5 Journal Entry 4: The Birth of GAGO part 2

Dear Diary,

For the past few weeks, we spend most of our after school making out instead of studying. We were still studying but with a different lesson. She teaches me almost everything I need to know about sex. From kissing, to foreplay and different sex position. Her intelligence was not limited to academics but extended to fornication.

Lagi kami magkasama, tuwing umaga sinusundo ko s'ya sa bahay nila at sabay kami pumapasok sa school. Hinahatid ko din s'ya pauwi sa kanila pagkatapos ng lessons ko sa kaniya. Kinaibigan ko rin lahat ng friends n'ya. Lagi ko sila nililibre kasi lagi sila sumasama sa lakad namin. Ewan ko ba lagi sila nakabuntot pag lumalabas kami ni Señorita wala tuloy kami privacy.

GAGO's Lesson 101 no. 14: Be friends with her friends - Gustuhin mo man o hindi kailangan mo maging close sa mga friends ng taong napupusuan mo. Malaki ang impluwensya nila sa girlfriend mo at ang payo nila ang kadalasang pinakikinggan nito. They can be your good friends or your worst enemy.

I was the perfect boyfriend. At least I'd like to think so. I shower her and her friends with gifts. I gave her everything she asks. I did everything she told me to do. Halos hindi ko na nakikita ang mga tropa ko dahil lagi na lang siya at ang mga kaibigan nya ang kasama ko. I isolated myself from the world and made her my world. I became her slave.

I don't really care what other people think say. All I know is that I am happy when I'm with her maubos man lahat ng allowance ko dahil sa pagiging high maintenance n'ya ayos lang. Masaya ako kapag nakikita kong masaya s'ya. Everything is perfect. Until one day, I was on my way to pick her up from school when I saw her with another man.

I recognized him. Siya ang ace player ng basketball team sa ibang school. He was the same age as her. Mukhang may kaya ang pamilya nya dahil sa gara ng sasakyan n'ya. Naka Dodge Challenger ang kumag! Gusto ko man lumapit para alamin kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila. Bigla akong natigilan na parang nakapako ang mga paa ko sa lupa nang makita kong naghalikan sila sa harap mismo ng mga kaibigan ni Señorita sa tapat pa ng gate ng school nila.

Halos madurog ang puso ko sa sakit! Laki ng investment ko sa kanya! Deym, ako ang nagtanim! Ako ang nagdilig! Ako ang nag-alaga! Pero iba ang umani at kumain! Bakit nya nagawa sa akin ito????

Ano ba nagustuhan ni Señorita sa kaniya? Dahil ba mas matangkad, gwapo, mayaman, matipuno at macho s'ya kaysa sa akin? Sus, para 'yun lang at dahil ano.... kinulang ako sa height, sa muscle, sa yaman at sa gandang lalaki? Teka kaunti lang ang lamang n'ya sa akin ilang paligo lang! Correction, ilang tabo lang!

Hindi ko na nagawang lumapit sa kanila. Pinanghinaan ako ng loob sa nasaksihan ko. Wala akong nagawa kundi pagmasdan sila habang sumasakay sa sasakyan ng damuhong iyon. Mabilis n'yang pinaharurot ang kanyang sasakyan at naiwan akong sinasamsam ang usok galing sa tambutso ng bwakananginang lalaking iyon. Sa inis ko nakapagsalita ako ng mura na sadyang nilikha para sa kaniya!

GAGO's Lesson 101 no. 15: Do not give everything to her save some for yourself - Dahil sa kaniya

Maraming nasayang na panahon at higit sa lahat sayang lahat ng feelings na ininvest ko. Nang dahil sa kaniya wala na akong pang DOTA! Hindi na rin ako makapag-gimik kasama ng mga tropa ko dahil nilimas n'ya at ng mga linta n'yang mga kaibigan ang allowance ko. Highschool pa lang ako noon and DOTA is Life!

The next day pumunta ako sa coffee shop kung saan sila tumatambay na mga linta n'yang kaibigan. Gusto ko s'yang kausapin at itanong kung sino 'yung lalaking kasama n'ya kahapon.

"Pwede ba tayo mag usap?" seryoso kong tanong.

"Hi Yujin! Sure, regarding what?" nakangiti n'yang sinabi.

"Sino iyong lalaking kahalikan mo kahapon?"

"Boyfriend ko!" pagmamalaki n'ya.

"Boyfriend mo?! Paano na ako? Akala ko ba ako ang boyfriend mo?!" tiim bagang kong sinabi.

Biglang nagtawanan ng malakas ang mga kaibigan ni Señorita.

"Masyado ka namang assuming Yujin," naka-isming sagot ng isa sa mga kaibigan ni Señorita na si Lily 'di nya tunay na pangalan. Ako lang nagbansag no'n, Lily talaga kasi siya as in LILI-ma lang ang ipin.

"Bakit sino bang nagsabing boyfriend kita? Hindi dahil may nangyari sa atin eh tayo na," mataray na sabi ni Señorita.

"Hindi mo ba ako minahal?" nangingilid ang luha kong sinabi.

"Mahal? Tsss anong pinagsasabi ng batang to. What happened between us is just pure lust."

Lalo pang nagtawanan ang mga kaibigan nya na kumuha ng atensyon ng ibang tao na nasa loob ng cafe. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Binigay ko sa iyo lahat ng gusto mo, ginawa ko lahat ng inutos mo, pinakisamahan ko mga kaibigan mo. Bakit mo nagawa sa akin ito?" pigil ang luha kong sinabi.

"Come on Yujin! Ginusto mo rin naman ang lahat, hindi ko kasalanan kung sadyang tanga ka lang," tagos hanggang buto ang bawat katagang binitiwan n'ya.

"Bale wala lang ba sa iyo lahat ng nangyari? Wala bang akong halaga sa iyo?"

"Ang dami mo namang sinasabi what's really your problem? 'Di ka naman lugi dapat pa nga magpasalamat ka sa akin. The favor is all on you! I've taught you everything you need to know about sex! Do you think I want to be in a relationship with someone like you? Tignan mo nga sarili mo compared sa boyfriend ko!" natatawa n'yang sinabi.

Nagdilim ang paningin ko ng mga sandaling iyon. Halos mawala ako sa sarili ko ng madinig ang pang iinsulto sa akin sa harap ng maraming tao. Nakayukom ang mga kamao ko sa galit. Pinikit ko ang aking mga mata ng mga sandaling iyon ang pinilit na kumalma. Dinig na dinig ko ang tawanan ng mga tao sa aking paligid pero binalewala ko lang mga iyon.

GAGO's Lesson 101 no. 16: Never Hit a Woman - Kahit anong tindi ng kasalanan nya, kahit galit na galit ka na at kahit sobrang nasasaktan ka na or binubugbog ka na. Huwag na huwag kang papatol sa babae. Not without her consent.

I opened my eyes and looked at them with disgust one last time. Lumakad na ako ng deredertcho na hindi man lang lumilingon.

GAGO's Lesson 101 no. 17 Learn to Accept and Move on – Narealized ko na hindi s'ya worth it sa mga luha ko and that I'm a better person than her, besides she doesn't deserve me. Kaya nagdecide akong ituloy lang ang buhay kahit na wala siya.

I did everything I could. I followed every stupid rules na nababasa ko sa libro on how to be a good boyfriend but it's not enough. Anong napala ko sa pagiging mabuting boyfriend? WALA! Napagtawanan pa ako at natawag na tanga. Kaya sinabi ko sa sarili ko last na 'to. Hinding hindi na ako magpapaloko. This time I'll play with my own rules. I will trust nobody.

GAGO's Lesson 101 no. 18: Don't Get MAD Get EVEN - You can't beat them. Might as well join them.

Next time somebody fucked with me I will fucked them back! Deeper and harder! Until they scream my name! I will show NO MERCY! Kung sino man si MERCY hindi kami close. Tutal Gagaguhin lang din naman ako eh di mag GAGUHAN na lang TAYO!

Good bye Good Boy Yujin and Welcome GAGONG Yujin version 2.0!

Your Neighborhood GAGO,

Yujin

avataravatar