1 She Will Always Be

Wala na sigurong may mas sasakit pa kapag malaman mo na ang una mong pag-ibig ay hindi ka iniibig, at kalianman ay hindi ka kayang ibigin.

At napakasakit ding malaman na ang kanyang itinatangi ay ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay mo…ang iyong pinakamatalik na kaibigan!

Pareho mo silang mahal, kaya wala kang ibang magagawa kundi maging masaya na lang para sa kanila.

Ganoon ako…ganoon ang ginawa ko.

Pero lechugas naman mga bes! Ang sakit sakit sobra!

Kaya naman, ito na naman ako ngayon sa KTV bar ng kuya ko. Nagpapaka-wasted pa rin hanggang ngayon…at ika limang araw ko na 'to!

"Ang pag-iiiiibig kong ito…luha ang tanging nakamit buhat sa'yohoooo…" todo emote ako with matching pikit pa, habang binabanatan ko ang pinakasikat na kantang 'to ng mga sawi.

"Kaya't sa maykapal tuwina'y dalangin koooooo…kapalaran ko ay magbagoooo!" di ko na mapigilan ang mapahagulhol na lang. Nakatapat pa sa bunganga ko ang mic habang ngumangawa ako.

Leche! Sobrang sakit talaga!

Naramdaman ko na lang na nawala sa mga kamay ko ang mic at nakapatay na rin ang videoke machine. Tanging iyak ko na lang naririnig ko.

Maya-maya pa naramdaman ko na lang pagyakap sa'kin ni Aiana mula sa gilid ko at marahan niyang paghaplos ng bisig ko.

Aiana is one of my best friends, at kasama ko siya mula pa sa unang araw ng aking pagluluksa hanggang ngayon. At siguro kanina niya pa tinitiis ang pagngangawa ko ngayon. Siya lang din ang bukod tanging nakakaalam sa iniinda ko ngayon na pang-malakasang heart ache!

"Akala ko ba okay lang sa'yo na sina Keith at Andra ang magkatuluyan?" malumanay na sambit ni Aiana, nakikita ko ang simpatya sa mukha niya.

Naramdaman ko na naman ang pamilyar pagkirot ng puso ko, pero hindi na gaanong masakit. Siguro dahil sa manhid na ito sa nararamdaman ko.

"Hoookay naman talaga—hek, p-pero ang sakit-sakit lang!" hindi ko mapigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko.

Totoo naman.

Ayos lang naman sa'kin na magkatuluyan ang best friend ko at ang first love ko.

Hindi ako makaramdam ng galit kay Andra, dahil mas matimbang sa'kin ang pagmamahal ko sa kanya.

Ganoon din ang nararamdaman ko para kay Keith. Hindi ko maramdaman ang ano mang pagkamuhi sa kanya, unang-una dahil hindi naman naging kami at masyado ko siyang mahal para magalit ako sa kanya.

At lalong hindi ko rin naman maramdan na trinaydor ako. Dahil gaya nga ng sabi ko, walang kami ni Keith, wala ring sila ni Andra…walang ganun!

Ano ang rason kung bakit ako nag-a-ala Cry Me a River ang peg ko ng ilang araw?

Iyon ay dahil nalulungkot ako sa katotohanang hindi man lang ako nabigyan ng chance na maging masaya sa unang subok ko sa pag-ibig.

Hindi man lang ako nabigyan ng chance, kung pa'no iparamdam ang pagmamahal kong nag-uumapaw para sa aking iniibig at hindi man lang ako na bigyan ng chance para maramdaman kung paano mahalin ng taong minamahal ko.

Kaya naman, patago akong nagluluksa kasama si Aiana. Ilang araw na rin kaming tumatakas mula kina Andra at sa isa pa naming matalik na kaibigan na si Aliyah. Hindi nila alam na pumupuslit kami sa pagmamay-aring KTV Bar ng kapatid ko—lalo na si Andra—para magwalwal…well, ako lang naman kasi hindi naman umiinom si Aiana.

Natatakot akong makita ni Andra na nasasaktan ako ng dahil sa kanya. Ayokong malungkot siya at ma-guilty siya sa'kin. Alam niya na mahal na mahal ko si Keith at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. Kaya naman alam kong masasaktan din siya kung malalaman niya na siya ang rason kung bakit mawawalan na ako ng chance kay Keith. At paniguradong mamumuhi siya kay Keith dahil do'n.

Ayoko namang maging gano'n siya. Mas lalong mahihirapan si Keith para mapalapit kay Andra. At kapag nahihirapan si Keith at nasasaktan, mas lalong nasasaktan ako! Lingid kasi sa kaalaman ni Andra na siya ang sinisinta ng sinisinta ko.

Halos mangisay na ko sa kilig nang masilip ko ang lalabs ko—si Keith—na nakasandal sa gilid ng pinto sa labas ng classroom namin habang nakayuko at nakapamulsa.

Kyyaaaahhhh! Para siyang nagpo-pose sa camera, ala model. Sayang at hindi ko dala ang digi-cam ko!

"Hello lalabs! Anong ginagawa mo dito? Siguro miss mo na ko noh?" masigla kong bati sa kanya na may kasama pang hagikhik.

Ngumiti agad siya nang makita ako at kumindat sa'kin at kumaway.

And I waved him back, while restraining myself not to throw my whole body just to give myself to him.

Gano'n ko siya ka gusto!

Ang landi ko noh? Hahaha

Ang kapal-kapal kasi ng mukha ko! Nag-confess ako ng feelings agad-agad sa kanya, unang araw pa lang na ma-figure out ko ang tunay na feelings ko para sa kanya!

And he, being a gentleman as ever, he never took advantage with my feelings. Instead, he cherished it and made me feel special. But don't get me wrong ha, hindi ako nag-assume—well mga beri, beri layt lang—na matutugunan niya ang pagsinta ko sa kanya.

"Kumusta labs?" bati niya pabalik sa'kin.

Dug dug dug dug

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Shit! Relax ka lang diyan puso ko…

"Heyuf ka! Ito ka na naman, sinasakyan mo na naman ang pagnanasa ko sa'yo! Magahasa kita d'yan, sige ka!" sabi ko sabay hampas sa chest niya. May kasamang tsansing yun kaya napahagikhik ako.

Tumawa siya ng malakas at napapailing dahil sa sinabi ko.

Hindi ko talaga maitago ang kalandian ko…Henebeyen!

"Siya nga pala labs, andyan ba si Andra? Pinapasundo kasi siya ni Bee." Aniya.

Kyaaaaaaahh! Para akong kiti-kiti na hinihipan sa sobrang kilig!

Kung may isa pa akong ikinatutuwa sa ngayon, ay iyong katotohanang lumalab layp na ang isa sa mga best friend ko…si Andra.

Kalian lang ay sinagot na niya ang manliligaw niyang si Bee. Siguro nakatulong sa kanyang desisyong sagutin ito, dahil sa pinsan ito ng kaibigan naming si Aiana, not to mention na best friend din ito ng lalabs ko!

Agad akong dumungaw sa loob ng classroom at na-spot-an ko agad si Andra na nakaupo sa upuan katabi nina Aliyah at Aiana.

"Andra!" tawag ko sa kanya.

Lumingon naman agad siya sa gawi ko at kinawayan ko siya para palapitin. Tumalima naman siya agad at lumapit sa'kin.

"Bakit?" tanong niya.

Magsasalita pa lang sana ako nang dumating sa harap namin ang nakangising si Bee—yung boyfriend ni Andra.

"Hey sweetie…come! Kanina pa kita hinihintay." Sabi ni Bee at agad naman niyang hinatak ang kaibigan ko sa kung saan.

Napapatili na lang ako sa isip ko sa nasaksihan ko.

Pero kung gaano man ka intense ang kilig na nararamdaman ko, ay gano'n din ka intense ang paglagapak ng feelings ko pababa nang mapabaling ako sa gawi ni Keith.

I saw the most heart-breaking scene I have ever seen in my life.

The man that I love, tearing and breaking silently while lovingly looking at my best friend. Watching her walks away with his best friend…holding hands, side-by-side.

Para akong nasaksak ng mga nth times nang ma-realize ko ang isang katotohanan.

"Y-you're in love with her…." Kinakapos na hininga kong sabi.

Lumingon siya sa'kin at mapait akong nginitian.

"Ever since…and she will always be." Sabi niya at umalis sa harap ko, tinahak ang kabilang direksiyon.

She will always be.

She will always be.

She will always be.

Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, kasabay ng pag-alingawngaw sa utak ko sa mga sinabi niya. Natigilan na lang ako nang may nagsalita sa likod ko.

"You'll get over it…" Aiana said she. Sympathetically looked and hugged me.

avataravatar