3 Kabanata Tatlo

Kinaumagahan ay pumunta muli si Arvon sa library. Malaki ang kompiyansa niyang makikita niyang muli ang estrangherong babae. Dahil recess ay may dala siyang pagkain na nasa loob ng kanyang bag.

Pagkapasok niya sa loob ng library ay sumilip siya sa lokasyon ng babae. Wala pa ring pinagbago ang posisyon nito. Kung ano siya kahapon ay ganoon din siya ngayon.

Arvon smiled. Nababaliw na siguro dahil kanina pa ngiti nang ngiti. Lumapit siya sa babae at umupo sa tapat nito.

"Hi!" Nakangisi niyang bati. Nilabas niya ang dala niyang bote ng tubig at sandwich. "Lagi ka talaga dito, ano?"

Binuksan niya ang bote ng tubig saka ininuman ito. Gutom siya dahil galing pa sa praktis. Pero para 'di nakakahiya sa estranghero, nagbihis muna siya ng bagong damit.

"Kumain ka na ba? I have extra foods in my bag," alok niya. Binuksan niya 'yong plastic bag na lagayan ng sandwich.

The young lady fixed her eyeglasses. She was not comfortable with the annoying presence of the stranger. And to think he was eating, baka mapalabas sila nang wala sa oras.

"This tastes good," komento ni Arvon, savoring the bacon flavor sandwich spread. Paborito niya iyon.

Iritang nag-angat ng tingin ang babae kay Arvon. This time, 'di na niya natiis ang pagiging annoying ng lalaki.

"Don't you know the rules and regulations inside the library, Mr. Arvon?"

"Ahm, yeah?" He grinned sheepishly and the young lady rolled her eyes.

Umiling nalang sa huli ang babae saka nagligpit ng gamit. Wala ng lugar para magbasa ng libro.

"Where are you going? 'Di pa naman over ang recess?" Naalarma si Arvon nang nagligpit ang babae ng gamit. Tumayo siya at dali daling pinasok ang pagkain sa loob ng kanyang bag.

The girl hugged her thick books. Libro pa 'yon about sa Politics. Nag-aadvance study siya para sa susunod na semester. She took the GAs strand kaya flexible ang kanyang subjects.

"Uy, saglit!" Hinawakan ni Arvon ang kamay ng babae nang tumalikod ito. Nagulat siya nang may kakaiba siyang naramdaman.

Napatanga na naman si Arvon. Lagi nalang ganoon kapag may bago siyang masaksihan. While the girl looked at Arvon's hand na nakahawak sa kanyang braso. 'Di nagtagal ay bumitaw din ang binata.

She looked straight at Arvon's eyes. Walang kaemo-emosyon. Walang makikitang kinang sa kanyang mata. Parang patay lang na bituin.

"I don't have much time talking to you, Mr. Arvon." Panimula ng babae. "Kung hanap mo ay kausap, why don't you waste your time with your friends?"

Kalmado lang ang babae. Nakaramdam bigla ng hiya si Arvon. She was right. Kung hanap ng binata ay kausap, nandoon naman si Jayson at Cherry para makinig sa kanya.

"Don't you see me as a potential friend?" Arvon asked. May bahid ng kalungkutan ang kanyang mukha pero 'di mo masasabing totoo iyon.

The girl made a face of disgust. Was this guy in front of him on drug?

"I'm busy studying, Mr. Arvon. If you've got nothing to do with your useless life, why don't you try to give me a peace of mind?"

"Luh," bumusangot si Arvon. "Are you really that rude or meron ka ngayon?"

Nahigit ng babae ang kanyang hininga. Who she was talking to again? Arvon, right? A stranger and a peace wrecker?

The girl chinned up. Naalala niyang bawal sa kanya ang labis na emosyon. Dapat ay kalma lang siya.

The girl sighed with no emotion. Inayos niya ang kanyang salamin while Arvon was waiting for a response. He was dying, craving for the girl's attention.

"Rude to strangers," tipid na sagot ng babae. "Now, if you don't stop bothering me..."

The lady trailed off and sighed in the end. Umiling siya at umalis sa harap ni Arvon. While the man, of course mas lalong naging agresibo na mapansin ng babae. Pero bakit nga ba? Wala namang espesyal sa babae.

Arvon frowned and decided to go back to his room. Napapangiti nalang siya nang maalala ang babaeng nakasalim. Those light brown eyes, he knew there were something in them and that something made the young lady special.

Pagkabalik niya sa room ay saktong pumasok ang susunod niyang teacher. 'Di siya nakinig buong klase dahil okupado ang kanyang isip sa babae. He found her so cute and really interesting. And he was hoping that before this day would end, he'll get to know the girl's name.

avataravatar
Next chapter