Webnovel

1 Chapter 1

Halos madurog ang puso ni Marilyn habang pinag mamasdan ang pamangkin na walang tigil ang iyak,mahigpit na yakap nito ang kabaong ng ina tapus lilipat ito sa isa pang kabaong kung nasaan ang katawan ng ama.

"Mama,papa huhuhu sasama na ako sa inyo.." Umiiyak na sabi ng bata.

Napapikit ng mga mata si Marilyn sa narinig na sinabi ng pamangkin,sobrang naaawa siya sa bata.Walong taong gulang pa lang ang pamangkin niyang si Maya pero maagang naulila na sa magulang.

Mahigpit na niyakap ng matandang babae ang apo na walang tigil sa pag iyak,pilit na inilalayo sa mga kabaong dahil ipapasok na ang mga ito sa butas kung saan ilalagak ang mga kabaong.

"Mama! papa!" Umiiyak na nag wawala ang batang si Maya.Mabilis naman na nilapitan ni Marilyn ang kanyang ina,niyakap niya ang umiiyak na pamangkin.

"Maya," tawag niya sa pangalan ng pamangkin. "Nandito pa naman ang tita,hindi naman kita pababayan.Mahal kita kami ng lolo at lola mo,"

Yumakap ng mahigpit sa kanya ang bata habang tuloy pa din ang pag iyak.

"Tita,hindi ko na ba makikita sina Mama at Papa?" inosenteng tanong nito sa kanya.

Tumingala si Marilyn upang pigilan ang luhang sumisilip na sa kanyang mga mata.

"Maya,kahit kailan hindi ka iiwan ng Mama at Papa mo.Mahal na mahal ka nila,hindi mo man sila nakikita pero lagi silang nakatingin sayo.Babantayan ka nila,Maya!" paliwanag niya sa bata habang hinihimas ang likod nito.

"Totoo tita..?"

Tumango si Marilyn.

"May pupuntahan lang ang Mama at Papa mo,pero lagi ka nilang babantayan.Huwag ka ng umiyak ha,nandito pa naman ang tita ako ang mag aalaga sayo.Mamahalin kita tulad ng pag mamahal ng mga magulang mo."

Tumango ang bata pero humihikbi pa din ito.

******

PAGKATAPUS NG LIBING,tumuloy na muna sila sa bahay ng kanya kapatid ang ina ni Maya.Pinag usapan nila ng kanyang magulang at magulang ng asawa ng ate niya kung saan titira ang bata.

"Iuuwi ko na lang ang aking apo sa probinsya," sabi ng ina ng Ama ni Maya.

Agad naman na nag react si Marilyn.

"Hindi po pwede,napakalayo ng inyong probinsya.Paano namin madadalaw ang bata," sabat niya.

Mabilis naman siyang hinawakan sa kamay ng kanyang ina para patahimikan.

"Hindi Nay," piksi niya. "Kung tutuusin mas may karapatan tayo kay Maya,dala niya ang apelyedo natin." Totoo ang sinabi niya dahil bago pa man ikasal ang mga magulang ni Maya ay naipanganak na ito.At dahil sa hindi naman agad tinanggap ng lalaki ang bata napilitan silang ipagamit ang apelyedo nila sa bata.

Natahimik naman ang matanda,nakuha nito ang ibig pakahulugan ng dalaga.Hindi lingid sa mga ito na hindi sila boto sa asawa ng anak nilang namayapa na ama ni Maya.

"Sa probinsya mabibigyan namin siya ng magandang buhay,nag iisang apo lang namin si Maya.Lahat ng aming kayamanan sa kanya mapupunta." Segunda naman ng matandang lalaki.

"Ang kailangan ni Maya ang totoong pag mamahal,hindi ako papayag na iuwi niyo siya sa probinsya kahit na humantong pa tayo sa hukuman.Hindi niyo makukuha ang bata!" Mariing sabi ni Marilyn.

"Tita," boses ni Maya.

Sabay na napalingon ang mga nasa sala sa mahabang hagdan,nakita nila ang batang si Maya na nakatayo sa itaas ng hagdan.

"Excuse me," paalam ni Marilyn sa mga kausap,tumayo ang dalaga at tinungo ang hagdan para puntahan ang bata.

Naiwan naman ang apat na matanda sa sala,muli nilang pinag usapan ang kustodiya ng bata.

Page 1

Next chapter