16 Text 16

To: Fellalalalala

Shantine:

La tapos na kaming mag-usap

Shit ang weird ngayon pa lang kasi inaabsorb ng utak ko lahat ng sinabi niya

Di ko ineexpect na seryoso pala ang gagong yon na magpapaliwanag siya mula sa simula kung paano sila nagkilala na hindi satin nakuwento ni Aina

Nagkakilala raw sila nang hindi sinasadyang matamaan ng bola sa ulo si Aina habang nagbabasketball sila at dinala niya sa infirmary

Ayun inalam daw ni Aina ang course niya at section akala nga raw niya irereport sila sa guidance dahil nagawa nila pero nagulat siya nang niyaya siyang maglunch ni Aina at binili siya nito ng pagkain kahit hindi naman siya nagpapabili

Sa lalake ang galante pero satin ang kunat kunat kahit maxx hindi man lang tayo malibre nakakahurt to ha :(

Tapos ayun na nga palagi na raw siya nitong niyayaya maglunch at sumasabay sa kanila ng mga kaibigan niya

Kaya pala bigla nalang nawawala kapag kasama natin :(

Mabait naman daw si Aina malambing caring magaan kasama makuwento parang hindi nauubusan ng energy na totoo naman dahil ang hyper niya talaga kaya hinahayaan na lang daw nila kahit hindi sila makapag-boys talk dahil nandoon siya

Naging magkaibigan sila pero hindi raw ganon kaclose at palagi rin daw nasa homeroom nila si Aina at tumatabi sa kanya kahit minsan pinapabalik na niya sa room dahil may klase rin daw ito

Nararamdaman na raw niya na iba na ang kinikilos ni Aina dahil akala niya sweet ito sa lahat pero sa kanya lang pala at halos ayaw nang humiwalay sa tabi niya kulang na nga lang raw pati sa cr samahan siya

Then one day nakita ni Aina na may kausap siyang ibang babae at nagalit ito sa kanya at ganun din sa babae tinanong daw niya kung bakit nagagalit ito e wala naman siyang ginagawang masama at kaibigan din niya yung babae at doon na raw umamin sa kanya si Aina na may gusto ito sa kanya pero hindi raw siya nakasagot non dahil pinigilan siya ni Aina at sinabi na wag muna siyang i-reject at bigyan muna ng chance

Tapos ayun lagi na raw siyang binibigyan ng love letters at iba pang cheche bureche na hindi raw niya alam kung paano tatanggihan nang hindi na-ooffend si Aina dahil ayaw daw niya na binibigyan siya ng mga ganon arte ng hayup

Then patagal nang patagal sobrang clingy na raw ni Aina sa kanya na kahit saan siya magpunta nakasunod ito at gusto laging kasama

Ilang beses na nga raw itong nagtangka na pumunta sa kanila pero pinipigilan niya dahil alam daw niya ang balak nitong gawin

Minsan daw kasi sinundo si Aina ni Tita Mars at Tito Jo para sa family dinner at bigla raw siyang pinakilala ni Ai kila Tita na boyfriend niya hindi raw niya nasabi na hindi totoo yon dahil nakita niya ang saya sa mata ni Aina pero kinausap din daw niya ito at sinabi na mali yung ginawa ni Ai dahil hindi naman sila pero sinabi nito na doon din naman sila papunta

Ano pa ba yung sinabi ng gagong yon?

Teka nakalimutan ko na yung iba

Ayun sinabi niya na maraming magandang katangian si Aina pero di niya raw talaga ito magawang magustuhan at hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya rito pero nang sinabi niya yon kay Ai, hindi raw naniniwala sa kanya at sinabi pa nito na gagawin ang lahat para magustuhan niya rin ito

Nakakaloka talaga magmahal si Aina

Noong una raw hinayaan na lang niya ito sa mga gusto nitong gawin dahil wala talaga itong balak na tumigil pero hindi raw siya nagtetake advantage di por que gusto siya ni Aina at nirerespeto raw niya ito sus

Pero one time raw sumobra na ito kaya tinapat na niya na hindi niya ito gusto dahil ayaw niya sa sobrang bait na babae hindi raw siya bagay dito at sinabi rin niya na iba na lang ang gustuhin ni Ai at wag na siya dahil hanggang magkaibigan lang talaga sila pero ayaw daw ni Aina dahil siya raw ang mahal nito

Hinahayaan na lang daw niya dahil hindi niya alam kung paano pa ito tatanggihan in a nice way pero palagi pa rin daw niyang pinapaalala rito na wag nang umasa sa kanya para hindi masaktan dahil kahit anong bait ni Aina di raw talaga niya magustuhan sinubukan naman daw niya pero ayaw niyang pilit lang yung maramdaman niya dahil unfair ito kay Ai

Good to know na sinubukan din naman niyang magustuhan si Aina

Shit sakit sa kamay magtype ha!

Tapos ayun na nga nakita ni Aina na may biglang humalik sa kanya na babae sa bar dahil tipsy na daw sila non at sinugod daw nito yung babae at inaway nagpang-abot at nagsabunutan ang dalawa siyempre inawat niya kahit alam kong feel na feel niya ang eksena na yon dahil pinag aagawan siya ng dalawang babae

Umiyak na raw non si Aina at inakusahan siyang manloloko pero sinabi niyang wala siyang ginagawang masama at hindi siya manloloko dahil hindi naman raw sila

Ayun mas lalong umiyak si Aina dahil inassume raw pala nito na sila na at boyfriend na pala ang tingin nito sa kanya kahit hindi naman niya ito binigyan ng dahilan para umasa pa

Inexplain pa niyang mabuti yang sa paasa chuchu dahil sabi ko mafa-fall ba si Aina kung hindi siya pa-fall

Ayaw naman daw niya itong itrato sa maling paraan para lang tigilan na siya nito at lumayo na ito dahil masyadong mabait si Aina para saktan niya pero ang ending ayun, nasaktan pa rin naman niya

Hayup ka Fella! Basahin mo lahat yan!

Tinext ko na lang para fresh pa sa memory ko ang detailed story na ikinuwento ng gagong yon dahil alam kong makakalimutan ko yan pag sa personal ko pa kinuwento

Weird lang talaga dahil habang seryoso siyang nagkukuwento nakatingin lang ako sa kanya kahit may gusto akong sabihin ayaw makipag-cooperate ng bibig ko tangina para akong napipi habang nakatitig sa kanya

Basta theres something in his eyes na maniniwala ka talaga sa mga sasabihin niya nandoon yung sincerity and apology at mukha siyang puppy na nagpapaliwanag kung bakit nagkalat siya ng tae sa kwarto ng amo niya

Kapani-paniwala yung kuwento

Kahit ata sabihin niya na tutupiin niya ko sa walo maniniwala pa rin ako feeling ko tuloy ang traydor traydor ko

Nanghihipnotismo ata ang gagong yon dahil habang nagsasalita  siya alam mo yung may gusto talaga akong sabihin pero hindi ko masabi dahil sa tuwing nagcocompose ng sentence pang-rebutt ang utak ko, bigla nalang nawawala at ang tanging nagawa ko lang ay tumitig at makinig sa kuwento niya? Ganun! Ang galing magsalita!

Shit! Ang weird lang di ba?

Nakakagago yung pakiramdam na sa bawat buka ng bibig niya napapaniwala ako sa mga pinagsasabi niya para akong nabudol-budol

Sabi ko pa naman sa sarili ko kakaltukan ko talaga ang gagong yon once na mahalata kong scripted lang ang pinagsasabi niya para linisin ang pangalan niya

Nalilito na tuloy ako kung sino sa kanila ang paniniwalaan ko

Kaibigan natin si Ai... pero pano kung nagsasabi nga ng totoo si Eneru? Shit naman! Bahala na nga sila!

Hindi ko rin alam kung bakit pinoproblema ko ang problema nila

Tangina ang dami ko rin problema sa buhay dumagdag pa sila!

avataravatar
Next chapter