pa magbabayad," dagdag sabi ko pa at tumawa siya.
"Kaya mo naman 'yan, eh! Mabilis kang matuto since matalino ka, 'di ba," sabi niya naman sa akin and I rolled my eyes at him.
"Hindi ako matalino at isa pa… alam mo naman na takot akong tumawid tapos tuturuan mo akong mag drive," tanong ko naman sa kanya at tumigil yung dalawang bus sa harapan namin at yung kotse nina tito. Siguro nandito na kami sa 7-11.
"Mas extreme kaya pumatay ng zombie kaysa sa mag drive ng kotse. Tapos sinasabi mong nakakatakot mag maneho? Baliw ka talaga," sabi niya at tumawa kaming dalawa.
Tumatawa kami pero nagtaka ako no'ng bigla nagbago expression ng mukha ni Veon. From the fun atmosphere, bigla naging seryoso yung itsura niya. Ano'ng nangyari?
"Sheloah," sabi ni Veon sa akin at bigla niya tinutok yung baril niya sa akin. Nagulat ako at natatakot at the same time. Bakit ganito yung trato niya sa akin?
"Veon, ano'ng—" Hindi niya ako pinatapos tapos malapit niya nang i-activate yung trigger ng baril niya.
"'Wag kang maingay," sabi niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan, but I just followed. Bakit? Bakit bigla naging ganito si Veon?
No'ng tumahimik naman ako, I realzed and felt that there's someone or something… breathing heavily behind me and it smells rotten. Tapos mas natakot ako kasi ang tahimik and then there's suddenly someone or something behind me na mabaho ang hininga.
I bit my lip at nakatingin ako kay Veon and he's seriously looking at me at nakatutok parin yung baril sa akin at nararamdaman ko parin yung heavy breathing ng nasa likuran ko. I hope it's a wild grizzly bear pero wala namang grizzly bear dito sa Pilipinas. Pero kahit wala, I still hope na bear siya kasi alam ko na…
Zombie ang nasa likod ko.
I looked at Veon nervously at umandar yung dalawang bus at kotse sa harapan namin. Akala ko ba na nasa 7-11 na kami. Bakit bigla kaming umandar? Are we not there yet?
Hindi sinundan ni Veon yung dalawang bus at kotse sa harapan namin since sa likuran ko may zombie. Ewan ko kung nakatitig siya sa akin, but I don't want to move. It's kind of weird, though. Zombies can smell your scent, right? Bakit ito, hindi niya ako inaatake? Iba-iba ba ang mga styles ng zombies?
"Veon… drive," I mouthed and he understood. Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa at nag type siya bago niya pinakita sa akin.
"'Wag ka gumalaw. Magmamaneho ako at makakatakas tayo. Gagawin ko 'to nang mabilis," sabi ni Veon sa text and I gave him a sure look tapos he nodded at me.
Binaba niya nang dahan-dahan yung baril sa tabi niya at hinawakan niya yung wheel ng kotse. Naramdaman ko nanaman yung heavy breathing ng zombie at naramdaman kong may tumulo na laway sa shoulder ko. Gross!
Sana sinarado ko nalang yung bintana ko.
Malapit nang magmaneho si Veon pero nakuha niya yung attention ng zombie no'ng narinig niya yung pag buzz ng phone sa bulsa ko. Since sobrang tahimik, narinig niya yung sound, eh ang lakas ng pag vibrate ng phone ko.
Nakita kami ng zombie at bigla niya ako hinila. Nasasakal ako kasi he was trying to bite me. Si Veon naman hindi niya ma-trigger yung baril kasi one shoot could either kill the zombie…
Or me.
Ayaw ko na yung feeling na nasasakal ako. Hindi ako makahinga dahil sa higpit ng hawak sa akin ng zombie. Binuksan ko yung pinto ko at nahulog ako sa sahig, kasama yung zombie. I tried to struggle, pero wala parin. Kaya kinuha ko yung pocket knife na nakatago sa ilalim ng skirt ko at sinaksak ko yung kamay ng zombie.
Nakatakas ako at pumunta si Veon sa harapan ko. Tinutok niya yung baril sa zombie at binaril niya ng dalawang beses sa ulo. Namatay na yung zombie at natumba siya sa sahig.
Huminga ako ng malalim. "Muntikan na 'yon," sabi ko at lumingon si Veon at lumaki yung dalawa niyang mata.
"Sheloah, alis," sigaw niya at lumingon ako at may nakita akong tatlong zombies na nasa likuran ko.
Nagulat ako at tinulak ako ni Veon para wala ako sa harapan ng mga zombies pero no'ng tinulak niya ako, akala ko ligtas na ako.