1 Ang aking Laban sa martial arts

diko alam kung ano ang pumasok sa isip ko,basta ang alam kulang gusto kong pumasok sa martial arts.Hunyo 19 ako unang pumasok takot na takot ako nun, eh Yung belt nga hindi kopa alam kung anong halaga nun at nung kulay.Pero Sinabi ng aking ama na manatiling kalmado at yun nga nanatili akong kalmado at focus lng ako sa anong ipapagawa sakin basic palang yung tinutoro sakin gaya ng 45,push kick at marami pang iba...nung sumunod na buwan medyo bumibilis na ang kilos ko at depensa ko kaya sinabi nang aking coach na palalaroin nadaw ako,pero sinabi sa isa kung coach na,wag muna hindi pa nakakaabot ng dalawang buwan Yan..so ayun hindi muna ako pinalaro kaya training Lang ako ng training,hanggang sa pa tuloy na akong gumagaling kaso lang wala nang laro nun kasi tapos na ang summer pero sabi ni coach na,ok lang pasokan nanaman may laro naman sa inyong paaralan na city palaro pero bago ang city palaro kinakailangan ko muna talunin ang kalaban ko sa district meet,Kaya ang ginawa ko nag dasal ako at nanatiling kalmado kaya ayun nanalo ako sobrang saya ko nun dahil yun ang unang beses na sumali ako at gold pa.kaso lang hindi sakin ang uniporme hiniram lang namin yun so nag decide ang nanay ko na pahintoin muna ako pero ang sabi ni coach na,wag!! sayang ang anak mo magaling siyang makipag laban ako na ang bibili sa uniporme nya.sobrang saya ko.nobyembre 29 ang araw nang city palaro,pero sa araw na iyon na bigo ako at nasaktan ng labis ang aking damdamin...Kaya hindi ako nawalan nang pag asa patuloy parin akong nag e ensayu kahit araw o gabi hanggang sa dumating ang araw na nawala aking coach dahil sa sakit na stroke,sobrang sakit sakin na mawalan ng Trainor at pinangako ko sakanya na magiging chapion ako...kaya patuloy akong nag ensayu ng mag isa..kaya lumaro ako uli sa city palaro at yun nanga nanalo ako,pero hindi pa tapos ang laban meron pang cvraa at palarong pambansa..Sa bohol ang cvraa nun febrero 25 ang araw nang aming laban at hindi ko inakala na mananalo pala ako,Kaya pinadala ako sa dumanguete para magsanay,kaya nung dumating ang araw na nang aming laban kinabahan ako nun kasi sobrang gagaling na nang mga kalaban ko,Kaya ang ginawa ko ay nagdasal at inisip ko ang pinangako ko sa aking coach na magiging champion ako,Kaya nag umpisa na ang laban round 1 palang na tamaan na mukha ko..

pakkkk!!!

at na knockdown ako pero hindi ako nawalan ng pag asa dahil alam kung nag gagabay sakin ang panghinoong jesus.kaya patuloy lang akong pumuntus hanggang sa oras na yun tapos na ang laban at pag tingin ko ako ang nanalo kaya masasabi ko na iyon ang espesyal na nangyari sa aking buhay dahil na tupad ko ang pangako ko sa coach ko na mag cha champion ako.

ano ang makukuha mong aral?

mag tiwala kalang sa iyong saril ang wag mawalan ng pag-asa.

ikaw ano ang nakuha mong aral?

may advice lang ako,pag pumasok kayo sa Martial arts siguraduhin nyo na handa kayo dahil hindi madali ang pag pasok sa Martial arts kung wala kang Fighting spirit.

avataravatar