webnovel

Kabanata 1

Kabanata 1: Entering the Academy.

Azuna's POV

Ako'y nakatayo sa labas ng gate kung saan ako papasok. Pinagmasdan ko ang paligid. May mga naglalakihang mga puno, makulay na bulaklak at maliwalas na paligid.

Huminga ako ng malalim kaya nalasap ko ang sariwang hangin na nagdulot ng kaginhawaan sa akin.

Bubuksan ko na sana ang tarangkahan ngunit kusa itong bumukas at tumambad sa akin ang kabuuan ng Academy.

May tatlong malalaking gusali ito ngunit mas malaki ang gitna na may limang palapag at ang dalawa ay apat lamang.

Humakbang ako upang makapasok at sya namang ramdam ko ng malakas na kapangyarihan. Ang barrier.

Napaka-ganda ng paligid at mas maaliwalas ito kaysa sa labas, may naglalakihang puno at bulalak rin dito.

Ihh, nasasabik tuloy akong mahawakan ang mga puno't halaman dito isama mo pa ang mga iba't ibang uri ng mga ibong nagliliparan sa paligid.

Nagsimula na akong maglakad upang hanapin ang office ng eskwelahan na ito ngunit wala pang tatlong hakbang ay napatigil ako sa paglalakad.

Ang raming nakatingin sa akin. Napayuko naman ako dahil dun.

Anong problema nila? ngayon lang ba sila nakakita ng isang transferee?

"Bago ka lang ba rito?" Tumingala ako upang makita ang nagsalita. Pagkatingin ko ay namangha ako sa kanyang ganda.

Siguro nasa 20's lang siya. Ang ganda niya talaga muka siyang diyosa isama mo pa ang mala Marceline niyang buhok atputing bestida.

Tumango ako sa kanyang tanong.

"Sige, sundan mo ako" at nagsimula na siyang maglakad ganun rin ako ngunit hindi parin nakatakas sa aking pakiramdam ang mga matang nakatingin sa akin.

Naiilang ako!

Tumigil naman ang babae kaya napatigil ako kaya dun ko lang napagtanto ang malaking double door na kahoy sa aming harapan.

Binuksan niya ang isang pinto nito at namangha ako sa laki ng opisinang ito. May mga nakasabit pang kuwadro rito na sa tingin ko ay mga studyante at mga guro ng Academyang ito.

"Maupo ka, señorita" napaharap ako dahil sa gulat.

Masyado akong na aliw sa mga kuwadrong nakasabit. Narinig ko naman ang mahinang tawa ng babaeng nakaupo sa swivel chair.

"Maupo ka " pag-uulit nito kaya umupo na ako sa isa sa mga upuan.

"Bago ang lahat, I'm the headmistress Pearl Bierman" habang nakatingin sa akin na para bang sinuri ako.

"Ito na ang lahat ng iyong gamit, nandiyan na ang lahat ng kailangan mo pati susi ng iyong dorm" inabot niya sa akin ang isang box na kulay ginto at may pangalan na. Amrin Academy. Kinuha ko naman ito sa kanya.

"Bienvenida a academia Amrin" kailangan spanish?

Ngumiti naman ako bilang tugon. Aalis na sana ako ngunit nagsalita ulit si Headmistress Pearl.

"Bago ka umalis pwede bang malaman ang pangalan mo?"

"Azuna Domingo po"

"Feel free here Azuna" ngiting sabi niya.

"Salamat po"

"Sige na, pwede ka nang umalis para makapagpahinga ka" ngumiti ako kay Headmistress Pearl at tuluyan na akong lumabas sa kanyang opisina.

Naglakad na ako papuntang dorm ko ngunit hindi ko alam kung saan yun mahahanap.

Napatingin naman ako sa kahong gitnong hawak ko at binuksan. Nakita ko ang isang susi na pilak at nakita dun ang numero. 109.

Yun ba ang dorm no. ko?

Tiningnan ko pa ang ilan sa mga laman nito at nakita ko naman ang isang manipis na libro kaya naman binuksan ko rin ito. Tumambad sa akin ang mga inpormasyon ng Academyang ito.

Kaya nalaman ko na ang direksyon papuntang dorm ko.

Someone's POV

"Walang nagmamay-ari, walang makakapagsabi

Misteryoso't kataka-taka

May gampaning dapat gawin, may tungkuling dapat piliin

Lahat may layunin, lahat may sukdulan.

Pinanganak upang maghari

Sa mundong puro kabulaanan

Digmaang darating

Siyang lantad ng katotohanan."

Anong ibig-sabihin nito?

Magsisimula na ba?

Handa na ba kami?

Noong unang digmaan ay hindi maganda ang kinahantungan. Maraming na sawing buhay, maraming nasugatan hindi malaman kung sinong nanalo dahil bigla na lang nawala na parang bula ang mga Damiens.

Kasabay ng araw na yun ang pagkawala ni Haring Anywll at pagbabago ni Reynang Xiomara.

Hindi naman namin malaman kung bakit dahil hindi namin sila nakita nung panahon ng unang digmaan.

___

Plagiarism is a crime.

Next chapter