17 Text 17

3 Messages Received From Fellalalalala

Fella:

See? I told youuuuuuuuuuuuuu!

Grabe pala yung mga ginawa ni Aina

Nagagawa talaga ng pag-ibig o!

Shantine:

Hindi pa natin alam kung totoo

Fella:

Alam natin pareho na ganyan kabaliw magmahal si Aina

Galing naman ni Eneru kung mag-iimbento siya at ikaw na nga ang nagsabi na sincere siya

Tama lang din na binigyan mo siya ng chance para ipaliwanag ang side niya

Shantine:

Matatahimik na siguro ang kaluluwa ng gagong yon

Fella:

Hahahahahahaha so alam mo na ang buong istorya

Shantine:

Hindi pa

Hanggat hindi pa nagbibigay ng paliwanag si Aina

Hanggang kailan ba niya tayo pagtataguan?

Fella:

Ewan ko sa babaeng yon

Lahat ng acct naka-deactivate

Pero isipin mo ha, kahit hindi sinasadyang saktan ni Eneru si Aina, mali rin si Aina dahil inari niya agad si Eneru kahit malinaw sa kanya na friends lang ang label nila

Shantine:

Dont judge her La

Una hindi pa natin alam ang paliwanag niya, pangalawa nagmahal lang siya

Fella:

Nagmahal nasaktan nangibang bansa real quick hahahahahahaha

Shantine:

Leche ka talaga

Fella:

Grabe talaga magmahal si Aina no? Kung may 100% lampas na lampas pa yung sa kanya itataya ang lahat pati pamato at pananggulo

Ginagawa niyang aso ang sarili niya kung sino sino ang hinahabol pero ayaw naman doon sa mga humahabol at nagkakandarapa sa kanya

Dapat inuuna rin niya ang sarili niya self love first hinay hinay lang wag sobrang todo bigay para kung hindi masuklian yung buo na ibinigay niya, dapat sa susunod barya na lang ang ibayad niya

Hindi ba niya nababasa yung mga signage sa jeep na barya lang po sa umaga mahirap suklian kung wala kang panukli

#LoveAdvice101withFellaSuperGanda

Shantine:

Wft! Hahahahahaha

Pag ikaw talaga ang nagbibigay ng advice hindi dapat siniseryoso

Fella:

Pwe! Di ka kasi marunong mag-advice!

Shantine:

Naisip ko lang kung hindi siguro sila nagmigrate...

Fella:

Baka pinagsisiksikan pa rin niya ang sarili niya kay Eneru

Lakas maka-Sardines ni Aina

Shantine:

Sana lang okay na siya ron

Fella:

Sana nga

Pero maiba ako ngayon na nagpaliwanag na si Eneru...

Pinagsisisihan mo na ba sinapak mo siya kahit parang wala naman siyang kasalanan?

Shantine:

Hell no!

Sabihin na natin bagay lang sa kanya yon dahil gago siya

At sinabi rin naman niya na deserve niya talaga yon

Fella:

Tama lang din pala ang ginawa niya sayo hahahahaha

Shantine:

What?

Fella:

Sabihin na natin na tama lang na hinalikan ka niya dahil masyado kang brutal hahahahahaha

Shantine:

Hayup! Wag kang tatabi sakin bukas!

Fella:

Edi wag! Pero may tanong pa ko

Shantine:

Ano?!

Fella:

Nadali ka na rin ng hypnotizing eyes ni Eneru no?

Shantine:

What the fuck?!

Fella:

Uy aminin hahahahahaha

Shantine:

Wag ka talaga saking tatabi!

May recit pa naman kay Sir Castigador!

Una ka sanang mabunot sa roll call!

Fella:

Sama nito!

Hindi ka pa rin sana tigilan ni Eneru!

Hmp! Beat that!

Shantine:

Isend ko kaya kay Aivo yung picture mo na para kang dinissect na palaka habang natutulog at tumutulo pa ang laway mo?

Fella:

Tine wala naman ganyanan!

Bestfriend tayo diba?

Tabi na tayo bukas! I love you dzai!

Magrereview na ko hihihihihi

avataravatar
Next chapter