webnovel

CHAPTER 1

~♕~♔~♕~♔~♕~♔~♕~♔~ Agad na natapos ang klase. Lunch na. Hindi na ako lumabas ng room dahil hindi naman na ako kakain. May pera pa naman ako, pero para yon sa mga expenses ko sa bahay.

Kinuha ko na lang ang libro ko sa bag at nagbasa. Hihintayin ko na lang na magring ang bell pagkatapos non ay klase na ulit.

Nakakain na din naman ako ng almusal kanina. Kailangan ko din namang magtipid.

Hindi ko alam kung sino ang nakakita sa amin ng principal ng oras na yon, baka may sumilip sa bintana ng naguusap kami ng principal. I don't f*cking care anyway. Bahala sila sa buhay nila.

Lumipas ang isang oras at tumunog na ang bell at isa-isa ng pumasok ang mga studyante sa kani kanilang mga classroom. Kailangan ko pang magstay sa Arnel Academy at makatapos.

Pinaghirapan ko at ng lola ko na makapasok sa school na ito. Naalala ko tuloy ang pag utang ng lola ko noon at ang pag gising nito sa akin ng maaga para ipaghanda ang magiging hapunan ko.

Napakaswerte ko sa matandang yon subalit namatay ito noong fifteen years old pa lang ako. Halos hindi ko pa mabuhay ang sarili ko noon lalo na ng mawala si lola, pero nasanay naman akong mag isa.

Kaya naghanap agad ako ng trabaho at sa edad na labing lima, nakapag trabaho na ako sa Alibi Bar. Kung hindi sa bar na yon ay baka inaagnas na ako ngayon.

Matatapos na sana ang araw ko ng pigilan ako ng mga alipores ni Megan sa labas ng classroom. Walang dudang hinihintay akong makalabas. Wala naman akong magagawa, mukhang sinabi ng hukluban na principal na yon ang pag b-blackmail ko noong nakaraan.

"Hinihintay ka ni Megan sa bodega." sabi ng isa sa mga alipores ni Megan

"I don't want to, may gagawin pa ako." inip na sabi ko

"Pwede ba? Sumama ka na lang, aarte kapa." ani Jersey, isa sa mga alipores ni Marga.

"No, hindi mo ba ako narinig? Ayaw kong sumama." Inis ding tugon ko

Sa inis ng mga alipores ni Marga, hindi na nag dalawang isip pa ang dalawa. Mahigpit nila akong hinawakan sa braso ay sapilitang dinala sa bodega.

"Get off your dirty hands on me, ano ba ang gusto nyo sakin?" Badtrip na badtrip na ako. Ano ba ang gusto ng mga clown na ito sakin? Bat di na lang sila pumunta sa circus at mag perform? Aabalahin pa ako.

"Nothing actually pero kay Marga meron." nakangising sabi ni Jersey

Hindi na ako makawala sa pagkakahawak nila sa braso ko. Ang higpit pa naman ng pagkakahawak nila at mas lalo nilang dinidiinan ang mga kuko nila sa akin. Dinala nila ako sa likod ng faculty room kung saan naka pwesto ang bodega, halos hindi na din ito nagagamit.

Ginawan na lang itong lalagyan ng mga sirang gamit at upuan. Nang buksan nila ang pinto sa loob agad kong nakita si Marga na nakaupo sa isa mga silya.

"What do you want, Marga?" inis na sabi ko, kailangan ko pang makarating sa bar bago mag alas diyes.

Isa pa naman sa pinakaiinisan ng boss ko ay ang palaging nalalate at hindi pa ako nalalate. At ayaw kong malate.

"Well, well, well. The slutty b*tch is here."bungad sakin ni Marga

"Tsk. Are you referring to yourself?" pangiinis na sabi ko, ayaw pa rin bitawan ng mga alipores ni marga ang braso ko. Tsk. Kung hindi lang nga nakahawak ang mga ito sa akin ay madali ko na silang pinagsisipa at pinagsusuntok.

Laking kalye ako kaya kayang kaya ko ang makipagbasag ulo. Hindi ko naman sila aatrasan.

"You slut! How dare you to talk to me like that? Anong karapatan mong iblackmail ang principal huh!?" galit na sigaw ni Marga

"Bakit? Natatakot kaba? Totoo naman ang nakita at sinabi ko sa matandang yon." I replied.

"Wala kang karapatan! Pwedeng-pwede kang maexpelled sa academy sa mga pinagsasabi mo sa principal." Nagngangalit na sigaw nito sa kanya

"So?As if I f*cking care. Do whatever you want to do Marga. Hindi ako natatakot sayo."

Naiinip na ako. Kelan ba titigil sa kakadaldak ang babaeng to?

"You! T-Tumigil kana sa mga balak mo, kung ayaw mong masampal sa akin!"pananakot nito

"Bakit? Natatakot ka ba? You should be, masisira ang reputasyon nyong dalawa pag nalaman ito ng publiko." pangiinis ko pa

3RD PERSON POINT OF VIEW

Biglang hinawakan ni Marga ang buhok ni Hazel ng mahigpit, napadaing sya ng mahina sa sakit. Kapag ako nakawala dito sisiguraduhin kong babawi ako sa sabunot mo sa akin.

"Hindi ako natatakot! You're so pathetic! Watch me b*tch tignan mo ang magagawa ko sayo!" nang gigigil na sigaw ni Marga.

Hinawakan ng mga kasama ni Marga ng mahigpit ang braso nya at mas lalong diniinan ang kanilang mga kuko sa kanyang braso at sapilitan syang pinaluhod.

Pinagsasampal nang mga ito ang magkabila nyang pisngi na ngayon ay sobrang pula na sa kasasampal nila. Kinurot at pinagsisipa sya ng mga ito at halos mamilipit na sya sa sakit.

No way, hindi dapat sya madala sa mga sipa at sampal ng mga bruhang ito sa kanya. Hindi sya pinalaki ng kanyang lola na maging api.

Sinabi sa kaya ng lola nya na wag magpapaapi sa kahit na sino man, lalo na kung alam nyang nasa tama ang kanyang ginagawa ay hindi sya dapat na matakot.

Pilit kumawala si Hazel sa pagkakahawak sa kanya at ng mabitawan sya ng mga ito ay mabilis syang tumayo at nangiinis na tumingin sya kila Marga.

"Yan lang ba ang kaya nyong gawin? So weak, para lang kayong mga pusa."

"Seriously? 1 vs 3? Tss." dagdag pa nya

"Ha! Are you trying us? Here I come, you b*tch!" nangagalit na sigaw ni Jersey.

Sisipain sana ni Jersey ang tyan nya ng mabilis nya itong nasanga gamit ang kanan nyang kamay.

She expertly threw Jersey on the floor. Nakita nya ang pagkagulat sa mukha ni Marga at ang ang kasama pa nito. Mabilis naman na nilapitan ng kasama ni Marga si Jersey na ngayon ay nakahiga sa sahig at nawalan ng malay.

"Oh my god! Jersey wake up! wake up!" natatarantang sabi nito

"Anong g-ginawa mo kay Jersey!? We will report you to the Principal!" maarteng sigaw ni Marga sa kanya.

"Tsk. It's called self defense, kung hindi mo alam." walang emosyon na sabi ni Hazel

"W-What? Ofcourse alam k-ko ang ibig sabihin non! What do you think of me? Stupid!?"galit na sigaw ni Marga. Halos umusok na ang tenga at ilong nito sa galit kay Hazel.

"Bakit hindi ba? Nagtatanong kapa kung alam mo naman. Yeah, right. you're stupid."mas lalong nainis si Marga sa mga sagot ni Hazel

"Argh! You annoys me so much!! You whore!"Marga angrily said

Padabog na kumaripas ng takbo si Marga papunta sa kanya at mabilis syang sinabutan. Ang sakit ng pagkakasabunot sa kanya at pakiramdam nya ay maalisan sya ng anit. She quickly remove Marga's hand and punch her in the face.

"Ouch! My face! Y-You!" akmang susuntukin nya sana si Hazel sa mukha pero agad nya din itong napigilan at sinuntok ulit si Marga sa mukha. Sinipa nya ito sa tyan, napadaing naman ito sa lakas ng sipa niya.

"S-Stop! It hurts, s-stop."naiiyak na sabi ni Marga sa paos na boses.

"My ghad! M-Marga girl, are you okay?" nag aalalang tanong ng kasama ni marga.

"Do I look like I'm okay!? My face! Look at my face! It's so panget na huhuhu." maarteng sabi ni marga.

"You deserve that. Tatlo na nga kayo hindi nyo pa din ako matalo? B*tches." hazel coldly said

"You! K-Kasalanan mo ito! I will sue you!"sigaw ng kasama ni marga na hindi nya alam ang pangalan.

"Come on, try me then." walang emosyon na sabi nya

"Makakarating ito sa principal! Hindi papalagpasin ng mga magulang ko ang ginawa mo sa amin!" sigaw ng babae sa kanya

"Excuse me? Do I even know you? So shut the hell up."she rudely said

"R-Rott in hell! Ipapakulong k-kita! Uubusin ko ang pera ko mawala lang ang landas mo sa school na ito!"sabat naman ni Jersey na kagigising lang, nakatulog kasi ito kanina ng ibalibag sya ni Hazel.

"Do whatever you want to do. Wala akong pakielam."

"You'll see! Ipapakulong kita!"

"You know what? Zombie eat brains. You three are safe." walang emosyon na sabi ni Hazel at lumabas ng bodega at iniwan ang tatlo na nakanganga at hindi makapaniwala na natalo sila ng isang Hazel Smith.

Bahala na sila sa buhay nila.

I have better shit to worry about.

~♕~♔~♕~♔~♕~♔~♕~♔~

Hola, if you liked this chapter please consider voting.

Thank you for reading.

Next chapter