49 Queen's Point of View

(Bonus Chapter!) Blood XLVII.V: Queen's Point of View 

Queen's Point of View 

 Inilabas ko ang ulo ko mula sa bushes upang silipin si Savannah na kasalukuyang naglililingon sa paligid. Sinundan namin siya ni Nancy ngayong may ideya kami na baka may gawin siyang hindi maganda. Nakakapanghinala kasi siya masyado at hindi ko gusto 'yong pagiging cool headed niya't tahimik. Ang perfect perfect niyang tingnan sa panlabas pero sigurado ako na may tinatago rin siyang kulo. I must reveal it to every students! Hintayin lang niya! 'Kala niya, huh?! 

 Trying to mocked me kung kailan niya gusto. I'll make you regret this, Curry. 

 Lumingon ako kay Nancy na patuloy lang sa pagkain ng pocky at relax na relax na nakaupo roon sa lupa. "Stop eating!" Sabay agaw sa kinakain niya't itinapon. "Nakalimutan mo na ba kung bakit tayo nandito?!" Bulong ko sa kanya pero binigyan lang niya ako ng walang ganang tingin. Muli kong sinilip kung nasaan si Savannah ngunit nagulat noong mawala siya sa paningin ko. Hoy! Nandoon lang siya, huh?! 

 Tumayo ako at lumingon lingon. "Where is she?!" Hanap ko at napatili noong biglang sumulpot sa mukha ko ang mukha niya. Mabilis akong umatras habang nanatili pa ring nakasabit si Savannah sa trench ng puno. Nakabaliktad siya at ginamit lang ang legs niya pang-sabit. Umikot siya pababa at inilagay ang isang kamay sa kanyang beywang. 

 "Students are not allowed here, sino pa mga kasama mo?" may awtoridad niyang tanong kaya dahil sa sobrang pagkataranta ay hinanap ko si Nancy, pero laking gulat na wala na rin siya sa pwesto niya. Iniwan niya ako! |

 Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Savannah kaya inis ko siyang tiningnan. "What?!" Bulyaw ko. 

 Tumalikod siya. "Just don't do anything weird, okay? Baka kayo pa 'yong mapahamak sa ginagawa n'yo." Paalala niya sa akin saka naunang naglakad. Why is she acting all mighty now?! And what's with the cool-and-chill senpai aura?! It doesn't even suit her! 

 I took out my phone and called Aesis, isa sa mga kasama ko rin. "Hoy, lalaki! Maghukay ka ng lupa sa back building ng mahigit 50 meters tapos tabunan mo ng fake ground! Ngayon na!" Utos ko sa bata ko na hihirit pa sana nang babaan ko. "Useless human." 

 

 "So, inaamin mo nga na hindi ka tao?" Mabilis kong nilingon si Nancy na muli nanamang kumakain. 

 "Where did you go?!" Inis kong tanong pero inangat lang niya 'yung pagkain niya't sumubo. 

 "May nakita akong chips. Want some?" Alok niya sa akin pero hinila ko lang siya. 

 

 *** 

 NAGTATAGO KAMING PAREHO ni Nancy sa makapal at malapad na poste rito sa back building. Tinawagan na ako ni Aesis matapos nilang mahukay ang pinapagawa ko, narinig din daw nila na pupunta raw si Savannah dito para i-check kung may students na tumakas sa nagaganap na event ng school. 

 Napapakiskis na lang ako sa mga palad ko knowing na makikita ko ang napakakawawa niyang mukha. Hindi ko rin mapigilang bumungisngis. 

 "Ahm. Hindi ba't tayo ang mag I-investigate kung may ginagawang hindi maganda si Savannah? Pero ba't parang tayo pa yata ang gagawa ng hindi magan--" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Nancy nang matanaw ko na sa hindi kalayaun si Savannah. Hanggang ngayon ay nagmamasid masid pa rin siya, para bang may tinatago siya na hindi pwedeng malaman ng iba kaya sinisigurado niyang walang makakaalam. May lalaki kayang makikipagkita sa kanya?

 OMG! Don't tell me she's in a secret relationship with someone!? 

 Inilahad ko ang kamay ko kay Nancy na tila parang may hinihingi. "Where's my camera?" Hanap ko sa camera dahil si Nancy ang madalas humawak no'n. Magka-kwarto lang kasi kami ng dorm. 

 "Hindi ba't iniwan mo sa dor--" 

 "Cellphone mo?" Hanap ko naman doon. 

 "May cellphone ka naman, ah?" 

 "Lowbat!" Tanong nang tanong, eh! Maghahanap ba ako ng kung anu-ano sa kanya kung pwede kong magamit ngayon? Nevermind! Basta kapag nahulog siya sa patibong ko, my win! 

 Naglalalakad siya't hindi tumitingin sa dinadaanan niya kaya hindi na niya napansin na natapakan na niya ang nahukay ng mga bata ko't nahulog. Lumabas ako sa pinagtataguan namin at tumawa na animo'y isang demonyo. "Wala ka ng magagawang kababalaghan ngayon!" I said with a triumphant on my face but was surprised when she jumped in the air. 

 Tila para siyang sumasayaw habang lumalanding. Nakaawang bibig lang ako habang namamangha naman na sinusundan ng tingin ni Nancy si Savannah.

 Umayos na ng tayo si Savannah at tila parang balewala lang kami na nilagpasan niya. Napayukom ako ng kamao't humarap sa papaalis na si Savannah, "Plan B!" 

*** 

 DITO NAMAN kami ni Nancy sa likod ng puno at palihim na sinisilip si Savannah na nakatayo lang sa gitna ng horse field. Nakahalukipkip lang siyang nagmamasid nang pumitik ako. Senyales na ibaba na nila 'yong mga insektong pinapautos ko.

 I wore a smirked. "Pauulanin kita ng mga ipis." May helicopter na dumaan at huminto sa ibabaw ni Savannah. Pagkatapos ay inihagis sa kanya ng mga kasamahan ko ang laman ng bucket kung saan kasabay naman doon ang paglabas ni Savannah ng pamaypay mula sa kanyang tagiliran at malakas iyon ipinunta sa side namin. 

 Tumakbo kami palayo ni Nancy habang nagsisisigaw dahil sinusundan din kami ng flying cockroach. 

***

 NANG GIGIGIL akong nakatingin ngayon kay Savannah na chill lang na naglalakad lakad sa corridor. Nakasilip lang kami mula sa bintana ng isang classroom noong tanguan ko ang dalawang bouncer namin senyales na lumabas na sila at gawin na ang plano. 

 Pumunta sa harapan ni Savannah ang dalawang bouncer. Both of them are wearing this intimidating look so, there's no way na hindi matatakot si Savannah dito. 

(Note: Savannah is the Strongest Undefeated Vampire Hunter.) 

 Savannah is also wearing her own poker face when she suddenly gave them the scariest glare that she have. Mabilis pa sa cheetah na tumakbo ang dalawa habang kinilabutan naman ako sa nakita ko. 

 

 What a monster! 

 

 Umiling-iling ako at lumabas ng classroom para sundan ng tingin ang paunti-unting naglalahong imahe nung dalawang bouncer na iyon. "Wala kayong kwenta!" Sigaw ko. 

 Tinapik ako ni Savannah dahilan para mapatayo ako ng tuwid sa gulat. "The game will start soon, pumunta ka na bago ka pa mahuli." Paalala niya't nagsimula ulit maglakad. 

 Kumuha na lang ako ng panyo ko't kinagat para doon panggigilan ang inis kay Savannah. Tumabi naman sa akin si Nancy. "Just give up." Binato ko ang panyo ko sa mukha niya. 

 Kinuha naman niya ang panyo ko at sinimangutan ako. "No! Mag proceed pa tayo sa another plan!" Determinado kong sabi saka sumipol para mabilis na lumapit ang apat kong bata na madalas nakabuntot sa amin. "Boys, landiin ninyo si Savannah. Kung bumigay siya, video-han n'yo. Hindi ako makakapayag na manatili ang isang kagaya niya sa K.C.A. Hindi niya deserve lahat ng mga natatanggap niyang papuri!" Iniisip na para siyang diyos! It makes me wanna puke! 

 Pumaharap ako ng tingin at nagpameywang. 

 Ngayon, tingnan natin. Tutal, magagandang lalaki naman itong mga bata ko dahil pinagtitilian din ng nakararami kaya impossible na hindi bumigay si Savannah. Walang ganoon! 

 Naghihintay pa ako ng ilang sandali para makaalis 'yung apat pero hindi pa rin sila gumagalaw. Binigyan ko na ng utos ang mga ito, 'di ba? Pero bakit wala pa rin ni isa sa kanila ang kumikilos?

 Iritable ko silang nilingunan. "Hoy! Galaw!" 

 Inilayo nila ang tingin habang ang isa naman sa kanila ay napakamot sa batok, "Ah… Queen, you see? Honestly, she already rejected us." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng ugok na ito. Ano'ng sinasabi ng unggoy na 'to? Eh, hindi pa nga sila nakakaalis kaya paanong rejected? 

 

 "In short, na-in love sila kay Savannah and ended up being rejected. Hindi sila effective sa plano mo kahit na mag topless pa sila sa harapan niya or what." Paliwanag ni Nancy sabay bato ng mani sa bunganga niya. "So, I guess hindi siya iyong babae na tulad ng iniisip nati--" 

 "NO! She can't be that perfect!" Pagmamatigas ko. I know mayroon siyang kulo! Hindi lang niya pinapakita sa amin! 

 Tumalikod ako sa kanila. "Hindi pa ito tapos! May araw din siya--" Hindi ako napansin nung lalaking estudyante kaya nabangga niya sa akin iyong dala-dala niyang gagamba na nagmula pa yata sa science laboratory. 

 Tumalon iyong nilalang na iyon sa mukha ko kaya mabilis na umatake ang adrenaline rush ko. 

 "Kyahhh!" Tili ko't tumakbo palayo sa kanila. Tinatawag pa nga nila ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nakapikit ako habang inaalis ang nakakadiring nilalang na iyon nang hindi ko mapansin ay napunta na pala ako sa bandang balcony ng building na ito. Sa pagtakbo ko, nahulog ako mula sa rail na hindi ko rin kaagad nakapitan dahilan para magtuloy-tuloy ang pagkahulog ko sa ibaba. Nakita ko ang paglabas ng supot ng gagamba at iniwanan akong mahulog. Isang hangal! 

 Pumikit ako at napaluha, inaasahan na hindi na ako makakadilat pagkatapos nito noong maramdaman ko ang pagsalo sa akin ng kung sino. 

 Iminulat ko ang mata ko tapos inangat ang tingin sa taong iyon. Nakasuot siya ng ngiti at pawis na pawis nang tanungin niya kung okay lang ba ako. Hindi ako nakapagsalita kaagad, kilala ko siya. 

 

 Itong lalaking ito ang palaging kasama nila Savannah. "W-what's your name?" Animo'y parang na-love struck ako. Binigyan niya ako ng malapad na ngiti. "Zedrick. Zedrick Olson." Sagot niya para mapunta ako sa kakaibang mundo. What's with the pink and good sensation? 

 In love na ba ako?

 "Prince charming..." Tawag ko nang maibaba niya ako. Tumalikod na siya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. 

 "Mag-ingat ka sa susunod, ha?" Pagkaway niya't nag jogged paalis. Pinag intertwine ko naman ang mga daliri ko habang tulala na sinusundan ng tingin si bebe Zedrick. Nawala lang iyon noong tawagin ako ni Nancy. 

 "Queen! Buti hindi ka natuluyan?" Sabi niya mula sa itaas kaya inirapan ko siya't tumikhim. Kalma ka lang, self. Hindi pwedeng maging marupok sa harapan ng mga bata mo. Tumango ako pero humawak pa rin sa dalawa kong pisngi. Kinikilig ako! 

 Pero balik sa plano! 

 "Nasaan si Savannah?!" 

avataravatar
Next chapter