7 Kabanata Pito

Pagkatapos ng klase ni Tully sa umaga ay kumain muna siya sa canteen. Doon siya pumwesto sa sulok dahil 'di siya sanay na may makatabi. She's really an introvert. Mas gusto niya iyon kesa naman sa mapapaligiran siya ng mga plastik na nag-aanyong tao.

While she was silently eating, nagulat siya nang may umupo sa tapat niya. She was wonderstruck and Arvon found it really cute. Mas lalo siyang namangha sa babaeng nasa harap niya.

"Mind if I'll join?" Nakangisi nitong tanong. Kahit naman 'di papayag si Tully ay wala siyang magagawa dahil nasa tapat na niya si Arvon.

Sinipat ni Arvon ang ulam ni Tully. Napagtanto niyang ampalaya ito na hinaluan ng itlog.

"Paborito mo ba ang ulam na 'yan?" Arvon curiously asked. Medyo napangiwi siya kasi alam niyang mapait ang ampalaya pero ulam ito ngayon ni Tully.

"Yes," sagot ni Tully sa gitna ng pagnguya. "Wanna try?"

"Huh?" Umiling kaagad si Arvon. Nalungkot bigla si Tully. Pakiramdam niya'y pinandidirian siya ng lalaki. "S-Sige, I'll try," Arvon sighed at ambang kumuha ng isang slice ng ampalaya nang nagsalita si Tully.

"Don't force yourself. Mahirap kalaban ang sarili." She said meaningfully. Napakamot naman ng batok si Arvon.

"Sorry, ha? 'Di kasi ako sanay kumain ng ampalaya."

Tully gave him a tight smile. "It's fine. Mukha namang mayaman ka."

"Hindi, ah!" Depensa nito. "Kumakain naman ako ng gulay pero 'di ampalaya."

"E ano?" Ngumuya si Tully. Labas na labas ang nag-iisa niyang biloy sa kanang pisngi. Napatunganga si Arvon nang nakita niya iyon. He found her beautiful.

Arvon shook his head. Kung ano ano na ang iniisip niya.

"Uhh, ano... carrots?"

"Really?" 'Di makapaniwalang sagot ni Tully. "So it means malinaw na malinaw ang mata mo?"

"Oo, kaya nga nakikita ko ang kagandahan mo e." He wiggled his brows playfully. Uminit naman ang pisngi ni Tully. Napuna iyon ni Arvon kaya kinilig siya pero 'di niya lang pinapahalata. "Cute mo pa lang mag-blush." He grinned.

Tully rolled her eyes at pinagpatuloy ang pagkain. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang kay Arvon. Baka niloloko lang siya nito.

"Sabay na tayo sa library, ha? May hihiramin kasi ako roon." Wika ni Arvon. Tumango naman si Tully nang walang sinasabi. 'Di siya makatingin nang diretso sa lalaki.

Pagkatapos nilang kumain ay tumungo kaagad sila sa library. Tahimik na ang dalawa dahil baka mapalabas nang wala sa oras.

"Taga saan ka ba?" Biglang tanong ni Arvon, tunog kuryoso.

Napaangat ng tingin si Tully sa kanya at napatunganga. Tama ba ang narinig niya?

"Taga-Baras ako. Ikaw ba?" Sagot na rin ni Arvon sa tanong niya.

"Taga-Tanay." Simple nitong sagot.

"Eh? Saan sa Tanay?" Agap nitong tanong. Nabigla siyang taga-Tanay si Tully. May bahay siya roon, sa lola niya sa side ng mama.

"Sa Tentado, bakit?"

"May bahay kami sa Wawa."

"Really?"

"Yup. Minsan punta ka sa 'min."

Natahimik si Tully, maging si Arvon ay napuna niya ang kanyang sarili. Wala sa lugar 'yong sinabi niya. Maging siya ay nabigla sa sarili. 'Di nga pala sanay itong si Tully na makipagkaibigan.

"Ah, sorry ha? Kasi nasanay akong pinapapunta ang mga kaibigan ko sa amin. 'Di ba friends naman tayo?" Akward siyang ngumisi. "Pero 'di ibig sabihin nun na may masama akong balak sa 'yo, grabe ka naman mag-isip."

Nakapirmi lang ang tingin ni Tully kay Arvon. Actually, 'di sumagi sa isip niya ang bagay na 'yon. Nagulat lang talaga siya dahil kung makaaya si Arvon sa kanya ay parang close sila. Kakakakilala lang nila sa isa't isa.

"Ayos lang," tipid na ngumiti si Tully. "Nabigla lang ako."

"Ah, okay." Napakamot ng batok si Arvon. Nahiya siya kay Tully. Kung bakit kasi masyadong palakaibigan 'to.

Tahimik na silang dalawa. Tumayo si Arvon para maghanap ng libro. 'Di niya alam kung ano ang kailangan niya. Ang gusto niya lang ay makasama si Tully. He found her really interesting. He wanted to dig deeper kasi alam niyang may nakatagong kayamanan sa babae. He wants to know her better and protect her with all of his strength. Pero ngayon, dahan dahan muna. Ayaw niyang i-rush ang lahat dahil baka magsisimula siya sa umpisa.

Nang nakahanap siya ng magandang libro ay binuklat niya iyon. Umupo ulit siya sa tapat ni Tully na ngayo'y tahimik na nagbabasa. Napaangat si Arvon ng tingin sa dalaga at nadatnan ang pagkunot nito ng noo. Sumilip siya sa binabasa niya pero wala siyang maintindihan. Pero may nabasa siyang Article and Constitution. Ano kaya 'yon?

"What are you reading?" Arvon curiously asked. He sneaked in sa libro. Nag-angat naman si Tully ng tingin sa kanya kaya tinignan din niya ito nang diretso.

"Article 3 ng 1987 Philippine constitution." Sagot ni Tully.

"You're taking Law?"

"Nope," umiling kaagad siya. "Just having an advanced study kasi Politics kami next sem."

"Ah," Arvon nodded stupidly. "Sa amin naman ay Fundamentals ng ABM."

"It includes balancing, right?" Agap ng babae at nagpatuloy sa pagbabasa. Nagkibit balikat naman si Arvon. Ano bang alam niya sa fundamentals achuchu?

"Mahirap kaya 'yon?" Tanong nito.

"Nope, you just have to use your logical thinking."

"What if wala akong ganoon?" He joked.

Natigil sa pagbabasa si Tully at nag-angat ng tingin kay Arvon. This man in front of him is too impossible.

"I guess you should know how to use your heart."

"Heart?" He mouthed, confused. "Anong kinalaman ng heart sa subject na 'yon?"

Umiling si Tully at tamad na umirap. "They say follow your heart. Kung walang kwenta ang utak mo, maybe may sense ang puso."

Arvon's lips left partly open. This girl is impossible! Anong klaseng logical thinking ang meron siya? Epekto ba 'yon ng philippine constitution article three?

Arvon swallowed hard. Natameme siya sa sinabi ni Tully. Just wow, Arvon. Sige, ngayon ka magbiro sa babaeng nasa harap mo.

avataravatar