3 CHAPTER 2

~♕~♔~♕~♔~♕~♔~♕~♔~

KASALUKUYAN na nagseserve ng alak si Hazel sa isang costumer. Hindi pa din mawala sa isipan nya ang nangyari kaninang hapon sa bodega.

Salubong ang kilay na binigay nya ang alak sa isang lalaking costumer. Ano ba ang ginawa nya sa mga ito? Wala naman.

"Hey, miss. Wanna sit with me?"amoy alak na sabi ng lalaki

Hindi nya na lang ito pinansin. Kahit na mahirap lang si Hazel hindi maipagkakaila na lapitin sya ng mga lalaki.

Isa ito sa mga dahilan kaya sya nagpapangap at nagbibihis ng pang manang para lubayan sya ng mga ito. Bata pa lang ay napupuri na si Hazel na lalaki syang isang napakagandang dalaga.

She has a very flawless pale white skin, beautiful seductive pink lips. Oh and her amazing beautiful hazel eyes and her nose is straight and pointed.

Sino nga ba ang mag aakala na ganito ang kakahintungan nya ngayon?

Manang sya kung manamit at nakakadagdag pa ang napakalaking nyang black eyeglasses na halos takpan ang maliit at napakaganda nyang mukha.

Pilit nyang tinatago ang kagandahan na meron sya para lubayan sya ng mga tao. Mas gusto nya na lang ang maging mapag isa. Bumalik naman sa isipan nya ang nangyari kanina.

Siguradong magsusumbong ang mga hinayupak na yon at worst ay baka maexpelled pa sya.

Hindi pwede, kailangan nya ang paaralan na yon ng makahanap sya ng desenteng trabaho sa hinaharap.

Mahirap na. Hindi naman siguro babalewalain ng principal ang pangako nya diba? Nagkasundo sila. Kung hindi man susundin ng principal ang kasunduan nila ay ipopost nya sa media ang mga litrato na nakuha nya sa bar.

Natapos ang trabaho nya ay umuwi na si Hazel sa mumunti nyang bahay. Agad na pumunta sya sa pinakamalapit na tindahan at bumili ng makakain.

Pagkatapos nyang mananghalian ay agad na syang nagpalit ng kanyang pantulog.

Kailangan nya na pumasok ng maaga bukas. May pasok pa sya at unang subject pa lang ay may quiz na sila. Tinulog nya na lang ang mga problema nya sa buhay.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KINAUMAGAHAN mabilis na naligo si Hazel at naglakad patungo sa school. Hindi naman sya kinakabahan o naeexcite.

Walang emosyon na pumasok sya sa academy at diretsong pumunta sa room nila.

Naririnig nya pa ang mga bulungan ng mga schoolmates nya. Hindi nya mawari kung bakit hangang ngayon ay pinaguusapan pa din sya. Mga tao talaga, walang magawa sa buhay kung hindi ang mangalap ng tsismis.

Nakinig na lang sya sa tinuturo ng teacher nya. Bakit ba kasi ganito ang buhay nya? Nakakasawa na. Hindi naman nya hiniling ang ganitong buhay. Gusto nya ang normal at maayos na buhay.

LUNCH BREAK

Pagkatapos ng klase dumeretso sya sa library. Hindi nya gusto ang kumakain sa cafeteria nila. Masyadong madaming tao, nakakasawa na din ang bulungan ng mga schoolmates nya.

Papasok na sana sya sa library ng pigilan sya ng secretary ng principal. It's Miss Ann the big fat secretary.

"Ms. Smith? The principal is looking for you." sabi ni Miss Ann habang inaayos ang salamin at naglalakad papunta sa direksyon nya.

"Yeah? Why?" walang emosyon na sabi ni Hazel

"I don't know, I think he's mad about something."

"Tss. San?" hazel boredly said

"Come with me." sabi ni Miss Ann tumalikod ito sa kanya at nag simula ng maglakad. Sumunod naman sya dito at walang ganang naglakad papunta ng office.

Nang makarating sila sa office ay agad syang iniwan ni Miss Ann may gagawin pa daw itong importante.

Pinihit nya ang pintuan at pagpasok nya sa office, nakita nya ang mga magulang nila Marga na galit na nakikipag usap sa principal.

"Mommy! S-She's here! Sya yung sumipa sakin!" naiiyak na sabi ni Jersey habang nakayakap sa ina nya na ngayon ay masama ang tingin sa kanya

"You! Ano ang ginawa mo sa anak ko!? She's been crying for hours and her tummy still hurts!" anang nanay nya at sumugod sa kanya at sinampal sya ng malakas sa pisngi.

Napangisi si Hazel, tinignan nya lang ang nanay ni Jersey sa mata at walang emosyon na makikita sa mukha.

"Ha! At may gana ka pang ngumisi at timingin sa amin ng ganyan! Wala kang modong bata!" sabi ng isa pang magulang na sa tantya nya ay businessman dahil naka pang businessman attire pa ito at mukhang galing lang sa trabaho

"Sino ba ang mga magulang nitong batang ito Mr. Tong!? Tignan mo ang mukha ng anak ko! Puno ng pasa ang mukha at halos mamaga na ang kaliwang mata!" sabi ng isang matandang babae katabi nito si Marga na nakatingin din sa kanya ng masama

"Maayos naman ang anak ko pero kanina pa iyak ng iyak! Mukhang na trauma dahil sa nangyaring pambubugbog sa mga kaibigan nya!" sigaw naman ng isang babae mukhang ito ang ina na isa sa mga kasama nila Marga kahapon

Trauma? Tss. Wala naman masyadong nangyaring masama kahapon diba?

"Enough! Calm down everyone. Hindi natin maayos ang problemang ito kung magsisigawan lang kayo! Please be sitted Ms. Smith." pakiusap ng principal at tumingin sa kanya ng nagsusumamo.

Agad naman na umupo si Hazel sa bandang kanan. Nasa kaliwa naman sila Marga at ang mga magulang nila. Napatingin naman sya ulit kay Mr. Tong ng tumikhim ito at tinanong sya.

"So Ms. Smith, why did you do this to your own school mates?" seryosong tanong sa kanya ng principal.

Tsk. Feeling professional? Kung alam lang ng mga ito ang ginagawa ng principal sa bar na yon ay baka pati sila ay mandiri dito.

"You want me to tell the truth?"nakangising sabi nya habang nakatingin sa principal.

Nakita nyang nanlamig ito at pinagpawisan ganun din si Marga na lalong sumama ang tingin kanya.

"Tell us the truth then! Why did you do this to our children?"sigaw ng mommy ni Jersey

"M-Mama, umalis na tayo p-please?" pagmamakaawa ni Marga sa kanyang ina at aligagang hinahatak ang ina palabas ng office.

"Where are you going Marga? Ayaw mo bang malaman ang katotohanan?" sabi ni Hazel

"What truth Ms. Smith? What are you saying!?" naguguluhang sabi ng ama na isa sa mga kasama ni Marga

"Why don't you ask Mr. Tong, maybe he knows the truth." Hazel said

"M-Ms. Smith, Y-You c-can't do this." natatarantang napatayo ang principal habang nakatingin sa kanya.

"Bakit natatakot kana ba?" nakangising sabi nya

"You promised me! You can't tell them!!" sigaw ng principal sa kanya

"What promise? Tell us the truth now!"naguguluhang sigaw ng mga magulang nila Marga.

Humarap sya sa parents nila Marga at walang ganang nagsalita.

"I just want to do it, trip ko lang silang bugbugin." sabi ni Hazel

Wala naman tagala syang balak na sabihin sa mga ito ang baho ng principal nila. They promise to each other at hindi nya babawiin ang pangako na yon unless hindi tutuparin ng principal ang pangako nya.

Naguguluhang naman na tumingin sa kanya si Marga ganun din ang kanilang principal.

"What!? Trip trip mo lang!? Walang hiya kang bata ka!" sigaw ng ina na kasama ni Marga sasampalin sana ulit nya ito ng pigilan lang sya ng asawa

"Tss. Hindi ko naman kasalanan lahat, inabangan nila ako sa room at dinala sa bodega. They kicked and slapped me many times. Sisipain sana ako ni Jersey ng masanga ko ang paa nya at ibinalibag ko sya." walang emosyon na nakatingin si Hazel sa kanila.

Wala naman talaga syang balak magsalita, pero kailangan. Gusto nya pang mag stay sa Academy kahit mala impyerno ang buhay nya dito.

"And what!? Gumanti ka naman!?" sigaw ng magulang ni Jersey

"It's called self defense."

"Ano? Self defense?!" galit na sigaw ng ina ni Marga

"Yeah, eexplain ko pa ba?"bored na sabi ni Hazel

"It's not! Halos hindi ko makilala ang mukha ng anak ko dahil sa pambubugbog mo!" sigaw ulit ng ina ni Marga. Amoy sigarilyo pa ang bunganga nito.

Tumingin naman ang mommy ng isa sa mga kasama nila Marga at sinabi sa principal ang pinaka kinaiinisan nyang mangyari.

"Mr Tong! Ayaw ko ng makita ang batang ito sa paaralan na pinapasukan ng anak ko!"

"Right! Hindi bagay ang mga katulad nya na nag-aaral sa school na ito! Hindi ako nag babayad sa school na ito para ipabugbog ang anak ko." Pagsang ayon naman ng ina ni Jersey.

Tumingin naman sa kanya ang nanay ni Marga at sinigawan sya

"Mana ka siguro sa nanay mo ano?! Walang modo!"sigaw nito sa kanya.

"Wala kang karapatan na isama ang ina ko dito. Hindi mo sya kilala." inis na sabi nya sa matandang babae

"Wala ka talagang modo! Sino ba ang nagpalaki sayo at hindi ka tinuruan ng maayos?! Bastos kang bata ka!" galit na sigaw ng ina ni Jersey

"Isa pang beses na bangitin nyo ang pamilya ko, hindi ako magdadalawang beses na gawin ulit yon sa mga anak nyo." malamig na sabi nya

"Galangin nyo ang office ko!" singit naman ng principal.

"You have no respect! Mr. Tong, gusto ko bukas na bukas ay wala na ang landas ng batang yan sa school na ito. Kung hindi ikaw ang papaalisin namin dito naiintindihan mo ba?!" sigaw ng isa sa mga magulang nila Marga at isa isang umalis.

Napabuntong hininga naman ang principal at umupo sa kanyang swivel chair.

"I kept my promise, Mr. Tong. What now?"sabi nya

"Bukas ay malalaman mo ang sagot ko Ms. Smith. Maaring makarating ito sa itaas dahil makapangyarihan ang mga kaibigan ni Marga na syang binanga mo." naguguluhang sabi ni Mr. Tong

"Gawin mo lahat ng kaya mo Mr. Tong kung hindi ikaw ang babalatan ko."inis na sabi ni Hazel at lumabas ng office

HAZEL'S POV

That shitty old man.

He f*cking promised me.

Subukan nya lang, kung hindi ay ikakalat ko itong pictures na hawak ko sa lahat ng media na alam ko. Bakit ba ang malas ko sa buhay.

Pagkatapos ng nangyari sa office ay agad na akong dumiretso sa Alibi Bar. Inalis ko na lang sa isipan ko ang nangyari kanina, baka mapunta pa ang galit ko sa mga costumer.

Babalik na sana ako sa counter ng bar para maghingi ng Martini cocktail para sa isang costumer na babae ng makita ko si Marga na nakakandong sa isang lalaki. He's probably in his early forties.

Tss. Mukhang may bago na naman itong mabibiktima.

Hindi sya kilala ni Marga kapag nasa bar sila. I doesn't wear thick glasses instead i was wearing a apron dress. Yon kasi ang uniform ng bar para sa mga waitress . Hindi na rin ako nag abalang pang mag lagay ng make up.

Syempre bar ang pinasukan kong trabaho, hindi naman pwedeng mag suot ng makakapal at mahahabang damit.

Nang mag sara ang bar,agad na akong nagpalit ng damit at nag taxi pauwi. Hindi naman ako pwedeng mag lakad mahirap na. Nakarating ako sa bahay ng pagod na pagod agad akong humiga.

Eto lang ang iniwan sa akin ni lola, ang bahay kung saan ako lumaki.

Ang dingding ay gawa sa semento kasama na ang bubong na butas butas na. Maswerte na lang at hindi ako nababasa tuwing umuulan.

Nakakain na din naman ako kanina bago pumasok ng bar.

Kailangan ko ng matulog. Mukhang dapat ko ng asahan ang mangyayari sa akin bukas.

It will be such a long day.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Hola, if you liked this chapter please consider voting.

Thank you for reading.

avataravatar
Next chapter