37 Chase by the Hearts

Blood XXXVI: Chase by the Hearts 

Zedrick's Point of View 

 Kamot-kamot ko ang ulo pabalik sa classroom habang nakalagay ang isa kong kamay sa beywang ko, hindi ko kasabay si Savannah at pumunta na muna sa kung saan. Medyo nag-aalala nga ako dahil wala siya sa katawan niya at baka nakakaramdam ng uhaw 'yong katawan ko-- pero baka hindi naman? 

 Ibinaba ko ang tingin ko sa mga palad ko't ibinuka sara iyon. Wala naman akong ibang nararamdaman sa katawan ni Savannah at parang ako lang din ang kumo-kontrol. Kaya hindi naman siguro mauuhaw si Savannah sa katawan ko dahil wala naman ang soul ko ro'n bilang isang bampira. 

 Huminto ako sa paglalakad at tumingin-tingin sa kaliwa't kanan ko bago pa-simpleng humawak sa may bandang pwet-an ng katawan niya. 

Hindi ba pwedeng magpalit ako ng pantalon? Pakiramdam ko, nasisilipan si Savannah sa skirt na 'to, eh. 

 Nakita ko sa hindi kalayuan si Curtis. Mukhang may hinahanap siya pero tumigil din nang makita ako. Kaya ako naman itong kusang kumaway, nakalimutan na wala nga pala ako sa sarili kong katawan. 

 Kumurap-kurap naman siya bago ako nginisihan at umalis. Ibinaba ko na lamang ang kamay ko't nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom. Doon ko nga lang din na-realized kung ano 'yong nagawa ko. 

 Mawe-weird-uhan siguro si Curtis dahil kumaway sa kanya ang isang Savannah. 

 "H-Hello, Savannah." Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang lalaking estudyanteng ito na kumakamot-kamot sa ulo habang nakaiwas ang tingin. May mga estudyante naman sa gilid ang mukhang chini-cheer ang na sa harapan ko. Parang magtoto-tropa sila. 

 Naningkit ang mata ko, 'yong ganyanang style... 

 May inabot siya sa 'kin na 'di gano'n kalakihang box mula sa likuran niya, "S-Sana matanggap mo." Pag-aabot niya sa 'kin nung nakabalot na kahon kasabay ang hiyawan ng mga tropa niya. Pumukaw na rin ang tingin ng ibang estudyante sa amin. 

 May pumitik na kung ano sa sintido ko dahil sa inis. 

"G-Ginawa ko talaga 'to buong gabi para sa'yo." Nahihiya pa niyang dagdag. 

Hoy! Nasa'n ka ba?! Na sa shoujo anime?! Ano bang araw ngayon? 

Ang alam ko, malayo pa ang white day, ah? Saka wala tayo sa Japan, gunggong ka! 

 

 "P-pero wala akong hinihinging kapalit, ang gusto ko lang talaga ay matanggap mo 'to. Kaya..." Napapikit siya nang mariin. Tila parang umaasang matatanggap ko 'yong binigay niya. 

 Napaawang-bibig ako. Ayoko talaga 'tong tanggapin dahil baka mamaya, umasa siya na mayro'n siyang chance kay Savannah dahil gano'n kaming mga lalaki, eh. Kapag nagbigay kami at tinanggap iyon ng mga babae, nando'n iyong thoughts na baka may pag-asa kami.

Pero sinabi naman niyang wala siyang hinihingi na kapalit at mukhang sincere naman siya kaya kahit labag man sa loob kong kunin, kinuha ko pa rin. 

Nilayo ko ang tingin ko habang kinukuha ang kahon na 'yon. 

 "S-Salamat." 

 Nakita ko naman sa peripheral eye view na lumapad ang ngiti niya at unti-unting lumilitaw ang mga puso sa paligid dahilan para burahin ko 'yon. Bakit may puso?!

 Umatras na itong lalaki 'tapos mabilis na nagpaalam. Nakatingin lang ako sa kanya na tumatakbo na paalis at tiningnan ang bigay niyang kahon at inalog-alog ang laman. 

 "Ano kaya 'to?" Tanong sa sarili at lumingon sa kaliwa't kanan bago punitin nang kaunti 'yong balot para makita ang laman. 

 "S-Savannah." Tawag nila sa pangalan na iyon, nagkaroon ako ng masamang kutob lalo pa't ramdam ko ang mga presensiya sa aking likuran. Mabilis akong umatras paharap sa kanila. 

 Mga lalaki ito na may hawak-hawak na regalo, nakapila pa silang lahat at mga nagkikislapan ang mga mata sa sobrang pagkasabik. 

 Hehh… 

 "Ahm…? Ano'ng kailangan n'yo?" Kinakabahan kong tanong saka sila isa-isa mga nag-aabot ng mga regalo nila. 

 "Tanggapin mo 'to!"

 "Savannah! Kahit ito lang 'yong tanggapin mo!" 

 "Pati 'yong akin!" 

 "Akin din!" 

 Umaatras na 'ko dahil halos ingudngod na nila sa 'kin iyong regalo na pilit nilang ibinibigay sa 'kin. May mga kanya-kanya silang sinasabi kaya 'di ko na naiwasan ang mabilis na pagtakas. Sinundan naman nila ako dahil doon at tila parang mga echo na tinatawag ang pangalan ni Savannah. 

 Nakisama rin 'yong ibang mga lalaki sa ibang section na mukhang may gusto kay Savannah kaya lumingon ako sa kanila. "Hoy! 'Wag n'yo nga 'kong sinusundan!" Sigaw ko sa mga 'to pero hindi sila nakikinig at patuloy pa rin sa paghahabol sa 'kin. 

 Hindi ko alam na ganito 'yong nararanasan ni Sav! O baka naman dahil sa pagtanggap ko sa regalo ng lalaki kanina?!

 

 Tiningnan ko 'yong hawak kong kahon. "You're a curse!" Bulyaw ko ro'n saka hinagis sa mga lalaking patuloy pa rin sa pagsunod sa 'kin. 

Umakyat ako ng hagdan habang takip takip ang ilalim ng skirt ni Savannah. Baka silipan pa ng mga hinayupak na ito 'yong kailaliman ng skirt na 'to, eh. 

 "Savannah! Sandali! Tanggapin mo lang 'tong munti kong regalo!" 

 "Shut up! 'Yong akin ang tatanggapin niya!" 

 "Ano'ng pinagsasasabi mo!" 

 Nakatuntong na 'ko sa palapag at kumanan, matulin pa akong tumakbo. 'Di naman na sila nakakahabol pero may naririnig pa 'kong mga boses sa kung saan. May iba siguro na dumaan sa ibang direksiyon para makasalubong ako. 

 Tumigil ako. "Damn." 

 Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko sa kung ano ang gagawin. May kumuha ng braso ko't hinila ako papasok sa loob ng classroom. Sinara niya ang sliding door. 

Magsasalita pa nga sana ako pero tinakpan na niya ang bibig ko dahilan para lingunin ko siya na nasa likuran ko. Nag-aakalang kung sino pero iyon pala... 

 si Curtis?! 

 Ibinaba niya ang tingin niya sa 'kin at nginitian ako't humagikhik. 

 "Savannah!" 

 "Nasa'n ka?!" 

 "Hanapin n'yo siya sa fourth floor! Baka nando'n siya!" 

 

 At narinig namin ang papaalis na yapak ng mga paa. Hinintay pa namin sandali at pinapakiramdaman ang paligid. Ilang minuto lang noong maging kampante na kami kaya inalis na ni Curtis ang kamay niya sa bibig ko dahilan para makahinga na 'ko ng maluwag. Nagpa-salamat naman ako sa kanya. "Ah, no need to thank me. I'm just here to help the weak." 

 

 Gusto kong matumba sa pwesto ko dahil sa pang-aasar niya kay Savannah. Pero ganito ba talaga ang mga babae?

 

 Tumayo na 'ko at sumulyap sa maliit na bintana ng sliding door. Mukha namang wala na sila kaya makakalabas na 'ko. 

 Inilipat ko ang tingin kay Curtis at nginitian siya. "Siguro kung wala ka rito, nahabol na 'ko ng mga 'yon." 

 

 Tumawa naman siya. "Iba talaga kapag sikat ang isang Savannah." Sambit niya 'tapos nagpameywang na lumingon sa kaliwa niya. "Magsisimula na 'yong klase, umalis na tayo dahil baka may gumamit nitong room mamay--" Naputol ang sasabihin niya dahil muli nanaman namin silang narinig. Pero tatlo lang sila ayon sa paraan ng pagtakbo nila kaya ako nanaman itong nataranta. 

 Baka pumunta sila rito! Ano'ng gagawi-- 

 Hindi pa nga natatapos 'yong sinasabi ko nang itulak ako ni Curtis sa sahig. Pumatong at laking gulat sa sunod niyang ginawa. 

 Binuksan ng kung sino ang sliding door, napagtanto ang dapat na 'di makita dahilan para mapasinghap ang mga ito sa gulat. Baka iba ang isipin nila sa naging posisyon namin!! 

 Kahit ako, nanlalaki ang mata ko habang naduduling na nakatingin kay Curtis. Kaunting push bago lumapat ang labi niya sa labi ni Savannah. 

 'Wag! 'Wag mong ididikit 'yan sa labi ni Sav! 

 

 Aalis sana ako pero higpit niya hinawakan ang braso ko at inilagay ang tuhod niya sa pagitan ng legs ni Savannah--ko. "Don't move." Bulong nitong udyok na pati hininga niya ay nararamdaman ko. Hindi ako makahinga. Ang lakas ng tibok ng puso ko! 

 Paanong hindi?! Nakadikit masyado 'yong boobs niya sa 'ki-- Kuuuuuuhh! 

 "S-Sorry sa abala!" Malakas na sigaw ng lalaking iyon saka mabilis na umalis sa lugar na ito. Lumayo naman si Curtis sa 'kin habang halos mahilo-hilo ako sa nangyayari. 

 Ngumisi siya at inilagay ang hintuturo sa isa pa niyang hintuturong daliri. "On a second thought, ang cute mo pala talaga, ano? Kung lalaki lang siguro ako, hinalikan na kita." 

 

 Napaupo ako sa sinabi niya habang halos maging kamatis ang mukha ko, kahit hindi ako si Savannah. Pakiramdam ko, ako ang sinasabihan niya. "Ano'ng pinagsasasabi mo?!" Bulyaw ko pero itiningala lang niya kaunti ang ulo niya't ngumuso. 

 "Hindi naman ako bisexual pero pwede talaga kitang kainin dito kung gusto ko." Biro niya. 

 "That's not funny!" Segunda ko saka may tumikhim sa labas ng pintuan. Pareho naman naming tiningnan iyon, nandoon si ako! Este si Savannah sa katawan ko. 

 

 "A-ano tingin n'yong ginagawa n'yo?" Nakangiti siya pero nagpipigil lang talaga siyang sumabog. Bumubuka-sara naman 'yong bibig ko dahil sa takot na nadarama. B-baka sapakin niya ako, baka sapakin niya ako! 

 Tumayo naman si Curtis at nginitian si Savannah. "Oh, Zedrick. Nandiyan ka na pala, hindi kita napansin." 

 Ngumiti ng pilit si Savannah. 

 "Wala akong ideya na may ganyan kang pagtingin kay S-Savannah." Nauutal na sabi ni Savannah habang na sa likuran lang ako't hindi alam ang gagawin. 

 

 Tinakpan naman ni Curtis ang bibig niya. "Aww, Zedrick. Nagseselos ka?" Sabay kapit sa braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Isama mo pa nang idikit niya 'yong dibdib niya sa braso ko dahilan para mapaangat ang tingin ko. 

 Hahh... I can die peacefully. 

 Nag-iba naman ang ekspresiyon ni Savannah 'tapos pumikit para ikalma ang sarili. "K-Kanina pa kita hinahanap, S-Savannah. Kung tapos na kayo, hihiramin na muna kita." Sabay layo niya ng tingin. 

 Napatingin na ako sa kanya ng diretsyo. "K-Kanina pa? Pasensiya na." Aalis na sana ako sa tabi ni Curtis pero hinila lang niya ako pabalik dahilan para mapaluhod ako, 'tapos inilagay niya ako sa harapan niya kasabay ang paghawak niya sa baba (chin) ko. Ipinulupot din niya 'yong isang kamay niya sa beywang ko habang nakasuot ng mapang-akit na ngisi. HOYYYYYYYYY!!! 

 Nagulat si Savannah gayun din ako pero itinagilid lang niya 'yong ulo niya. "This is strange... Ba't parang nakikita ko si Zedrick sa 'yo?" Mas nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. A-Ako nga si Zedrick. Pero imposible na makahalata siya, sa mundo ng mga tao. They don't believe in such supernatural thing. 

 "A-Ano'ng sinasabi mo? Sabog ka ba?" Tanong ni Savannah mula sa katawan ko kaya inangat ni Curtis ang tingin niya't nanliit ang paningin. 

 "That is how Savannah normally say." Pag-uusisa niya't ibinalik ang tingin sa 'kin. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin na may ngiti sa labi. "At hindi ko masasabing ikaw nga si Savannah kung," Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ito sa dibdib niya. 

 Napasigaw ako't napaupo sa sahig. Pulang pula ang mukha dahil sa kanyang nagawa. 

 Lumapad ang ngiti sa labi niya. "…'Yang reaksiyon ang makikita ko." 

Bumalik naman ako sa wisyo at napaangat ang tingin sa kanya. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya kaya nagsisimula na 'kong pagpawisan. Napaseryoso lang si Savannah ng ekspresiyon at 'di gumagalaw sa pwesto niya. 

 Namagitan ng katatimikan sa paligid at namumuo ang malamig na tensiyon. 

Walang ni isa sa 'min ang nagsalita at pareho lang kaming nakatingin ni Savannah kay Curtis. 

 "Ano ang alam mo?" Tanong ni Savannah na may seryoso pa rin sa kanyang mukha. 

 Wala pa ring bumasag sa katahimikan kaya ibinuka ko na ang bibig ko, handa ng magsalita nang humalakhak siya. "Nice acting! Galing, galing!" Pagpalakpak niya't lumapit sa akin para tapikin ang balikat ko. "Ewan ko kung ano ang mayro'n sa inyong dalawa ni Zedrick para umarte kayo ng ganyan pero kapag 'di mo 'yan tinigil, aagawin ko na talaga si Zedrick sa 'yo." Ngisi nitong pang-aasar sa akin. 

 Nilingunan ko naman siya't pilit siyang nginisihan. "A-As if namang makukuha mo siya?" Kunwari pa na pagtataray ko na tinawanan lang niya. Tinapik tapik pa niya ako. 

 "Tama, tama. That's the Savannah I know." Inalis na niya ang kamay sa balikat ko't lumabas na ng classroom na ito. Nang madaanan niya ang katawan ko, binigyan niya ng flying kiss si Savannah. Pero ang tanging ginawa ni Savannah ay kinuha niya ito at binato sa kung saan. 

 "Bye, Zedrick!" Paalam niya kay Savannah. Inilayo lang ni Savannah ang tingin 'tapos nagbuga ng hininga. 

 

 Lumabas na rin ako ng classroom 'tapos tiningnan si Savannah. "Hey, if you continue to make that face. Magmumukha na talaga akong bading niyan." Sabi ko pa pero binigyan lang niya ako ng nakamamatay na tingin bago maunang maglakad. "Oy, 'di ba hinahanap mo kamo ako? Ba't mo 'ko iniiwan?" Habol ko at sumabay sa paglalakad niya. 

 

 "Ewan. Don't talk to me." Pagsusungit niya na nagpakunot sa noo ko. 

 "Huh? What did I do-- Ah! Nagagalit ka ba dahil nagawa niyang gawan ng kalokohan 'yong katawan mo? Sorry! 'Di ko rin kasi magawang makaalis dahil iniisip kong--"

 "That's not it and I'm not mad." Pagsabat niya kaya napakamot ako sa ulo. Ang hirap maintindihan ng mga babae. 

 "You're obviously mad, bakit nga?" Pangungulit ko pero ano'ng ginawa niya? Sinaktan niya sarili niyang katawan-- ako. Piningutan niya 'ko. 

 "Aray! Masakit, Sav. Katawan mo nanaman itong sinasaktan mo." 

 "I don't care, manahimik ka diyan!" 

avataravatar
Next chapter