6 Kabanata Anim

Kasalukuyang kumakain si Tully nang dumating ang kanyang Mama. Hinalikan siya sa noo nito saka dumiretso sa kwarto. She didn't bother to ask anything dahil alam niyang pagod ito mula sa trabaho. Baka mapasama pa ang sitwasyon.

Pagkatapos niyang kumain ay nag-aral muli siya. Naalala niyang malapit na ang quarter final for the first semester. This week ay maraming gagawin lalo na't maghahabol sila ng lesson. Nagkaroon ng ilang araw na walang pasok dahil sa mga culminating activities kaya kailangan nilang maka-cope up sa missed lessons.

Kinabukasan, maagang pumasok si Tully dahil isa siya sa cleaners nang araw na 'yon. Nagwalis siya at nag-ayos ng mga upuan. Nang isa isang dumating ang kanyang mga kaklase ay tinapos na niya ang kanyang ginawa. Binuksan niya lahat ng electric fan para maging maaliwalas ang paligid.

The bell rang, indicating the class hour has started. Wala pa ang first subject teacher kaya naisipan niyang magbasa muna.

"Wala si Teacher Gonaza," balita ni Rana, ang presidente nila. "Pero may iniwan siyang activity para sagutan natin. Ipasa niyo nalang kay Tully kapag tapos na kayo."

Bahagyang nagulat si Tully nang narinig niya ang pagbanggit ng kanyang pangalan. Napatingin siya sa paligid. Ang iba ay nakatingin sa kanya, ang iba naman ay parang walang narinig.

Lumapit si Rana sa kanya at tumayo sa kanyang harapan. Nakatingala pa siya dahil matangkad si Rana. May salamin din, may nunal sa gilid ng mata. Maputi siya na mukhang walang dugo kung titignan. Payat at mahinhin.

"Sabi ni cher Gonaza ay ibibigay sa 'yo ang mga papel. Pakibaba nalang sa faculty dahil nandon naman siya. Busy lang talaga kaya 'di tayo mapasukan." Paliwanag ng presidente.

"Sige," tipid na sagot ni Tully. Tumango naman ang presidente saka umalis sa harap ni Tully.

Napailing nalang ang dalaga. Alam niyang paborito siyang utusan ni Gonaza kaya 'di na bago sa kanya kung siya ang taga-kolekta ng mga gawain.

Nang binigay sa kanila ang activity sheet ay sinagutan kaagad ni Tully iyon. Pero ang iba niyang mga kaklase ay parang walang narinig o walang alam sa nangyayari. Nagjajam lang sila, ganoon lagi ang eksena sa loob ng klase nila kapag walang guro o breaktime kaya lagi siyang tumatambay sa library para makapagbasa nang maayos. 'Di siya sanay kapag maingay ang paligid dahil wala siyang naiintindihan sa binabasa.

Nang natapos siya'y kinolekta niya ang ibang papel ng mga kaklase. Hinintay niya ang iba dahil ang tagal magsagot. Inuuna pa ang pakikipagdaldalan kesa sa pagpokus sa gawain.

Tully sighed in frustration. Lagi nalang ganito ang eksena kapag walang guro. Nagsasawa na siya. Kahit gusto niyang magalit ay 'di niya magawa. Nakasasama iyon sa kanyang puso. Bawal sa kanya ang magalit.

Bago mag-umpisa ang second subject ay bumaba na siya sa faculty. 'Di na niya hinintay pa ang ibang papel. Sila na ang magpapasa kesa naman makompromiso ang ibang kanina pa tapos.

Kumatok siya sa green na pinto. Nakabukas ito kaya kita niya ang mga tao sa loob. Nilingon siya ng mga guro saglit at pinagpatuloy muli ang mga ginagawa nila.

"Cher Gonaza," mahina nitong tawag. Nahihiya siyang pumasok sa loob. 'Di siya sanay na mapaligiran ng mga tao.

"Oh, Tully," si Teacher Gonaza at saglit na nilingon si Tully. Nilapag ng dalaga ang mga papel sa gilid ng laptop ng guro.

"Wala pa 'yong iba, cher. 'Di pa raw tapos." Aniya.

"Sige lang. Salamat. Pakikolekta nalang 'yong iba tapos bigay mo sa 'kin after lunch."

"Sige po." Magalang nitong sagot.

"Cher naman!" Rinig nitong bulalas ng isang lalaki. Napalingon siya sa gawi nun at napagtantong si Arvon iyon. Suot suot ang nakasanayang uniporme na puti ang polo at chocolate brown naman ang slacks.

"Aba, Arvon. Tigil-tigilan mo 'ko," ani Teacher Navotas, ang teacher nila sa next subject. Ang pagkakaalam niya'y adviser nila ito.

"Sige na, cher." Pangungulit ni Arvon. "Hahabol ako. Kailangan lang namin ng praktis ngayon."

Pinagkibit balikat iyon ni Tully. 'Di na mahalaga sa kanya ang pinag-usapan nila Arvon at Teacher Navotas. But when she was about to leave, 'di niya inasahang tawagin siya ng guro.

"Saglit, Tully," tawag ni Teacher Navotas. Kabadong lumingon si Tully sa guro. Imbes na ito ang tignan niya ay dumapo ang kanyang tingin kay Arvon. Nagkatinginan sila ng ilang segundo. Unang bumitaw si Tully, her cheeks flushed in red.

"Cher," nahihiyang sambit nito at lumapit sa guro.

"Ah, pakisabi kay Rana na bumaba siya rito. Tapos, I have a powerpoint presentation here. Magsusulat lang kayo ng lesson ngayon."

"Okay, cher." Tully nodded. "Si Rana nalang po ba ang magdadala ng laptop?"

"Oo. Basta pakisabi na pinapatawag ko siya."

"Okay po." She nodded. Nang alam niyang wala ng masasabi ang guro ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa room.

"Tully!" Rinig niyang sambit ng pamilyar na boses. Umikot siya at hinarap ito na ngayo'y nakangiting aso. Parang nagwagi sa isang laban.

Hinintay ni Tully na magsalita si Arvon. Medyo creepy tignan ang lalaki dahil nakangisi ito. And to think 'di naman sila magkaibigan, ang weird ni Arvon ngayon.

"So you're Tully?" Pagkaklaro nito. Tumango lang si Tully. "I'm Arvon Arcovia. Ikaw?" Naglahad ito ng kamay sa dalaga.

Tinignan lang ni Tully ang kamay ni Arvon. She really found Arvon creepy. Bakit parang gustong gusto niyang makipagkaibigan dito?

"Tuathal," wika ni Tully at tinanggap ang kamay ni Arvon. "Tuathal Lopez but you can call me Tully."

Arvon smiled mischievously. Para siyang nanalo sa ngiting iyon.

"Tully," he nodded. "What a nice name."

"Thanks," binawi ni Tully ang kanyang kamay. Palihim siyang nagpunas ng kamay sa likod ng kanyang chocolate brown na skirt. "Sige, alis na ako."

Ambang tumalikod si Tully nang nagsalita muli si Arvon.

"Sa library ka pa rin ba mamaya?" Arvon asked. Tumango naman si Tully sabay ngiting pilit at tuluyang tinalikuran si Arvon.

Arvon celebrated. Tuwang tuwa ito nang sa wakas ay alam na niya ang pangalan ng babae. At nang naalala niya kung gaano kalambot ang kamay ni Tully, pakiramdam niya'y napakadelicate ng babae. There was an urge of him to protect the lady. Pero paano? Well, in any ways he can and at any cost.

avataravatar
Next chapter