1 Prologue

Dear Diary,

Things change and people grow. Yes, people change, but some feelings remain the same. Friends they come and go, lovers don't last long and the GAGO returns. It's been a year since I last opened this journal. Hindi ko akalain na muli akong magsusulat sa diary. I'm not writing because I'm having difficulty in remembering names. That is not the issue anymore. I just like to document my relationships with the girls I've dated and find out what went wrong? Bakit hindi nagtatagal ang aming samahan. Is it me? dahil ba gago ako? or sila rin ang problema at may kakulangan?

Sabi nga ng kaibigan kong bitter na "nothing last forever". Pero naniniwala pa rin ako na "everybody deserves a happy ending", kahit pa sa pinakamasamang tao sa mundo o sa gagong tulad ko ay may karapatan magkaroon ng happy ending. Iyong tipong pagod ka sa trabaho pagkatapos ay pupunta ka sa massage parlor at magpapamasahe ka, kasunod ay happy ending service! Solve! Only innocent minds can relate!

In reality wala naman talagang forever at happily ever after. Remind ko lang Diary ng GAGO ito at hindi fairy tale!

Love at first sight... nagpapaniwala kayo diyan? Lust at first sight pa siguro, sino ba ang mai-inlove sa taong unang beses mo lang nakita at hindi pa nakikilala nang lubusan? Nakita mo lang na maganda/gwapo ang display picture sa social media ay mahal mo na agad. Pambihira! Hirap kasi sa panahon ngayon kapag pangit sa filter kumakapit. Sa unang tingin ay tunay ka namang maaakit. Kung sa itsura pa lang ay niloloko ka na, paano pa kaya sa ibang bagay? Make sense hindi ba?

Sabi nga kaibigan kong sapiosexual, hindi mata ang tumitibok kung hindi ang puso. Sa ugali at talino daw ng tao naa-attract pero ayaw naman pumatol sa pangit. GAGOhan lang? Ang tanong, gaano kahalaga ang panglabas na itsura? OA rin naman ma-inlove sa taong naka-chat, penpal or phonepal mo lang, na kahit hindi mo pa nakikita ang anino niya ay mahal mo na agad. Dahil lang sa nagpakita siya sa'yo ng konting concern.

Aaminin ko mahilig akong tumingin sa babaeng maganda, maputi at sexy iyong tipong malaki ang boobs, balakang, pwet at hita. Pero hanggang doon lang iyon. Alam ko naman na imposibleng magkagusto sa akin ang ganoong klase ng babae. Suntok sa buwan ang mangarap sa bagay na malabong manyari.

Wala naman masamang mangarap pero doon lang tayo sa makatotohanan at hindi kathang isip lamang. Baka nagkakalimutan tayo, Diary ng GAGO ito hindi kwentong barbero at usapang marino.

Hirap kasi makahanap at makatagpo ng taong babagay sa'yo, lalo na iyong magkakasundo kayo sa ugali ng isat' isa. Marami kasi diyan sa mga babae iyong pa-demure at pa-virgin sa una pero ang wild pala sa kama. Meron din naman na sobrang bait, concern at sweet. Halos araw-araw kung tumawag at mag-text, pero 'pag naging kayo na madalang pa sa buwanang dalaw kung magparamdam. Kadalasan sa babae iyong bait-baitan sa simula, amazona naman pala pagtagal. Bipolar lang?

"What you see is what you get" iyan si GAGO! Hindi ko kailangan magpanggap na mabait, romantiko, simpatiko at maginoo para lang magustuhan ng babae. Mas mabuti na sa simula pa lang ang ay nagkakaintindihan na tayo at klaro na sa inyo ang ugali ko. Hindi iyong kung kailangan matagal na tayo nagsasama saka pa lang ilalabas ang tunay na anyo. Mas gugustuhin kong nakalabas ang sungay at buntot ko at nakakatago ang halo nang sa ganon ay hindi kayo masyado mag expect sa GAGOng ito. Take it or leave it!

Uulitin ko lang, hindi ito Bible kung hindi diary ng GAGO. Hindi rin ako santo kung hindi isang GAGO!

Kung hindi man tayo magkasundo sa ugali, baka naman magkasundo tayo sa kama. Madali naman ako kausap. Sa katunayan nga hindi naman nating kailangan mag uusap kung tayo ay nakahiga na sa kama. Pero tulad ng bahay, paaralan, simbahan, opisina at pamahalaan. It's rule bound. It's more systematic and organized if we follow a certain rule and we agreed upon something.

Simple lang naman patakaran ko, sundin mo lang at siguradong magkakasundo tayo.

GAGO's golden rules in bed:

1. GAGO is the name. Thou shall not mention any other name when we are on my bed.

2. Mamili ka, maghuhubad ka nang kusa mo o ako ang wawasak sa damit mo?

3. Ligo is the key and make sure to wash your pooh-key.

4. Don't just have sex, let's make love instead.

5. Huwag maarte sa foreplay. Hindi hamak na mas maganda na i-explore niyo muna ang isat-isa.

6. Kapag hinawakan mo kainin mo.

7. Thou shall not talk when your mouth is full. Mesheket kese!

8. Kung gusto mong gamitan kita malupit na dilang drill bit. Siguraduhin mong ikaw ay nag-ahit.

9. Learn how to appreciate pag nasasarapan. Moan din paminsan-minsan hindi 'to silent movie.

10. Huwag kang tuod at basta na lang bumukaka. Hindi naman masama kung paminsan-minsan ikaw naman ang kumilos, magtrabaho at gumawa.

11. Bawal ang selfie, video at FB live habang nagtatalik. Hindi kailangan magpagilas at magpasikat. Hindi ito showtime!

12. You can mark your territory, but be discreet, para 'di tayo parehong mag mukhang prosti.

13. Don't just take the risk kung hindi mo naman kayang panagutan sa huli. Stay safe and used protection.

14. Sex can stay dirty, but the values have to be clean. Clean up after sex.

15. Never kiss and tell. Alam ko minsan hindi maiwasan ang magyabang. Pero hindi lahat ng bagay ay kailangan i-broadcast at ipagkalat. Respect each other's privacy.

Simple lang naman ang hiling ko, hindi ko kailangan ng taong perpekto. Ang gusto ko lang naman iyong makakasundo ko at tatanggapin ako ng buong-buo. Ang taong mamahalin ako at hindi ipagpapalit kung kani-kaninong na sing-gwapo,macho, sing laki at haba ng PS Men. Sana sa pagkakataong ito ay makita ko na ang babaeng hinahanap ko at matimpla ang tamang formula sa isang maayos na relasyon.

Mahirap magpanggap na masaya lalo na kung deep inside ikaw ay nangungulila. Sana ay samahan niyo ako sa biyahe ng aking buhay at nawa'y kapulutan ng aral ang mga susunod kong liham.

Your Neighborhood GAGO,

Yuji

avataravatar
Next chapter