44 Future Awaits

Blood XLII: Future Awaits

Savanna's Point of View

"Whoa! Hindi mo talaga ako inaatrasan, ah?!" Patalon na umatras si Zedrick sa pag-atake ni Hades. 

 Samantalang ini-swing naman ni Zedrick pabalik ang wooden stick na ginamitan lamang ng blocking ni Hades sa pamamagitan ng pagsalubong ng likod nung kamao niya. 

 

 "Hmm." Reaksiyon ko habang pinapanood lang din silang naglalaban. 

 Umismid si Hades saka tumalon na may paggamit ng high kick. Pa-tumbling lang din iyon inilagan ni Zedrick. "It's between you and me, bro. You're not even a girl." Ibinaba ko ang iniinum kong juice at binigyan si Hades ng walang ganang tingin.

He went easy on me?

Umupo sa tabi ko si Vermione at inabot sa akin ang ginawa nilang sandwich ni Miss Eirhart. Ibinaba ko ang tingin doon at medyo nag-alanganin. "Don't worry, tumulong ako kaya hindi kakaiba 'yung lasa niyan." ani Vermione na may pagpilit pa ng ngiti. 

 Humagikhik naman ako't kinuha iyong sandwich. Pasimple ko ring chineck iyon. "Thank you." Pareho naming pinapanood 'yong dalawang lalaki na kanina pa walang tigil sa pagte-training. Sinabi na kasi namin na magpahinga muna sila dahil ilang oras na rin silang nakababad sa tubig habang nakikipag laban sa isa't isa but they still insisted to continue. 

Pumunta kami rito sa mababaw na ilog dahil nakakatulong kasi ito sa pag regulate ng body temperature sa isang katanggap-tanggap na range at nakakapag lubricate ng joint. 

 Hindi ganoon kalamig 'yung tubig. Katamtaman lang kaya hindi naman sila tatamaan ng sakit kaagad. Pero kung magtatagal sila, baka sipunin na sila mayamaya. 

 

 Tiningnan ko ang tubig. Ang linaw nito kaya makikita rin iyong nagkikislapan na bato na nagmula pa sa mainit na araw. 

Iba't-ibang kulay, at shapes.

 

 Ilang araw na kami rito at nakikita namin ang improvements kay Hades. Anytime soon, pwede na namin siyang isama sa Prison of Atlante. More on Long Range Attack talaga si Hades at mahina sa short range kaya hanggang ngayon ay puro sila physical attack. Kasi hindi naman namin alam kung kailan kami mawawalan ng armas kaya maganda na palagi kaming handa.

 Pinagawa na namin iyong armas na babagay kay Hades, ang Judge Dredd's Lawgiver Model 007 na wala sa U.B. 

Wala kasing armas ang tumanggap sa kanya kaya nagpagawa kami sa arm laboratory para magpa-fuse. Makukuha na niya iyon pagbalik namin sa K.C.A. 

 Tumingala ako nang maalala ko 'yung paraan ng pagtalsik ni Hades para lang matanggap siya ng mga armas na hahawakan niya. Mapapailing ka na lang talaga ng wala sa oras. 

 

 "Savannah! Vermione!" Tawag ni Miss Eirhart sa amin dahilan para lumingon kami sa kanya. Nag gesture siya na lumapit sa kanya habang may dala-dalang pirasong papel. Nagtaka man kami ay tumayo na lamang kami upang lumapit sa kanya. "This will be your first mission." Aniya at tiningnan ang bandang bundok. Tinuro niya iyon. "There's a passion fruit on top of the mountain. I want you to look for it." Walang paligoy ligoy nitong sabi.

Kumunot ang noo ko. "That's it?"

"Yes, iyon lang. Bumalik kayo rito bago lumubog ang araw." Sinindihan niya 'yong cigarette stick niya't ibinuga ang usok. Tinakpan ni Vermione ang ilong niya.

"Miss, you should get rid of that. It's not even good for your health." Panenermon ni Vermione na hindi lang pinansin ni Miss Eirhart at naglakad lang papunta sa kung saan. Hindi na namin siya sinundan at tiningnan lang namin ni Vermione ang isa't isa bago inilingon ang gawi kina Zedrick na tapos na pa lang mag-ensayo. "We're going." Paalam ni Vermione.

Isinuklay ni Zedrick ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri. For some reason, medyo natulala ako ro'n sandali. "Saan?" Tanong ni Zedrick at inalis ang suot suot niyang damit kaya nakikita ko ang iilan sa abs na mayroon siya. Huminga muna ako ng malalim at tumikhim na inilayo ang tingin. 

 Sinagot ni Vermione ang tanong ni Zedrick samantalang kinuha ko naman ang Drawstring Bag na nandoon sa pinag-upuan ko kanina. Dala-dala ko rin ito dahil kumukuha kami ng bayabas na hindi naman lalayo mula rito. 

 Sa Drawstring ko ilalagay iyong makukuha naming Passion Fruit mamaya.

"Samahan na namin kayo." Inilingan ko si Hades.

"Dito lang kayo, kaya kami aalis para sa sarili naming task. Just continue your training." Sagot ko at nilingon si Vermione na nakataas ang dalawang kilay. "Tara na." Anyaya ko kaya nagsimula na kaming maglakad at iniwan ang dalawa roon. Habang naglalakad kami ay pasimpleng sumulyap si Vermione kasabay ang paglagay ng dalawang kamay niya sa likod.

Sinilip niya 'yung mukha ko. "Savannah, have you ever fell in love?" Tiningnan ko siya dahil sa katanungan niya. Now, why is she asking me this?

"I mean, don't you have a thing for him?" Dagdag niya. Sino naman tinutukoy niya?

Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin. "Who are you referring to?"

Ngumiti ito ng matamis, "Zedri--" Itinapat ko kaagad 'yung mga palad ko sa mukha niya't bumuntong-hininga. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Ano ba'ng mayroon sa lalaking iyon at madalas ng tanungin 'yan ng mga tao sa akin? At ba't mo naman naisip 'yong ganyang bagay? Wala akong oras makipag--" Hindi niya ako ipinagpatuloy dahil bigla rin siyang sumabat.

"I don't want you to think that I'm pressuring you and I don't like to ask you about this but I also don't like you to suffer mental problems in the future so how if maunahan ka ng iba like may ibang magustuhang iba si Zedrick just because you kept on denying it?" Tanong niya na medyo nagpakunot sa noo ko. "How will you feel about it?" Dugtong niya.

Pumaharap ako ng tingin at nag-isip. Inulit ko rin ang kanyang binanggit. "I..."

"See? Kung wala ka namang nararamdaman, hindi ka naman magsasayang ng oras na mag-isip ng sagot." Umakyat ang dugo ko dahil sa realization na iyon tapos muling nilingunan si Vermione na nagpipigil na ng tawa dahil sa tuwang makita ang ginawa kong reaksiyon.

 Hindi naman ako makasagot o makaganti dahil alam ko naman sa sarili ko na may point siya. Pero hindi ko pa rin sigurado kung talaga ngang mayroon akong nararamdaman sa kanya. 'Di pa ako sigurado. Never pa naman akong na in love sa kahit na sino. 

"Whatever you say, stop it. Kailangan na muna nating gawin kung ano man iyong pinapagawa sa atin ni Miss Eirhart." Pag-iiwas ko na lang sa usapan.

Inangat niya ang tingin at tumango. "Yeah, sure but are you sure that you're not in lov--" Hihirit pa sana siya ng pang-aasar pero umiling ako at binigyan siya ng walang ganang tingin.

"Let's not talk about it." Pagpapatigil ko sa sabihin niya na ikinakibit-balikat lang niya.

 "Feelings bloom for no clear reason before you know it."

 "Vermione!" Bulyaw ko pero tumawa lang ito nang tumawa.

Zedrick's Point of View 

Sinundan lang namin ng tingin ang dalawa na papalayo na sa amin kaya tiningnan namin ni Hades ang isa't isa at napa-bored look. "Nakakawalang gana." Sabay na wika namin bago bumalik sa rest house. Wala na kaming motivation mag training dahil wala ng nanonood. Wala na si Savannah. 

 Iniwan lang namin 'yong mga gamit sa ilog tutal wala namang mga tao maliban sa amin. Walang mawawala.

 Binuksan namin ang pinto at luminga-linga. "Wala si Miss, 'di pa nakakabalik?" Hanap ni Hades habang patuloy pa rin sa paglilibot ng tingin sa paligid. "Ay buddy, curious ka ba sinasabi ni Miss Eirhart na restricted room?" Ngingiti ngiti nitong tanong.

Huminto naman ako tapos tumingin sa daan kung saan pinagbabawal kaming pumunta't pumasok. Binasa ko rin 'yong iniisip ni Hades. "Alam kong bawal pero parang gusto kong pumasok." Rinig kong boses mula sa utak niya.

Hinampas ko ang likod ni Hades at tinuro siya. "Hoy, kung ano man 'yung iniisip mo, tigilan mo 'yan. Baka mapahamak tayo dahil sa curiosity mo." Paalala ko sa kanya.

Inangat niya 'yong dalawang kamay niya bilang pagsuko. Naligo na lang kaming pareho para na rin makakapag pahinga kami.

***

PUNAS PUNAS ko ang buhok ko ng tuwalya habang papalabas pa lang ako ng banyo. Tapos na ako maligo pero hindi pa ako nakakabihis, nakatapis lang ng isa pang tuwalya ang kalahati kong katawan. Tumigil ang tingin ng mata ko sa gawi ni Hades na seryoso lamang na nakatingin sa labas ng pinto. "Bru, 'di ba si Curtis 'yon?" Turo niya sa hindi kalayuan. Sinundan ko naman ng tingin 'yung tinuturo niya, kaso wala naman akong nakikita.

Kumunot-noo ako. "Pa'no siya makakarating dito. Eh, tayo tayo lang naman ang tao sa lugar na 'to?" Nagtataka kong sabi pero hindi siya nakapagsalita at humawak lamang sa noo't umiling ng isa. Natawa ako't umakbay sa kanya. "Na-miss mo? Ikaw, ah." Tukso ko. 

Tumawa lang siya. "Gag*, pagod lang siguro ako kaya parang nakikita ko si Curtis." Inalis niya 'yong kamay ko sa pagkakaakbay ko sa kanya't dumiretsyo na lamang sa aming kwarto. "Magpapahinga lang ako sandali." Paalam niya na hinayaan ko lang. Ibinaling ko lang ang tingin ko sa mga damit kong nakasabit sa sandalan ng upuan.

Kukunin na noong umatake nanaman ang sakit ng dibdib ko. Nanlaki ang mata ko't napahawak doon kasabay ang pagluhod ng isa kong tuhod. You've got to be kidding me! I already drank all of the blood packs at my home so why am I--

"Do you think those artificial blood is enough for you to live?" Rinig kong boses mula sa kung saan dahilan para mas manlaki ang mata ko. Bumungad sa harapan ko ang babae. Nahihirapan man akong makita siya nang maayos dahil sa sobrang pag-ipit ng ugat sa dibdib ko, alam ko na siya 'yung babaeng nakita ko bago kami makarating sa Destination Area 3-F. Why is she here?

"I'm Aria. I only showed up to remind you that you're near to your range." Pagbibigay babala niya. Hindi ako umimik at pumailanlang lang ang ungol ko sa sa sakit ng dibdib ko. "Drink her blood." Tukoy niya sa kung sino kaya inangat ko ang ulo ko para makita siya. What?

"You're not talking about Sav, aren't you?" Paninigurado ko habang napapapikit.

 "That girl's blood is something you should achieve, vampire. Her blood is rare yet terrifying thing you could even imagine. Taking her lifeblood could mean that you'll possibly become human that will bring to an end of your suffering." aniya't ngumisi. "…which is what you want, right?" Mapang-akit na tanong kasabay ang paghawak nito sa aking pisngi. "Your wish will be granted if you don't hesitate." 

Pinanlisikan ko siya ng tingin, "Are you a foe?" I asked her but she didn't answer.

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa pisngi ko't lumayo nang kaunti sa akin. Iniba na rin niya ang usapan. "If Savannah were to die, I'm sure you won't smile that way year out. You might wish that you could forget that you've ever met but the future was already written. You need her for your new transformation," she paused, "...No, there's another future that awaits to you." Bumuka ang bibig ko dahil doon. May isa pang pagpipilian?!

"Death. She will kill you before you become a monster."

avataravatar
Next chapter