webnovel

Love Challenge

Part 3

....And Thanks to You, Gino!

Sinaing na tulingan na luto sa gata, inihaw na pusit, ginataang langkang gulay at pinaupong manok ang mga pagkaing nakahain sa mesa ng dumulog sila sa hapag-kainan. Idagdag pa ang minatamis na ube at leche-buco salad na panghimagas, sinong di gaganahang kumain. Forget the diet! 😂😂

Lola Andrea: malakas palang kumain itong si Jasmine. Pero di nananaba 'no?

Mildred: Naku, kaka, ngayon Lang yang ginanahang kumain. Sa manila ay puro salad at pasta ang kinakain nyan.

Lola Andrea: maigi pala at naisipan mong dito magbakasyon areng si Jas. Naku, mananaba ito rito.

Jasmine: Lola, wag nyo masyadong sarapan ang pagluluto at baka nga masira ang figure Ko.

Lola Andrea: Hindi Ako ang nagluto ng mga yan kundi itong si Sofia.

Jasmine: ( laking gulat ng bumaling sa pinsan) Talaga? You cook?

Sofia: ( nahihiyang Ngumiti) Katu-katulong Ko naman si manang ng i-prepare lahat yan.

Si Manang ay ang kasambahay nila sa resthouse at kasalukuyang nagsisilbi sa kanila ngayong nananghalian sila. Late lunch Na nga.😄

Jasmine: Kahit na. Ang galing pa rin! Ako nga, itlog lang, di ko pa mabuong lutuin. (Bahagyang natawa)

Sofia: Tinuruan kasi ako ni mama magluto nung nag-decide siya to work abroad. Para raw, di ako magutom at hindi yung laging si lola ang aabalahin ko.

Mildred: wow! Ang swerte naman sa yo ni Isabel. She must be proud of you!

May naulinigan ba siyang inggit sa boses ng mommy niya? Siguro! Kahit kelan naman, di naging proud sa kanya ang ina. Lahat ng gawin niya mali. Kaya nga siya pinatapon dito sa Batangas! Sawa Na siguro Itong alagaan siya.Sa isiping yun, may kirot siyang naramdaman. Parang gusto na naman niyang maiyak. But she won't allow herself to do that. Not in front of them. Tumayo siya para lisanin ang hapag kainan.

Mildred: where you going?

Jasmine: magpapahughog lang ng kinain. Maglalakad-lakad lang ako sa dalampasigan.

Sofia: gusto mo bang samahan kita?

Jasmine: No. I'll be fine.

Sofia: okay. Ingat ka lang at may mga ligaw na kahoy sa buhanginan, baka matisod ka.

Nginitian niya si Sofia. Mukhang magkakasundo nga yata silang magpinsan. Ramdam niya ang sinsiredad at concern nito sa kanya.

________________________

Hindi na masyadong masakit sa balat ang init ng araw kaya naaliw siyang mamulot ng mga bato at shells habang naglalakad.

Sa paglalakad niya, napansin niya ang isang bulto ng lalaking nakaupo sa may buhangin. May isinusulat Ito sa may buhangin gamit ang maliit na kawayang patpat na marahil napulot lang nito sa tabi. Ito yung binatang nakita niya kaninang bumaba sila ng bangka.

Dahan-dahan siyang lumapit sa binata. Buhat sa likuran nito, malinaw na nabasa niya ang isinulat nito sa buhangin.

"I HATE THIS WORLD!!!!"

"Uh-uh, so this guy hates the world? Hmm, intriguing. No, interesting!"

Jasmine: why do you hate the world?

Bahagyang nagulat ang nasabing lalaki sa paglitaw niya. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin at agad na binura ang nakasulat sa buhangin. Walang imik na tumayo Ito at iniwan siya!

"The nerve! Iniwan akong mag-isa!"

"Ang bastos, ha!"

Hinabol niya ang lalaki, Muntik pa siyang matisod sa kahoy na nakakalat sa buhangin!

"Damn you! I beginning to hate you!"

Jasmine: ( pumuwesto sa harapan ng lalaki) Tama bang walk-out-han mo Ko?

Hindi siya pinansin ng lalaki. Nilampasan siya nito at dire-diretsong naglakad. Sa inis niya, dumukot siya ng napulot na bato sa kanyang bulsa at binato niya ang lalaking isnabero! Tumama ang bato sa may balikat nito na nakapagpahinto sa paglalakad ng lalaki. Galit na nilingon siya nito. Humakbang palapit sa kanya si Jasmine.

Jasmine: so you hate the world! Fine! But I want world peace! So peace tayo, puwede? ( pakenkoy niyang sabi At nag-peace sign siya! Hahaha)

Guy: don't you know the word "Alone"?

Jasmine: Siyempre alam. Mukha ba akong tanga?

Guy: then will you please leave me alone!? (Diniinan ang salitang alone)

Jasmine: grabe ka! Nakikipagkaibigan lang naman ako. Ba't ba ang sungit mo?

Hindi siya sinagot ng lalaki. Sa halip, nagsimula na naman Itong maglakad. At siyang gaga at baliw, nagsimula na namang sundan ang lalaki.

Jasmine: I get it! Nagpapahabol Ka! Naks, playing hard to get ang peg! (Bahagya pang kinurot Sa tagiliran ng bewang ang lalaki. Feeling close! Hahaha)

Guy: excuse me...

Jasmine: uh-uh, magsusungit ka na naman. Akala ko ba friendly mga Batanguenos? Bakit snob Ka? (Nakalabi niyang tanong)

Guy: look, Hindi ko alam bakit mo ako kinakausap? I don't know you.

Jasmine: so you don't talk to strangers? Strict parents mo? (Natawa siya sa sariling biro pero di natawa ang lalaki Kaya nag-peace sign ulit siya) uh-uh,naniningkit na naman mga mata mo. Para nakikipagkaibigan lang eh.

Guy: marami na kong kaibigan. I don't need another one!

Jasmine: Wow! Ang snob mo naman! Di Ka ba nagagandahan sa akin? (At nagsimula siyang mag-beautiful eyes! Hahaha)

Guy: your sick! (Sabay talikod! At nagsimula na namang maglakad palayo Sa kanya)

This time, di na siya sinundan ni Jasmine. Pero may isinigaw siya rito.

Jasmine: You're cute! I think I like you! Kita tayo dito bukas, ha!

Hindi siya nilingon ng lalaki pero sigurado siya na narinig nito ang isinigaw niya! Hahaha

Nakakatuwa itong lalaking Ito, parang ang bigat ng problema. Mas mabigat pa yata sa problema niya! Ang sungit eh! Pero ang cute talaga!hahaha

" Nakaka-challenge Ka, pogi!"

"Humanda Ka, liligawan kita!"😂😂😂

"At titiyakin Kong magiging tayo bago matapos ang bakasyon Ko!"

"Then, what's next?!"

"Siyempre, break-up na ang kasunod! Hahaha. Hindi Ko naman siya talaga type! Ginu-good time ko Lang ang kulukoy Na yun!"

"Miserable ang buhay Ko. Mukhang miserable rin siya. Good match! Misery loves company👊👊😂😂"

Abangan...

Happy Reading

God bless

Next chapter