What more can I ask in life? I have Tyler with me. After that very korni scene we did in front of the whole NAIAA, we went viral. I laughed my ass out when I saw the videos. They captured every moment of it. I can even memorize his lines pretty clearly. I'd watch it all over again and then he'll be sooo embarassed.
"Ken, stop watching it." sita niya ng makitang pinapanuod ko na naman yun.
I laughed. "Habang patagal ng patagal na pinapanuod ko, mas lalong sumasagwa." naiiyak na ako sa sobrang pagtawa. Grabeh.
Sinamaan niya ako ng tingin. Lumapit siya sa akin at inagaw ang ipad mula sa mga kamay ko. Hindi pa rin ako makatigil sa pagtawa. Nakakatawa lang kasi talaga. Ang sagwa nung plano niya. Hahahaha... Grabeh. Hindi ko makalimutan yung warrant kuno hahahahahaha. Sumpain na ang pinagkunan niya ng idea na yun.
He snuggled up against me. Napatigil ako sa pagtawa. Nakatingin na siya ngayon sa mga mata ko.
We're not married yet. Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko bago mangyari yun. Pag nagpakasal daw kasi kami ngayon na, baka humingi na siya ng anak. We're both happy kahit ganito pa lang. Lagi kaming nagkikita. Bibisitahin ko siya sa trabaho niya o sa bahay nila. Bibisita naman siya sa bahay namin.
Mom let us with our life. Okey na daw sa kanya. Mukhang na-touch din ata siya sa ginawa ni Tyler sa airport. Close na close na nga sila eh. Though minsan sinusungitan niya pa rin si Tyler pero hindi naman nag-aapekto doon ang damuho. He needs to get used to it daw dahil magiging mother-in-law na niya si mommy.
Hindi na naayos ang problema ni mommy at daddy sa isa't isa. Tanggap ko naman na hindi para sa lahat ang pag-ibig. May punto talaga sa buhay na mawawala na lang yung pakiramdam na nag-ugnay sa dalawang tao. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay siguraduhing hindi iyun mangyayari sa amin ni Tyler... But as I said, kung yun man ang kahihinatnan naming dalawa, bahala na.
Si Stephanie... Lumalaban pa rin naman sa buhay ang gaga. Kabuwanan na niya. Ilang araw na lang at makikita ko na ang pamangkin ko. Nag-usap na sila ni mommy at maayos naman ang naging kahinatnan. Sa totoo niyan, excited na nga si mommy sa magiging apo niya. Stephanie decided to stay in Cebu. May bahay si mommy doon. She asked mom kung pwedeng doon na muna siya habang hindi pa lumalabas ang baby. Mom agreed naman. Binibisita namin siya once a month.
Si Daddy? Ewan. Wala na kaming balita sa kanya after he left the country. Bahala na siya sa buhay niya. Matanda na siya. Sana lang ay wag niya pagsisihan ang padalos-dalos niyang desisyon.
"It's already 8. Late na tayo sa misa. Baka mapagalitan na naman ako ng mommy mo." ani Tyler saka tumayo na.
He promised na wala na daw'ng mangyayari sa aming dalawa hangga't hindi kami nakakasal. Nakakatawa nga tuwing tinutukso ko siya tapos mamumula na ang mukha niya kakatimpi hahaha bigla na lang aalis at magkukulong sa kwarto niya hahaha it's really funny though I appreciate his sincerity. Hindi naman niya kailangan gawin yun, I mean, we did it already... Pero sabi niya, gusto lang daw niya manigurado. Hangga't hindi ako natatapos sa pag-aaral, hindi ako pwede mabuntis. He wants me to reach my dreams.
"Let's go, Ken." ani Tyler habang hinihila ako paalis sa couch.
Nakanguso akong tumayo. Lumabas na kami ng condo niya. Malayo pa naman yung simbahan mula rito. Tsk. Patay talaga kami kay mommy. Nakakatawa talaga. Yang si mommy kasi... Magsimba daw kami every sunday para malayo kami sa temptasyon. Natatawa na lang ako.
Hinawakan ni Tyler ang kamay ko. Nakahinga ako ng makitang hindi pa nagsisimula ang misa. Kumaway si mommy sa aming dalawa. Agad naman kaming lumapit rito.
"Mabuti naman at hindi kayo late ngayon." ani mommy ng makaupo na kami sa tabi nito.
"Ayaw niya kasing mapagalitan niyo ulit." wika ko.
Tiningnan niya si Tyler. "Kamusta naman ang trabaho mo? I read about your successful project in the newspaper."
Oh diba? Close na talaga sila. Ganyan na sila kung mag-usap. Minsan hindi ako maka-relate. Bobo kasi ako sa business hehe.
"Oo nga po. Dad's so happy. Hindi daw siya nagkamali na ipahawak sa akin ang kompanya."
Tumango si mommy. "Pagbutihan mo ang pagtatrabaho mo. Syempre, gusto kong nasa mabubuting kamay ang anak ko."
"Syempre naman po, tita. Hinding hindi ko kayo bibiguin. Bibigyan ko po ng magandang buhay si Ken pag kasal na kami."
Natigil sila sa pag-uusap ng magsimula na ang misa. Tahimik lang kaming nakikinig habang hawak hawak ni Tyler ang kamay ko. Mukhang wala siyang plano na bitawan iyun.
He suddenly kissed my hand. "Hindi na ako makapaghintay na makita kang naglalakad papunta sa altar habang nakatayo ako't hinihintay ka. Isipin ko pa lang, nae-excite na ako."
"Saan ka nae-excite? Sa kasal o sa honeymoon?"
Nanliit ang mga mata nito. "Hindi lang yan ang habol ko sayo, Ms. Angeles."
"Talaga lang, Mr. Laurel?"
"Papatunayan ko sayo. No touch til we're married."
Mahina akong tumawa. "Ikaw ang bahala, Mr. Laurel."
Ninakawan niya ako ng halik. Namilog ang mga mata ko. Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nakatuon lang ang mga paningin nito sa altar.
"I love you so much, Ken. Handa akong gawin lahat para mapakita kung gaano kita kamahal."
I smiled. "I know, Tyler. Napatunayan mo na sa akin na totoo ang pagmamahal mo.... Just don't change."
"Hinding hindi at sisiguradihin ko ring hindi magbabago ang nararamdaman mo."
"We'll find that out four years from now."
"I love you... I will forever love you." aniya saka hinalikan na naman ang likod ng kamay ko.
Hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko habang nagmimisa. I am really happy with him. Marami na akong nakitang magagandang bagay. Ang katahimikan, ang hiwaga ng dagat, ang ganda ng mundo. Minsan nakikita ko yun sa sarili ko... Minsan naman nagsasayang ako ng ilang oras o araw para makita ito... Pero ngayong andito siya sa tabi ko, hindi ko na kailangan pang tumingin sa ibang lugar o bagay... Dahil sapat na ang kagandahang loob na ipinapakita niya sa akin... Sapat na siya.
I can't really assure everyone about our relationship. Four years is too long. Maaaring may magbago. Maaaring may kahaharapin kaming ibang problema... Ang sigurado lang ako ngayon, masyadong malakas yung pagmamahal namin sa isa't isa. Kaya kakailanganin pa ng sobrang effort at malakas na pwersa para mabuwag kaming dalawa. Patuloy akong kakapit sa kanya hangga't may pagmamahal na namamayani sa pagitan ng aming mga puso. Patuloy ko siyang mamahalin. I trust him. Our love is a chance... And I'll take that chance.