5 Kabanata Lima

Her class was over. At kagaya ng nakasanayan niya ay pumupunta siya ng library. She loved reading books about Science but she chose to take GAs strands para 'di mahirap sa kanya ang pumili ng kurso sa kolehiyo.

Si Tuathal Lopez ay masasabing introvert dahil 'di siya nakikihalubilo sa ibang tao. She preferred reading books than wasting her saliva talking nonsense matter to useless people. Para sa kanya, books are better than humans. Marami silang alam at may sense kausap. Unlike people who only knew how to trash talk, lie and deceive other people. Sa libro, dinadala ka sa ibang mundo. Marami kang madidiscover na kakaibang bagay.

"Miss, isasauli ko na po 'to." She said politely sa librarian. Ngumiti naman ang librarian saka kinuha ang libro. Nirecord niyang nabalik na ang libro saka binigay kay Tully and kanyang library card.

Nang natanggap na ni Tully ang card ay dumiretso siya sa bookshelves. Parang gusto niyang subukan ang ibang libro kagaya The History of the Decline and Fall of the Roman Empire na isinulat ni Edward Gibbon.

Tully loves reading any books about history. Para sa kanya, mahalaga sa isang tao ang malaman ang kasaysayan dahil isa ito sa mga susi para harapin ang kinabukasan. And it's a shame that people don't know anything about the great history of late ancestors. Gayong malaking ambag ito sa lipunan para marating ang estado nito ngayon.

While scanning the bookshelves of history section, natigil siya nang nakita na naman niya ang pamilyar na mukha. Kaagad siyang tumalikod at lumayo sa lalaking nagngangalang Arvon. She didn't know anything about that stranger and she had no plan of studying his background. Aksaya lang 'yon sa panahon.

"Hey!" Rinig niyang tawag ng lalaki. She almost half run and took the left way.

She hid behind the bookshelve. 'Di niya rin maintindihan kung bakit takot siyang makipag-usap ninuman. 'Di siya nasanay. 'Di niya sinanay ang kanyang sarili na makihalubilo sa ibang tao. Kagaya nga ng lagi niyang sabi sa sarili, mas magandang makipag-usap sa mga libro kesa sa mag-aksaya ng laway sa nonsense na bagay.

"Are you hiding from me?" Rinig niyang tanong mula sa likod. Gulat naman siyang humarap sa lalaki na ngayo'y nakakunot ang noo.

Pinagsalubungan niya ng kilay si Arvon. "And why would I do that, Mr. Arvon?" Pagtataray nito.

Hindi naman talaga siya mataray o masungit. Wala lang talaga siyang oras para makipag-usap kaninoman, lalo na sa lalaking 'to na sobrang kulit.

"Awe," sarkastikong sagot ni Arvon. "It seems like you're avoiding me, miss."

Tully fixed her black eyeglasses. "I'm not." Depensa niya at nagtaas ng baba. "... I just don't have any time talking to you."

Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Arvon was staring intently to Tully. Napalunok naman si Tully. 'Di siya sanay sa ganitong eksena.

Umalis si Tully sa harap ni Arvon. She was nervous. Doble ang tahip ng kanyang puso. Even her legs were shaking. May kakaiba siyang naramdaman sa titig na 'yon ni Arvon.

Dali daling lumabas si Tully mula sa library. 'Di nalang siya nanghiram ng libro. Kailangan niyang makabalik sa kanyang silid para uminom ng tubig. It was so wrong to make her heart race. 'Di malabong mahihirapan na naman siyang huminga dahil sa paninikip ng dibdib.

Nang narating ni Tully ang kanyang silid ay dumiretso siya sa kanyang upuan. Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang bote ng tubig. She opened the lid and drank the water inside. Nang natapos siya'y nakabuga siya ng mabigat na hininga.

Her heart was still in double pace. She rubbed her chest and tried to relax. May butas siya sa puso kaya 'di puwede ang sobra sa kanya. Bawal siya sa sobrang saya, sobrang lungkot, lalo na ang sobrang galit dahil nati-trigger ang butas ng kanyang puso.

She inhaled and exhaled deeply. Kahit papaano'y nakahihinga na siya nang maluwag. Bumabalik na rin sa normal na tibok ang kanyang puso.

"Okay ka lang, Tully?" Korina asked, her seatmate. Nilingon siya ni Tully at tinanguan. She's fine now. 'Wag niya lang ulit makita ang pagmumukha ni Arvon.

Few minutes passed when she decided to go home. She needed some rest. Pagod ang kanyang utak dahil sa kababasa ng philippine history. Although she already has the knowledge about the said history, kailangan niya pa ring magbasa to refresh her mind.

"Hi, Dad." Bati niya sa kanyang ama na si Mr. Gardon Lopez na ngayo'y nag-aayos para sa trabaho. Tuwing alas cuatro y media ng hapon umaalis ang kanyang tatay para magtrabaho. Ang kanyang mama naman na si Mrs. Darlene Lopez ay sa umaga nagtatrabaho. Maya maya ay uuwi na 'yon.

"Ang tagal mo ngayon. May tinapos ka bang bagay sa school?" Daddy Gardon commented. Umiling naman si Tully.

"Sinauli ko lang 'yong libro, dad, kaya medyo natagalan ako." She explained. Tumango naman ang ama without any further questions.

Malaki ang tiwala nila kay Tully. Naniniwala silang walang masamang ginagawa ang anak lalo na't lagi itong nangunguna sa klase. Matataas ang mga grado kaya wala silang panahon para kwestiyunin ang kanyang mga ginagawa.

"Sige, kumain ka na. Aalis na ako." Paalam ng dad at niyakap si Tully. Binigyan niya ito ng halik sa noo.

"Bye, dad," Tully smiled at her dad. Ngumiti naman ang ama bago tuluyang lumabas ng bahay.

She sighed and stared blankly pero sa huli ay ngumiti siya. She knew she was lucky enough for having a great family despite the fact that she wasn't born as a normal person.

avataravatar
Next chapter