20 Temporary Truth

Blood XIX: Temporary Truth

Savannah's Point of View 

Buong lakas kong sinipa si Zedrick nang matatamaan na sana siya ng matutulis na kuko mula sa Class-A Vampire. Dammit! 

Hindi ko maintindihan kung bakit simula nang sundan ko siya papunta rito at makarating sa checkpoint ay bigla na lamang s'yang bumagsak at nawalan ng malay. 

"Nakakainis." Pinaikot ko ang baril papasok sa lalagyan na nakasabit sa aking hita para kunin ang dalawa kong Katana na nasa likod ko. Masyado na silang marami at mahihirapan akong magsalpak ng bala. "Ayaw n'yong manahimik, ah?" bulong sa sarili at nilingon si Zedrick na hanggang ngayon ay tulog pa rin. 

 Hindi ka pa rin ba magigising diyan?! 

"Give up, little woman. Napapaligiran ka na namin, 'di mo ba nakikita?" tukoy niya sa mga kasama niya na nakapabilog sa 'min.

Hinila ko si Zedrick palapit sa akin gamit ang kwelyo niya. "Bakit ba ayaw mong gumising?" Tanong ko pa sa natutulog na si Zedrick kahit hindi niya ako naririnig saka ako mabilis na inatake ng isa sa class-A. Matalim kong tiningnan iyon at mabilis na pinugutan ang kanyang ulo. Tumalsik sa amin ang dugo niya habang gulat na gulat naman ang iba pa nitong kasamahan.

"A-ano'ng nangyari?" 

 "Hindi naman s'ya gumalaw sa pwesto, 'di ba?"

Naririnig kong kumento nila, itinaas ko ang katana at force na ini-swing pababa para mawala ang dugong nakadikit doon. I have the speed, kaya hindi kaagad nila nakita 'yung ginawa ko. 

But the disadvantage of this skill, I'm easily get tired. Wala akong enough na stamina para rito. 

 Matalim kong tiningnan ang nasa kanan ko't dali-dali silang inatake. I have to show that I don't have my weakness. Even if they try to attack, Zedrick. I will come and protect him… No matter what happens. 

Kinuha ko ang leeg ng lalaking bampira at buong lakas itong sinakal gamit lamang ang isang kamay. Paikot ko namang sinipa ang biglang umatake mula sa likuran saka kinuha ang mukha nung isa pa para pwersa silang ibalibag sa batong nasa tabi lang namin. Nabasag ang ulo ng mga ito kaya ngayon, naging abo ang kanilang mga katawan.

 

 "Arghhhh!" Sinalo ko ang kamao ng babaeng bampira habang hindi nakaharap sa kanya, kahit hindi ko s'ya nakikita ay alam kong nagulat ito. Dahan-dahan ko itong nilingunan. Higpit na hinawakan ang kamay dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

 Tumira ang isa pang bampira gamit ang matutulis na kuko, tatama na sa mukha ko iyon nang mabilis kong iniharang ang babaeng hawak ko dahilan para siya ang makasalo ng pag-atake. Bumaon ang mga kuko niya sa ulo ng babae, sumabog ang laman no'n na tumalsik pa sa akin. 

Patalon akong umatras saka ibinato ang katana sa bampirang iyon kaya pareho silang naging abo. Ngayon ay gumagamit na lang ako ng physical attack.

Ngunit kinuha rin mayamaya ang Katana na nakatusok sa lupa dahil may isa pang bampira ang aggresive kung makatira sa akin. "Mukhang ang sarap mo, ah?! Hayaan mo kaya akong tikman ka nang hindi ka na nahihirapan ng ganito!?" at umikot siya sa ere para malakas na sipain ako.

Pinang-blocked ko ang dalawa kong Katana dahilan para magkaroon ng impact ang mga iyon.

 Tumalsik ako nang kaunti na nagpahawak pa sa akin sa lupa. "Hindi ba't dapat paghirapan mo muna bago mo makuha?" Ngisi kong sambit matapos makatayo ng maayos. "Kaso mahina ka. Kaya imposible." I said as I underestimated him. 

Tumawa siya. "Don't lump me with these punks, you b*tch!" Patalon s'yang pumunta sa akin, inilabas ang matutulis na pangil at kuko. Umilag ako kaso hindi ko inaasahang mayroon pa siyang ilalabas na patalim para ibato iyon sa akin. Nadaplisan ako sa bandang tagiliran kaya napaluhod din ang isa kong tuhod. 

"Tsk!" Hawak-hawak ko ang tagiliran ko nang tingnan ko iyon. Mabilis na lumalabas ang dugo. 

 Biglang nag activate ang vampire instinct ng mga natitirang Class-A Vampire. Ngayon, mas nararamdaman ko na hindi na rin maganda kung mananatili kami rito. 

 Tiningnan ko si Zedrick saka siya pinuntahan. Pero may humawak sa paa ko dahilan para madapa rin ako. Nilingon ko ang may gawa no'n.

'Yung psycho na bampira ang nakahawak sa paa ko ngayon. "Hindi ka na makakatakas." Muli niyang inilabas ang pangil niya. Sa inis ko sa pagmumukha niya, tinadyakan ko ito gamit ang isa ko pang paa kaya nabitawan niya ako. Mabilis na akong pumunta kay Zedrick para hilahin siya papunta sa Fusion Gate.

Kailangan muna namin ng back up dahil masyado silang marami rito ngayon.

"Sandali" Paghawak bigla ni Zedrick sa pulso ko noong hahawakan ko sana ang kwelyo niya. Gising na siya! 

"Bakit ngayon ka lang nagisin-- Kyahh!" Napatili ako nang bigla niya akong buhatin. Tila para akong isang sako kung ganitohin lang niya. "Hoy! Matapos mong mahimatay? Gaganituhin mo 'ko?! Ibaba mo ak--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaan niyang pagsabat. 

 

 "Hindi kita hahayaang gumalaw-galaw ngayong may sugat ka." Naiirita nitong tanong. 

 Inis ko naman siyang tiningnan. "At sino may kasalanan?" Hindi siya sumagot. Binato lang niya ng matalim na tingin ang mga mga bampira na nasa harapan na namin ngayon. "Ako lang ang dapat na makatikim sa dugo mo, Savannah." 

 Napaurong ang ulo ko, naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mukha. 

 "Ano nanaman ba 'yang sinasabi m-" Bago ko pa man masabi ay mabilis na kaagad siyang umatake gamit ang Jian Sword n'ya. Animo'y nag-iba siya dahil sa sobrang bilis ng kanyang galaw. 

 Halos nakalahati niya ang mga napatay niya kaysa ro'n sa mga pinatay ko kanina. 

 

 Pero nakahawak pa rin siya sa akin habang nakakapit lang ako sa kanya.

Sa bawat madadaanan niya ay kung hindi dalawa, tatlo kaagad ang napapabagsak niya.

 "Bullsh*t!" Sigaw ng Psycho Vampire na 'yon saka sinalubong ang atakeng ibibigay sana ni Zedrick. Nagkaroon ng malakas na impact ang kanilang atake kaya nakabuo sila ng hangin na humahati sa pagitan nila.

 

 Bahagyang napahalakhak ang psycho na iyon tapos umabante nang kaunti sa amin. Naglalaban ang matalim at mahahabang kuko nung bampirang iyon sa espada ni Zedrick. "Who are you to protect this b*tch? Hindi ba't dapat sa amin ka kumampi?" Inilapit niya ang mukha niya kay Zedrick. "Someday, they will also kill you, vampire." He said as he gave his final blow.

But I immediately took the gun under my skirt and shoot it straight to his head. Hindi na niya naituloy ang gagawin niya, sa halip ay tumawa lamang ito bago maging abo. "Let's go." Yaya ni Zedrick at tumungo paharap.

 Hindi kami babalik sa Underground Basement kaya napalingon ako sa fusion gate. "Hoy! Sa'n mo balak pumunta! Bumalik tayo! Masyadong delikad--" muli nanaman siyang nagsalita, hindi na niya ako pinatapos!

"Alam ko kung nasaan 'yung bampirang hinahanap natin." Naguguluhan ako sa sinasabi nito. Paano niya malalaman kung wala naman siyang ibang ginawa kanina kundi ang mahimatay?

"Huh? Saan mo naman nalaman?" Taka kong sabi. 

 "Ah… Sa panaginip?" Parang hindi niya siguradong sagot kaya may pumitik na kung ano sa aking sintido. 

 "Walang kwenta mga pinagsasasabi mo! Just put me down, Zedrick. We have to go back now!" Udyok ko sabay lingon kung saan patuloy pa rin sa paghahabol sa amin ang ilan sa mga Class-A na pati 'yung mga nadaanan namin ay sumusunod na sa amin. "They're chasing us, idiot-- Krr." Biglang kumirot ang sugat ko sa tagiliran. F*ck! 

Inangat ni Zedrick ang tingin niya sa akin. "Savannah. Hindi ka dapat nagmumura ng ganyan, wala ka sa kama." Kinurot ko ang likod niya kaya nagsisisigaw ito sa sakit. 

Nakakainis talaga itong lalaking ito! Sinabi ko na ngang huwag niyang binabasa 'yong na sa isip ko, eh! "Sino may sabing p'wede mong basahin 'yong iniisip ko?" Naiirita kong tanong nang 'di inaalis ang pagkakurot sa likod niya. 

"Pain. Pain, Savannah." Nagpipigil niya sa pag ngiwi. 

Binitawan ko na lang siya at hinayaan lang siya na buhatin ako kung saan siya patungo. "But you know, your blood will interfere us so please excuse me." At nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pagdila niya sa sugat ko. 

 Napasinghap ako sa ginawa niya dahil nagulantang din ako. Siniko ko ang likod niya. "That's sexual harassment!"

"But all I did was to cleanse the wound." Pangangatwiran niya kaya huminga ako ng malalim para magpigil. 

 "I'll kill you!" Napipikon kong sabi. 

 "Okay, okay! Fine! I'll just use my power without making a move on you, my lady."

Malakas s'yang tumalon para makatuntong sa sanga ng puno. Hinipan niya ng ilang segundo ang tagiliran ko bago ito dahan-dahang magsara. "Done." tugon niya and gave me a smile. "Now, p'wede na ba akong maging--"

Ipinutok ko na kaagad ang baril sa biglaang paglitaw ng Class-A. "IBe alert!" Sermon ko bago niya ako ibaba. Kinamot lang niya ang ulo niya 'tapos kinuha ang kamay ko para hilahin ako patalon sa patutunguhan namin.

"Destination Area 3-F matatagpuan ang isa sa Normal Vampire, alam mo ba kung nasa'n 'yon?" Tanong niya sa akin na kinunutan ko ng noo.

"Abandoned area na 'yon." Sagot ko na nagpangisi sa kanya. 

 "Much BETTER!" pag emphasize niya sa salita na iyon nang may sipain siyang Class-A. Habang tumatagal, nagiging magaling na siya sa pakikipaglaban.

I'm glad...

I averted my eyes when something pops up in to my mind. Tell me, how long will he live? How long he can stay with me?

Ah, that's right.

I have no single idea how long he shall live or when his time will come. But maybe soon enough, I wouldn't care. Everything in life is temporary truth, it all ends the same.

avataravatar
Next chapter