27 Senaca Guns

Blood XXVI: Senaca Guns 

Savannah's Point of View 

Lumipas ang dalawang araw matapos ang insidente pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Zoe. Inilipat ko na siya ng pwesto at inihiga sa malambot na kama dahil medyo nakokonsensiya na rin ako sa paraan ng pag-aaruga sa babaeng ito na kahit na ano'ng gawin ko, hindi pa rin gumagalaw. 

 Kahit kilitiin ko, buhusan ng malamig na tubig o kung ano pa man ang p'wedeng gawin ay wala pa rin. Hindi naman siya patay dahil humihinga pa rin siya pero kung ipagpapatuloy niya 'to, baka mawalan ako ng choice kundi ang sampalin siya. 

 Dumapo ang palad ko sa makapal niyang mukha na wala rin namang naging epekto't humilik lamang. "Wha--!" Pumasok sa kwarto si Zedrick dala-dala ang pagkain ng babaeng ito. Gumagamit lang kami ng dextrose na nakakabit sa kanya. 'Di naman kasi siya makakakain dahil nga sa tulog siya. 

 Isinarado niya ang pinto at nalungkot. "Hindi pa rin nagigising?" Tanong niya't inilapag ang tray sa edge ng kama ni Zoe. Kinuha ang injection para itusok ito sa dextrose na nasa kamay niya. Dumating kasi kahapon ang vampire expert at binigyan kami ng instruction tungkol dito. Tulad ng mga tao, nagkaro'n ng temporary coma si Zoe due to traumatic accident. 

 The details is not yet confirm but it seems like Zoe is a legitimate human. Sadyang hindi ko lang matukoy kung pa'no siya nagkaro'n ng dugong bampira nung naka-activate ang abilidad na mayro'n siya. But is there a possibility that she was bitten by a vampire and turned into a half blood vampire? The system of her body affects and combines the saliva of a vampire and human blood. 

 No, impossible. There must be something. 

 "No, mahirap siyang gisingin." I said and let out a sigh. I was the one who decided to let her in my house but until when? Sumasakit na rin 'yung likod ko sa dalawang araw na nakahiga ako sa sofa na hindi naman ganoon kahabaan. 

 I'll check her for a little longer bago ko siya dalhin sa Dawn Abyss. 

 "Whatever. Kailangan na nating pumasok." Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Hinabol naman ako ni Zedrick pagkatapos niyang asikasuhin nang kaunti si Zoe. 

 "Hindi mo naman ako hinihintay." Daing ni Zedrick na nagsusuot ng sapatos. Binigyan ko lang siya ng walang ganang tingin at lumabas na ng bahay. Ni-lock ko lang ang pinto saka nagpatuloy. 

 Tumingala si Zedrick at bumuntong-hininga. "Pero kailan kaya papasok si Vermione?" Tanong niya sa sarili na ikinatungo ko lang. Simula nung araw na nangyari ang huling insidente, hindi na siya nagpapakita sa amin. Sinubukan namin siyang contact-in subalit, walang Vermione ang sumasagot. 

 Hindi rin naman namin alam ang bahay niya dahil confidential daw kaya hindi niya ibinigay ang address sa Head-- kay Dad. 

Si Hades naman, bumalik na sa dati. Gumamit lang ng cure si Zedrick kaya nawala na kaagad ang nakuha niyang bala sa balikat gawa ni Vermione. Hindi na rin bumalik ang alaala niya tungkol sa nangyari. 

Wala akong imik na naglalakad, hindi nagawang masagot si Zedrick dahil kahit ako, hindi ko rin alam. There's nothing we can do right now. Nothing. Sa sobrang dami ng nangyari lately, hindi ko alam kung ano pa ang uunahin kong isipin. 

 Ni hindi ko nga alam kung paano nakalabas 'yung Class-A Vampire sa Prison of Atlante at nakarating sa K.C.A. Iniisip kong kagagawan 'yun ng bampirang umatake sa dati kong condominium room pero ibig bang sabihin niyon ay isa siya sa mga taong nakakasalubong ko sa campus at alam niya ang papasok sa U.B.?

 Ang ipinagtataka ko pa, bakit ako ang inaatake? 

 "Hindi mo na kailangang malaman kung saan ka nanggaling. Ang mahalaga na sa akin ka. Po-protektahan ka." Naalala kong wika ni Dad na nagpatungo sa akin. Tsk! 

 

 "Hindi talaga ako magdadalawang-isip na basahin 'yung iniisip mo." Wika ni Zedrick na tiningnan ko mula sa peripheral eye view. Malapit ang mukha niya sa akin dahil sinisilip niya rin ako. 'Di ko lang siya maitulak sa akin palayo, iniiwas ko lang ang tingin ko.

 Pero may naalala ako kaya kinuha ko 'yun mula sa bulsa ng skirt ko at tumingala para iabot iyon sa kanya matapos naming huminto sa paglalakad. Kinuha naman niya ang binibigay ko't napatitig doon. "Clip?" Tukoy niya sa clip na may disenyong pa-cross. 

 Tumango ako. "Para hindi natutusok 'yung mata mo ng bangs mo. Akin na, ako maglalagay." Kinuha ko sa kanya 'yung bigay ko't tumapat sa kanya. Hinawi ko nang kaunti sa gilid ang bangs niya saka ko ikinabit 'yung clip. "Yep, mas umaliwalas 'yung mukha mo." Lumayo ako nang kaunti sa kanya samantalang tumitig lang siya sa akin. Ngunit nagtaka ako noong bigla siyang tumagilid kasabay ang pagtakip niya nung bibig niya gamit ang likurang palad. 

 "Eh? Bakit?" 

Inilayo niya ang kanyang tingin. "You can't act this way especially to other men." 

"Huh?" Taka kong reaksiyon. 

Ibinalik niya 'yung tingin niya pero namumula ang kanyang tainga. "It's just the every other guy's going to see how adorable you are and I don't know how I feel about it." Kumurap-kurap naman ako nang mapabuntong-hininga ako. 'Di ko talaga alam kung ano ang ire-react ko but let's leave it like that. 

 Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad. "Tara na lang, kung anu-ano nanaman pinagsasasabi mo." 

 "Bakit ba ang hina ko sa 'yo?" Hinabol niya ako't sinabayan ng lakad. "Savannah." Tawag niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya. Nakabaling lang ang tingin niya nang tingnan niya ako't binigyan ng malapad na ngiti. "Salamat." 

 Sandaling nanlaki ang mata ko bago palihim na ngumiti't pumaharap na nga lang ng tingin. "Sabi kong Sav, eh." Tukoy ko sa pangalan ko. 

Zedrick's Point of View 

Maraming estudyante ngayong umaga pagkapasok pa lang namin ni Savannah sa campus, hindi kami pumunta ngayon sa Prison of Atlante at in-assign lang kami na mag obserba sa skwelahan dahil malaki ang risk na mayro'n nanamang pag-atake.

Pumasok na kami sa classroom kung saan hinanap kaagad ng mata ko si Vermione sa pwesto niya. She's still not here. 

 Nanatili ako sa kinatatayuan ko't hindi gumalaw. Pumasok ulit sa isip ko 'yung paraan ng pagtingin niya sa akin noong itutok niya ang baril ni Savannah sa akin at handa akong patayin. She didn't hesitate to do it, gaano ba siya kagalit sa nakaraan? 

 Pasimple akong nagbuga ng hininga. Even though, I just want to huma--

 

 You can't become a human.

Napanganga ako't nambilog ang mata noong marinig ang boses ng kung sino dahilan para mapatingin ako sa paligid. Napahawak sandali sa noo. Guni-guni ko lang ba 'yun dahil stress ako?

 Tanong sa sarili't pumunta na nga lang sa pwesto ko para umupo. 

Inakbayan ako ni Hades para kulitin nanaman na sumama sa kanya mamaya. Punta raw kami sa Computer Shop para mag online games. 

 Human can be interesting sometimes. 

 Sa sobrang advance ng technology nowadays, hindi na nila namamalayan. 

Nako-control na sila nito. 

"Sige na, p're! Laro tayo!" Patuloy nito sa pangungulit at ginulo pa ang buhok ko. Huminto lang siya noong pumasok na si Ms. Eirhart. Gaya ng dati ay kunot pa rin ang noo niya. Pero 'di bale, maganda pa rin naman siya kahit nakasimangot. 

 Mas maganda lang si Savannah. 

 

 Inilapag na niya 'yung dala niyang libro sa teacher's table kaya umupo na ang lahat, nag discuss siya nang kaunti tungkol sa magiging future school namin kahit hindi pa patapos ang school year. 'Di naman sila excited na palayasin kami rito. 

"What will you do if the world comes to an end?" Mas umangat ang tingin ko dahil sa katanungan ng adviser namin. Nagtaka man ang halos lahat ng mga estudyante ay sinagot pa rin nila ang tanong ni Ms. Eirhart. 

 "Magnanakaw ako ng pagkain sa convenience store." Sagot ng isa dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ano 'to? Zombie Survival? 

"Maghahanap ako ng chics, ayoko pang mamatay'ng NGSB (No Girlfriend Since Birth)." Sagot pa ng isa dahilan para sumang-ayon ang iba pa naming kaklase na mahahalata mo ngang mga 'di pa nagkaroon ng jowa. Tumango rin ako. Maliban sa hindi pa ako nagkaka girlfriend, virgin pa ako. Fresh pa ako. 

 "Basta bago ako mamatay, 'di na dapat ako virgin--" Mabilis na hinagis ni Ms. Eirhart ang isang libro sa mukha nung kaklase namin na iyon kaya napasinghap ang lahat. Ngumiti lang ako nang pilit. 

Humalukipkip si Hades. "Eh? Boring." Walang ganang tugon ni Hades sa naging kumento ng nahuli naming kaklase. 

 Napatingin ako sa kanya. "Weh? Naranasan mo na?" Hindi makapaniwalang tanong. 

 

 Tumawa ito nang kaunti pero malalaman mong nahihiya ito. "You could say that." Kinuha ko ang kwelyo niya para ilapit sa akin, bumulong ako sa kanya pagkatapos. 

 "How's the first blood?" Pangangamusta ko. 

Pinaltukan niya ako habang pulang pula ang mukha. "Huwag na nating pag-usapan." Humawak lang ako sa ulo ko't medyo napasimangot, nawala lang noong makita ko ang ginawa niyang itsura. Malungkot siya. 

 Tumitig lang ako sa kanya nang ibaling ko ang tingin kay Ms. Eirhart na ngayon ay nagbubuga na ng apoy sa sobrang init ng ulo sa mga estudyante niya. 

Nakipagkwentuhan na lang ako kay Hades ng patago nang may ipasa ang kaharap ko na isang form, teka para sa'n 'to? "Submit it to me before last week of the month, it will be used in three party interview later. Don't lose it!" Bilin ni Ms. Eirhart. Napasapo na lang ako sa mukha. Hindi ako nakinig. 

Bumuntong-hininga ako't ibinaling ang tingin kay Savannah na nakasalong baba na nakatingin kay Ms. Eirhart. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana nang mapatingin siya sa akin mula sa peripheral eye view. 

 Hindi ko iyon iniiwas at nginisihan lang siya, nagsalubong ang kilay niya't pumaharap na lamang ng tingin.

 Although she's saying mean things and was about to explode because she was mad, I know she cares. 

 

 Nakinig na lamang ako sa mga discussion ni Ms. Eirhart ngunit sa kalagitnaan nito ay nagulat na lamang kami nang biglang maging pula ang paligid dahil sa Warning light. Sumara lahat ng bintana dahilan para mapatayo ang lahat. Napasinghap at nagkaroon ng kumosyon. 

"Attention! Senaca Gun has been detected! This is not a drill, please evacuate to your nearest shelter" 

Napaawang-bibig ako habang napaabante si Hades. "What? Senaca Guns? That's the other term of Sky Quake! But is that even possible?" Naguguluhan niyang tanong. I've been hearing about this but there are unexplained reports of a phenomenon that sounds like a sonic boom coming from the sky and the 'rumbling of the sea' 

There are also the cause that when a military aircraft breaks the sound barrier, it will form a mystery boom that might be caused by high-tension. 

Seryoso akong napatingin sa kung saan. "Does it mean they are already declaring a war?" 

Lumabas na ang mga estudyante habang seryoso lamang na nakatingin si Ms. Eirhart kay Savannah. "I will leave it to you." Pagbibigay responsibilidad ng adviser namin na ito at sandali akong sinulyapan bago lumabas ng classroom. 

"Zedrick! Savannah! Ano pa'ng ginagawa niyo?!" Medyo natataranta na tanong ni Hades pero hinila lang ako ni Savannah at patakbong umalis sa silid-aralan. Lahat ng mga estudyante ay papunta na sa evacuation center habang kami naman ni Savannah ay sinasalubong lamang sila. 

"Ano'ng nangyayari? Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hindi lang niya inaalis ang hawak niya sa aking kamay. Wala siyang imik kaya hindi na ako nagtanong at sumunod na lang sa kanya. 

 Dumaan kami sa Dark Forest kung saan patungo ang Dawn Abyss. Dali-dali kaming bumaba hanggang sa marating namin ang pinaka dulo. Binuksan namin ang mabigat na pinto at pumasok. 

Laking gulat na wala na rito ang mga nakakulong na Class-A Vampires at nakakalat lang ang mga nawasak na cell door. Kinuyom ni Savannah ang kanyang kamao habang hindi lang ako makapaniwala sa nangyari. "I knew it." sambit ni Savannah na ngayon ay nararamdaman ang sobrang pangangamba't takot. 

avataravatar
Next chapter