Adam's wedding was so beautiful. I cried. I cried the whole time. He was so sweet with Gab. Nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Sana ay makahanap ako ng lalaking tulad ni Adam... Someday.
After the wedding, nagpunta na kami ng reception. Since I'm the bridesmaid, nakasunod lang ako kay Gab until natapos ang kasal. I escorted her sa pag-upo sa harap kasama ang mga magulang niya at mga magulang ni Adam. Nang matapos na ay nakaupo na rin ako sa wakas kasama ang iba ko pang pinsan. They all complimented me.
Nilapitan ako ni mommy nang matapos ang pagsasalita ng emcee. She handed me a handkerchief.
"I'm sure you're tired. Have you eaten?" tanong niya.
I nodded. "Nakisabay na ako sa mga pinsan ko kanina."
"Okey. Come with me. Your dad is with his business partners and he wanted you to meet them. You know how proud he is when it comes to you."
Tipid akong ngumiti. What the hell is wrong with them? It's my cousin's wedding. Dapat ay sinantabi na muna nila ang mga ganyang bagay. Kahit respeto na lang sa bagong kasal. Pero wala naman akong magagawa. Kailan pa ba ako humindi sa kanila?
Sumunod na ako kay mommy. Malayo pa lang ay rinig ko na ang malakas na tawa ni daddy. He's really that friendly when it comes to his business partners. I wonder where Stephanie is? Tuluyan na ba talaga nilang tinakwil ang babaeng yun at mukhang wala na silang pakialam kung saan siya nagsususuot?
"Oh here she is." wika ni daddy ng makita ako. Sumenyas siya na lumapit at tumabi sa kanya. Nahhiya naman akong sumunod. "This is my only daughter, Casandra." pakilala niya sa akin.
Tumingin ako sa mga partners nito at babati na sana ng makita ang nakangiti si Tyler na nakaupo sa harap namin. Halos mamutla ako. What the hell? Teka..--
"She's a smart woman. Plano niyang mag-doctor. Alam niyo ba kung gaano ito katutok sa pag-aaral niya? Halos di na umalis ng skwelahan. Doon na nga tumira eh." tawang tawang wika ni daddy.
Titig na titig sa akin si Tyler habang nakikitawa ito kay daddy. Para namang gusto kong lamunin ako ng lupa sa sobrang hiya. How come hindi nakilala ni daddy si Tyler noong nakabangga ko siya sa restaurant?
"Anyway my lovely daughter, these are my business partners. This is Julio Laurel, you know him right? Your ninong?"
Tumango ako. "Yes dad." wika ko. "Good evening po." bati ko rito.
"Etong binata naman dito ay si Tyler Laurel. Julio's son."
Napaubo ako. Anudaw?? Anak siya ng pinakamalapit na kaibigan ni daddy?? Are you kidding me? This is insane! Paanong hindi ko man lang siya nakilala? Siguro naman ay nakita ko na siya dati noong sinasama ako nina mommy sa mga parties ng mga kaibigan at business partners nila. Julio Laurel is one of the richest businessman in Asia! Sinong hindi nakakaalam sa buhay niya? Mukha ako lang ata dahil wala talaga akong kaide-ideya.
"I am really proud to have her as my daughter. Napakabait na bata." ani daddy na hindi pa ata tapos sa pagpapahiya sa akin.
"Your daughter is a very beautiful woman. Malamang ay maraming nagkakandarapang makuha ang kamay ng anak mong ito?"
Tumawa si daddy. "Marami rami nga... But she's really not interested. Sa pag-aaral lang ata ito interesado."
Tumawa na naman si daddy. Nakitawa pa ang gagong si Tyler. I can sense na may pagka-sarkastiko ang tawa niya eh. Nakakainis. Of all people. This is really unbelievable.
"How about you Tyler? May natitipuhan ka na ba?"
Ngumiti ito. "Meron na po kaya lang mukhang hindi pa siya interesadong makipagrelasyon." aniyang nakatingin sa akin.
"Really? Sinong babae ang aayaw sayo? You have everything. The good looks, the money, the skills. Kung mas maaga lang na ipinanganak itong si Casandra ay ipagpipilitan ko talaga siya sayo."
Malakas akong napaubo sa sinabi ni daddy. Grabeh. Nabulunan ako sa sariling laway. Hindi kinakaya ng utak ko ang mga nalalama't naririnig ko ngayon.
"She's pretty. I can wait 'til she's at the right age." wika naman ni Tyler.
Tumingin si daddy sa akin. Biglang naging seryoso ang mukha nito. Napainom ako ng tubig. What a sudden turn of event.
"What can you say, kumpare?" baling ni daddy kay Tito Julio.
Hindi na ako mapakali. I looked at mom. Diretso lang ang tingin niya sa dalawang lalaki sa harap na ngiting ngiti.
"I don't really believe in arrange marriage, Kumpare. Ayaw kong pangunahan ang mga bata sa desisyon nila. I would like them to decide. Why don't you ask your daughter's opinion about this?"
Bumaling sila sa aking lahat. Parang naiipit ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Kung papayag ako baka isipin ni Tyler na atat akong magpakasal sa kanya. Hindi naman akong pwedeng tumanggi. Kung yun ang gusto ni daddy, wala na akong magagawa.
Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si mommy. "We have another daughter, Stephanie. Magkalapit lang ang edad nila ni Tyler. She's at the right age. Why don't we let them meet?" suhestiyon nito.
Parang biglang may nabasag sa puso ko sa sinabi ni mommy. No!! Not Stephanie! Sasagot pa ako eh!
"I don't like anyone else." wika naman ni Tyler. Hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. "But if she doesn't like me then I guess I don't have a choice."
"I see, you're fond of my daughter." manghang wika ni daddy.
"I like younger girls." walang pagdadalawang isip na wika ni Tyler. Napaka-confident nga naman sa sarili. Ni wala siyang pakialam na mga magulang ko ang nasa harap niya.
"What can you say about this Casandra?"
Nakipagtigasan ako ng tingin kay Tyler. Parang hinahamon niya ako. Well then... "I like older guys too."
Narinig ko ang mahinang pag-ubo ni mommy. Ngumiti si Tyler then he raised his glass of wine at ininom iyun.
"Then it's settled. Bakit hindi muna natin iwan ang dalawa para makapag-usap?"
"Magandang ideya." ani Tito Julio.
Hinintay ko na makaalis silang lahat bago ako magsalita.
"What the hell was that?"
Tumawa siya. "Surprise sweetheart?"
"You're really trying to kill me! Now I found out that my dad likes you but that didn't erase the fact that we--"
"Fuck a couple of times without them knowing." pagputol niya sa sasabihin ko. "This is cool. We're getting married. Just go with it."
"I thought you can't take me, Mr. Laurel." I said, mocking him.
Kumunot ang noo niya. Matagal bago niya marealize ang ibig kong sabihin. "That was only a song, Ken. Don't tell me yun ang dahilan kaya iniwan mo na lang ako bigla kagabi?" may galit na sa boses nito.
"What else?"
"So that's really the reason. For god's sake, I was telling the whole La Paraiso how crazy I am for you and you got angry?? Hindi mo alam kung gaanong kahirap na magkagusto sa mas bata pa sayo. It was all games to you and I was... I.. I was serious."
Natigil ako sa sinabi niya. What did he just say? Napayuko ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon. Yung kaninang galit na galit kong sistema ay parang biglang nanlambot.
"I fuck different girls since I learned how to fuck. Hindi ako nag-uulit, Ken. That's my rule... And you break that rule."
Napakagat labi ako. Wala na akong masabi. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. He's a player. What if he's just playing with me?
"I will not let you get away that easy, sweetheart. Dapat ay iniwasan mo na ako dati pa.... Hindi ako magandang ma-obssess sa isang bagay, lalo na sa isang tao. I always get what I want. Riding is my hobby. You're one of my rides now, sweetheart."