2 Chapter 1 (Macho Dancers)

Rhea sent a photo

Masama ang kutob ko nang makita ko ang notif na 'yon sa messenger ko. Agad kong cinlick yung picture na sinend ni Rhea sa group chat naming magpipinsan. Pagkakita ko sa picture,... sabi ko na eh. Nakikita ko palang, pero nasusuka na 'ko

Rhea: tara inom

Rhea: 9:00 pm sharp, no late.

Rhea: Pag late, lagok isang bote ng Bacardi

Nataranta nalang ako ng mabasa ko 'yon. I glanced at my wall clock and holy shit!

Napabalikwas na lamang ako sa aking kinauupuan at dahil sa pagkataranta, naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig. Mga butt went straight on the floor.

"Ouch!" Ansakit! Pota!

Napangiwi ako sa sakit

8:46 pm. 14 minutes, damn! Agad kong iniligpit ang mga nakakalat kong libro at isinalampak na lang sa loob ng bag. Ang kalat pa din ng study table ko pero wala na 'kong pake. Basta ako, ayokong lumagok ng Bacardi.

As you can see, You can tell that I'm that grade conscious type of student for some reasons...

But well, masipag akong mag aral kung kaya't masipag din akong uminom... And that's on how I balance my life.

Dali dali akong nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto. Patungo ako sa hagdan nang makasalubong ko si ate Sheree na halatang natataranta din tulad ko. I heard her muttering a few curses habang itinatali niya ang kaniyang buhok.

"Damn Rhea! Isungalngal ko kaya sa kanya 'yong bote ng Bacardi." reklamo ni ate Sheree.

"Well, that bitch's the host so..."

Agad nang lumapit sa akin si ate Sheree at hinatak na ako pababa ng hagdan. Mabilis kaming bumaba ng hagdan at halos magkanda tisod tisod na kami pababa.

Nang makababa kami ay nagtungo muna kami sa likod ng pillar. Maingat kaming naglakad habang palinga linga kami sa paligid. Para kaming mga tangang presong tumatakas sa kulungan.

We were already hiding behind the nearest pillar from the back door. Luminga linga ako saglit para tignan kung may tao pa ba. Mahirap nang mahuli. Paniguradong isusumbong kami ng mga 'to sa amo nila.

Nang makasiguro akong wala na ngang tao ay lumingon ako kay ate Sheree na naka squat na parang palakang may polio.

"The coast is clea- "

Hindi na pinatapos ni ate Sheree ang aking sasabihin. Basta na lamang niyang isinubsob ang kaniyang palad sa aking bibig. Hinawakan niya ang aking braso at malakas akong hinatak pababa.

I feel like today's my butt's lucky day, dahil for the second time of day, my butt crashed the ground. Again.

Ansakit nanaman! Pota!

Dahil sa inis ko sa bruhang 'to, kinagat ko ang kamay niyang nakahawak sa aking bibig.

"AY KIKI!" gulat na bulaslas ni ate Sheree kasabay ng pag hila ng kanyang kamay palayo sa akin.

Bahagya akong natawa ng mahina at napahagikhik nang makita ang gulat niyang itsura. HAHAHAHAHAHA parang tanga amp.

Kagat labi kong pinipigilan ang aking pag tawa subalit nang lingunin ko uli siya ay di na ko nakapagpigil at napabulaslas ng tawa.

"Sachi, Shut the fuck up!" mariin niyang pagkakasabi.

"HAHAHAHAHA para kang natataeng ewan."

Akmang magsasalita na sana uli ako ng bigla nalang akong binatukan ni ate Sheree. Napalakas 'yong batok niya kung kaya't bahagyang naalog yung utak ko dun.

"ARAY! ANUBA?!" sigaw ko sa kaniya ng pabulong.

Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Umayos ka nga Sachi! Matatagalan tayo dito dahil sa kadimunyuhan mo ih!" Mariin niyang pabulong na isinigaw sa akin habang idinuduro ang mukha ko.

Ha! Ako pa talaga ang dimunyu ha!

Malakas kong itinapik ang kamay niyang nakaduro sa akin

"Wag mo nga akong maduro duro! Ikaw ang dimuyu! Wala kang awa sa pwet ko na kulang nalang paglamayan!" pabulong kong sigaw sa kaniya pabalik habang nakita ko siyang sumulyap sa kaniyang wrist watch.

Kanina pa kaming nagsisigawan ng pabulong ng bruhang 'to. Ano 'toh? ASMR?

"Damn it! We only have 10 minutes! Kasalanan mo 'to!" sisi niya sa akin.

"Ba't mo ba kasi ako hinatak?! Ansakit kaya ng pwet ko."

"May pwet ka?" nakangisi niyang tanong sa kin na ikinainis at ikinainsulto ko ng bahagya.

"Malamang! Paano ako nakakatae kung wala akong pwet, huh?!" I sarcastically said habang masama siyang tinitignan.

"Whoaa, sis kalma. May naaninagan kasi akong tao kanina kaya kita hinatak." aniya habang nakataas ang kamay na tila sumusuko.

"Huh? Are you sure? I checked the whole place and I can guarantee you na wala ng tao." sabi ko ng may halong pagtataka.

"Eh ano yung nakita ko?" tanong niya na ikinakaba ko.

Napatitig siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bigla nalang kaming nakarinig ng kung anong ingay mula sa kitchen.

Parang iyon ang naging hudyat sa amin  na lumabas sa aming pinagtataguan. Mabilis kaming tumakbo at nag unahan ni ate Sheree papunta sa backdoor.

"MAMAAA!! MULTOO!!! HUHU" tili ni ate Sheree habang kami'y tumatakbo at agad na kumapit ng mahigpit ang bruha sa aking braso.

Potaena natatae na'ko! I don't know kung ako lang, pero pag kinakabahan talaga ako, natatae ako.

Takot na takot kami nang makarating sa backdoor. Wala na kaming sinayang na oras at agad nang lumabas mula dito.

If you're ever wondering kung bakit sa back door kami dumaan, well it's because there are cctv cameras around the area of our front yard and we can't afford our parents to catch us leaving the house at night. They're both busy with their jobs naman which makes everything easier for us. Well, expert na kami pag dating sa mga gan'to.

We often do this tho; sneak out at night and get wasted sa bahay ng mga pinsan namin, sometimes attend parties hosted by some friends, schoolmates, and acquaintances, and we even do bar hoppings with our cousins using our fake ID'S because we're still minors.

Walang kaalam alam ang mga diktador kong mga magulang with these little escapades of mine. They see me as that top student, obedient daughter with all those achievements and awards, which I'm tired of trying to be. I used to be so happy whenever I get to top the honor roll in school or whenever I win awards be it on quiz bees, debate, essay writing, poster making, declamation, you name it. But I'm no longer happy with all of those, right when they started to put more and more pressure in me. Pag pataas ng pataas ang na aachieve mo, pataas din ng pataas ang expectations nila. They're very strict at mas lalo lang silang nagiging mahigpit sa akin as I grow older. But little did they know, marami akong ginagawang kalokohan patalikod. They're too busy with work to even notice that. My mom's a neurosurgeon while my dad runs a business company with Tito Fabien and Tita Zara. Our family is one of those well-known influential families here in El Aspeñor.

Call me rebel or whatever you want but this is my way of coping up with the pain. I'm still their child longing for comfort and care not pressure and high expectations.

"An'tagal niyo naman!"

Namataan ko si kuya Sylver na halatang inip na inip ng nakasandal sa kaniyang Chevy Suburban.

Gan'to ang routine namin tuwing tatakas. Magkikita kita muna kami sa bandang likod na parte ng bahay at gagamitin ang sasakyan ni kuya Sylver na sinadya niyang ipark sa likod, at hindi sa garage na nasa bandang harapan ng bahay.

"Sachi's fault, daming ek ek tss.." tahol ng aso sa gedli.

"Why me? Sa'yo kaya! Kung 'di ka lang demonyo edi sana kanina pa tayo nandito."

Bahagyang napailing nalang si kuya Sylver "Nagsisihan pa nga.."

"Hindi ko 'yun kasalanan. Kasalanan 'yon ng multo." sisi ng aso sa nananahimik na multo

"Multo pa nga.." naiiling pa ring sabi ni kuya Sylver

"Can we just go now?! There's no point of arguing here cuz' heck! We're already late!"  angal ko sa dalawa.

Nauna na 'kong pumasok sa sasakyan at sumunod naman ang dalawa. Si ate Sheree ay dumiretso sa shotgun seat at si kuya Sylver ang mag didrive. Pinaandar na ni kuya ang sasakyan. Maya maya pa'y nag salita ako at nagtanong.

"So...who's gonna do it?"

We were silent for a moment, nagpapakiramdaman. I could hear the sound of the crickets dahil sa katahimikan. We remained silent until ate Sheree spoke.

"Sylver, you do the deed."

"Luh! Ate, Why me?" kuya Sylver complained.

"Alangan nalang kami ni Sachi? You're the guy here." ani ate Sheree

"Ugh. Umay yon!"

Sa huli'y wala nang nagawa si kuya Sylver at tinanggap niya nalang ang kaniyang kapalaran. hahahahhah

"Goodluck, bro" sabi ko sabay ngisi.

Ang kawawang Sylver naman ay masamang tumingin na lamang sa akin mula sa rear view mirror.

Hinayaan ko nalang ang dalawa doon at tumingin sa bintana. The familiar ambience of El Aspeñor filled my sight. I observed the night view of the town; from it's french-like street ambiance, with those beaming warm lights radiating through the town. Ang namumukod tanging ikinasaya kong desisyon ng mga magulang ko ay ang palakihan ako sa lugar na ito.

This is El Aspeñor; a small urbanized town here in the Philippines. It got some fancy cafés, snack bars, pastries and coffee shops, marketplaces, parks and such but what I like here the most is the warm glowing atmosphere.

This town is slightly obscure to the public as of now but I bet pag lumipas ang panahon and once they discover this beautiful place, dadagsain 'to.

Nagmomoment pa 'ko dito nang biglang pumreno ang sasakyan at napasubsob ang mukha ko sa harapan.

"What the hell.." angil ko sa walang hiyang si Sylver.

"Nandito na po tayo Madam." he sarcastically said.

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at walang salitang lumabas ng kotse. Pabagsak kong isinara ang pinto nito.

"SACHIIIIIIII!!!!" sigaw ng kung sino mang animal.

Tanaw ko sa 'di kalayuan ang pinsan kong animal na si Avey na sa tingin ko'y kakalabas lamang mula sa kotse ni Guss.

Patakbo itong tumungo sa akin at nang makalapit ay agad ako nitong sinunggaban ng yakap.

"Oh my god, Sachi! I have chika."

"Avey, I can't breathe." sambit ko habang pilit kong kumakawala.

"What's the tea?" I heard ate Sheree said behind me.

Tss.. 'Pag talaga chismis, attentive 'to masyado.

Sa wakas ay bumitiw na sa'kin si Avey "Later, ikukuwento ko hihi." excited na sabi ng gaga.

Naramdaman kong may kumurot ng aking pisngi. I glanced at my side and saw Felix.

"Yow, Felix!" bati ko sa kaniya.

Ngumiti siya ng bahagya at akmang magsasalita na sana ulit nang bigla siyang binatukan ni kuya Sylver. Natawa nalang kami kay Felix.

"Hoy ba't di ka pumasok kanina, ha?"

"Jeez! Dad, calm down." sambit ni Felix habang himas himas ang kaniyang batok.

"Tinatamad 'yang pumasok." sabi ni Guss na bahagyang tumatawa.

"I couldn't agree more, kuya." Pag sang-ayon ni Avey sa kanyang nakatatandang kapatid.

"I mean, don't we all?" asar ni ate Sheree kay Felix.

Natawa na lang kaming lahat nang bigla nalang nag salita si Felix.

"Grabe naman kayo, pinagkakaisahan niyo 'ko." madramang sambit nito.

"At ikaw!" duro nito kay Avey. "Kalimutan mo ng kapatid mo 'ko! Ganyanan pala ha.."

Imbes na kaawaan namin ito ay mas lalo lang namin siyang tinawanan. Nakabusangot naman ang mukha ni Felix.

"HOY MGA ANIMAL! Wala kayong balak pumasok?!"  rinig naming sigaw ng pinsan naming si Rhea mula sa gate na halatang inip na inip na.

"Late kayong lahat! Kaya lahat kayo lalagok." Sambit ni Rhiann na kambal ni Rhea.

I heard my cousins complain. Ganoon din ako.

"Argh! I almost forgot that." kuya Sylver muttered

"Hoy kambal! Wag naman ganyan"

"Maawa naman kayo sa mga atay namin." sabi ni Felix

"Grabe, parang wala man lang tayong pinagsamahan." madramang sambit ni Avey

Sinamaan lamang kami ng tingin ng kambal at pinagbuksan na ng gate.

Naglakad kami papasok sa kanilang bahay.

Habang nag lalakad ay inakbayan ni kuya Guss si Rhiann  "Sis, alam mo ba, may pogi akong kakilala taga-- "

Di na natapos ni Guss ang kaniyang sasabihin ng itulak siya ni Rhiann

"Tingin mo gagana sakin 'yang suhol mo?" Rhiann said while glaring at him.

"Sabi ko nga hindi..." natawa nalang kami sa reaksyon ni Guss. Mahirap talagang pilitin ang kambal.

We were at the front door nang saktong bumukas ito.

"Yow guys! Let's go to the patio na. The drinks are ready. Kanina pa tayo hinihintay."  bungad samin ni Edward, kapatid ng kambal

Umakbay si Edward kay kuya Sylver. Nagtungo na kami papunta sa patio. Nauna ang boys maglakad at kaming mga girls ay nasa likod. I could hear their chit chats at tawanan.

'Eto ang buhay ko, always surrounded with some noisy crackheads. Mga siraulo lang yan but they are my source of happiness.

Napabuntong-hininga ako.

This is gonna be a long night.

.....

"Gosh, I'm telling you, he's so damn hot." chika ni Avey na halatang lasing na.

Medyo naparami na ang nainom namin kung kaya't ang mga loko ay halatang may tama na.

"Sino ba kasi 'yan?" pasimpleng tanong naman ni ate Sheree. Interesado ang gaga.

"Iyong transferee sa 12-1 na kapatid ni Gavreel Monforte. Galing daw ng Manila ."  sambit ni Guss.

"Oh that guy! 'Yong bagong pasok sa basketball team naten! Tss 'yon lang naman pala. I'm way hotter than him."   sabi ni Felix sabay hagod ng kaniyang buhok.

"Yuck dude, San banda?" Nang aasar na sabi ni kuya Sylver nang nakangisi.

"Eww kuya! At least siya, hindi tulad mo na nangungulangot lang sa bahay." 

sambit naman ni Avey ng may pandidiri at halong pang aasar.

Sinamaan kami ng tingin ni Felix.  "Mga ulul..." I heard Felix muttered.

Tinawanan nalang namin ito gaya ng madalas naming ginagawa sa kanya.

Kawawang Felix...

.....

"EY MACARENA! MACARENA MACARENA!"  kanta ni Felix na sinasabayan ang tugtog sa speaker. Nasa ibabaw pa ito ng table at nag twe-twerk habang kumakanta.

"WOOOOHHHH!!!" we hyped Felix habang vinivideohan siya at tinatawanan.

After a few more shots, ilan nalang kaming matino dito. I could say lasing na talaga sila. 'Eto na talaga yung tama nila.

"More than 2,000 people are watching right now Felix. I hope you won't regret this tomorrow."  I said while on ig live, sabay tawa. Wala pang ilang minuto ay marami na ang nanonood sa live ko.

"Taena 'nyo pag nakita yan ng mga magulang naten ha.." sabi ni Rhiann

"Di yan. Naka hide naman sa kanila. Delete ko den 'pag tapos."  I assured them.

"Ay gagu, naririnig sa live."  I muttered and laughed a bit.

"Pag nag 3,000 views, MAGHUHUBAD AKO! "  sigaw ni Felix sa table.

This guy, for sure is a stripper in his past life. Pole nalang talaga kulang, pwede na siyang magtrabaho sa strip club.

Umakyat din si kuya Sylver sa ibabaw ng lamesa at sumayaw kasama si Felix.

Wth? Seriously? Hahahhahah

Sumunod din lahat ang mga boys at nag  simula ng sumayaw ng sexy dance.

Kaming mga girls ay lalo lang nagtawanan at humiyaw, hyping those idiots up.

"Let's make it higher. Ang dami niyo dyan eh."  ate Sheree said.

"I agree, Let's make it 4,000."  sang ayon naman ni Rhea

"Too low, why don't we go for 5?" Avey suggested.

I only have around 2,500 followers pero sa dami ba naman ng mga naging girlfriends and flings ng mga 'toh I bet we could surpass 5,000 views.

"How many views do we have, Sachi?"

tanong ni Rhiann sa aking tabi.

"3,569 na. Road to 5,000 views lezzgo!"

I noticed some of our schoolmates commenting.

@diannaaa: Sylver baaabee! Uwi ka na

                     'di na 'ko galit

@RyanGuzman: Mga papi! Sherep nye

                             nemen.

@GavreelMon: Bro yang tama nyo, tama

                           na yan..

@AnnaQuez: Girls, may long test tayo

                        tomorrow ha

There were lots of comments from some random girls na hindi ko kilala.

Those guys are idiots pero may ibubuga naman 'yang mga 'yan. All thanks to our ancestors for giving us good genes tho.

I checked the views and it was almost 5,000.

"Views check, 4,989. Get ready boys."

I said habang ang mga boys naman ay tila mas ginaganahang sumayaw while the girls were excitedly anticipating.

Mas dumami ang mga nag cocomment. Some were cheering our cousins and the others were fetishizing them.

"Pang bablackmail ko 'to kila kuya." sambit ni Avey nang nakangisi habang vinivideohan ang kalokohan ng mga nasa harapan.

"Damn! The whole town of El Aspeñor's watching right now..." sabi ni ate Sheree sabay tawa.

Right when we exactly hit 5,000 views

ay nag salita na ako.

"Let's all welcome!, El Aspeñor Macho Dancers!"   parang iyon ang naging hudyat sa mga boys na tanggalin ang kanilang mga shirt.

Napansin kong binuksan ni Rhiann ang kaniyang phone at pinalitan ang tugtog

sa speaker ng Careless Whisper by George Michael.

The familiar melody from the sound of the saxophone echoed through the whole patio.

Oh, owoahh,

Time can never mend

The careless whisper of a good friend

To the heart and mind

If your answer's kind

There's no comfort in the truth

Pain is all you'll find

I should have known better, yeah

The boys are slowly lifting up their shirt habang feel na feel naman nila ang pag sayaw.

"UMAAAYY!!" sigaw ni Rhea na halatang nandidiri at natatawa.

I feel so unsure

As I take your hand and lead you to the dance floor

As the music dies

Something in your eyes

Calls to mind a silver screen

And all its sad goodbyes

The boys were completely half-naked already.

"Ano 'yan, porn?"  natatawang tanong ni ate Sheree.

"Tatandaan ko 'yang limang libong nanonood ha. Bukas, sisingilin namin kayo sa school."  pambibiro ko sa mga nanonood.

"Kadiri naman kuya Felix! Marami ka pang kakaining bigas..." pang aasar ni Avey sa sumasayaw na uod.

"Hoy! Kami na nga lang pinagkakakitaan n'yo, manlalait ka pa."

reklamo ni Felix sabay bato ng kaniyang t-shirt sa nakababatang kapatid.

"Ang baho, amoy anghit.." bulong ni Avey na ikinatawa namin.

"Wag kayong mag-alala, may balato kayo dito." sabi ko para ganahan naman sila.

Tumawa nalang kaming mga girls at sinabayan ang kanta habang ang mga uod ay patuloy sa pag fefeeling nila.

I'm never gonna dance again

Guilty feet have got no rhythm

Though it's easy to pretend

I know you're not a fool

I should have known better than to cheat a friend

And waste a chance that I'd been given

So I'm never gonna dance again

The way I danced with you

At sa wakas! Natapos na rin ang nakakaumay nilang palabas.

.....

Agad akong nagising nang naramdaman ko ang aking pagka untog  sa likod ng driver's seat.

"Kuya, can you please slow down?!" singhal ko kay kuya Sylver na nag dadrive.

Binatukan ni ate Sheree si kuya Sylver at muntik nang sumubsob ang mukha nito sa manubela.

"Ayan, pampatanggal hilo."  ngising sambit ni ate Sheree.

Sinamaan siya ng tingin ni kuya Sylver.

"Mas lalo lang akong nahilo.." he sarcastically said.

Nandito ako sa likod at ramdam na ramdam ko ang epekto ng alak sa aking katawan. Damn! Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang pagkahilo at pag ikot ng paningin ko.

"Matagal pa ba tayo?"  tanong ko sa kanila habang nakapikit na at nakahilig sa bintana.

"Don't worry, we're almost there."  I heard kuya said.

Nang makarating kami sa bahay ay wala na akong sinayang na oras at agad nang lumabas mula sa sasakyan. Damn it, I can't hold it any longer!

Hindi ko na napigilang masuka. Napakapit nalang ako sa fountain at doon isinuka lahat. Mukhang hindi na rin napigilan ni ate Sheree at doon na rin sumuka. Napaupo nalang kami ni ate Sheree sa sahig at napasandal sa fountain, habang si kuya Sylver naman ay hindi makapaniwalang tumingin sa aming dalawa.

"Seriously?? Haaayss these girls. I don't know what to do with the both of you anymore!" I heard kuya complained.

I saw ate Sheree stood up. Akmang matutumba ito pero buti na lang ay napakapit siya agad sa fountain.

"I can handle myself. Ipapalinis ko nalang iyong fountain." ate Sheree said.

Bumaling ito kay kuya Sylver. "Sylver, ikaw na bahala diyan sa kapatid mo."

sambit niya pang muli bago pagewang gewang na pumasok sa back door.

"Hey Sachi, Can you walk?" tanong ni kuya sa'kin.

Sinubukan kong tumayo pero wala talaga. Agad akong napaupo sa sahig dahil biglang umalon ang paningin ko nang aking pag tayo.

Napakamot nalang si kuya sa kaniyang ulo. Wala siyang choice kun'di buhatin ako hahaha.

Gaya ng inaasahan ay binuhat ako ni kuya mula sa sahig at naglakad na papasok ng bahay mula sa back door.

"You're such a baby, Sachi." I heard kuya said.

"Baby ni crush." sagot ko kay kuya na kaniyang ikinatawa.

"That's just all in your mind, Sissy."  pang aasar niya.

"I hope you won't get a wife."  I threatend him while grinning.

"I doubt that. Sa gwapo ko pa namang 'to!"  grabe ang hangin naman ne'to.

But seriously tho, he really won't get a wife if he would just play around. He's a cheater. Kuya Sylver's the type of guy na pagsasabay sabayin silang lahat. Pareho sila nung mokong na si Felix. Sa ilang taon ay saksi kaming magpipinsan kung ilan ng babae ang pina-iyak at pinag-away niyan. Time will come where girls would find hard to trust him. If he would be unfortunate, maaaring ang taong kaniyang seryosong magugustuhan ang hirap magtiwala sa kaniya. But I can't blame him. He's just living and enjoying his life like what we all do. It's too early for those serious relationships.

I already had some past few relationships. I took none of them seriously like what kuya Sylver adviced me. Pag dating dito ay I kinda agree with him naman. Hindi nga lang ako tulad nilang dalawa ni Felix na pinag sasabay sabay. It should be one at a time and as of now, I'm more focused on my academics at pag wawalwal kung kaya't I don't have time for those already.

Binuksan ni kuya Sylver ang pinto ng aking kwarto at inilapag na ako sa aking bed.

"Goodnight, Sachi." lumapit si kuya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Goodnight, kuya." I said as I slowly closed my eyes.

"Sweet dreams, princess." kuya said as I felt him wrap the soft comforter around my body.

Naramdaman ko ang pag labas niya sa aking kwarto. Dahil na rin sa antok at hilo ay unti-unti ng nilamon ng kadiliman ang aking paningin.

_________________________________________

avataravatar
Next chapter