5 Ang Ikalimang Kabanata

Napaiyak si Mayumi noong sumugod si Bolan. Nakita niya ang kuwagong pinasukan at sinapian ang kaniyang oyo. Malaking kuwago, na parang hindi nakikita ng ibang mga tauhan sa barangay nila. Habang ang luha ay binabasa ang kaniyang pisngi, nakita niya nung nahiwa ni Maginoong Galura ang sinapupunan ni Bolan, bago siyang nakaatake.

Noong opisyal na tinapos na ni Atubang Kanilad, napatayo si Mayumi at tumakbo papunta sa kaniyang oyo. Si Bolan ay biglaan lang nawalan ng malay. Ang parang hayop na anyo ng kaniyang kapatid ay biglaang nawala. Bumagal ang lakad. Bumaba ang buhok na parang lumitaw, na parang nahuhulog siya galing sa langit. At sa huli, bumagsak si Bolan. Nawalan ng kamalayan.

"Baylan Ylona!" sigaw ni Mayumi at sinalo ang kaniyang kapatid. "Bolan? Aking oyo?! Ayos ka lang? Ano'ng nangyari sa iyo?!"

Hindi gumalaw si Bolan. Nawalan talaga ng malay. Sa isang nkakapangilabot na saglit, hindi huminga si Bolan.

"Oyo! Baylan Ylona! Kailangan namin ng tulong!" Pinapagiliran na sila ng dolohan, at gumawa sila ng daan para kay Baylan Ylona. Kahit saan ang tingin ni Ylona, hindi niya mahanap si Maginoong Galura.

At doon dumating si Baylan Ylona, kagandahan at kabaliwan naninirahan sa kaniyang matang kulay abo. "Masintabi ka, mahal na bata. Akin na ang aliping si Bolan."

Si Ylona ay hindi ganoon ka tanda, na tulad sa Baylan ng ibang mga barangay. Isang katangian niya ay ang kagandahan niya, na parang isang bumubusilak na kalatsutsi. Ang tawag sa kaniya ay "Baylang Kalatsutsi" dahil dito, maputing madilaw ang kaniyang balat, at ang buhok niya ay kasingitim ng tunod ng kalatsutsi. Siyempre sino rin man ay hindi mahuhulog sa magaganda niyang mga matang abo. Maraming bulong at tsimis maririnig: na kulay abo ang buhok ni Baylan Ylona dahil hindi na siya nakakita. Hindi ito totoo, alam ni Mayumi. Nagkulay abo ang mata niya noong unang nag-anito siya at nakipagsalita sa mga nilalang hindi katulad nila. Ngayon, pagmagaanito o anumang seremonyal na gawain, nagsusuot si Baylan Ylona ng piring para madaling makapagugnay sa daigdig na hindi nakikita.

Dahil sa kagandahan ni Baylan Ylona, maraming nais maging kasintahan niya, naghahanap kung anong bugay ang pwedeng ibigay sa kaniya, at hinahanap ang kaniyang ama para lang maitanong ito.

Pero, katulad lang ng mga Baylan ng ibang barangay, ang pangunahing tungkulin ni Baylan Ylona sa kaniyang barangay at lipunan ay ang pagiging Baylan, isang tagapaggawa ng mga pandot at pag-anito, ang siyang nakakakita at nakakausap ang mga nilalang na hindi nakikita ng hubad-mata.

At iyon ang ginagawa niya ngayon.

Pinanood ni Mayumi si Baylan Ylona. Lumuhod siya at iniligay si Bolan sa kaniyang mga hita. Magkatabi, nakikita ni Mayumi na hindi sila masyadong malayo sa pagkatanda. Naalala ni Mayumi na si Baylan Ylona ay dalawang aning masmatanda lamang kay Mayumi, at tatlong aning masmatanda kay Bolan.

Hinawakan ni Baylan Ylona ang noo ni Bolan at ipinikit ang mata. Bumulong siya ng mga salitang mentala, o mga salitang alam ni Mayumi na mayroong kakaibang katangian. Ang mga daliri ni Baylan Ylona ay naglakbay, tinutulak-tulak ang iba't ibang mga bahagi ng katawan ni Bolan, hangga't nalapitan niya ang napakalaking hiwa na nasa sinapupunan ng oyo ni Mayumi.

Sa saglit na iyon, napaisip si Mayumi kung bakit hindi ni Baylan Ylona kaagad na kita ang hiwa na napakalaki?

Nakapikit pa rin ang mata, tumango ang Baylan at kumuha ng mga dahon at dumi galing sa loob ng isang bulak na sako. Ang mga dahong ito ay inilagay niya sa bawa't panig ng sugat, pero hindi sa sugat mismo. Pagkatapos noon, yumuko ng malalim si Mayumi, at bumulong ulit.

Tumango. Tumayo. Tumingin sa mga dolohan at sinabihan: "Dalhin mo siya sa loob ng aking gusali. Doon, magpapagaling siya. Mayroong umalagad na nagtanggol sa kaniya. Ang umalagad niyang ito ay isang matandang matanda at dakilang nilalang, isang ninuno niya. Ang umalagad na iyon ay ang magpapagaling kay Bolan. Hindi na raw kinakailangan ang pag-anito."

Ang ramdam ng paligid ay malumanay, makulimlim, na parang uulan ng karamdaman. Tumango lamang ang mga dolohan at binuhat si Bolan patungo sa bahay ni Baylan Ylona. Lumingon si Ylona at tumingin kay Mayumi. Doon niya nakitang nakapikit pa rin siya.

Noong binuksan ni Baylan Ylona ang kaniyang mata, hindi na ito abo, kundi sobrang itim. Kasing itim ng pinakamalalim na bahagi ng dagat.

At doon, ngumiti si Baylan Ylona. At doon napagtanto ni Mayumi na hindi na niya kausap si Baylan Ylona, pero ang kaniyang Ninuno.

"Ikaw ba ang kapatid ng totoy na ito?" ani Baylan Ylona, pero ang tinig niya ay hindi ang mabatang at mapakantang tinig ni Baylan Ylona, kundi ang malalim na tinig ng matandang lalaki na parang hindinakakapagsalita ng isang-libong taon. "Ikaw ba ang aking apo?"

Hindi muna kumibo si Mayumi, masyadong nagulat sa biglaang pag-iba ng tinig ni Baylan Ylona. Pero pagtapos ng ilang saglit, nakatango si Mayumi. "O-Opo. Ako ho. Ako po si Mayumi. Hindi ko ho kilala kung sino ang aking mga magulang."

"O? Nakakalungkot naman iyan, aking apo."

Kumurap si Mayumi. "Hindi niyo ba kilala kung sino?"

Umiling ng ulo ang kaniyang Ninuno. "Hindi eh. Ako ay iyong Apuy sa Tuhod. Hindi ko nakilala kung sino ang iyong mga magulang."

"Pero ikaw ay isang umalagad po, hindi ba? Hindi po ba ibig-sabihin noon, baka may paraan po kayong makaalam."

Napangiti ang kaniyang Apuy. "A, alam mo kung ano ang gusto mo, apo. Gusto ko iyan. Datapuwa't wala pa akong paraan. Wala pa akong paraan upang malaman ito, kahit na ako'y nakatira sa Maka sa taas ng Bundok Mataas. Hindi nakakatulong na ako'y namuhay sa sinaunang panahon!"

"Ganoon po ba?" ani ng isang malungkot na Mayumi.

"Pero nandito ako upang mabahagi sa iyo ang isang masayang balita: ako, si Pinalayang Kuwago ng Silanganan, ay magiging umalagad ng iyong kapatid. Bakit? Hindi ko rin masyado alam. Bahagya lamang. Pero ang tadhana ay hindi naiintindihan, minsan ang kapalaran ay maraming maigagawa."

"Ang galing naman po! Ibig sabihin, mayroong proteksyon ang aking oyo?"

Tumango si Kuwago. "Oo. Ang kailangan ninyo lang gawin ay pagalagaan ang parating na kuwago. Ako iyon. At ang isa pang kailangan mong malaman: sa aking pagkikita, si Bolan ay itiinadhana maging isang makapangyarihan at makabuluhang Baylan."

"Pero siya ay lalaki?"

"Hindi lahat ng Baylan ay babae, apo. Kaya nga mayroong mga asug!"

Napatingin si Mayumi kay Bolan. Dinadala na siya papasok sa bahay ni Ylona. "Pero…"

"Alalahanin mo ang ani ng iyong ninuno, Mayumi," ani Baylan Ylona. Ang kaniyang tinig ay bumalik na sa dati. Wala na ang kaniyang ninuno.

"Ang aking ninuno… Si Pinalayang Kuwago ng Silanganan."

Tumango si Baylan Ylona. "Alalahanin. Huwag kalimutan. Ang umalagad ang nakakaalam sa tadhana."

"Pero, Baylan, paano po kapag ayaw ni Bolan maging babae?"

"Hindi siya magiging babae," ani Ylona. "Magiging Bayugin siya. Ngayon bigyan mo ako ng paumanhin, aliping Mayumi, sapagka't kinakailangan kong kausapin ang inyong Maginoong Galura."

"A, e, s-sige po, Baylan Ylona. Lubos na pagsasalamat po sa pagtanggol sa aking oyo."

"Iyon ang aking tungkulin, Mayumi," ani Baylan Ylona, at sumulong papunta sa torogan ng Datu, kung saan nandoon si Maginoong Galura.

avataravatar
Next chapter