webnovel

Pamilya ni Aria

Sa isang mahirap na bayan may isang babaeng labing dalawang taong gulang na napakapilya ngunit masunuring bata, sya si Aria.

Si Aria ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na babae. Ang tatay nya na si Mark ay isang magsasaka. Madalas itong umuuwing pagod, pero kahit na ganoon ay masaya parin siyang umuuwi ng bahay para makita ang kanyang apat na anghel sa buhay. Ang nanay naman nya na si Maria ay isang mananahi. Nagtatrabaho ito sa malapit na patahian. Napaka ganda ni Maria at talagang napaka swerte ni Mark sakanya dahil napaka bait nitong asawa. Ang panganay na si Ruby ay mas matanda ng tatlong taon kay Aria at sya ang gumagawa ng mga gawaing bahay at katulong nya si Aria. Ang palangiti at tahimik nilang bunsong kapatid na si Hana ay limang taong gulang palamang.

Mahirap lamang sila Aria kaya hindi sila nakakapag-aral. Ang tungkulin nilang mahihirap ay magtrabaho na parang mga alipin para sa may-ari ng lupaing kinatatayuan ng kanilang bahay.

Hindi sila makaalis dahil may bayad ang paglabas ng bayan at napaka mahal nito. Isang dahilan pa ng hindi nila pag-alis ay madaming bandido at mababangis na halimaw sa labas ng bayan.

Isang araw nagkasakit si Maria. Hindi nagpapabili ng gamot si Maria dahil maykamahalan ito. Kapag bumili sila ng gamot ay isang beses nalang sila makakakain sa isang araw hanggang matapos ang buwan.Todo alaga si Aria sa kanyang ina, bumagal naman ang paggawa ni Ruby sa gawaing bahay dahil hindi nya gamay ang mga gawaing ginagawa ni Aria. Tatlong araw ang lumipas ngunit hindi parin gumagaling si Maria. Hindi na pinansin pa ni Mark ang bilin ni Maria at bumili ito ng gamot. Dahil dito nag-away sila Mark at Maria, ngut nagkaayos din sila dahil alam naman ni Maria na para sakanya ang ginawa ni Mark. Ayaw ni Mark na Magutom ang kanyang pamilya kaya naghanap siya ng iba pang trabaho maliban sa pagsasaka. Nakahanap ng trabaho si Mark, ngunit ito ay isang iligal na gawain. Malaki and perang makukuha ni Mark dito kapag natapos niya ang mga pinapagawa, kaya naman ahindi na ito pinakawalan pa ni Mark. Panggabi ang trahong iyon ni Mark, pagkatapos niyang magsaka ay duon siya dumederetso. Nag-alala sila Maria at ang kanyang mga anak sa kanya dahil gabi na ito umuuwi. Nais na mag trabaho ni Ruby sa patahian ngunit labing walo pataas lamang ang maaaring mag trabaho sa bayan na iyon. Pinapahinto na ni Maria si Mark sa kanyang bagong trabaho. "Magugutom tayo kung hindi ko ito gagawin" sabi ni Mark. Hindi na nakapagsalita pa si Maria dahil totoo ang sinabi ni Mark. Isang gabi umuwing pagod na pagod si Mark. " Bakit hinihingal ka?" tanong ni Maria. "Hinabol ako ng mga guwardya" sagot ni Mark.