3 Text 3

1 Message Received From Fellalalalala

Fella:

Tineeeeeeeeeeeee!

Shantine:

O?

Fella:

Okay ka lang ba?!

Anong ginawa nila sayo?!

Oh my freaking gosh! Sana talaga hindi muna ako umuwi! Huhuhu

Shantine:

Okay lang ako

Fella:

Ayan ka na naman e! Magsabi ka ng totoo! Anong ginawa nila sayo?!

Sinaktan ka ba nila?

Ilan sila?

Lumaban ka naman ba? Gosh!

Humanda sila sakin!!!

Shantine:

Calm your tits Fella

I'm okay lol

Fella:

Magdadala na ba ko bukas ng armalite? O kanyon? O heavy machine gun? Ubusin natin ang mga malalanding higad na yon!

Shantine:

I am really okay Lala!

Ang OA mo ha hahahahaha

Fella:

Talaga?

Shantine:

Makulit lahi mo?

Fella:

Sinisigurado ko lang!

Bakit ba kasi ngayon sumumpong ang tiyan ko e! Wrong timing! Huhuhuhu

Shantine:

Okay lang yan kaysa magkalat ka ng tae sa room

Fella:

OMG! Bunganga mo talaga!

Hindi naman ako nag-LLBM! Masakit lang talaga ang tiyan ko!

Shantine:

Whatever

Fella:

Anong ginawa sayo mga higad na yon? I swear, isa-isa ko silang pipisain bukas!

Shantine:

Wala naman talagang ginawa sakin

Kinausap lang ako

Fella:

Anong sabi sayo?

Shantine:

Na wag ko na raw uulitin yung ginawa ko ron sa gagong sinasamba nila dahil sila raw ang makakalaban ko

As if I care

At kahit magtulong tulong pa sila hindi ako natatakot

Fella:

See? I told you! Gaganti talaga sayo yon!

Ikaw ba naman ang sapakin sa harap ng maraming tao!

Shantine:

Baka sa harap ng mga miyembro ng kulto na sumasamba sa gagong yon hahahahaha

Fella:

Nakukuha mo pang magbiro! Di talaga uso sayo ang kaba no? Binalaan ka na kaya!

Shantine:

Tss! Puro satsat hindi na lang gawin

Nagtataka na nga ako

Fella:

Saan?

Shantine:

Halos isang linggo na ang nakalipas, bakit hindi pa rin gumaganti ang gagong yon

Puro lang pananakot at pagbabanta lang kulang naman sa gawa

So boring

Fella:

Oh my freaking gosh! Huwag mong sabihin na hinihintay mo talaga na gantihan ka niya!

Shantine:

Naiinip na nga ako

Fella:

Sa lahat ng gagantihan ikaw lang yung parang excited pa!

Baliw ka!

Shantine:

I know right hahahahaha

Gaganti pa kaya yon? Feeling ko natakot na

Fella:

Maghanda ka na lang

Malay mo chill chill lang yon sa ngayon pero may malaking pasabog pala!

Gosh! Ako talaga ang kinakabahan para sayo dzai!

Shantine:

You're right La

Fella:

Paghahandaan mo ang pagganti niya?

Shantine:

Nope

Uunahan ko na siya

Fella:

Ano?!

Huwag mong sabihin na sasapakin mo na naman siya!

Youre out of your mind!

Shantine:

May ituturo lang naman ako sa kanya na hinding-hindi niya makakalimutan

Wish me luck Fella!

Fella:

Oh Good Lord! Baliw ka nga talaga!

avataravatar
Next chapter