41 Ability that Comes From The Heart 

Blood XL: Ability that Comes From The Heart 

Vermione's Point of View 

Sa gitna ng hallway ng building namin sa K.C.A, nakatingin lang ang mga estudyante sa amin na animo'y kabilang kami sa student council o sa sikat na grupo. Matapos naming makausap ang dalawang bata na sila Zue and Yue, papunta kami ngayon sa second building para puntahan ang lugar na iyon. 

 Dinalhan lang namin sila ng pagkain na ikinatuwa naman nila. Nagbigay rin ng blood pack si Zedrick dahil incase na mauhaw sila, pwede na lang nilang inumin iyon. 

Si Zue ang nagkwento, the reason why they have this kind of ability is because Yue-- The original person thought for a long time that having one personality is not enough to satisfy him. If he has another persona that will love by everyone and make him life more interesting then he will be contented. 

But one incident happened a long time ago, Zue has awaken having two face in one body. Someone put an unknown spell that made Yue enrage and discover this kind of ability.

The ability to exchange souls. 

Pero maliban doon, nalaman ko rin na umaayon ang abilidad ng isang normal na bampira ayon sa kung ano ang desire nila. In short, that kid wants to experience random struggles from someone's body by observing it. Zue is just a curious little cat who wanted to know different kinds of characteristic from each individual. Maybe to learn things that she couldn't able to see. But other than that, wala na. Ang gusto ko na lang malaman namin sa ngayon, bakit si Savannah ang pakay nila? What did she mean by dangerous? 

Ngayon ding may na-diskubre ako tungkol sa mga bampira. Paano nakuha ni Zedrick ng mind control? 

Huminto na kaming tatlo sa harapan ng Free standing bulletin board, nagkukumpulan pa 'yung mga estudyante para makita ang nakapaskil sa board ngunit nang mapansin nila kami ay mabilis silang umalis dahilan para mas maliwanag naming nakikita 'yung nakadikit sa board.

 Humawak ako sa pisngi at nalungkot sa nakita ko. "Hmm?" Nakadikit ang litrato ni Savannah kung saan pumasok siya sa condo ni Zedrick. 

Tiningnan ko si Zedrick. "It's you, right?" Paninigurado ko na tinanguan niya bilang sagot. 

 Ito 'yong araw kung kailan din namin natagpuan sila Yue. "But..." Muli kong ibinaling ang tingin sa litrato ni Savannah. 

 May nakalagay na sulat sa ibaba. 

"Going to a MAN's condominium at this moment of time? Savannah is a WHORE?!" 

 "This is just a kid show. Who would believe that?" Tanong ko na may pilit na ngiti sa labi ko. 

 "Don't underestimate Human's toxicity." Plain na tugon ni Zedrick kaya siya naman itong nilingon ko. 

 "Iyong mga taong naniniwala sa kung ano lang ang nakikita o naririnig nila ng walang katotohanan ay walang pinagkaiba sa asong kumakain ng basura." Wika ko saka inalis ang litrato ni Savannah doon. "Nonsense." I crumpled the photo and put it inside my skirt. Wala namang basurahan dito. 

 Hinawakan ko ang kamay ni Savannah at naglakad na.

 "You should leave it alone, Vermione." Balewala na sabi ni Savannah kaya sumabay sa kanya si Zedrick sa paglalakad. 

 Sinimangutan ko siyang nilingunan. "Geez. Hindi mo dapat sila kinukunsinti sa mga gano'n." 

 Sinilip ni Zedrick ang mukha ni Savannah. "Hindi ka ba naiirita ro'n?" taas-kilay na tanong niya saka napatingin sa akin. 

 "Akin na 'yong na-crumpled mo." Hingi ni Zedrick sa basura. "May gagawin lang ako." Dagdag pa niya. Ano naman kaya ang gagawin niya at hinihingi pa niya sa akin?

 "Ayoko nga." Ngiti kong pagtanggi kaya nag react siya. 

"You're not gonna do anything stupid, aren't you?" Pagdududa na tanong ni Savannah sa kanya kaya nangatwiran naman si Zedrick. Humarang sa amin ang dalawang babae kasama ang apat na lalaki sa likuran nila dahilan para tumigil na rin kaming tatlo sa paglalakad. 

 Magaganda't gwapo ang mga ito but they're a bad news to me. 

 "Sila Queen!" 

 "Narinig ko lang pero magkaklase si Savannah at Queen nung middle school, sinabi rin nilang magkakompetensiya sila sa academics at sports." 

 Ringi kong sabi ng isa sa mga estudyante. Tiningnan ko si Savannah na pokerface lang na nakatingin sa mga ito kaya naglabas ako ng hangin sa ilong at umabante nang kaunti. "Mukhang may kailangan kayo sa 'min, ha?" I guessed. 

Ibinaling naman ng babaeng kulot ang tingin niya sa akin at ngumiti, iyong pataray na ngiti. "I'm Queen, she's Nancy." Tukoy niya sa babaeng na sa tabi niya na straight ang buhok at walang suot na emosyon, a human doll. "You must be Vermione Velasco, right?" Mas ngumiti naman ako kaysa kanina. 

"Yes, I'm kind of surprise na kilala mo 'ko." Mangha kong sambit saka napatingin sa apat na lalaking na sa likuran nila. "And they are?" Pagtukoy ko sa pangalan nila pero ngumiti lang si Queen at naglakad papunta sa tabi ko para humarap kay Savannah na nakatingin lang din sa kanya. Si Nancy naman ang pumunta sa harapan ko. 

"There's something that I don't really like about you." Aniya na wala pa ring suot suot na emosyon habang nanatili lang ang ngiting nakaguhit sa labi ko. 

 "Ganyan ba talaga ang dapat na bungad sa taong unang beses mo pa lang nakausap?" Tanong ko. 

 "Savannah August Curry, totoo ba na pumunta ka sa isang condominium ng isang lalaki ng alasais ng gabi?" Queen asked that made me look at her and gave her a smile. 

"Oh? Are you interested in my friend's privacy? If you do, let me answer it for you." Mainhin at magalang kong sabi sa kanya pero tinanggihan lang niya't itinuon lang ang atensyon kay Savanah. 

 "You and I have been classmates for more than 5 years but it didn't occur to me that you would do some inappropriate actions, and for the most part that you're a model student of K.C.A. You're allowing student to catch sight of this filthy side of yours? Have you no sense of decency?" Taas-noo na sabi ni Queen dahilan para magbuga ng hininga si Savannah.

Humalukipkip si Savannah at hinawi ang hibla ng buhok niya upang iipit ito sa kanyang tainga. "Thank you for remembering me pero masyado mo naman yata akong ginagawang masamang tao sa paraan ng paglalabas ng salita sa bibig mo. Get it through your thick skull that I ain't like you." 

 Kita ko ang pagtaas sandali ng kaliwang kilay ni Queen pero huming siya nang malalim para i-compose ang sarili niya. "The photo on the bulletin board. Considering that it is already enough proof to say you're not a decent woman as other students thought about." 

 "Ikaw na rin ang nagsabi na hindi pumasok sa utak mo na makakagawa ako ng gano'ng action. So, where did you get the idea? Influence-- Oh, I see. I suppose you are the kind of person who would want to go up the atmosphere just to have something to talk about." 

 Natawa ang ibang estudyante sa sinabi ni Savannah. 

 

 "That's right, it's Savannah. She wouldn't do anything unnecessary." 

 "Yes, she's a mature person with decency afterall. Our Madonna." 

 Kumunot-noo si Queen. "In that case, what are you doing in his condominium? K.C.A's No. 3 School Rules - Pupils may visit the living quarters of the opposite sex only with the permission of the supervisors. But knowing the you'll go to his condominium alone, hindi ba't dapat may kasama kang teacher?" 

 Nagkaroon nanaman ng bulungan. 

 "Oo nga, ano'ng ginagawa ni Savannah sa condominium nung lalaki?" 

 "Baka nga totoo 'yung sinasabi ni Queen?" 

 "Hind, imposible." 

 Pumikit ako sandali. This is bad, kung magpapatuloy ito. Mas lalaki ang issue ni Savannah. 

 

 "I asked them a favor to do something for me." Pareho kaming napatingin sa pamilyar na boses na iyon. 

 

 Si Ms. Eirhart na papunta sa amin. 

 Umatras sina Queen habang tumabi naman sa akin si Ms. Eirhart, takot talaga ang mga estudyante sa kanya. Wala nga yatang estudyante ang hindi sumusunod maliban na lang siguro kina Hades tuwing klase. Nagagawa pa nilang maloko ang adviser namin. 

 "But I didn't allow them to go alone at the condominium. Am I right, Zedrick? Savannah?" Tanong ni Miss Eirhart nang tingnan sina Zedrick. 

 Iminulat ko ang mata ko't pumagitna kila Savannah at Queen. "They weren't alone, I was with them." Ngiti kong sabi na nagpalaki sa mata ni Queen. "So, there's nothing to worry about, isn't there? Mr. Okabe also asked me to give her the handouts. Nauna lang ako't kinuha ang susi ni Zedrick dahil naglilinis pa sila Savannah by that time. You can ask my classmates about it." Ngiti kong sabi para makasigurado sila. 

"What? But I saw you with--" Napatikum si Queen nang bigyan ko siya ng nakamamatay na tingin. Nakatingin lang sa kanya si Ms. Eirhart nang ilipat niya sa akin kaya ibinalik ko ang matamis kong ngiti. 

"What did you say?" Pa-inosente kong tanong kay Queen. " Baka gusto mo ring ipatingin ko sa CCTV kung sino naglagay nung photo sa bulletin board kanina? Sharing photos of the victim without their knowledge or consent, additional writing or belittling messages are considered as bullying." Pananakot ko sa kanya kaya napaatras siya. 

 "B-Bakit mo sa akin 'yan sinasabi?" Naguguluhang tanong ni Queen. 

Pero sa paraan ng paglipat niya ng tingin sa kaliwa't kanan, there's no mistaking it. "Umalis na nga lang tayo." Tumalikod na sa amin si Queen gayun din ang iba niyang kasama para umalis. 

 Nanatili pa rin akong nakangiti habang binigyan ako ng walang ganang tingin ni Zedrick. "Scary." Kumento niya.

 Pinapasok na ni Miss Eirhart ang mga estudyante na mabilis namang sumunod. Matapos mawala ang mga estudyante ay napasigaw na lang si Zedrick noong pingutin siya ng adviser namin sa kanyang tainga. "Ba't hindi ka kasi nag-iingat?" Mainahon pero nanggigil na tanong ni Miss Eirhart sa kanya. Inalis naman na niya 'yung pagkakapingot kay Zedrick kaya ngayon ay pulang pula na ang tainga nito. 

He growled. "Now, it's my fault?-- Aww! Aww! That hurts!" Daing niya

 "Don't talked back." si Miss Eirhart. 

Tumaas ang balahibo namin nang ipakita ni Miss Eirhart ang tingin niya na animo'y kakainin kami ng buhay. "Be aware to your surroundings next time. 

I do not want to get involved in children's issues." 

"Children, pero wala pa ring jowa." Nguso na sabi ni Zedrick pero nagtago lang sa likuran ni Savannah nang lingunin siya ni Miss Eirhart na may malamig at nakamamatay na tingin. Bumuntong-hininga na lang si Savannah habang nginitian ko naman si Zedrick dahil kapit na kapit siya sa kamay ni Savannah. 

"Baka gusto mong alisin 'yang marumi mong kamay sa kamay niya?" Ngiti kong tanong pero may madilim na aura sa aking paligid. 

 Mula sa likuran nila Savannah at Zedrick, pasimple kong tiningnan ang tao sa hindi kalayuan. Nagti-tiptoe siya palapit noong mapansin niyang nakita ko siya. Si Hades, nandito na siya. 

 Sumenyas siya na huwag akong maingay kaya ngumiti naman ako, nagtaka naman iyong dalawa. "Baki--" Hindi naituloy ni Savannah 'yong sasabihin nang kaagad niyang nilingon si Hades at sinampal. Balak kasi talaga niyang gulatin 'yong dalawa but it turns out na siya ang ginulat. 

"She slapped me!" Turo ni Hades kay Savannah na ikinagulat naman nito at lumapit kaagad kay Hades para i-check ang pisnging nasampal. Nginisihan naman ni Hades si Zedrick bilang pang-aasar dahilan para mamula ito at susugod sana nang hawakan ko ang balikat niya. 

"I won't let you." 

 "Pero si Hades, hinahayaan mo?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Zedrick pero pasimple ko siyang kinurot sa balikat. "Aww! Aww!" 

 "What are you guys doing?" Taas-kilay na tanong ni Miss Eirhart nung mapahawak siya sa likurang ulo. 

"It looks like you guys are getting along well." Pare-pareho kaming napatingin kay Mr. Okabe na nakapameywang. Malapad ang ngiti at parang may ibibigay na balita. "Come to my office, Platoon VII." Nagulat kami sa tinawag niya sa amin kasabay ang paglipat niya ng tingin kay Hades. "Including you, Hades Nam Lee." 

Sandali kaming napatahimik hanggang sa mapasigaw kami sa gulat. No, you're kidding. Don't tell me he's going to... 

 Dahan-dahan akong napatingin kay Hades na masiglang nakangiti. "Copy!" Determinadong sagot nito na may malapad na ngiti sa kanyang labi. 

avataravatar
Next chapter