3 Chapter 1

"Shaun Eliza!!!! Gumising ka na. Malelate ka na sa school. Ke bago bago mo late ka"

" Okay Mom, andyan na"

Ke aga aga boses agad ni Mommy ang narinig ko. Ayaw nya ng nalelate ako. Lalo na ngayon nag transfer na namn ako sa ibang school. Doctor si Mommy kaya kung san sya nakadistino dun din ako nag aaral. Actually, pag aari naman namin ang hospital na pinag tatrabahuhan ni mommy. Gusto kasi ni Lolo Dad na si Mommy ang maging doctor ng hospitals namin. BTW, so eto na nga medyo late na nga ako kaya nag madali na akong pumasok. Hindi na ako kumain ng breakfast. For sure naman may canteen naman duon. Saka hindi naman ako maarte, okay na saakin ang mga pag kain na nabibili dyan sa tabi tabi. Habang nasa kotse ako may umover take sakin na sasakyan. Mukhang magaling makipag karera yun sobrang bilis ng patakbo eh. Pag dating ko sa school pinag titinginan ako ng mga estudyante. Syempre transferee ako eh. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang reaction ng estudyante sa lahat ng school na pinasukan ko. Minsan iniisip ko na lang na hindi sila sanay na may nag tatransfer sa school nila. Hindi ko na lang pinansin dumeretso na lang ako sa canteen.

"Look who's here. Transferee ka diba?" sabi  nong babaeng puro make up ang mukha.

"Ah oo"

"Oh I see." tatango tango nyang sabi. "Girls" baling nya sa mga girls na kasama nya

"Gusto lang namin ipakilala sayo ang Queen ng school na to. Sya si Wendy Morales. Ang pinaka maganda at pinaka sikat sa school na to."

" Ah okay, kaso wala akong pakialam sa inyo. Baka pede padaanin nyo ako bibili kasi ako ng pag kain ko eh"

"How dare you! Sino ka ba sa akala mo?"

"Malalaman nyo rin mamaya, Base kasi sa schedule na hawak nyo magiging kaklase ko kayo. Hintayin nyo na lang mamaya"  saka ako umalis gutom na rin kasi ako eh.

Nag lalakad ako papuntang room ng makita ko yung isang teacher. Sa totoo lang kasi hindi ko alam kung asan yung room namin eh.

"Ma'am excuse me po san po dito yung Section na to transferee po kasi ako hindi ko po alm"

"Oh sakto ako yung adviser nyo halika sumabay ka na sakin."

Pag dating namin sa room unang pumasok si Ma'am sinenyasan nya ako na mamaya pumasok. Sumilip ako sa bintana andun na yung mga babaeng humarang sakin sa canteen. 

"Class Listen Listen, gusto ko i announce na may transferee tayo at kaklase nyo sya." tumingin sakin si Ma'am at sinenyasan akong pumasok. Kaya pumasok na ako.

"oh hija mag pakilala ka na" tumango lang ako bilang pag sang ayon.

" Hi every one I'm Shaun Eliza De Dios. Sana maging mabait kayo sakin."

"hija matanong ko lang Kaano ano mo si Mr. Rhalp De Dios?"

"Lolo ko po"

" Ibig sabihin ikaw ang nag iisang taga pag mana ng Pamilyang De Dios?"

"Parang ganun na nga po Ma'am" sinulyapan ko yung mga babaeng nakaharang kanina sa dinadaanan ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa mga hitsura nila. para silang nakakita ng multo.

" OH I see please go to your seat Ms. De dios."

"okay po Ma'am"

Habang nag lalakad ako papunta sa bangko ko nilagpasan ko ng nakangiti yung mga babaeng humarang sakin kanina na ngayon ay masama ang tingin sakin.

Umupo na ako duon sa bangko na sinabi ni Ma'am.

" Hi"

"Hello"

"Hi I'm Anika Shane Montes. Can we be friends?"

" Yah sure I'm Shaun Eliza De Dios."

Nag simula yung klase namin dahil first day of classes puro introduce yourself ang peg namin. Natapos ang unang klase namin. Sabay kami Anika pumunta ng canteen. Hanggang sa........

BOGGGGGGSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHH..........

Nabunggo ng Grupo ng lalaki na nag tatakbuhan na akala mo eh hinabol ng aso.

" Kuya ano ba hindi kasi kayo tumitingin sa dinadaanan nyo. Nakipag away na namn ba kayo. Gusto mo isumbong kita kay Daddy"

Tumayo na ako dahil parang wla naman ata silang balak na tulungan ako.

"Sige isumbong mo, sa tingin mo natatakot pa ako"

Biglang napatingin sakin yung lalaki.

"Sino yang kasama mo?"

"Wala ka na dun"

"Halika na nga Shaun wag mo pansinin yang mga kumag na yan"

Tumuloy na kami ni Anika sa canteen at kumain. Nag kwentuhan kami saglit. Maya maya nag bell na sign na kailangan na naming pumasok ulit. Natapos ang pangalawa at pangatlo naming subject ng puros pag papakilala lang ang nangyari.

avataravatar