17 Imprisoned

Blood XVI: Imprisoned

Savannah's Point of View 

Vermione introduced herself in the classroom. Sinabi rin niya ang kaunting detalye tungkol sa kung ano ang gusto niya and stuff at nakikita kong nagugustuhan siya ng mga kaklase namin. 

 Wala rin naman akong nakikitang mali sa kanya but she really loves to smile a lot. 

 "Ms. Curry, guide Ms. Velasco in the campus after this 2nd period." Bilin ng Homeroom teacher-- ang Adviser namin na si Ms. Eirhart. I nodded as Vermione looked at me.

 Biglang sumigaw ang kaibigan ni Zedrick na si Hades. "Pwedeng mag volunteer?" Tanong niya at tiningnan ako matapos ko siyang lingunin. "Ayoko lang mapagod si Savannah, kaya--"

Ibinalik ko ulit ang tingin sa harapan. "Hindi na kailangan." Mabilis kong sagot dahilan para magtawanan ang lahat. Nakita ko ang pag ngiti ni Vermione saka umupo sa pinakalikod kung nasaan si Zedrick. 

 Nagbalik kami sa discussion habang kinuha ko naman sa bag ang Round Watch. May inilagay akong Qube CCTV sa tatlong area ng Prison of Atlante bago kami bumalik dito. Hindi na needed ng kahit na anong cord or wire para gumana, kailangan lang niya 'yong araw dahil solar naman siya. 

Isinuot ko na lamang ang Round Wrist Watch para panuorin ng palihim ang bawat area. May mga naka-assign na Vampire Hunters kaya ibinaling ko na lang din ang tingin sa harapan. 

Naisturbo lang ako sa mga nagdadaldalan sa tabi ko. "Close kaagad sina Zedrick at Vermione." Pumukaw ang atensyon ko sa katabi ko na ke-aga aga. Chismisan kaagad ang inaatupag. 

 Pa-simple akong bumuntong-hininga at nilingon 'yong Zedrick na iyon para makita ang pinagsasasabi ng mga kaklase ko. Nagtatawanan sila Zedrick do'n at mukhang nag e-enjoy sa pinag-uusapan. Napasimangot lang ako. Na sa classroom sila, pero kalandian pinag-aatupag. 

 Nahulog ang ballpen ni Vermione, pareho nilang kukunin kaya nahawakan nila ang kamay ng isa't isa. Patirik akong nagpaharap ng tingin at umiling. "Nakakahiya kayong tingnan." Bulong sa sarili. 

 

 Tumili ng mahina ang katabi ko. "Bagay rin sila, ah?" Kinikilig na sabi ng katabi kong kaklase. 

"Eh? Mas okay yata sina Zedrick at Savann--" Nang makita nilang dalawa na nakatingin ako sa kanila ay napatigil sila at umayos ng upo. Inayos ko na lamang ang upo ko't pinitik ang buhok. 

 

 Tinapos lang namin ang first to second period kaya ngayon ay tinawag ko na si Vermione para ilibot siya sa campus. Kapag transfer student ka sa K.C.A, may extra 10 minutes ka pa para libutin 'yung transferee kapag break time. Hindi ko lang ginawa 'yon kina Hades at Zedrick dahil hindi naman na kailangan.

 They are boys, kaya nilang gawin gusto nila without any girls help. 

Lumabas na kami ni Vermione sa building para simulan ang paglilibot-libot. Inuna namin 'yung sa center area kung sa'n makikita ang malaking fountain nung school. "Naririnig ko sa kung saan-saan 'yung pangalan mo, you're quite popular, Sakai Okabe's Daughter." Namamangha na sabi ni Vermione. Nasa likod ko lang siya at nakasunod.

"I'm Savannah." Pagtatama ko at nilingon siya. "Why did you transfer? You came from Baguio City, right? May malapit na School Institute for Vampire Hunters do'n." Saad ko. 

"Yeah, but the thing is," huminto ako para harapin siya, nakababa lang ang tingin niya nang hawakan niya ang kanyang pisngi na may ngiti sa kanyang labi. "Nabalitaan kong may isang bampirang nag-aaral dito. Ya'know the prophecy? May isang bampira ang tutulong sa isang organisasyon ng mga tao para baguhin ang mundo at mailigtas ito. Kaya na-curious ako kung sino 'yun? Kasi malay mo, siya na pala talaga 'yung sinasabi?" 

What? Ngayon ko lang nalaman 'yan. At isa pa, hindi ba sinabi sa kanya ni Dad kung sino si Zedrick? 

Humarap ako sa kanya. "Lumipat ka nang dahil lang doon?" Taas-kilay kong sabi na nginitian niya. 

 "Hindi, nandito rin kasi lolo ko." Sagot pa niya na tinangu-tanguan ko lang. Tinawag niya ang pangalan ko. "Kilala mo 'yung bampira, 'di ba? Sino siya?" Tanong niya sa akin na hindi inaalis ang ngiti sa kanyang labi. 

 "It's--"

 "Savannah! Vermione!" Tawag ng isang annoying na asungot kasama si Zedrick. Pareho naming tiningnan iyon. Kumakaway si Hades habang malawak na nakangiti, si Zedrick naman ay nakatingin lang sa akin.

Humph, what are you lookin' at?

Nakarating na sila sa harapan namin. "Kanina pa namin kayo hinahanap, Sabay-sabay na tayong kumain!" anyaya ni Hades.

Inilipat ko ang tingin kay Zedrick pero nagkibit-balikat lamang ito. "Kanina ko pa talaga siya pinipigilan, kaso ayaw n'yang magpaawat." Umiiling-iling na pagsusumamo ni Zedrick.

 Hinawakan ni Hades ang kanan kong kamay kaya namilog ang mata ko. "Pagbigyan mo ang kaunti kong kahilingan." Umurong ang ulo ko. Eh?

 Tinulak ni Zedrick ang mukha ni Hades palayo sa akin. "Tumigil ka." 

 Humagikhik si Vermione at tumabi sa akin lalo. "Sino type mo sa kanilang dalawa?" Ngiti niyang tanong sa akin kaya umatras ako. 

 "W-What?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ko. "Wala!" 

Lumuhod si Hades sa harapan ni Vermione at inilahad ang kanyang kamay rito na may pagpikit pang nalalalaman na nakatungo. "Magandang binibini, ikaw ba'y pumapayag na sumama sa aming kaunting kainan?" Mala-prinsipe nitong tanong at inangat ang ulo upang kindatan si Vermione. 

Napahawak na lang ako sa noo ko't nagbuga ng hininga. 

*** 

 BINUKSAN NI Vermione ang lunch niya matapos niyang kunin iyon sa classroom. Napanganga kami sa laman no'n 'tapos mangha na inilapit ang mga mukha namin sa baon-an niya. Mayro'ng tempura, broccoli, at kung anu-ano sa baon niya. Maganda rin ang pagkakaayos niyon at may mga design pa. 

 "Wow! Parang may lumiliwanag do'n sa pagkain mo, Vermione!" Ani Hades. 

 "Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng style ng putahe." Manghang kumento ni Zedrick.

 Ibinaling ko ang tingin kay Vermione. "You also know how to cook?" Tanong ko na tinanguan niya sabay abot ng lunch niya. 

 "Kuha ka, marami naman ito." Paglalapit niya sa lunch niya sa akin. Ipinakita ko sa kanya 'yong yakisoba sandwich ko. 

 "T-thank you, but I already have--" Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla niyang isinubo sa bunganga ko 'yong Tempura niya. Wala naman akong nagawa kundi ang ngumuya nguya pero unti-unti ring nanlalaki ang mata dahil sa naging lasa nito. 

 Ano'ng hinalo niya rito at ganito ang lasa? Ang sarap. 

 Napatakip na lang ako sa bunganga ko. "What do you think?" Tanong niya kaya inangat ko ang tingin ko para makita siya. Binigyan ko siya ng thumbs up. 

 "M-masara--" Naputol ang sasabihin ko dahil biglang inatake ni Hades ang pagkain ni Vermione. Hinila naman ni Zedrick ang kwelyo nito para ilayo sa amin. 

***

 NATAPOS NA ANG break time and extra 10 minutes kaya bumalik na kami sa classroom nang makapaghanda na sa susunod na activity. Horse riding kasi ang sunod.

 Ipinaliwanag ko kay Vermione ang rules at ang advantages and disadvantages nito kaya mukha namang namangha siya. Kakaunti lang din kasi talaga ang facilities sa old school n'ya. Nasubukan na rin niya roon sa IAA pero swimming ang pinaka main activity nila roon kaya 'di na siya sumasali dahil maliban sa malamig, hindi raw siya marunong lumangoy.

IAA or also known as Infinite Aqua Academy, iyon naman ang pangalan ng skwelahan nila kung sa'n may head quarters din sila for vampire hunters. Kaya may AQUA sa pangalan nung academy dahil puro tubig naman ang nakapalibot sa kanila.

Kumusta naman kaya 'yung mga tao ro'n tuwing month of December?

Sinuot na ni Vermione ang Riding Vest niya matapos kong ipakita kung pa'no ito suotin. Marami kasi itong kinakabit kaya in-observe na muna niya ako. Madali naman siyang natuto, hindi na niya kinailangan pang turuan. 

Hindi ko na rin s'ya pinagsuot ng gear dahil kasama na rin 'to sa training niya. I want to see how can she handle everything.

Hinayaan naman ako ni Ma'am Eirhart dahil alam naman niya 'yung paraan ko ng pagtuturo. Kung alam kong medyo alanganin, pupunta kami sa basic. 

 

 Muli nanamang lumapit si Hades sa akin, "Savannah, Savannah. Ako naman sunod mong turuan." Turo niya sa sarili niya pero hinila lang siya ni Zedrick palayo sa akin.

"Doon tayo, p're. Hindi tayo magra-ride ngayon." 

 "What ~?" 

 "Huwag kang pasaway."

Lumapit sa akin si Vermione nang hindi tinatanggal ang tingin sa dalawang lalaki. "Alam ba ni Hades na Vampire Hunters kayo ni Zedrick?" Tanong niya sa akin na inilingan ko. "Kahit kaibigan n'yo siya?" Dagdag tanong niya. 

 Naglabas ako ng hangin sa ilong. "Hindi ko siya kaibigan. At kahit maging kaibigan ko siya, wala rin akong balak sabihin." 

 "Dahil ayaw mong mag-alala sa 'yo iyong tao?" Ngiti n'yang tugon. 

 

 Nagpameywang ako. "Kasi hindi na kailangan." 

Naglakad na lang ako papunta sa kabayo kong si Gazin at hinimas-himas ito. "May pangalawang tao akong ipapasakay sa 'yo, ah?" Pakikipag-usap ko sa kabayo ko, sumagot naman ito kaya tinapik tapik ko siya.

"She's pretty." Puri ni Vermione sa kabayo ko noong makalapit sa amin. "He's a boy." simpleng tugon ko. 

 "Oh. Kaya pala attached sa 'yo."

Pinaangkas ko na siya sa rodeo chair ng kabayo ko, sinimulan niyang himasin ang mukha mula sa taas. "Good boy lang 'yan." She said in a gentle voice at kinuha ang horse tack.

 Laking gulat nang ma-kontrol niya ito kahit hindi ko siya gina-guide. I thought she doesn't know how to ride. Pinagmamasdan ko lang siyang magpatakbo.

Namangha ang mga estudyante lalo na 'ko nang makita ko ang kagandahan nito habang nakasakay sa kabayo. Humalukipkip at ngiting naglabas ng hangin sa ilong. "Goodness..."

*** 

 NAG-UNAT si Vermione matapos ang activity, nakakuha kaagad siya ng mga fans mula sa kabilang section kaya medyo natagalan pa kami rito sa pag-akyat. "Thank you for always helping me out." Pagpapasalamat ni Vermione habang ngiting nakatingin sa akin.

"I didn't do anything for you to thanked me. It's all because of your hard work, ipagpatuloy mo lang 'yan. Mamaya pupunta tayo sa Prison of Atlante para makita mo rin 'yung side area from K.C.A." Bawat Institute ay may naka-assign na area para sa kanila. Malawak ang Prison of Atlante, at may apat na bahagi sa lugar na iyon ang may hawak para patayin ang libo-libong Class-A Vampires. 

 Infinite Aqua 

 Kudos Chevalier 

 Blaze Trinity 

 Breeze Gale 

 Ang apat na academia na 'yan ang buma-balanse sa bansang ito. 

 

 She nodded. "Sure. Can I get your email address? Para ma-contact kita incase of emergency."

 

 Ibinigay ko naman sa kanya ang email address ko, nando'n na rin ang contact number ko kaya malalapitan niya kaagad ako kung may kailangan siya. 

Lumapit sa akin ang isa sa classmates ko. "Pinapatawag ka raw sa faculty. Absent daw ngayon si Mr. Cantiga." aniya na tinanguan ko. 

"Okay, thank you." Wika ko at nginitian si Vermione. "Later." Tumango lang siya saka ako nauna. Nang makarating sa Faculty ay binigyan kaagad ako ng task nung binilinan ni sir Cantiga. Kaso hindi ko naman inaasahan na makakasama ko rin pala si Hades na in-charge rin sa classroom.

Lumapad ang ngiti niya kaya umiwas ako ng tingin at pasimpleng bumuntong-hininga. 

Zedrick's Point of View 

Dahil wala naman daw ang guro namin para sa period namin ngayong magtatanghalian, lumabas na muna ako para bumili lang ng pampainit sa katawan dahil malamig din sa classroom. Kinuha ko kay manang ang binili kong coffee bago tumalikod, muntik ko pang mabangga si Vermione. Nandito rin pala ito. "U-uy. Muntik ka na."

Ngumiti siya. "Sorry." Umabante na siya para bumili ng makakain niya. Naglakad na ako pero huminto rin nang tawagin niya ako, hintayin ko raw siya. Wala naman akong choice, wala naman kasi siyang kasama kaya samahan ko na rin muna habang wala pa si Savannah.

"Sorry for waiting."

Bumalik kami sa classroom at doon kinain 'yung pagkain. Nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay ngunit kinakausap din siya ng mga kaklase namin kaya nahihinto hinto rin. Okay siyang kausap, matured siya pero may sense of humour. Hindi siya 'yong madaling manghusga at palaging may wisdom lahat ng pinagsasasabi.

 "Ano sports mo?" Tanong niya nang bumalik na sa upuan 'yong mga kaklase namin.

"Nothing in particular. I hate sports." Sabi ko sabay subo ng candy na binili ko.

 "What do you like?" Isa pa niyang tanong. 

 "Si Savannah." diretsyong sagot ko.

 She giggled. "Umamin ka na ba?" 

Nagpamulsa ako. "It's not necessary." 

 "I won't ask the details." Ngiti pa rin niyang sambit kaya napatingin ako sa kanya. Alam din niya 'yung rumespeto, ano? 

"Bakit ka nga pala nag transfer?" Tanong ko na may kuryosidad. "Saka may ka-edad ba tayo sa skwelahan mo na Vampire Hunters din?" Pahabol ko. 

 Umiling siya. "Ako lang. Karamihan sa mga Vampire Hunters sa I.A.A. ay mas matanda sa akin. Sila 'yung mga naging survivor sa digmaan last 6 years ago." Kami lang dalawa ni Vermione ang magkausap dito sa likod ng classroom kaya wala namang nakakarinig sa amin. 

 

 Ngumanga ako sa nalaman ko. "I didn't expect that. 'Kala ko sa K.C.A. lang ang mayro'ng mga Vampire Hunters. Mayro'n din pala sa ibang lugar." 

 Binuksan niya ang takip ng kanyang juice. "Hindi ko nga rin inaasahan na mayro'n akong ka-edad na may alam tungkol sa nakatago sa mundong 'to." Uminum na siya. Tinutukoy rin niya 'yung bampira na namumuhay sa panahon ngayon. 

 Lumingon ako sa kanya. "But how come and you knew about them? Vampires. Ang alam ko kasi ay nakabaon na sa limot ang mga alaala ng mga tao tungkol sa nangyari last 6 years ago maliban siguro sa mga Vampire Hunters ngayon." 

Even though, I have no idea kung paanong nangyari iyon. 

 

 Ibinaba niya ang iniinum niya. "That's because I was imprisoned by one of the vampires last 6 years ago" Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin bigla sa kanya. Imprisoned?

 "2 months bago ako makatakas. Kaya ngayon, isa ako sa mga bumabalanse sa mundong ito." Kwento niya at yumuko kaunti. "Now, I'm looking for a certain person--No, a vampire to help me find him" Kumunot-noo ako. 

 "Him?" Sambit ko.

Tumalim ang paraan ng kanyang pagtingin kaya napaawang-bibig ako. "Bryan Olson." Banggit niya sa isang pangalan na nagpatibok sa puso ko. "To find where he is, I must find his son." 

 Lumunok ako. "Paano kung... Hindi rin niya alam?" Tanong ko naman. Dahil hindi ko rin alam. Wala akong ideya kung nasaan ang lalaking 'yun. Hinahanap ko rin siya. 

 

 Itiningala niya ang ulo para titigan ang kisame. "Then to pay for his crime, I���ll kill him." Sagot niya na nagpalaki sa mata ko, lumingon na siya sa akin. Nawala na 'yung matamis na ngiti na madalas niyang suotin. "Iyon ang rason kaya ako nagbalik dito. Dahil alam kong hindi pa siya nakakalayo." 

avataravatar
Next chapter