webnovel

Ang Hiwaga ng Buwan: Ang Taong Lobo

Kakaiba ang aking nararamdaman pag bilog ang buwan. Sampu ng aking mga kanayon, kami ay naninirahan sa gitna ng kagubatan. Di ko maikakaila na mayroong kakaiba ang nangyayari sa aming katawan pag bilog ang buwan. Parang nasa state of trance kaming magkakanayon pag nasisilayan namin ang liwanag nito. Pero kaya naming kontrolin ang halimaw sa aming katawan. Sa simula't sapol pa ay ako na din ang kanilang naging lider.

"Dati, tahimik kaming namumuhay sa isang barrio. Simula ng sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nag iba na ang aming pamumuhay. Nakilala ang aming angkan sa kinakakatakutan sa aming lugar dahil sa iba naming kakayahan, ang maging Taong Lobo."

Ika 7 ng Disyembre 1941, nang nilusob ng mga Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Hudyat na ito ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng sumali na ang Bansang Amerika sa digmaan. Sinakop ng Bansang Japan ang Pilipinas dahil ito ay nasa kolonya pa ng mga Amerikano.

Simula nang mangyari ang digmaan ay naapektuhan ang aming pamumuhay sa dating payapa at malinis na barrio. Naging pagala gala kami sampu ng aking mga kanayon dahil natatakot kami sa mga Hapones. Napakahirap talaga ng pamumuhay dahil wala na kaming permanenteng pinagkukunan ng pagkain at hanapbuhay. Isa lamang kaming simpleng magsasaka, at nag aalaga ng mga hayop sa aming lugar ng sumiklab ang digmaan. Dahil sa ganitong pangyayari ay marami sa aking kanayon ang namatay dahil sa gutom, sakit o di kaya ay nahuli o napatay ng mga Hapon. Pagka munghi ang namayani sa aking puso lalo na ng makita ng dalawang mata ko ang pagpaslang ng mga sundalong Hapon sa aking mga kababayan. Ngunit sa panahong ito ay wala talaga akong magagawa para ipagtanggol ang aking mga kababayan. Tanging pagkuom na lang nga mga kamay ko ang aking magagawa. Nag iisip kong paano ko maipaghihigante ang aking mga kababayan. Ako nga pala si Jomar at ito ang aking kwento.

"Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1942) – Sa panahong ito ay nasa 19 na taong gulang na ako. Isang hapon, habang ako ay naghahanap ng pwedi kong makain sa gubat tulad ng mga daga, ibon o kung ano pa man, ay mayroon akong nakitang isang sundalo na tumatakbo papunta sa aking kinaroonan. Agad naman akong nagtago dahil alam kong malalagay sa panganib ang aking buhay. Natatantiya ko, isa itong Amerikano dahil sa kulay ng damit nito at mayroong nakalagay na bandila sa kanyang damit na sinusuot. Isa itong kaibigan, kaya habang papalit siya sa aking kinaroroonan ay dinakma ko ito saka tinakpan ang kanyang mga bibig ng aking kamay. Agad kaming nagtago. Hinahabol pala ito ng mga sundalong Hapones.

Nang makalampas na ang mga sundalong Hapon, ay nakita ko ang sundalong Amerikano na maraming tama ng bala sa katawan. Nanghihina ito, nagsasalita sa lenguwahe na hindi ko maintindihan. Nakita ko na isa isang nalalaglag ang mga balang tanso sa kanyang katawan, ngunit may nakita ako na kakaibang bala na bumaon malapit sa kanyang dibdib. Natutulala lang ako sa aking mga nakikita, sa talambuhay ko ngayon lang ako nakakita ng taong pwedi makapagpalabas ng mga tama ng bala sa kanyang katawan. Halos lahat ng bala ay nailabas niya sa katawan maliban na lang sa kulay puti na bala na naka baon sa malapit sa dibdib nito. Ngayon ko lang nakita ang naturang bala na ito, dahil halos lahat ng bala na nakita ko ay kulay tanso maliban na lang dito.

Kinakausap niya ako ngunit naka tingin lang ako sa kanya. Wala akong maintindihan sa mga salitang Inglis na nanggagaling sa mga bibig nya. Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya habang naka sandal ang duguang katawan nito sa isang malaking puno na aming pinagtataguan.

Walang kaano-ano ay sinunggaban niya ako sa leeg. Di ako nakapalag, parang nangalay ang buo kong katawan, parang may halong gamot ang mga likido na pumasok sa katawan ko galing sa kanyang mga bibig, gamot na nakakapag panghina sa katawan ko habang kagat kagat niya ang aking mga leeg.

Binitiwan niya ako, nakita ko ang parang pag iba ng anyo niya, naging mabalahibo ang mukha nito na parang sa isang uso o aso. Kita ko ang aking mga dugo sa bibig niya habang nakangiti ito saka binawian ng buhay. Di ako makagalaw sa kinalalagyan ko, namamanhid ang aking katawan saka nawalan na ako ng malay.

Kinabukasan, nagising ako mag gagabi na, maliwanag ang buwan, nasilayan ko sa huling pagkakataon ang kasama kong wala ng buhay na sundalong Amerikano na nakasandal sa puno. Nahihilo pa ako ng konti, pero nang hinawakan ko ang kinagat nya na leeg ko kahapon ay namangha ako, wala na itong bakas ng sugat o kung ano pa man. Tanging nanuyong dugo lang ang aking nahawakan at nakita. Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan, parang tumalas na ang aking pang amoy, mga pandinig at ng aking mata. Kahit kakaunting yabag ay naririnig ko, mapakaluskos man ito ng insekto o pagaspas ng pakpak ng maliliit na ibon.

Agad kong binitbit ang sundalo para ilibing ito, namangha ako sa aking lakas, ang isang patpatin na tulad ko dahil sa malnutrisyon at gutom ay kaya nang bitbitin ang malaking sundalong Amerikano. Inilibing ko ito ng maayos, tapos ay naghanap ako ng makakain. Madali ko lang nakuha ang mga hayop na nais kong kainin dahil sa kakaibang bilis, liksi at lakas ko. Sinunggaban ko agad ang bawat hayop na makita ko, pinagbabali ang buto saka nginuya ito dahil sa matinding gutom. Ito lang ang aming paraan ng pagkain para maibsan ang aming gutom.

Naalala ko ang aking mga kaibigan, 5 kaming magkakasama kahapon, 2 babae at 3 lalaki, nagtatago sa mga sundalong Hapon sa gitna ng gubat nang magpaalam ako sa kanila para maghanap ng makakain. Inaamoy amoy ko ang hangin, hanggang mayroon akong naaamoy na kakaiba, amoy ng aking mga kaibigan, at ng mga sundalong Hapon.

Agad kong tinakbo ang lugar kong saan ko naamoy ang aking mga kaibigan, ang lugar kung saan kami nagtago kahapon. Nang marating ko ang lugar, nakita ko na nakatali silang 4, napapalibutan ng mga sundalong Hapones, mga tantiya ko mga 15 sila. Napakuyom ang aking mga kamay, para makuha ko ang kanilang pansin ay agad akong gumawa ng ingay na ikagulat nila. Nagsisigawan ang mga ito, pinaghahanap ako sa madilim na karimlan gamit ang kanilang flashlight at liwanag ng buwan, samantalang ang mga kasama ko ay natatakot. Nakita ko ang 3 na pumunta sa mga mayayabong na damuhan, kaya doon ko sila sinunggaban, para lang itong mga papel nang aking pinagdadampot at inihagis. Pinutukan nila ang aking kinaroroonan ngunit mabilis ko itong inilagan. Nagpatalon talon ako sa mga puno na parang ang gaan ng aking pakiramdam, nakita ko ang sindak sa mga Hapones, nang bigla kong tinabihan ang isa sa kanila saka pinutol ang kanyang ulo. Nagulat ang aking mga kaibigan sa nakita nila. Di sila makapaniwala sa nasaksihan. Agad nagsipulasan ang mga sundalong Hapones ng makita nila ang ginawa ko na pag putol sa ulo ng kanilang mataas na opisyal. Di ko na sila hinabol pa, inuna ko munang iligtas ang aking mga kasama sa pagkakatali.

Napanganga lang ang kanilang bibig habang pinutol ko ang lubid gamit ang aking mga kamay na parang isa lang itong sinulid. Alam kong marami ang katanungan sa kanilang isipan, na ako mismo ay hindi makasagot. Ni hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari sa aking katawan."

Nang makawala na kami at makaalis sa lugar na iyo ay ikinuwento nila ang nangyari sa akin. Base sa kanilang kwento sa akin, nakita nila ang pag iba ng anyo ko kanina habang kinakalaban ko ang mga Hapones, naging isang mabangis na hayop ako na may mga matatalim na kuko at mabalahibong mukha, nanlilisik ang mga mata at may matatalim na pangil.

Sa pagkakaalam ko ay isang normal na tao lang ako kanina, pero iba na pala. Kinakabahan sila sa akin. Kaya kinuwento ko din ang nangyari sa akin, kong paano ko nakuha ang sumpang ito. Nagtago na din kami sa mga kagubatan simula nang mangyari ito.

Simula noon, dumami ang aming lahi, napangasawa ko ang isa kong kaibigan na matagal ko nang gusto. Ginawa ko din silang lahat na tulad ko, na may pahintulot naman nila. Naninirahan kami sa gitna ng mga gubat at tanging hayop lang ang aming kinakain.

Natapos ang digmaan at andito pa din ang aming lahi. Nakikisalamuha sa mga ordinaryong tao. Pagkalipas ng maraming taon ay natutunan na din ng mga kalahi ko kung paano kontrolin ang halimaw sa katawan nila.

=====WAKAS=====

“I Am There Waiting, Watching, Keeping to the Shadows. But When You Need Me, I’ll Step Out of the Shadows and Protect What’s Mine.”

Werewolf Quotes

I love you Rowena Dieta Galon.

June_Bert_Toretacreators' thoughts