1 Simula

"MAHAL naman e, wala ka naba talagang oras para saakin nang dahil lang diyan sa pagsusulat ng kwento mo.." halos maiyak na sigaw ko sa mukha ng boyfriend ko, palagi nalang kasi siyang nagsusulat ng kwento.. kada tawag, text ko hindi man lang niya ako masagot.

"Alam mo naman siguro na mahilig talaga ako magsulat e... wag mong sabihin iwanan ko nalang ang pagsusulat ng kwento ko.." paglalambing na sabi niya at niyakap ako, pero agad akong kumalas sa yakap niya.

"Anong pipiliin mo? Ako o ang pagsusulat mo?" sigaw ko ulit sakanya at natigilan siya

Matagal siyang nakasagot, alam kong nag-iisip pa siya pero ang tanong ko lang ako o ang pag-susulat niya.

"Ang pagsusulat ko"

Halos huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Ang sakit.. ang sakit sakit isipin na ang pagsusulat niya ang pinili niya.

'Ang pagsusulat ko'

'Ang pagsusulat ko'to

'Ang pagsusulat ko'

Umiyak ako sa harap niya pero alam kong hindi ito madada-an ng ganito.

'Bakit ko pa tinanong masasaktan lang pala ako'

Maglalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Pero mahal kita Jay Ann" sabi niya kaya naman napangiti ako sa sinabi niya at pinunasan ang mga luha ko"Pinipili ko ang pag-susulat ko at ikaw ang inspirasyon ko.. at ikaw rin ang mahal ko.. pasensya na rin kong hindi ko masagot ang text at tawag mo pero wag kang mag-alala babawi ako sayo ngayon Mahal ko... pagpasensyahan mo ko" sabi niya at...

HINALIKAN AKO SA LABI!

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya saakin

"Ahmmm! Sa Hear--ty Hea--rt" nauutal kong sagot at tsaka niya ako binuksan ng pinto sa sasakyan niya at pumasok naman ako.

Ilang sandali pa ay pina-andar niya ang manobela sa sasakyan.

Ako nga pala si Jay Ann Angon isang babaeng may pagka baliw sa aking boyfriend. Jack Guipos ang boyfriend kong manunulat. Isa siya sa pinaka- sikat na manunulat sa buong pilipinas, may dalawang kwento rin siya na naging libro, maraming rin siyang mambabasa at mamboboto sa Wattpad.

"Mahal, nandito na tayo" sabi niya at tsaka binuksan niya ang pinto ng sasakyan.

"Tara" dagdag niya pa at tsaka hinawakan ang kamay ko.

avataravatar
Next chapter