36 Implausible

Blood XXXV: Implausible 

Zedrick's Point of View 

Matapos naming magkita-kita nila Savannah ay bumalik na kami sa classroom kung saan naabutan pa namin 'yung mga kaklase namin na maagang naglilinis. Bumungad nga rin sa amin si Hades na napaka hyper pa rin kahit pawisin na. Tinanggal din niya 'yung suot niyang polo kaya ngayon ay nakasando lamang siya. 

 Inakbayan niya 'yung katawan ko-- Si Savannah at hinampas hampas ang likuran nito. "Babalik ka rito na may dala-dalang chics? Ta's dalawa pa? 'Di mo ba alam na nagiging makasalanang nilalang ka ngayon?" 

 Nakatingin lang kami ni Vermione sa dalawa nang ngiti na siyang dumiretsyo sa pwesto niya at masiglang binati ang mga kaklase namin na masaya rin siyang binati pabalik. Pwede na talaga siyang maging actress dahil sa ginawa niya. 

 Ibinaba ko ang tingin ko nang bigla hinawakan ni Hades ang kamay ko-- ni Savannah. T*ngina, sino mag-aakalang napakalambot ng kamay ng lalaking 'to? Parang hindi naghuhugas ng plato. 

 

 "Huwag kang papayag na magpaligaw sa lalaking 'yan. Huwag kang magtiwala sa mga soft boy, sila ang mga tunay na manloloko." Turo niya sa katawan ko kung saan naka-bored look lang din si Savannah. Imbes na matuwa ako sa lalaking ito, gusto ko na lang sapakin, eh. 

 Malakas na hinampas ni Miss Eirhart si Hades sa kanyang ulo gamit ang naka-roll na kwaderno kaya pare-pareho kaming napatingin sa adviser namin. "You know the rules, right? No PDA is allowed in K.C.A." Pasimpe akong umatras samantalang parang namangha lang si Hades. "Do you want me to give you your first punishment? Mr. Lee?" Kinilabutan ako sa paraan ng pagbibigay babala ng adviser namin kay Hades pero hindi iyon ang naging dahilan para matindag siya, sa halip ay hinawakan lang din niya ang kamay ni Miss Eirhart. 

 "Kung papipiliin ka, Miss. I love you o ang salitang mahal kita?" Nakatikim nanaman ng hampas sa ulo si Hades kaya napahawak na siya sa kanyang ulo. Ngunit 'di natigil ang kakulitan niya't itinaas niya lamang ang kaliwa niyang kamay. "Yes! Alabyo! Maglilinis na po kami!" Kinuha niya ang kamay ko at mabilis akong hinila. 

 Nang makarating kami sa likod kung nasa'n ang cleaning tools ay tangka ko na sanang kunin ang nag-iisang walis nang iabot bigla sa akin ni Hades iyong dustpan. Inangat ko ang tingin sa kanya na pinitik pa ang kanyang bangs para magmukha siyang cool. T*ngina. 

 "Ako ang magwawalis, binibini. Ayokong napapagod ang magandang katulad mo't mabalutan ng pawis." Humawak pa siya sa kanyang noo kaya ako naman itong binigyan siya ng walang ganang tingin. Kinukunsinto mo 'yung tao na maging tamad. 

 Pero ayaw niya kamo akong mahirapan?

May bigla namang namuong kalokohan sa isip ko dahilan para pa-simple akong mapangisi. Ngayon ko lang naisip na nakakatuwa itong body swap, may advantage rin.

Umarte akong feminine sa harapan niya at idinikit ang mga daliri sa labi-- paakit ganoon. "Ang bait mo naman. Pero sumakit din kasi 'yung tuhod ko dahil sa kakalakad ko kanina mula office building hanggang sa main building dahil may inasikaso ako. Napipilitan lang talaga akong maglinis ngayon. Kaya kung okay lang, ikaw na rin ang gumawa nang kaunting trabaho na ito?" pagpapabebe kong dahilan at marahan na itinulak palayo sa akin 'yung dustpan na inaabot niya sa akin. 

 Nakaawang-bibig siya noong determinado siyang napatingin sa akin.

"S-Siyempre! Kung para rin naman sa 'yo, gagawin ko!" Motivated niyang sabi kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti. 

Sa kaloob-looban ko, nagsisisigaw na ako sa tuwa. Sana pala babae na lang ako para napagsisilbihan ako ng ganito-- pero joke lang. 

 Umupo ako sa isang bakanteng upuan at ngingiti-ngiting nag crossed legs. Nagsisimula na ring maglinis si Hades. 

 Pa-relax relax lang ako nang may maramdaman akong presensiya sa likuran dahilan para marahan akong mapalingon doon. At iyon nga si Savannah at masama na nakatingin sa akin. "H-Hi?" Nag-aalinlangan kong bati sa kanya pero iyon siya't hinatak sandali ang maliit at cute niyang tainga. "Aray!" 

 Inalis ko ang hawak niya't siniko ang tagiliran niya. "Huwag mong gawin 'yan! Gusto mo bang magmukha akong masama sa ibang tao?!" Pabulong kong sigaw habang hawak-hawak ang tainga. Pero ano ang ginawa? Pasakal niya akong inakbayan.

"Kung ayaw mong may gawin akong hindi maganda sa katawan mo, 'wag mong simulan." But all I did was to make her sexy! Pero oo nga pala! Mas lalong magkakagusto 'yung mga kalalakihan sa kanya kapag ginawa ko 'yon!

 Dahan-dahan kong tiningnan ang mga kaklase naming lalaki, mga namumula ang mukha kaya inis akong napakamot sa ulo. "Ayaw n'yo talagang aminin pero close talaga kayo, 'no?" Walang ganang tanong ni Hades sa amin kaya napatingin na kami sa kanya't mabilis na naghiwalay.

"A-ano'ng sinasabi mo?" Pilit na pagtawa ni Savannah sa katawan ko na ang weird weird kung pakinggan. Inis ko siyang tiningnan. Ganyan kaya tumawa 'yung mga pabebeng bakla! 

 "Hindi naman ganyan 'yung tawa ko!" mahinang sabi ko sa kanya samantalang binigyan naman niya ako ng nakakairitang tingin.

"Eh, ganoon ka naman talagang tumawa, 'di ba?" Ano ba talaga ang tingin niya sa 'kin?! 

"Aminin mo nga, bakla ba ang tingin mo sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong. 

 "Shut up--" Tumigil siya bigla sa pagsasalita kaya napahinto rin ako. Si Hades naman tinanong si Savannah kung ano raw ang problema at hinampas pa ito sa braso kaya kamuntik muntikan pang ma-out of balance. "W-Wala." Sagot niya at biglang lumingon sa akin na may nakakatakot na tingin. Lah! Ano nanamang ginawa ko sa kanya?!

"Halika!" Iginiya ako ni Savannah palabas ng classroom. Narinig ko pa ang reklamo ng isa sa kaklase ko pero binalewala lang niya't dinala ako sa kung saang walang tao. Ipinasok niya ako sa madilim na kwarto na mukhang hindi naman gagamitin ng mga ganitong oras at binitawan ako pagkatapos. 

Sinilip ko ang mukha niya noong bigla na lamang siyang napahawak sa dingding.

"Bakit bigla mo 'kong dinala rito? Mapapagalitan tayo ni Miss Eir-- Uy, okay ka lang?" Tanong ko. Nakayuko lang siya't nanginginig ang katawan, nakikita ko siya dahil mayroon pa rin kaming liwanag na nagmumula sa labas ng pinto ro'n sa glass window. 

 Hindi niya nagawang magsalita kaya kinabahan na ako, pinagpapawisan din siya at habang tumatagal ay lumalalim na ang kanyang paghinga. Nagkaroon ako ng ideya sa kung ano ang nangyayari sa kanya pero matagal din bago mag sink in sa akin. 

 Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin! 

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa mga balikat niya. "K-Kukuha ako ng ibon sa tabi-tabi 'tapos inumin mo 'yung katas, okay?!" Natataranta kong wika't aalis na para makakuha ng dugo na sasapat lang sa katawan na gamit niya nang hawakan niya ang buhok ko't hilahin ako pabalik sa kanya. "Hoy! Katawan mo 'tong sinasaktan mo!" Bulyaw ko.

Inangat niya ang tingin tapos kagat-labi akong tiningnan. "N-Naiihi ako." Mahina nitong sabi kaya hindi ko narinig. Inilapit ko iyong sarili ko sa kanya. 

 "Ano?" Kunot-noo ko pang tanong. Eh, sa hindi ko nga narinig. 

"Naiihi kako ako!" Inis na sigaw nito na nagpatakip sa tainga ko. Grabe, nakakabingi pala 'yung boses ko kapag sumisigaw.

Tinuro ko 'yung banyo na malapit dito. "Edi mag banyo ka." Nagsalubong ang mga kilay niya't pulang pula akong tiningnan. 

 

 "Wha-- Alam mo ba kung ano 'yang sinasabi mong hunghang ka?! Ba't hindi ka nag-iisip?!" Bakit ba asar na asar siya? Nasaan na 'yung kalmado niyang personalidad? Saka ano'ng problema at parang hirap na hirap siya-- Ah! May makikita siyang hotdog.

 Binigyan ko siya ng malapad na ngiti. "It's fine, safe naman sa 'yo 'yong birdie ko--" 

 

 Pumikit siya nang mariin. "Kapag wala kang ginawa within 1 second..." Aniya at nagluluha na tiningnan ako, nagpipigil siyang maihi. "Hahayaan ko talagang maihi sa pantalon mo!" Babala pa niya kaya napasinghap ako. Nagawa pa niyang i-blackmail ako?! 

 "Eh, ano ba'ng gagawin k--"

"I-Isa!" Nahihirapan nitong panimula kaya napapahawak na ako sa ulo ko. Even if she said that, I also don't know what to do! Pine-pressure niya kaya ako! 

 Umangat na ang tingin ko sa kisame't napasigaw. "Arghh!" Kinuha ko ang kamay niya't hinila siya sa mga banyo ng mga lalaki. Kaso naabutan namin na maraming tao roon at na sa katawan nga pala ako ni Savannah kaya hindi ako pwedeng pumasok basta't basta. "Sh*t." Lumingon-lingon ako sa kanan at kaliwa. Ba't ba kasi 'to nangyayari?!

"I-ito na nga ang sinasabi ko, eh." Nahihirapan na sabi ni Savannah habang hinahanapan ko siya ng pwede niyang pagbanyo-han. Nang may maisip ako, pumunta ako roon. Doon kami sa gym dahil wala namang gagamit ng banyo ngayon dahil lahat ng estudyante ay na sa classroom at naglilinis. 

 Buti nga rin kamo, malapit lapit lang ang gymnasium. 'Di kami sa mismong main pumunta, ro'n lang sa may bandang satellite. 

Nakarating na kami sa isa pang madilim na gym, 'yung mga bola ay nakakalat sa madulas na simento at mukhang hindi inayos ng mga estudyanteng naglaro nito kanina. 

 Mabilis pa sa cheetah kung pumunta si Savannah sa banyo. Pinihit niya ang doorknob ngunit hindi ito mabuksan kaya napatingin na siya sa akin. "It's locked!" Mapula na ang mukha niya dahil sa pagpipigil. 

Dali-dali akong pumunta sa kanya at sinipa ang pintuan, bumagsak ito kaya nganga siyang napatingin sa akin. Lakas talaga ng katawan ni Savannah! "What the hell have you done?!" 

"Ah, baka kasi maihi ka na talaga sa pants ko, eh." Napailing naman itong pumasok sa banyo kasabay ang pag switch on nito ng ilaw, pagkatapos ay binuksan ang zipper nang makarating sa isang cubicle. Ngunit bago ilabas ang dapat na ilabas ay napatingin siya sa akin. "D-do I have to touch it?" nag-aalanganin niyang tanong. Alangan namang hindi mo hawakan, paano lalabas 'yung liquid?!

Nginitian ko siya. "Pwede namang ako." Humakbang pa ako palapit at hahawakan sana ang hindi niya mahawakang bagay nang mapatingin siya sa kamay na papalapit sa kanya. Hinampas niya ito kaya humawak ako roon at hinimas-himas. "Bakit nanaman?" Walang ideya kong tanong.

Simangot itong pumaharap ng tingin. "Ayokong maramdaman ng katawan ko ang dapat na hindi pa." Kahit hirap na hirap siya ay pinilit pa rin niyang gawin. Nakapikit din siya.

Bumuntong-hininga ako, bakit pa niya ako sinama kung siya lang din pala ang gagawa? "A-Ang weird naman ng tunog, ang ingay pa." Hiya nitong daing kaya sinilip ko siya. 

 Sinara niya kaagad 'yung pinto. "Don't peek! Baka may maalala 'yung utak ko!"

Kumurap-kurap ako. "Possible ba 'yon?" I asked him in disbelief.

Tapos na siyang gawin ang dapat na gawin kaya lumabas na siya ng cubicle at isinara ang zipper. "Ano? Nakahinga na ng maluwag?" Tanong ko kasabay ang paglabas namin ng banyo. Nakapatay na ulit ang ilaw.

Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong. "Gusto ko na lang bumalik sa katawan ko para makalimutan ko 'yung feeling ng ano mo." 

 Ngumisi naman ako. "Ng ano ko? Ano iyong ano na tinutukoy mo?" Pang-aasar ko sa kanya kaya pulang pula naman itong napalingon sa akin. 

 "Bakti kailangan ko pang sabihin kung alam mo naman na ang tinutukoy ko? Manyak ka."

 Taas-noo akong bumaling ng tingin. "Lalaki ako, 'no?" 

 Malapit na rin kaming makalabas pero may narinig kaming mga yapak ng mga paa kaya huminto kami.

 "Wala kayong ititira na lilinisin, ah? Lahat, pati banyo linisin n'yo!" Rinig naming sabi ng isang lalaki na pababa pa lang dito sa gymnasium. Mukhang teacher iyon. 

Naglakad na muli ako nang hawakan ni Savannah ang braso ko. "Stop!" Udyok nito at inilibot ang tingin sa paligid bago ibalik sa akin. "Kapag nalaman nila na magkasama tayo sa madilim na lugar na 'to, baka iba isipin nila."

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Bakit naman? Pwede naman nating sabihin na sinamahan mo lang akong umihi, eh." Walang ideya kong tanong kaya napasapo siya sa noo. Mukhang nakukunsume na siya. 

"That's the worse reason you will give to them. Halika!" Muli nanaman niya akong hinila. Ang hilig nitong mangaladkad! 

 Naghanap kami ng pwedeng pagtaguan hanggang sa dumating na ang guro kasama ang ilan sa mga estudyante. Dead end!

 Sumanggi ang bote sa paa ko kaya parang napatingin sa gawi namin ang guro. "Sino 'yan?" Tanong nito at tututukan na kami ng dalang flashlight.

"Whoa--" Tinakpan ni Savannah ang bibig ko at dinala ako sa masikip na kahon na nasa tabi lang namin. Yeah, because we suddenly tried to hide-- We've ended up in this unbelievable position.

Nakapatong siya sa akin habang na sa pagitan ng mga legs ko ang tuhod niya. Malapit din ang mukha niya kaya nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga. Bakit parang nagiging babae ako sa lagay na 'to?! Bakit amoy tuna rin 'yung bibig niya?! Oh, baka ito talaga ang amoy ng hininga ko?!

"Don't move." Cool lang nitong sambit pero hindi ko mapigilan dahil hindi ako kumportable. Sa sobrang gulo ko, natatamaan ko ang hindi dapat matamaan sa tuhod niya. 

 Hindi ko napigilan ang mapaungol. F*ck! F*ck! F*ck! Ganito ba ka-sensitive ang mga babae?! Ikalma mo sarili mo! Hindi pwede 'tong iniisip mo!

"Don't make a lewd voice, you pervert!" 

 "It's not my fault that your body is too sensitive, dammit!"

Lumapit na sa pwesto namin ang isa sa mga dumating kanina. "Sigurado akong may narinig ako, eh." Tumaas ang balahibo namin noong marinig namin ang nagsalita. Ang lapit lang niya sa kung nasaan kami! 

 Gumalaw nang kaunti si Savannah kung saan natamaan pa ang ang dibdib ko o ng katawan niya. Tinakpan ko na ang bibig ko noong may lalabas nanamang boses. This is sh*t! Natu-turn on ako sa sarili kong katawan! P*tangina, nakakahiya 'to! 

Naramdaman namin ang pagharap ng lalaki sa lugar kung nasaan kami, naririnig na rin namin itong maglakad na mukhang iche-check kung ano ang laman nung na sa kahon kung saan kami nagtatago. Lagot! Lagot! Lagot!

Kapag natagpuan nila kami rito, wala na, lagot na talaga! Masisira ang pangalan ni Savannah kapag nangyari 'yon! Ano na?! 

Pumikit ako nang mariin noong tumapat na rin banda sa amin ang flashlight, handa ng mabuko nang tawagin siya ng guro. "Ciax! Nakalimutan ko 'yung record book! Pakikuha nga sa faculty room." Utos nito kaya kaagad namang sumunod ang estudyante at tumakbo na palayo.

Nakahinga kami ng maluwag pero pinisil lang ni Savannah ang pisngi ko-- niya. "Kung wala ka lang talaga sa katawan ko, sinapak na kita!" Nanggigigil nitong sabi na tinawanan ko naman. 

avataravatar
Next chapter