4 Kabanata Apat

Matapos ang klase sa umaga ay muli na namang pumunta sa library si Arvon. He was hoping na nandoon ang estrangherong babae. Gustong gusto niyang makilala iyon at malaman ang pangalan.

He peaked inside, hoping the girl was there but he frowned and burned all his hopes when he saw the vacant chair the lady used to sit on. Nilibot niya ang buong library, nagbabasakaling lumipat lang ng puwesto ang babae pero wala. Ni walang estudyante ang naririto sa loob.

When he was about to leave, laking gulat niya nang ang mukha ni Jayson ang bumungad sa kanyang mata. Napahawak siya sa kanyang dibdib at halos lumabas ang kaluluwa.

"Tangina naman, Jayson!" Reklamo niya. Napahinga siya nang malalim.

"What?" Tumawa nang malakas si Jayson. Natatawa siya sa reaksyon ni Arvon. "Bakit ka nandito?"

'Di nakasagot si Arvon. Bigla siyang kinabahan na baka alam ni Jayson ang tungkol sa estrangherong babae. Lumunok siya ng isang beses at tinulak sa dibdib ang kaibigan.

"Naghahanap ako ng libro," sagot ni Arvon at nilagpasan si Jayson. Umikot naman kaagad si Jayson para maharap ang likod ng kaibigan.

"Libro? Para saan?" Kuryosong tanong ni Jayson at sinundan si Arvon na ngayo'y nagkukunwaring may hinahanap na libro.

"Libro sa ano..." Arvon trailed off. 'Di siya makapag-isip nang maayos dahil bukod sa 'di niya alam kung nasaan 'yong babae, natataranta rin siya dahil baka magdududa sa kanya si Jayson.

Hinanap niya ang module ng Organization and Management. Nawala na rin ang pagdududa ni Jayson sa kanya. Maybe Arvon was telling the truth.

"Malapit na 'yong laro natin." Untag ni Jayson.

Natigil saglit si Arvon nang maalalang next week na ang laro nila. Maglalaban laban lang silang magbabatchmates. Kung kaninong section ng grade level nila ang mananalo ay magiging kalaban ang champion ng ibang grade level.

"We need to practice more." Dagdag ni Jayson. "Baka within this week ay puro praktis lang tayo."

Tumango lang si Arvon. He was thinking of something else. Halata sa mukha niya iyon.

Kung lagi nalang silang magpapraktis, baka 'di na niya mapupuntahan sa library 'yong babae. 'Di na talaga niya makikilala iyon. Sayang naman.

Pinagkibit balikat na lamang iyon ni Arvon. Kinuha na niya ang module na napili niya at hiniram iyon sa babaeng librarian. Matapos nilang ma-record ang paghihiram ng module ay lumabas na sila at bumalik sa kanilang silid.

Malapit na sila sa room nang may tumawag kay Arvon. Natigil sila sa paglalakad at hinarap ang babaeng tumakbo papunta sa kanila.

"Oh, Rica?" Tanong ni Jayson.

The girl named Rica stood in front of the boys. Hingal na hingal kaya 'di makapagsalita nang maayos.

"Ano..." Rica grinned. "'Di ba may laro kayo next week?"

"Oo, bakit?" si Jayson ang sumagot. Abala kasi si Arvon sa iniisip niya.

"Ano kasi, manonood kami ng kaibigan ko." Rica explained. "Si ano... Joy? 'Yong... may crush kay Arvy."

Si Rica ay dating kaklase nila Jayson at Arvon. Si Joy naman ay kaklase niya ngayon na dati ng may gusto kay Arvon.

"Ah," tumango si Jayson. "Sige lang. Wala namang problema kay Arvon 'yon. 'Di ba, pre?" Jayson turned to Arvon who was busy with his wonderings. Siniko niya ito kaya natauhan.

"Ah, oo." Sagot ni Arvon.

"May lakad ba kayo mamaya? Sabay na us uuwi."

"Wala naman," sagot ni Arvon.

"Great!" Rica exclaimed in excitement. "Sige, ha? 'Yon lang talaga ang sadya ko."

"Sige," tumango ang dalawang lalaki. Kumaway naman si Rica saka kumaripas ng takbo. Napailing nalang si Jayson.

"Crush na crush ka talaga ni Joy," pang-aasar ni Jayson. Arvon just snapped his tongue and bumped his elbow to Jayson's chest.

The bell rang, signalizing lunch break was over. Pumasok na ang dalawa para sa susunod na klase. Pinasok ni Arvon sa loob ng kanyang bag ang module na nahiram saka umupo sa tabi ni Cherry na ngayo'y abala sa kanyang cellphone.

'Di pa man tapos ang klase ni Arvon ay nasa labas na ng silid sina Rica at Joy. Halatang 'di mapakali si Joy dahil makakasabay lang naman niya ang kanyang crush. Crush na crush niya dahil magaling sa shooting si Arvon. 'Di man siya team captain, 'di maipagkakailang magaling pa rin ito magdala ng laro. He's one of the three-pointer players at isa na rin doon ang captain ball.

Nang matapos ang klase ni Arvon ay 'di maitago ang kaba sa dibdib ni Joy. She was really nervous and excited at the same time. 'Di naman first time sa kanya na makasabay sa pag-uwi si Arvon but still, it always felt like it was.

Tahimik na nagligpit ng gamit si Arvon. He was itching to see the girl in the library. 'Di niya rin maintindihan kung bakit. Basta ay gusto niya lang makita ang babaeng 'yon. Mukha kasing laging nag-iisa.

"Saglit lang, pre. May hahanapin lang akong libro sa library." Pagpaalam ni Arvon. Tumango naman si Jayson. Mabuti nalang at 'di na nagtanong pa ang tropa kaya lumuwag ang kanyang paghinga.

avataravatar
Next chapter