7 Text 7

1 Message Received From Fellalalalala

Fella:

Hoy dzai!

Shantine:

Ano na naman?!

Badtrip ako!

Wag ngayon!

Fella:

Aba gagang to!

Inaano kita dyan?

Shantine:

Bakit ba?

Fella:

Kumusta nga date niyo?

Di mo tinapos magkuwento!

Shantine:

Hindi nga sabi date yon!

At wala rin naman akong makabuluhan na ikukwento!

Fella:

E anong tawag mo ron?

Food trip? Picnic?

Magkuwento ka na! Spill it!

Shantine:

Tinatamad akong magtype

Fella:

Tamad naman neto!

Shantine:

Bukas na kasi

Fella:

Ngayon na

Lilibre kita bukas! Dali!

Shantine:

Saan na ba tayo kanina?

Fella:

Basta talaga libre nanginginig ka pa! Hahahahaha

Doon sa pinaghintay mo siya ng one and a half hour! My freaking gosh!

Shantine:

Pagdating ko mukhang badtrip na ang gagong yon

Buti nga lol

At ang daming inorder na pagkain as in puno yung table kung saan siya nakaupo

Halos binili ba naman lahat ng pagkain sa Caf

Akala mo magpapabinyag ang hayup

Fella:

OMG! Hahahahahahahahaha

Anong ginawa mo?

Shantine:

Sinabi kong ayoko nong mga pagkain na binili niya

Alam mo namang bopis is life ako

Kaya ayun, pinamigay ko ron sa mga nakapila sa Caf

Fella:

Oh my freaking gosh Tine! Ginawa mo yon? At pumayag siya?

Youre so mean!

Shantine:

Oo naman lol

Fella:

Baliw ka talaga!

Shantine:

I know right! Hahahahahaha

Fella:

Ginto ang mga pagkain sa Caf at bumili siya ng marami para makapili ka tapos pinamigay mo lang? Oh no! Hahahahaha

Shantine:

Ayoko non e

Kesa masayang diba?

Fella:

Buti hindi nagalit? Grabe ka!

Di ko kinaya hahahahahahaha

Shantine:

Ayun na nga ang nakakabuwisit e!

Pumayag talagang ipamigay!

Siya pa mismo ang nagpamigay doon sa mga nakapila at nakikipagshake hands pa!

Akala mo tumatakbong konsehal ang gago!

Fella:

Oh my gosh! Hahahahahahahahaha

I told you hindi nagpapatalo yan si Eneru hahahahaha

Shantine:

Puwes hindi rin ako nagpapatalo!

Fella:

Anong sunod na nangyari?

Shantine:

Since ayaw niyang bumili ako ng sarili kong pagkain dahil nakakainsulto raw

Naging nice naman ako at nagpabili ng bopis with rice para sa ikatatahimik ng buhay niya

Fella:

Then?

Shantine:

Tahimik akong kumain

Ako lang!

Dahil ang daldal niya! Feeling close! Kung makapagkuwento akala mo magkaibigan kami at wala siyang atraso sakin! At wala rin siyang ginawa kundi titigan ako habang nakangisi!

Punyetang yon! Ang sarap burahin ng ngisi sa mukha!

Fella:

Hahahahahahahahaha

Bakit ba kasi may practice ng sayaw kanina si Aivo di ko tuloy nakita kung paano ka niya titigan!

Nagmelt ka ba ng very light dzai? Hihihihihi

Shantine:

Gaga! E kung ikaw kaya tunawin ko ngayon!

Fella:

Hahahahaha tapos?

Shantine:

Hinayaan ko na lang siya magkuwento nang magkuwento nang kung ano ano

He's so fucking talkative!

Fella:

Madaldal talaga yon pareho sila ni Aivo magbestfriend nga hahahahaha

Shantine:

Pero bigla rin naman siyang napatigil sa pagdadaldal

Fella:

Bakit?

Shantine:

Sabi ko kasi ibili pa niya ko ng 1 order ng bopis at 2 extra rice

Fella:

Oh my God! Hahahahahahahaha

Nilibre ka na, nag-extra rice ka pa?

Hahahahahahahaha

Imba ka talaga dzai! Respect! Salute! Hahahahaha

Shantine:

Nasabi ko ba sayong hindi ako nagbreakfast kanina? Malamang gutom ako!

Fella:

Anong reaction niya? Siguro nagulat yon sa kapal ng mukha mo! Hahahahahahaha

Shantine:

Hayup ka! Kaibigan ba talaga kita?

Fella:

Gosh! Hindi ko ma-imagine ang reaksyon niya! Hahahahahahaha

Shantine:

Gutom ako e anong magagawa mo?

Atsaka sumunod naman siya nang walang kaangal-angal!

Isa pa libre raw niya e di sinulit ko na minsan lang dumarating ang grasya

Fella:

Geez! Imba ka talaga Tine! Hahahahahahahahaha

Hands down na ko sayo! Hahahahaha

Madadala na yon di ka na ulit non yayayain mag-date!

Shantine:

Di nga kasi date yon!

At okay na okay dahil ayoko na rin makita ang pagmumukha niya!

He's so annoying!

Fella:

He's so annoying ka dyan baka sa susunod ang sasabihin mo na he's so handsome!

Shantine:

Tantanan mo ko Fella!

At wag mo kong daanin sa kuwento ililibre mo ko bukas!

Fella:

Oo na! Mukhang libre talaga to!

Shantine:

Ikaw naman mukhang kopya!

Fella:

Kailangan may pag-atake talaga?!

avataravatar
Next chapter