1 Ang ibinigay mo sa akin

Ano ang rason kung bakit may wakas o limitasyon ang buhay ng isang tao?.

Ayun ay para gamitin niya ng husto ang kanyang buhay para kapag dumating na ang kanyang oras ay walang siyang pagsisisihan.

Claire M. Corazon

Born - july 18, 1996

Died - july 18, 2021

Age: 25

Isang babae na namatay habang may ngiti sa kanyang labi.

Isang babaeng namatay na kuntento sa kanyang naging buhay.

Naka imprinta ang nakangiting niyang mukha sa kanyang litrato sa ibabaw ng kanyang altar, isang matamis na ngiti, ngiti ng isang taong naging masaya sa kanyang buhay kahit naging maikli man ito.

**** ************************

"sir miles!"

"sir miles~"

" yohoo~ sir miles !"

" good morning sir miles!"

" good afternoon, kumain kana sir miles?"

" sir miles ingat ka sa daan ah, wag ka mag papa-rape charot!.."

" sir miles~"

Haaa...kailan ba magtatapos ang ganitong buhay.

Mike Miranda ang aking pangalan at isa akong guidance councilor sa isang pampublikong paaralan, graduate ako ng bs phsychology at passer ng board.

Miles ang binigay na nickname sa akin ng mga school staffs sa aking pinagtatrabahuhan na hindi ko naman alam kung bakit.

Napili ko magtrabaho sa isang pampublikong highschool dahil masaya dito at bukod pa doon ay hitik na hitik ang lugar na ito sa mga impormasyon na aking kailangan at mga refference na maari ko gamitin sa aking totoong pangarap.

Actualy hindi ko naman talaga pangarap maging school staff, ang aking pangarap ay maging isang manunulat, pre-text lamang ang pagkuha ko ng aking kurso dahil mukang magagamit ko naman ito sa aking pangarap, ngunit tao lang naman tayo at kailangan mag trabaho para makakain kaya ginamit ko na din ang aking natapos at ayon ang rason kung bakit ako nandito ngayon bilang isang councilor.

hindi ko masasabi na succesfull na ako sa buhay, well may trabaho na ako at respetado pa, ngunit hindi ko pa natutupad ang aking pangarap.

..ang maging isang author.

Habang nananahimik na nagty-type sa aking laptop sa loob ng aking opisina ay violenteng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. isang energetic na babae na may kakayahang wasakin ang buong mundo. literal.

Ani mo ay isang naglalakad na bola ng enerhiya ay bigla bigla nalang nawawala sa ayos ang mga bagay bagay na kanyany madaanan.

Sadyang malikot lang talaga siya.

"sir miles!,~ good morning!"

wika niya at natabig niya ang paso ng halaman sa kanyang tabi.

Nabasag ito at kumalat ang lupa sa sahig.

"Oops!"

wika niya sabay atras para balikan ang halaman ngunit ikinasama pa iyon ng kawawang halaman dahil natapakan niya ito.

Claire ang kanyang pangalan, isang grade 11 student.

Agad ko itinago ang aking sinusulat na novela sa laptop habang siya ay papalapit pa lamang sa aking inuupuan.

Ang babaeng ito.

Nakilala ko siya noong grade 10 pa lamang siya at baguhan pa lamang ako sa paaralang ito bilang councilor, siya ang pinaka unang estudyante na tumangap ng aking counciling at doon kami nagkakilala, at hindi nagtagal ay naging ganito ang aming relasyon.

Well hindi naman kami magkasintahan' or anything.

Nakaraang taon ay nagtapat siya sa akin ngunit agad ko siya ni reject, bukod sa bawal ang staff and student relationship ay masyado pa siyang bata sa aking paningin.

24 ako at siya ay 17 naman siya nung panahon na yun, hindi naman ganon nagkakalayo ang aming edad at maitsura naman siya ngunit may iba akong rason kung bakit hindi ko magawang matangap siya bilang isang babae.

Lumapit siya sa akin at pumunta sa aking likoran at tinignan ang aking pinagkaka abalahan sa aking laptop.

" Haaa~ sir. umagang umaga nag ga-games ka nanaman!, flag ceremony ngayon, malamang nag babayang magiliw na sila ngayon"

"lupang hinirang...teka?, bakit ikaw? diba dapat andoon ka din?"

"Hee~ ayaw ko sa mainit, bumibilis heart rate ko"

pagrereklamo.

loko to ah, bumibilis heart rate ano siya prinsesa?.

Umiikot ng ganito ang aking araw sa paaralan.

Pagpasok sa paaralan ay siya palagi ang aking nakikita.

Siya ang unang bumabati sa akin, siya ang aking kasama sa tanghali at siya din ang huli kong nakikita sa aking pag uwi, kung tutuusin ay para na nga kaming isang genuine couple without the other stuff.

Nung una ay naiinis pa ako ngunit hindi nagtagal ay nakasanayan ko na din ang ganitong lifestyle, ang araw araw na kanyang pangungulit ay nakasanayan ko na at hinahanap hanap ko na din. kaya ngayon ay parang hindi na makukumpleto ang aking araw kapag hindi ko siya nakita o hindi niya ako nakukulit.

Isang araw ay naisipan ko umatend ng flag ceremony na request sa akin ng school head. matapos ng ceremony ay nagkaroon ng maliit na talumpati ang aming school head ukol sa mga panibagong awards na natangap ng aming paaralan, yung usual na boosting morale, more like boasting morale hehe.. ganun boosting morale nga ng mga estudyante para mas lalo pa sila mag pursige mag aral kahit na puno naman ito ng kasinungalingan at propaganda. ang tinutukoy ko ang mga award.

Matapos makinig sa walang kabuluhang speech ay dumeretso muna ako ng banyo para umihi, at pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa aking palasyo. ang aking guidance room.

Ang aking opisina.

"oo nga no?, hindi ko nakita si claire sa flag ceremony...haa..mapagsabihan nga, sigurado namang nasa opisina ko siya eh"

Nang makarating sa tapat ng aking opisina ay dahan dahan ko ito binuksan at tulad ng inaasahan ko ay nasa loob nga si claire.

ngunit parang may mali.

kasalukuyan siya naka upo sa sahig habang nakasandal sa pader, nagpapawis siya at mabigat ang kanyang paghinga.

"claire?"

agad ko siya nilapitan.

Nang mapansin ang aking prisensya ay dahan dahan niya itinaas ang kanyang kamay at may tila ba itinuro .

Niligon ko kung saan siya nakaturo at napunta ito sa kanyang bag na kasalukuyang nakalapag sa sofa di kalayuan.

Bag?, teka?..

Agad ako tumayo at nilapitan ang kanyang bag, hinalungkat ko ito kahit hindi alam kung ano dapat ang aking gagawin.

sa paghahalungkat ay may nahawakan akong tila ba isang container ng mga gamot.

i..ito ba yun?.

Dala ang gamot at ang kanyang tubigan na parehas ko kinuha sa kanyang bag ay lumapit muli ako sa kanya.

" i..ito ba? ilan?.."

Natataranta kong wika habang binubuksan ang kanyang tubigan.

sa kanyang daliri ay sumenyas siya ng isa.

isang tableta?.

Agad ako kumuha ng gamot sa lalagyan at ipina inom ito sa kanya, inalalayan ko ang kanyang kamay habang iniinom niya ang tubig.

Matapos mainom ni claire ang gamot ay binaling ko ang atensyon sa ininom niyang gamot.

Cardiomyopathythamin?.

Teka ...alam ko ito ah.

Nanlaki ang aking mata sa aking nabasa, tila ba nanghina ang aking tawan ay nabitawan ko ang container ng mga tableta sa sahig.

Nakagawa ito ng tunog matapos bumagsak ngunit hindi naman natapon ang nilalaman nito.

Meron siyang sakit sa puso? at hindi lang iyon..alam ko itong sakit na ito.. hindi ako maaring magkamali.

"Sir miles salamat..hehehe~"

mahinang wika ni claire na mukang unti uti na uma epekto ang kanyang nainom na gamot.

Tumingin ako sa kanya at nakita ang kanyang nakangiting muka.

Ang kanyang usual na muka na palagi niya hinaharap sa akin.

"claire....may taning na ang iyong buhay kung hindi ako nagkakamali...ilang taon na lang?"

wika ko sa kanya ngunit hindi ko magawang tumigin sa kanyang nakangiting mukha.

Matapos ko magsalita ay tila ba napasinghap siya.

"ohoho~ anong sinasabi niyo sir, ano to drama? drama ba ito?, hahahaha"

Tumawa siya ngunit alam ko ang tunay na nangyayari.

Dahan dahan ako tumayo sa pagkakaluhod sa kanya at tumalikod.

"claire may kakilala akong nag t-take din ng ganyang gamot..."

mahina kong wika.

"......"

nanahimik siya at hindi nakapagsalita. na curious ako sa nangyari kaya lumingon ako sa kanya at nakita ang mangiyak ngiyak niyang mukha.

Hindi niya na maipagkakaila ang aking nalaman.

" claire...."

"....."

"claire!"

"....yes sir?"

"mike na ang itawag mo sa akin"

"sir mike?"

" nope just mike"

"anong ibig mong sabih-"

Lumapit ako sa kanya at naki upo sa sahig sa kanyang tabi sabay nginitian siya.

"claire,nililigawan kita, pwede ba maging tayo?"

Hindi na ako nag dalawang isip. bilang isang nakatatanda ay kailangan ko nalang intindihin ang kanyang sitwasyon kahit dala lamang ng awa ang aking naging desisyon.

Muli ako ngumiti.

Isang pilit na ngiti.

Magsimula nung araw na iyon ay sinagot ko ang nararamdaman niya sa akin, at naging kami na. kahit na parang pilit ang aking naging desisyon.

Dala na din ng awa sa kanyang kalagayan ay nagawa ko ang bagay na iyon, ang magkaroon ng relasyon sa isang estudyante sa paaralan na pinagtatrabahuhan ko.

Claire, isang babae na may malubhang sakit na hindi alam ng publiko, isang heart disease na nagpapahina ng cadiovascular muscle ng isang tao na nagdudulot sa pagkakaroon ng taning sa kanilang buhay.

Hindi ko na tinanong kung ilang taon na lang ang natitira sa kanya dahil siguradong hindi niya naman ito sasabihin.

Sa mga ganitong pagkakataon ay mas napili niyang enjoyin ang kanyang nalalabing oras kesa manatiling nakakulong sa ospital habang pilit nilalabanan ang itinakda sa kanya ng may kapal.

Isa siyang malakas na babae, malakas ang kanyang loob at nagagawa niya pang ngumiti kahit alam niya na bilang na ang kanyang oras.

"s..so tayo na? ehehe?"

" yup!, hindi ka ba masaya claire?"

" masaya ako..s..sir miles"

"Haaa..sabi ko mike na ang itawag mo sa akin"

Nung una ay tinangap ko ang kanyang nararamdaman dahil sa awa ngunit ngayon ay iba na. talagang mahal ko na siya, nalaman ko at na realize ko iyon nang mag umpisa kaming magkaroon ng relasyon.

Nagpatuloy ang aming relasyon hangang lumalim ito ng lumalim.

"nobela?"

" oo nobela..subukan mo kaya magsulat claire"

" hee~ ayaw ko nakakabooring...bakit naman ako magsusulat?"

" wala lang...ayaw mo ba na may maiiwan ka sa mundo kapag ikaw ay nagpaalam na?"

ooops!

sa pagkakadulas ng aking bunganga ay agad ako napatingin sa kanya.

Kasalukuyan siyang nakasimangot at tila ba nag iisip sa aking sinabi sa kanya.

"Hmmm? ok.. sabi mo eh!, hehehe~"

nakangiti niyang wika na tila ba wala siyang narinig sa aking sinabi.

hinding hindi talaga ako magsasawa sa kanyang ngiti.

Dumating ang summer vacation, halos tatlong araw sa isang linggo siya bumisita sa aking apartment, minsan napapa isip na lamang ako kung may kaibigan ba siya oh wala. o kung may paki ba ang kanyang mga magulang sa kanya pero who cares...ang importante ay masaya siya.

Isang araw ay niyaya ko siya na mag beach sa kalapit na lungsod at pumayag naman siya.

Parang isang bata na first tine lang makakita ng beach ay nagningnig ang kanyang mga mata sabay turo sa malawak na karagatan.

" tara sakay tayo ng banana boat!"

pagyayaya niya sa akin.

"Hmm, banana boat huh?"

"ehehe~ please...gusto ko masubukan "

wika niya na tila ba isang cute na pusang nagpapacute sa amo.

Ngumiti ako at tumingin sa karagatan.

sige... ipapa ranas ko sayo lahat ng gusto mong maranasan sa iyong buhay hangat nandirito ka pa.

Tulad nga ng kanyang request ay sumakay kami ng banana boat, bumaon sa aking isipan ang masaya niyang mukha habang kami ay magkasama. kita sa kanyang mukha ang galak at pag e-enjoy nung araw na iyon na nagpagaan din ng aking damdamin.

Bilang kanyang boyfriend ay kailangan ko siya pasayahin.

Maka ilang araw pagkatapos ng aming beach trip ay niyaya ko naman siya ng date sa isang amusement park sa capital.

"Heee ~ hindi pa ako nakakasakay sa roller coaster...gusto ko sumakay"

wika niya habang nakatingin sa dambuhalang roller coaster.

"eh? roller coaster, teka..hindi pwede sayo yan mahina ang puso diba?"

agad ko namang tinutulan ang kanyang request.

"Hmmm...saan tayo?"

wika niya ng may dissapointment.

Tumingin tingin ako sa paligid habang naghahanap ng alternatibo at sa di kalayuan ay nakahanap ako ng babagay sa kanyang request.

Isang rides na hindi naman kasing trilling ng rolescoaster ngunit ganun din ang pakiramdam.

"lovers river adventure..pwede na"

nakangiti niyang wika.

Naka akbay ako sa kanya bahang tinatahak namin ang mala kwebang daan habang lulan ng quadradong lumulutang na sasakyan habang inaanod ng tubig pababa.

Wala akong inaksayang oras dahil ayon lamang ang maibibigay ko sa kanya. aking oras...

Bumalik ang pasukan ngunit wala pa rin nagbago sa amin, in fact hindi na namin tinatago ang aming relasyon sa paaralan.

Regular siyang bumibisita sa aking opisina at araw araw kami kumakain ng sabay, meron ring mga pagkakataon na umaatake ang kanyang sakit ngunit agad ko ito naasikaso.

Hapon habang naglalakad kami pauwi sa kanila.

" i think its about time na ipakilala kita sa aking parents.."

biglag wika ni claire sa akin.

Nanahimik ang paligid kasabay ng malakas na ihip ng hangin, kasalukuyan kami naglalalad sa ibabaw ng kulay kahel na kalangitan ng takipsilim na hapon.

Muling umihip ang malakas na hangin ngunit sa pagkakataong ito ay malamig na hangin na ang dumampi sa aming balat.

Habang naghihintay sa akin isasagot ay nag umpisang umulan ng malakas.

dumilig ang ulan sa mga halaman sa kapaligiran, sa mga tigang na aspalto at semento at sa mga punong ilang buwan ng naghihintay ng sariwang tubig galing sa alapaap.

"tara..."

mahina kong wika.

Matapos marinig ang aking naging sagot ay bigla siya lumapit sa akin at ako ay hinalikan sa labi.

Ang babaeng to, hindi talaga ako magsasawa sa kanyang pagiging masigla, pabigla bigla palagi.

***************** *********

Lumipas ang mga buwan hangang dumating ang kanyang kaarawan.

umatend ako sa kanyang kaarawan at kinabukasan ay nag date kami.

"happy birthday claire"

nakangiti kong wika.

Kasalukuyan kami naglalakad sa tabing dagat matapos mamasyal.

Hapon at malamig ang sariwang hangin na nangagaling sa karagantan.

"salamat..mike.. ehehe"

wika niya.

Habang naglalakad kami ay napansin ko na tila ba hindi siya nakangiti at parang malungkot.

"ano problema claire?, masama ba pakiramdam mo?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"....hindi naman..."

"a..ano problema kung ganun?"

"...mike mahal mo ba talaga ako?"

Napahinto ako sa paglalakad sa aking narinig bago muling nagpatuloy.

"syempre naman claire!"

"kung..ganon p..patunayan mo sa akin.."

Anong pinagsasabi neto?, may nakain ba siyang kakaiba kanina at naging gloomy siya?.

"a..anong ibig mong sabihin?"

agad kong tanong.

bigla siya huminto at tumingin sa akin, namumula ang mata niya at tila ba maluha luha na na hindi ko naman alam kung bakit.

"hindi kasi maalis sa isip ko na baka tinangap mo lamang ang aking nararamdaman sayo dahil sa aking karamdaman...,"

Ah..Oo, syempre maiisip niya ang ganitong bagay.

natatakot siya na baka gawa gawa lamang ang nararamdaman ko sa kanya at nakikipag laro lamang ako para dahil naawa ako sa kanya.

Sana pinaliwanag ko na sa kanya ang totoo nung una pa lamang.

Naglakad ako papalapit sa kanya at siya ay niyakap.

"mahal kita, hindi dahil sa karamdaman mo, mahal kita kasi mahal kita, siguro nga nagsilbing trigger ng malaman ko ang iyong kalagayan ngunit ito ang masasabi ko sayo, mahal kita claire"

hindi ako magaling sa pick up line kaya ibinukambibig ko na lamang ang mga salita na kasalukuyang nabubuo sa aking utak habang hagkan siya.

Niyakap ko siya ng kay higpit na tila ba ay ayaw ko na siya pakawalan pa.

"kung ganun...pwede bang -"

inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga at may ibinulong.

Matapos marinig ang kanyang sinabi ay pabigla akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumungin sa kanyang mukha. kasalukuyan siyang namumula at tila ba hindi makatingin sa akin ng maayos.

Napalunok ako ng laway habang nag iisip n mainam na sagot sa kanyang sinabi.

"g..gusto ko m.maranasan ang g..ganong bagay, .h.hindi ba pwede?"

kahit nahihiya ay buong lakas niyang sinabi sa akin ang kanyang gustong mangyari.

******************************

Under imagination

******************************

Tila sunod sunod ang magandang nangyayari ay nakatangap si claire ng notipikasyon galing sa isang publishing company na pinagpasahan niya ng manuscript.

Isang green light ang kanyang nakuha at nangangailangan siya mainterview ng isa sa mga editor sa kumpanyang pinagpasahan niya.

Kasama ako ay tinungo namin ang lugar kung saan nakatirik ang gusali at magkahawak kamay kaming pumasok at hinarap ang maari niyang maging kinabukasan.

"Congratulatins, isa ka ng author..ms. clai- mam claire.nakangiting wika ng editor kay claire matapos ng interview.

Tumingin sa akin si claire ng nakangiti at maluha luha.

Ha...isa na siyang ganap na author...nakaka inget pero masaya ako para sa kanya.

Darating din ang araw ko pero ang mas importante ay naka secure na ang kanyang magsisilbing ala ala na kanyang iiwan sa mga tao.

Kailan naman kaya darating ang pagkakataon ko?.

********* ******** **********

CLAIRE

point of view.

Graduation, ang pinaka importanteng araw sa mga estudyante, ang proof ng kanilang paghihirap sa maraming taon na ginugol nila sa loob ng paaralan.

ngayon ang araw na iyon, araw ng pamama alam at bagong simula, ang mga iba ay magpapatuloy pa sa paghahabol ng kanilang pangarap at ang mga iba naman ay magsisimula na maging myebro ng lipunan bilang isag working adult.

Naalala ko pa ang sinabi sa akin ng doktor nung araw na yun.

"claire, meron ka na lang limang taon para mabuhay"

Umiiyak ang aking mga magulang habang kinakausap ako ng doctor at pinapaliwanag ang tungkol sa aking karamdaman, wala ako naintindihan sa kanyang mga sinabi ngunit alam ko na bilang na ang aking oras.

Ang gamot na aking iniinom ay hindi talaga gamot, isa lamang itong walang kwentang tableta para palakasin ang aking loob para magpatuloy sa buhay.

Hindi alam ang gagawin matapos malaman ang aking madilim na kinabukasan ay sinubukan ko na lamang wakasan na ng maaga ang aking wala nang pag asang buhay.

Ngunit may nangyari.

May liwanag na dumating at itinaboy ang dilim na bumabalot sa aking puso.

Isang lalaki na nakinig sa aking problema kahit na hindi ko sinabi sa kanya ang kabuan ng aking kwento ay maayos niyang napalakas ang aking loob.

Magmula nung araw na iyon ay nagpasya ako na gamitin ang aking natitirang oras ng walang pinagsisisihan.

Naging kami ng lalaking iyon matapos niya malaman ang aking kalagayan, kahit hindi ako sigurado sa aming relasyon ay pinabayaan ko nalang ang aking agam agam at hindi ako nagsisi sa aking desisyon, habang ini isangtabi ang aking karamdaman ay naging masaya kami sa aming relasyon, marami akong natutunang bagay na hindi ko sukat akalain na matutunan ko, marami akong nagawang bagay na hindi ko sukat akalaing magagawa ko sa aking maikling buhay.

Naranasan kong magmahal at naranasan ko ding mahalin.

Pangarap ko gamitin ang aking natitirang dalawang taon na kasama ang lalaking mahal ko wala ng mas sasaya pa kapag natupad iyon.

" na saan pala si mike- este sir miles?"

tanong ko sa isa sa aking mga kaklaseng babae ng hindi mahagilap ang aking boyfriend / guidance councilor.

"hmm? si sir miles?,...na sa guidance room.."

sagot naman ng aking kaklase.

guidance room? anong ginagawa niya doon?, graduation ng girlfriend niya eh!.

Suot suot ang toga at white coat ay umalis ako sa linya at tinungo ang guidance room para sunduin ang akinh boyfriend.

Matapos makarating ay dahan dahan ko binukas ang pinto at nakita ko siyang naka upo sa kanyang upuan.

Pumasok ako at isinara ang pinto at siya ay hinarap.

" oi ano ba...akala ko ba ikaw ang escort ko"

pagrereklamo ko.

"mukang nakalimutan ko i lock ang pinto ah"

natatawa niyang wika.

"anong nakakatawa?"

pagtataka ko naman.

Tumingin siya sa akin ng nakangiti.

"congratulations claire, masaya ako sayo.."

wika niya at tila ba may napansin akong kakaiba sa kanya.

mabigat ang kanyang paghinga.

"mike? ayos ka lang?"

agad ko siya nilapitan.

".bumalik ka na doon at susunod nalang ako.."

wika niya ngunit sa kasalukuyan niyang kalagayan ay hindi ko siya magagawang iwanan.

"claire..."

"teka mike, ayos ka lang ba talaga?"

"...dala mo ba ang iyong iniinom mo na gamot..pwede humigi kahit isa lamang"

bigla niya wika sa akin.

huh?ano?

"you see, nanlalabo na ang aking paningin at nanlalamig na ako, baka ma supress pa ng gamot na iyan ang nararamdman ko .."

mahinang wika ni mike sa akin.

teka? anong?nanlalabo ang paningin at nanlalamig?, ayan ang senyales na ibinigay sa akin ng aking doctor kapag malapit na ang..-

teka wag mong sabihing!.

"m..mike?."

Mangiyak ngiyak akong tumingin sa kanyang kaawa awang kalagayan. nung mga oras na iyon ay tila ba nasa kalagitnaan ako ng kawalan.

"wag mo ako tignan ng ganyan, mas maganda ka kung nakangiti claire"

Doon ay naging malinaw na ang lahat sa akin, kung bakit nung una pa lamang ay parang may idea na siya sa aking sakit at kung bakit alam niya ang aking iniinom na gamot nung una niya pa lamang ito makita.

Dali dali ko kinuha ang aking gamot sa bulsa at ipinainom ito sa kanya.

Matapos ng ilang minuto ay kumalma na siya.

"ilang taon na lang?"

mahina kong wika habang pilit pinipigil ang pagtulo ng aking luha habang hinihiling na iba sana ang nangyayari sa aking kasalukuyang iniisip.

"nakaraang buwan pa sana...himala nga kung ituring na buhay pa ako ngayon.."

matapos marinig ang sinabi niya ay bigla ako bumagsak sa sahig sa biglaang panghihina ng aking tuhod.

"balak ko sanang hindi na sumipot eh, o hindi na magpakita sayo ngunit alam kong masasaktan ka kapag ginawa ko iyon, magpapa alam na lamang ako ng maayos, p..pero claire..ayaw mo ng korning romeo and juliet ah..overused na yun.."

nagpatuloy siya sa pagsasalita habang ginagamit ang kahuli hulihan ng kanyang lakas at nagawa niya pa magbiro.

"B..bakit hindi mo sinabi sa akin mike"

"ayaw ko mag alala ka, ganun ka din naman ah, ayaw mo na mag alala ako nung una kaya hindi mo sinabi sa akin pero nalaman ko pa din..ehehe.."

"pero..."

huminto ako sa pagsasalita.

"claire, naging masaya ang natitira kong buhay dahil sayo, nung una ay balak ko lang sanang maging isang manunulat para kahit papa ano ay may maiwan akong ala ala na magpapatunay na nabuhay ako sa mundong ito..pero nung dumating ka ay nagkaroon uli ako ng rasong mabuhay, salamat claire"

wika niya sa napakahinang tunog.

Hinagkan ko siya ng mahigpit matapos niya magsalita.

"wag ka aalis mike, hintayin mo ako, please..dalawang taon pa...."

"hindi ko man natupad ang aking pangarap na magbahagi ng kweto ay natupad ko naman ang kwento na gusto ko ibahagi, isang love story tungkol sa akin"

"please wag ka muna aalis mike, kailangan pa kita.."

"claire, salamat at nakilala kita"

"mike wag please..."

"wag mo sana kakalimutan ang sinabi ko sayo claire, wag mo sasayangin ang natitira mong oras at ngumiti ka palagi tulad ng nakagawian mo.."

".....mike..."

"claire"

"..... wag please wag..mike"

"claire alam kong nagsasalita ka pero hindi na kita marinig,.."

"..mike?"

"claire...pwede ko ba makita ang iyong ngiti bago tuluyang magdilim ang aking paningin"

Dama na sa kapaligiran ang nahuhuling oras na kami ay mag uusap, ibinigay ko ang kanyang huling kahilingan at nguniti ako sa kanya.

"salamat claire...sige..magpapahinga muna ako..pagod na ano eh-"

nakangiti niyang wika bago niya ipikit ang kanyang mga mata.

Nung gabing iyon ay natinig ang pag iyak sa isang maliit na silid, isang silid na puno ng mga ala ala.

Isang babae ang nakayakap sa lalaki habang umiiyak.

"wag ka mag alala, susunod na din ako mike,..."

Hinalikan ko ang kanyang malamig na labi at saka ko uli siya niyakap.

" pero bago iyon ay gagawin ko ang sinabi mo sa akin, gagamitin ko ang aking natitirang oras alang alang sa aking kasiyahan...salamat mike"

Pen name

MirandaClaire.

Bago namaalam sa mundo ay marami siyang iniwang kwento na naka imprinta sa papel na mabibili sa pampublikong aklatan.

Mga kwento na nagpapatunay na may nabuhay na claire corazon sa mundong ito at nagmahal ng isang lalaki na nagngangalang mike miranda.

Namaalam siya sa mundo ng nakangiti.

End.

( insert "you raise me up" version by lena park)

***** ********** *************

Authors note.

Please Vote.

Write your comments and suggestions below for the next short story.

And maybe share this story to your friends.

it will be my pleasure.

avataravatar