webnovel

Chapter 1

DELANEY MERCADO'S POV

"Delaney. Anak. Buhay ka!" sabi ni mommy habang umiiyak. Nakita ko rin na nasa tabi ko si daddy at ang mga kaibigan ko na tahimik na umiyak katulad ni mommy. Sa gilid naman ng kwarto nakita ko ang isang doctor na nakangiti sa akin.

"Maiiwan ko na po kayo" sabi sa amin ng doctor at lumabas na ng kwarto.

"Anak kamusta ka na? May masakit ba sa iyo? Gusto mo ba ng tubig? Nahihilo ka ba? Sabihin mo lang sa akin anak" sunod-sunod na tanong sa akin ni daddy. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Pero dahil sa ginawa kong pagiling ay bigla akong nahilo. Agad kong hinawakan ang ulo ko dahil bigla itong sumasakit. Feeling ko pinupukpok ng ilang beses ang ulo ko.

"Sumasakit ba ang ulo mo?" tanong sa akin ni Ella, ang best friend ko. Pero hindi ko magawang sumagot sa kanya dahil sobrang sakit ng ulo ko. "NURSE!"

"I'm fine. I can manage" sabi ko kay Ella. Mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko si Ella at Erin tumango na lang sila sa akin. Wala naman kasi silang magagawa.

"Oo nga pala anak. May kanina pa nagpupumilit pumasok dito. Sabi niya kilala mo daw siya. Pero hindi ako naniniwala dahil lahat ng mga kaibigan mo ipinakikilala mo sa amin ng daddy mo" sabi sa akin ni mommy. Sino kaya iyon? Wala naman akong ibang kaibigan maliban kay Ella at Erin.

Teka! Nasaan na kaya si Lucian. Sabi ni older angel siya ang magiging guardian angel ko sa mission ko. Nasaan na kaya ang impaktong iyon. Baka tinakasan na ako no'n. Madami pa naman akong itatanong sa kanya tungkol sa mission ko. Katulad na lang ng, siya ba ang magbabayad ng mga gastusin ko? O kaya, magiging utusan ko siya dito? Parang ganon. Pero malay niyo maging kami ni Lucian. CHAROT. Syempre joke lang iyon. Na-turn off na kaya ako sa kanya. Ang sama-sama kasi ng ugali. Ang sungit-sungit sa akin. Parang ipinaglihi sa sama ng loob. Tsk.

"Pero friend. Gwapo siya. Teka! Aminin mo nga sa akin Delaney Soul Mercado..." sabi ni Erin sa akin. Binanggit pa talaga ang full name ko ah. Atsaka ano bang aaminin ko? Na maganda ako? Iyon ba? Hindi na nila kailangan itanong sa akin iyon. Alam naman nila na mula noong pinanganak ako likas na maganda na talaga ako. Walang halong biro iyon!

"Na ano? Na maganda ako? Matagal na akong maganda Erin" nakangising sabi ko sa kanya. Pero pinalo niya lang ako sa kamay dahilan para tignan ko siya ng masama. Paano ba naman. Kakagaling ko pa lang sa comatose pagkatapos makakatanggap pa ako ng palo sa kanya?! Unbelievable!

"Bahala ka diyan Delaney" pairap na sabi ni Erin sa akin. Aba! Ngayon siya pa ang may karapatang umirap sa akin. Kapag ako lumakas makakatikim talaga sa akin ang babaeng ito. Hindi lang palo ang aabutin niya sa akin. Sisiguraduhin ko iyan. Lintek lang ang walang ganti!

"Sabihin niya na nga kung sino! Ang dami niyo pang sinasabi" sabi ko sa kanila.

"Lucian Ortiz daw" maikling sagot ni Ella sa akin. Tignan mo si Lucian lang pala— Wait! Si Lucian?! Kailan siya naging Ortiz? Ang weird naman ng apelyido niya. Parang siya weird din.

"Kaibigan ko po iyon. Papasukin niyo po siya" sabi ko sa kanila. Agad naman nilang sinunod ang sinabi ko at pinapasok si Lucian. Katulad kanina kulay puti ang suot niya. Pero ngayon nakasuot na siya ng white na t-shirt at gray na shorts. Dahil sa suot niya nagmukha siyang hot– Erase. Erase. Erase. Nagbago na ang isip ko. Hindi na pala siya mukhang hot dahil bigla na lang niya akong nginisihan.

"Pinagnanasahan mo na siguro ako noh" nakangising sabi niya sa akin. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito! Ang gwa–pangit-pangit kaya niya!

"Hoy! Masyado ka naman atang makapal!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman napalingon sa akin ang mga magulang at kaibigan ko dahil sa pagsigaw ko. Kaasar talaga nitong ang lalaking ito. Kagigil.

"Huwag kang sumigaw. Kaya ka napaghahalataan eh" bulong niya sa akin. Sige pa! Mangaasar ka pa! "By the way. Nasaan na ang kuwintas mo? Hindi mo iyon pwedeng mawala" dagdag niya pa. Dahil sa sinabi niya agad kong hinanap ang kuwintas sa higaan ko. Sunod kong kinapa ang leeg ko at doon ko nahanap ang kwintas na ibinigay sa akin ni older angel.

"Pagusapan na natin ang tungkol sa mission ko. Pero huwag dito. Baka malaman nila" sabi ko kay Lucian habang tinitignan ang pamilya at kaibigan ko na halatang sinusubukang pakinggan ang pinaguusapan namin ni Lucian. Ganyan talaga sila, mga chismosa.

"Mommy! Gusto ko po ng sariwang hangin. Lalabas lang kami ni Lucian" sabi ko sa mga magulang ko.

"Hindi pwede anak" sagot naman ni daddy. Kaya naman nag puppy eyes ako sa harapan niya at mukha naman effective dahil narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Sige na nga. Basta mag wheelchair ka. Hindi mo pa kayang mag lakad. Kakagising mo pa lang"

"Yehey! Tara na Lucian bilisan mo!" masiglang sabi ko kay Lucian habang hinahatak damit niya.

At katulad nga ng sinabi ni daddy kanina pinagwheelchair nila ako. Kaya nagmukha tuloy akong matanda dito. Like hello? Hindi kaya bagay sa kagandahan ko magwheelchair. Kaya naman ang loko todo pigil sa pagtawa. Kanina ko pa nga ito gustong tadyakan. Sorry na lang siya. Pumapatol ako sa anghel.

"Huwag mo ng pigilan. Baka mamaya sa iba na iyan lumabas" naiiritang sabi ko sa kanya. Sinunod naman ng loko ang sinabi ko. Hindi niya ba nararamdaman ang sarcasm ko.

"Hahahahahahahahahahahahaha"

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtawa si Lucian kahit nakarating na kami sa garden ng hospital. Pero sh*t lang. Mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa siya. Pero kahit gwapo siya habang tumatawa hindi ko naman hahayaan na pagtawanan niya ako. Ano siya sinuswerte? Kaya para tumigil siya sa pagtawa ay siniko ko siya sa sikmura niya. Kaya ang ending? Namumulupot siya ngayon sa sakit. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito dahil ang nakahiga si Lucian sa sahig habang namumulupot sa sakit. Pero huwag niyo akong sisihin, kasalan niya iyan. He deserves it.

"Huy! Umaayos ka nga. Pinagtitinginan na tayo ng dahil sa iyo. Tumayo ka diyan" bulong ko sa kanya. Sinubukan naman niyang tumayo at umupo sa katabi kong bench. Kaya ayan tuloy ang dumi dumi na ng damit niya.

"Babae ka ba talaga?! Masyado kang sadista!" sabi niya sa akin. Ngayon ako ang sisisihin niya? Great! And besides kasalanan naman niya iyan kaya bakit ako makokonsensya.

"Tss. Tama na ang pagiinarte. Kailangan ko nang masimulan ang mission ko" seryosong sabi ko sa kanya at umupo doon sa bench na kaharap ko. Nang marinig niyang seryoso ako umayos na siya ng upo at hinarap ako.

"Ibigay mo sa akin lahat ng mga personal information ng Zairo Mendez na iyan. Lahat-lahat. Walang labis walang kulang" sabi ko sa kanya.

"Bakit parang atat na atat ka na tapusin na ang misyon mo?"

"Wala ka ng pakielam doon. Sabihin mo na lang sa akin ang mga information kundi sisikuhin ulit kita" Agad naman siyang lumayo sa akin at tinignan ako ng masama. Aba! Dapat lang talagang matakot siya sa akin. Hindi porket anghel siya ay hindi ko na siya papatulan.

"Fine. Si Zairo Mendez ay anak ni Elizabeth Ferre at Albert Mendez. Namatay sila nung limang taong gulang pa lang si Zai–" nahinto siya sa pagsasalita ng batukan ko siya.

"Wala naman akong pakielam diyan ihhhh"

"Bakit kailangan pa akong batukan?" naaasar na tanong niya sa akin.

"Trip lang? And besides binatukan mo rin ako dati. Isipin mo na lang na karma mo iyon" sabi ko at binelatan siya.

"Si Zairo Mendez nasa last year high school. Nag-aaral siya sa Athena International University. Tumigil siya ng isang taon sa pag-aaral dahil inexpel siya sa dati niyang eskuwelahan. Eighteen years old na siya ngayong taon at magna-nineteen years old na siya sa December. Tuwing gabi pumupunta siya sa mga underground battle. Kinatatakutan siya ng dahil doon. Lahat din ng taong lumalapit sa kanya ay ipinagtatabuyan niya" mahabang litanya niya sa akin. "Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo impossible mong magawa ang misyon mo" sabi niya habang nginingisihan ako. Nang dahil sa inis ko sinapak ko siya sa mukha. Kaya ang loko walang malay ngayon. Nakasandal pa nga ang ulo niya sa balikat. Pero wala akong pakielam sa kanya. Bumalik ako sa wheelchair ko at aalis na sana.

Pero hindi naman ako ganoon kasama. Kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa bench, doon sa tabi niya. Dahan dahan kong kinuha ang ulo niya at ipinatong sa lap ko. Pero alam niyo sayang itong si Lucian. Gwapo sana eh. Siya yung type ko sa isang lalaki. KASO. Kaso masama naman ang ugali. Nakaka-turn off kaya yung ganoon! Pero dapat gisingin ko na siya. Baka sabihin na naman niyang pinagnanasahan ko siya. Makapal pa naman ang face ng lalaking ito. Kala mo kung sinong gwapo. Which is totoo– I mean pangit kaya siya! Walang kokontra! Ang kokontra sasapakin ko!

So ayun nga, pinagsasampal ko siya para magising, which is effective naman dahil nagising siya. Kaya pagkagising niya napahawak agad siya sa mukha niya. Pustahan mamaya mamamaga iyang mukha niya.

"What the heck?! Anong ginagawa mo sa mukha ko?!"

"Sinampal kita para magising ka. Malay ko ba kung tsansing ka. Mahirap na noh" sabi ko habang iniirapan siya. "Alam mo pasalamat ka na lang dahil hindi kita hinulog doon sa pond" sabi ko habang itinuturo ang fish pond sa likod namin.

"Tsk. Sa susunod ko na lang sasabihin sa iyo ang iba pang impormasyon tungkol kay Zairo Mendez"

"Bakit sa susunod pa?! Sabihin mo na ngayon! Kundi sasapakin ulit kita! Pagkatapos ihuhulog kita rito sa fish pond!" pagbabanta ko sa kanya pero ang loko nginisihan lang ako. Pinipikon talaga ako ng g*gong ito.

"We'll see" dahil sa sobrang napipikon na ako kay Lucian sasapakin ko na ulit sana siya pero bigla na lang siyang naglaho ng parang bula. Pagkatapos mayamaya lang may biglang kumalabit sa likuran ko. At doon tumambad sa akin ang gwa–pangit na pagmumukha ni Lucian.

Sisipain ko na sana siya pero katulad kanina ay bigla na lang siyang naglaho. Wala akong ibang magawa kundi ang magsisigaw dahil sa inis sa lalaking ito. Letse! Napalingon na lang ako sa bench ng may biglang tumawa. Doon ko nakita si Lucian na pinagtatawan ako.

"Delaney. Hindi mo na ulit ako masasaktan dahil kaya kong maglaho na parang bula. Kaya ko rin bumasa ng isip. Kaya ngayon pa lang Kelsey... tigilan mo na ang pagnanasa sa akin" nakangising sabi niya. Naku po! Nakakagigil ang lalaking ito! Sa dami dami ng gagabay sa akin siya pa! May nagawa ba akong mali sa past life ko? Kasi kung meron patawarin niyo na po. Nagmamakaawa na po ako sa inyo. Kahit sino po, huwag lang ang lalaking ito ang makakasama ko sa mission ko.

"Ang kapal mo talagang lalaki ka! Letse! Umalis ka na nga lang ulit! Ayaw kong ng makita ang pagmumukha mo gwa–pangit! Layas! Alis! Shooo! Go away! And don't come back again!" sigaw ko sa kanya.

"Wala kang karapatang utusan ako" sabi niya. "Magsimula ka na sa misyon mo. Ayun siya oh" sabi niya habang itunuturo ang likod ko gamit ang nguso niya.

Nang tignan ko ang itinuturo niya nakita ko ang isang lalaking kausap ang mga magulang ko. So siya si Zairo. Naks. Gwapo rin. Mas gwapo siya kay Lucian. Oops. Sorry Lucian. May mas gwapo pa pala sa iyo. Mukhang mas matino ito kaysa kay Lucian. Pero wala kang makikitang kahit anong expression sa mukha niya. Naka poker face lang siya habang kinakausap ang magulang ko.

Ano ba yan? Gwapo nga pero wala naman expression ang mukha. Si Zairo mukhang cold. Pagkatapos si Lucian naman siraulo, ang sarap sarap iuntog sa pader. Ang malas malas ko naman. Sa pagkakaalam ko wala naman akong balat sa pwet pero bakit ang malas malas ko. Tsk. Haayyyyssss. Nakita kong umalis na ang magulang ko at naiiwan na doon si Zairo na magisa. Umupo siya sa bench at nagcellphone.

"Lahat na lang ba talaga ng lalaki pinagnanasahan mo" tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya sa akin. Hoy! Alam kong binabasa mo ang isip ko! Pero sasabihin ko lang sa iyo, hindi ko pinagnanasahan lahat ng lalaki! Sabihin mo lang insecure ka kasi mas gwapo si Zairo sa iyo! Nakita ko naman napasimangot siya sa akin dahil sa sinabi. "Simulan mo na nga lang misyon mo! B*tch" Sinimangutan ko siya dahil minura niya ako. Aba! Si Kelsey Mercado minura ng isang Lucian Ortiz?! Hindi makatarungan iyon! Ngayon ko lang din nalaman na may anghel pala na nagmumura. Sabihin niyo nga sa akin, paano ba naging anghel ang isang ito?

"Gawin mo na ang misyon mo!" sigaw niya sa akin. "Layas! Alis! Shooo! Go away! And don't come back again!" panguulit niya sa sinabi ko sa kanya kanina. Namumuro na sa akin itong asungot na ito!

Dahil sa naaasar na ako kay Lucian tumayo ako at naglakad papunta sa direction ni Zairo. Saglit akong tinapunan ng tingin ni Zairo at ibinalik ulit ang atensyon sa cellphone niya.

"Ehem. I'm Delaney Mercado. Ako yung babaeng naglitas sa iyo. Nice meeting you" pagpapakilala ko sa sarili ko pero tinignan niya lang ako at naglakad na paalis. Pero dahil sa makulit talaga ako sinundan ko siya.

"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko ako si Delaney Mercado" paguulit ko sa sinabi ko pero katulad kanina ay linagpasan niya lang ulit ako.

"Huy!"

"K" maikling sabi niya sa akin. K! K LANG?! Hindi man lang ba siya magpapakilala?! Para akong nakikipagusap sa hangin ah. Actually may mas sense pang kausap ang isang aso o kaya pusa kaysa sa kanya eh. Kabwisit! Grrrr.

"Hoy! Sadya bang hindi mo ako naririnig o nagbibingibingihan kalang o kaya sadyang wala ka lang modo?! Sorry ha! Hindi ko naman alam na wala kang modo! Pekste!" hindi ko na napigil ang galit ko sa lalaking iyon dahil para lang akong kimakausap sa hangin. Ang pinaka ayoko kasi sa lahat ay yung pinagmumukha akong t*nga!

Aalis na sana ako pero nagulat na lang ako ng bigla na lang may humawak sa braso. Ngayon ang sama sama na ng tingin sa akin ni Zairo. Tsk. Pahamak kasi ang bibig ko! Oh no! I think I'm in a big trouble. Mukhang mapapahamak pa ako nito ehh.

"Sino ka para pagsalitaan ako ng walang modo?! Hindi mo ako kilala! Hindi porket iniligtas mo ang buhay ko ay utang ko na sa iyo ang buhay ko! Choice mo na iligtas ako! Wala akong sinabing sagipin mo ako! Masyado kang pakielamera!" sigaw niya sa akin. Halos lahat ng tao dito sa garden ay nakatingin sa amin ni Zairo. Pero mas lalo akong naiinis ngayon kay Zairo dahil isumbat pa naman niya sa akin ang pagligtas ko sa kanya. Hindi man lang ba siya marunong magsabi ng 'thank you' kahit 'thanks' nga lang ayos na sa akin. Namatay ako ng dahil sa kanya pagkatapos ito pa ang matatanggap ko sa kanya! Sana pala hindi ko na siya iniligtas.

"Ano ba bitawan mo nga ako! Nasasakatan ako! Bitaw!" sigaw ko sa kanya habang pilit tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Pero mas malakas si Zairo sa akin kaya wala akong magawa kundi ang magpumiglas.

"Ito ang tatandaan mo miss! Lumayo layo ka sa akin! Baka makalimutan kong babae ka!" sabi niya habang dinuduro duro ako. Pagkatapos marahas niyang binitawan ang kamay ko kaya bigla akong napaupo sa sahig. Siya naman tinalikuran ako at naglakad na paalis.

"Pekste naman oh! Mukhang tama nga si Lucian. Mukhang mahihirapan nga akong baguhin si Zairo" bulong ko habang hinihimas ang braso ko dahil namula ito.

"Wrong move Delaney. Mas lalo kang mahihirapan ng dahil sa ginawa mo" nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Lucian sa tabi ko para lang mangasar.

"Manahimik ka nga diyan!" sigaw ko sa kanya at sinapak siya sa mukha. Mahina talaga itong Lucian. Paano ba naman nawalan na naman ng malay. Bahala siya diyan. Hahatakin ko siya mamaya papuntang kwarto ko. Sa seventh floor pa naman ang kwarto ko. Akala niya bubuhatin ko siya? NEVER! Manigas siya!

"Pero tama si Lucian. Mas lalo akong mahihirapan ng dahil sa ginawa ko. Mukhang mahihirapan nga talaga ako sa mission ko kay Zairo" bulong ko sa sarili ko.

To be continued...

~Thanks for reading! Please vote and comment!~

Next chapter