14 Text 14

1 Message Received From Fellalalalala

Fella:

Are you freaking serious Tine?

Shantine:

What?

Fella:

You keep on ignoring Eneru and ranting endlessly about him pero kapag pinapadalhan ka niya ng pagkain kinuha mo naman!

Ano ba? Ang gulo mo ha!

Shantine:

Gago kasi yon e! Araw araw ba naman akong padalhan ng pagkain!

Ano araw araw ko rin ipapamigay sa mga batang kalye?

Aba nagugutom din ako!

Fella:

Patay gutom is real hahahahahaha

Shantine:

Hayup ka! Nakikitikim ka rin naman!

Isa pa ilang araw din akong nagtiis na deadmahin yung mga pinapadala niya! Kahit nakakapaglaway talaga!

Full meal yon beh! Hindi ko na kinaya

Fella:

Pagkain lang bumigay ka na? Hahahahahahaha

Shantine:

Hindi lang pagkain yon!

Araw araw kaya bopis ang ulam na pinapadala niya!

Fella:

Mukha ka talagang bopis!

Sasaksakin ko na sa ngalangala ang nag imbento ng bopis na yan!

Shantine:

Oy hindi lang basta bopis yon ha!

Feeling ko iyon na yung pinakamasarap na bopis na natikman ko sa buong buhay ko mas masarap pa kaysa sa bopis doon sa Caf realtalk

How can I say no? Tao rin ako na nagugutom

Fella:

Gaga marupok ka lang talaga pagdating sa bopis na yon na ayaw magpakain

Leche! Napaka-anghang! Feeling ko sinisilaban ang bibig ko e!

Shantine:

Ang sarap kaya kapag sobrang anghang! Saan kaya niya inoorder yon? Bat ganon yon kasarap?

Kahit araw araw pa niya kong padalhan ng ganun, hinding hindi ata ako magsasawa

Fella:

Timawa ka lang talaga

Shantine:

Lasenggera ka naman!

Nag-ditch ka na naman kahapon para makipag-inuman

Fella:

Ekskyusmi nag-bar hopping lang kami nila Rara

Di naman ako nagwalwal magahasa pa ko

Marami pa naman ang nahuhumaling sa alindog ko

Shantine:

Sabi mo e

Fella:

Bat parang di ka naniniwala?!

Shantine:

Maglolokohan pa ba tayo rito Lala?

Kung flat ako mas flat ka

Fella:

Ano ka ba flat is the new sexy

Atsaka mas flat pa rin satin si Rara parang dinikitan lang ng pasas yung dibdib non e!

Shantine:

Tangina hahahahahahahah

Screenshot ko to nga to send ko kay Rara hahahahaha

Fella:

Gaga ka hahahaha

At kahit dream ko noon na may maka-one night stand sa ako bar, nagbago na ang isip ko

Kay Aivo ko lang isusuko ang Perlas ng Silanganan in the near future!

Shantine:

Hayup ka! Mag aral ka muna puro ka harot!

Fella:

Teka nga bakit ako na ang topic dito?

Ano na nga dzai?

Tinatanggap mo lang yung pagkain na binibigay ni Eneru pero hindi mo kinakausap yung tao

Shantine:

Naaawa ka? E di ikaw ang kumausap!

Fella:

Bat ako? Ikaw tong gustong kausapin!

Shantine:

Buwisit talaga ako sa gagong yon

Fella:

Almost one months na hindi ka pa rin nakaka-move on? Mapagtanim te?

Kala mo naman ikaw tong sinaktan hahahahaha

Shantine:

Pero sinaktan niya si Aina na kaibigan natin Lala

Alam natin pareho na sinaktan niya yung kaibigan natin

Umalis si Aina nang luhaan dahil sa gagong yon!

Fella:

Ang tanong, totoo kaya?

Shantine:

Anong totoo?

Fella:

Na sinadya siyang saktan ni Eneru

Nagtataka lang kasi ako

Hindi sa kinakampihan ko siya kaysa kay Aina ha? Kilalang kilala natin si Aina once na mainlove yan, kailangan mapasakanya yung lalake by hook or by crook todo bigay talaga kaya ang ending palaging tinetake for granted palaging umiiyak palaging nasasaktan

Immune na immune na tayo dyan tayo taga-comfort e

Pero ngayon ewan hindi naman kasi natin alam yung buong kuwento basta bago siya umalis, umiiyak siya at sinasabing mahal na mahal niya si Eneru pero sinaktan siya

Paanong sinaktan? In what way? Di naman nagkuwento kung sila ba o kung ano ang label nila

Nakakahiya naman tangungin si Eneru kung naging sila ba

Pero alam mo naman ako, likas sakin ang pagiging chismosa, kaya nasagap ko na sadyang mabait at friendly yang si Eneru

Friendly not flirty maraming babaeng kaibigan pero hindi naman playboy alam mo yon? Lapitin ng babae pero malambot ang puso sa mga babae

Hindi siya yung tipo na paaalisin yung mga babaeng lumalapit sa kanya kaya hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya may kulto pa nga diba? lol

Shantine:

Haba niyan ha

Pero kahit ano pang rason niya wala akong pakialam

Sinaktan pa rin ng gagong yon si Aina!

Fella:

Paano ka nakakasigurado?

Shantine:

Sabi mo hindi sa kinakampihan mo si Eneru pero mga sinasabi mo parang kinakampihan mo na nga siya

Fella kaibigan natin yung nasaktan at pinaiyak ng gagong yon sasabihin ba satin ni Aina na sinaktan siya kung hindi naman totoo?

Fella:

I swear wala akong kinakampihan gusto ko lang na pakinggan mo rin yung side ni Eneru para mas malinaw dahil hindi naman natin alam ang buong nangyari

Nagbase lang tayo sa sinabi ni Aina na hindi naman kumpleto

Isantabi mo muna yang inis mo at subukan mo siyang pakinggan nasayo naman na kung maniniwala ka sa sasabihin niya o hindi basta hayaan mo siyang magpaliwanag pag nadepress yon kasalanan mo pa

Shantine:

E di madepress siya! Nananakot pa!

Fella:

Hayaan mo siyang magpaliwanag Tine

Remember theres always a two side in every story

Just give him a chance

avataravatar
Next chapter