1 Paunang Salita Ang Simula

Si david buenafe ay isang sikat na pintor at eskultor. Ang kangyang mga obra ay kinikilala na sa buong mundo. Maihahalintulad na rin ang kanyang mga gawa sa mga likha nina Michaelangelo, Leonardo da Vinci at Pablo Picasso. Marami na ang mga parangal at papuring kanyang natanggap sa larangang kanyang pinasok.Gayumpaman, nakaramdam na rin ng pagod si David. Nalibot na niya halos ang buong mumdo para sa kanyang mga likha. Babalik na siya ng pilipinas upang doon ituloy ang kanyang mga nasimulan.

Sa kabila ng kanyang katanyagan at kayamanan ay hindi nakuhang umibig pang muli ni David. Iisang babae lang ang kanyang minahal. Ngunit ang babae ring iyon ang nagdulot ng matinding pighati sa kanyang puso. Mula noon ay ibinuhos na lang niya ang kanyang buong atensyon sa paglikha ng kanyang obra. Karamihan sa kanyang mga likha ay patungkol sa pagkabigo at sa magagandang babae. Iyon ang naging kaulayaw niya sa kanyang pag-iisa... sa kanyang pagkabigo.

"Sadyang napakaganda mo, Elena.."Kitang-kita ang pagkamangha niya sa kanyang sariling likha .

Noon ay nasa harap siya ng kanyang estatwa hawak ang isang mainit na tasa ng tsaa. Napapangiti pa siya habang walang sawang pinagmamasdan ito. Ang estatwang iyon ang pinakapaborito niya sa lahat. Gawa ito sa isang espesyal na kahoy at nagtataglay ng tunay na ginto sa ilang bahagi ng pigura nito. Ito ang kanyang nag-iisang obrang itimira niya sa kanyang sarili. Ito ang estatwang nagsilbing saksi niya sa kanyang pagkabigo at muling pagbangon. Dito siya umiiyak at nananaghoy sa sakit na idunulot ng kanyang una at huling pag-ibig.

Napukaw na lamang ang atensiyon niya sa narinig na panaghoy ng kanyang alagang aso. Alam niya, lahat ng kanyang kasambahay ay namamahinga na. Hindi niya alam kung may iba pang gising sa kanyang tahanan.

"Si-sino kayo?" tanong niya sa ilang kalalakihang papanhik ang kanyang tahanan.

"Ah, Don David Buenafe.... Kumusta po?" nakangisi pang bati ng isa sa mga lalaki.

"Sino kayo? Ano ang ginagawa ninyo sa pamamahay ko? Magsilayas kayong lahat! Lumalabas kayo, kundi tatawag ako ng pulis!" Akmang tatakbo siya papuntang kuwarto.

Naisip niyang kunin ang kanyang baril upang maipagtanggol ang sarili. Ngunit huli na ang lahat. Naramdaman niya ang matinding hampas ng baril sa kanyang ulo. Noon ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Hirap niyang idilat ang mga mata. Napahamak pa siya sa kanayang ulo na nananakit pa nang mga sandaling iyon. Hindi na niya malaman kung may ilang minuto o oras siyang nawalan ng malay. Sa bahagyang pagkakadilat ng kanyang mga mata ay naaaninag niya ang mga lalaking waring hinahakot ang lahat ng kanyang mga kagamitan. Abala ang lahat, maliban sa isang lalaki. Malamang siya ang pinuono ng grupo. Nakatanaw ito sa estatwa na kanyang paboritong obra. Hinahaplos-haplos pa nito ang buhok nito. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata ng lalaki.

"Pati ito, balutin na at isama ito sa mga bitbitin natin," may awtoridad na utos nito sa isang kasamahan.

Napailang na lamang si David. Unti-unti niyang pinipilit tumayo. Hindi siya makapapayag na sa ganitong paraan siya matatalo ng grupo ng mga masasamang loob na pumasok sa kanyang tahanan. Kailangan niyang ipagtanggol ang sarili, sampu ang kanyang mga kasama at ng lahat ng kanyang pinaghirapan. Gumapang siya unti-unti papasok ng kanyang silid. Nalagpasan niya ang lahat ng animo'y balakid sa kanyang daanan. Sa sobrang pagka-abala ng lahat sa kanya-kanya nilang gawain ay walang nakapansin sa kanya. Sa isip niya ay hindi mapapayagan na makuha nila ang lahat, lalo na ang kanyang estatwa.

"Tigil!" sabay paputok niya ng kanyang baril, hudyat ng isang babala.

Napahinto naman lahat. Ang iba ay parang nagulat sa nakitang sandatang hawak niya. Walang kumikilos, lahat ay nagpapakiramdam. Isa-isa niyang tinutukan ng baril ang bawat isa sa mga lalaking pumasok sa kanyang tahanan.

Umalis na kayo sa aking tahanan. Kunin na ninyong lahat ang pera ko at mga alahas ngunit hindi ninyo maaring dalhin ang estatwang iyan!" Ngayon ay iniumang niya ang baril sa lalaking kanina pa nakatayo malapit sa estatwa.

"Eh kung hindi kami pumayag?" sabay hawak sa beywang ng animo'y isang babaeng pinag-aagawan.

"Puwes, wala akong magagawa kundi lumaban sa inyo!" May takot man ay sinubukan niyang barilin ang isang kasamahan ng grupo.

"Ooops! Mintis!" Napahalakhak na ang lalaking nakatayo malapit sa estatwa.

Bago pa man nakapagsalita ulit si David ay mabilis na bumunot ng baril ang lalaking iyon at iniumang sa kanya. Sa dibdib tinamaan si David. Napahawak siya rito at ramdam ng agos ng mainit na likidong nanggagaling dito. Unti-unti nalang siyang napaluhod, ramdam ang sakit na nagmumula rito.

Lalapit pa sana ang lalaking bumaril sa kanya nang marinig ng grupo ang wangwang ng mga pulis. Nakatawag pala si David sa pulis nang kunin niya ang baril sa kanyang kuwarto.

"Bitbitin lahat nga kaya nating dalhin. Dalian ninyo!"Nagmamadaling hinablot ng lalaking iyon ang isang bag na puno ng maraming alahas at pera .

Bago pa man tuluyang makalabas ng bahay ang grupo ay muling sumulyap ang lalaking bumaril kay David. Nakita niyang pilit itong gumagapang palapit sa estatwang kani-kanina lang ay kanilang pinagtatalunan. Waring hindi pa siya nakuntento sa ginawa dito, muli niya itong binalikan at inumangan ng baril sa sentido. Sinulyapan pa niya ang estatwang nasa kanyang harapan sabay kalabit ng gantilyo ng baril na hawak niya. Tumilamsik ang dugo ni David sa estatwa. Pinagtawanan pa niya ang lalaking nakahandusay at saka tuluyang umalis.

Wala nang buhay si David. Namatay siya sa harapan ng kanyang obra. Namatay siya sa harapan ng estatwang kanyang nakasama sa mahabang panahon. Ngunit hindi lang siya namatay sa mga oras na iyon. Kinalong siya ng isang babae. patuloy ang pagtulo ng luha nito sa walang buhay na eskultor. Labis-labis itong nasaktan sa mga nangyari at nakakaramdam ng poot sa mga taong gumawa nito.

"Igaganti kita, David. Uubusin ko ang lahat ng gumawa sa atin nito. Igaganti kita." Noon at nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata habang patuloy ang pag-agos ng kanyang luha . Nag pupuyus ang kanyang dibdib sa pagnanais na patayin ang lahat ng gumawa nito sa kay David, sa lalaking kay tagal niyang nakasama,sa lalaking kanyang minahal... sa lalaking lumikha sa kanya.

❤ ( we will CONTINUE tomorrow)❤

avataravatar