2 Kabanata Dalawa

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Puna ni Cherry, ang katabi ni Arvon.

Si Cherry ay isa sa malapit na kaibigan ni Arvon. Lagi niya itong kabiruan kaya isang malaking question mark para sa kanya na tahimik lang si Arvon gayong siya 'yong isa sa mga maiingay na estudyante ng silid nila.

"Wala naman," tipid na sagot ni Arvon. Mas lalong nagtaka si Cherry. Alam niyang may problema sa kaibigan niya.

"Spill it up, Arvy. Baka makakatulong ako." Kalmado nitong pangungulit.

Bumuntong hininga si Arvon. Mali talaga na ganoon ang naging reaksyon niya sa inasta ng babae. Ano ba ang inasahan niya? Isa pa, normal lang naman siguro 'yon dahil 'di naman siya kilala ng dalaga. He was being creepy! Basta basta nalang uupo sa harap ng babae saka magpapakilala? 'Di naman siguro siya adik sa lagay na 'yon?

"Nothing, really." Arvon insisted. Alam niyang makulit si Cherry kaya 'di 'yon titigil kapag 'di satisfied sa sitwasyon.

"Okay," sagot ng dalaga. There was a hint of dismay pero binalewala iyon ni Arvon. Cherry isn't helping.

Pagkatapos ng kanyang klase ay bumalik ulit siya sa library. Lunch break na and he was so sure na nandoon ulit ang babae. 'Di naman siya nagkamali. Napangiti siya nang makita ang babae. Nag-ayos muna siya ng polo bago lumapit sa babae.

May upuang bakante sa tapat ng dalaga. He occupied it and grinned at the lady.

"Madalas ka ba rito?" Tanong niya na parang kaibigan niya lang ang dalaga. Gulat naman na reaksyon ang kanyang nakuha. Pero 'di pa rin siya nililingon. "Alam mo, mas masarap kaya sa labas. Why don't you hang out with your classmates rather than reading books?"

Napatingin si Arvon sa kanyang relo. Mahaba pa ang oras ng lunch break. Tama lang 'yon para makausap ang babae.

"Do you usually isolate yourself from others? 'Di ka ba nakikipagkaibigan? Do you have friends?"

There was a thick wall of silence between them, ramdam na ramdam ni Arvon iyon. Gustong gusto niyang sirain 'yon pero alam niyang 'di 'yon magiging madali. He was having a hard time to choose the right tool to demolish it.

And to his surprise, nag-angat ng tingin sa kanya ang babae. Napalunok siya nang wala sa oras. He was both astonished and threatened.

"Why don't you hang out with your friends rather than talking to me, Mr. Arvon?"

Napatanga na naman si Arvon. It was his first time to hear the voice of the girl. Kahit na may diin iyon ay 'di pa rin maitago ang pagkakaroon nito ng malumanay na boses. At dahil diyan, napatunganga siya.

"..." Arvon was speechless. Kahit na gusto niyang sumagot sa babae ay 'di niya kaya. Para bang may nakabarang bato sa kanyang lalamunan.

Muling itinuon ng babae ang kanyang tingin sa librong binabasa niya. She shook her head in disbelief. Makulit ang lalaki pero isang tanong lang pala ang makakapagtikom ng kanyang bibig.

Nang matapos ang klase ni Arvon sa hapon ay niligpit niya kaagad ang kanyang gamit. Pumunta muna siya ng library pero laking lungkot niya nang wala roon ang babae. Gusto niyang malaman ang pangalan ng dalaga. She was for real! May attitude pero may sense ang pagiging masungit.

Arvon shook his head. Hindi masungit ang babae. Pilit niyang iniisip na mabait ang estrangherong iyon. Wala naman siyang ginawang masama kaya 'di niya masasabing masungit ang dalaga. She had a point. Bakit nga ba 'di nalang siya sumama sa kanyang mga kaibigan kesa sa kausapin ang babaeng iyon?

Nang nawalan ng pag-asa si Arvon ay lumabas nalang siya ng library at pinuntahan ang kanyang mga kaibigan. His friends were obviously waiting for his arrival. Nang nakita siya'y napahinga nang maluwang ang mga ito.

"Saan ka galing?" Kuryosong tanong ni Jayson. Pero imbes na sumagot si Arvon ay ngumisi lang 'to.

"Adik ka ba?" Pang-aasar ni Cherry sabay tawa. "Saan kay galing ang ungas na 'to?"

"'Di ba puwedeng pumunta lang sa locker ko?" Sagot ni Arvon. He was calm para walang sablay.

"Puwede pero ang tagal mo naman." Si Jayson. "May kayamanan ka ba roon?"

"Sira," humalakhak si Arvon. "Uwi na tayo."

Naunang maglakad si Arvon. A foreign bright smile was plastered on his friendly face. Masaya lang siya dahil narinig niya rin sa wakas ang boses ng babae. If being annoying means catching her attention, parang gusto na lang niyang maging kupal para sumagot sa kanya ang dalaga.

He sighed happily. Bukas, malalaman na niya ang kanyang pangalan. Kilala naman pala siya ng dalaga pero bakit kaya kabaliktaran ang inasta niya kaninang umaga? O baka nalaman niya lang dahil nagpakilala siya in the first place?

avataravatar
Next chapter